Saturday, June 30, 2007

Transporma

nabuo ang entry na iteklavu habang super watch si atashi ng transpormers. dahil kung yung iba e havs ng photografik o photogenik memori, ang lola mo e havs naman ng typografik memori. nagaganap pa lang, tinatayp ko na. at dahil typografik memori itu, maraming typo.

eh havs akeiwa ng unresolved isyu sa mga transpormers na yan. dalaginding akiz nung sabihin sa tv na yung unang 100 na manonood ng "family tree" nina nestor devilla (ata, di ko maalala yung cast, basta yung may flying volkswagen. PENDONG!) e bibigyan DAW ng laruang transpormers. pumila kami forever en ever, nakipagsisikan tsaka nakipag-gitgitan pero wa kami nakuha. na-isnatchan pa ng kwintas si maderaka. pag-juwetiks namin e pinalo akiz ng todo, gamit yung spartan sandals hehehe di naglaon, na-discovery channel ng mudra en child na yung pinamudmod na laruang transpormers eh yung mga pan-tanching lang na naba-bayla sa mga suking palengkihan. kainis.

eh lahat naman kasi ng may childhood, kahit yung mga pilit pinaboborlogs sa tanghali para daw tumangkad, e kilala yang transpormers. aketch, noonchiwa ko pa inaabangan iteklavu. as in noong sikat pa yung bagetz at buhay na buhay pa si miguel rodriguez. say ko say ko wallet, kung natransporm nga nila si kuya dick into a petrang kabayo e malamang magagawa nilang tao yung mga CARiret tsaka trak-trakan. yang pangarap na yan e ka-level ng sana maging jolikula rin sina she-ra, captain planet, dino-riders, voltron, tigersharks, thundercats, sailormoon tsaka yung mga pakikipagsapalaran ni combatron tuwing biyernes sa funny komiks.

linilinaw ko lang. hindi itu rebyu. malay ko ba naman sa mga rebyu-rebyu na yan. gaya nung sa ilaw, wa ko paki sa ilaw. basta hindi madilim, hindi rin nakakabulag yung liwanag. basta nakikita ko ng malinaw yung bida, OK na yon.. yung sounds. basta hindi mahina at naririnig ko sila, pwede na. yung set. basta mukhang hindi ni-drawing sa illustration board e keri na siguro yon nyahahaha alang kwenta ampotah!!!

basta bida diyan sa transpormers sina john voight na pudang ni tomb raider, tsaka yung bagetz sa even stevens na si shia labeouf na buti na lang e naka-cut en paste sa interdotnet ang name-sung kasi anhirap nang ispellengin, anhirap pang i-fronounce. ano ba talaga, koyah?? shia laboof o leboof o labuff o labeef. makarne itu. KEMBOT!!! bet ko yung la-buff kahit fayatolah khoumeni yung bagetz.

eh disaster muvi ang pormula ng transpormers. disaster muvi na ka-level ng deep impak, armaggedon, da day apter tomorrow tsaka yung mga pelikula nung presidential sons na sina jinggoy tsaka mikee arroyo. disaster talaga.

disaster kasi pagkashopos ng jolikula lahat sira-sira na. oo, kurek. sa gitna ng warlahan sa transpormers e wala kang ibang masa-sight kundi lumilipad na yero, dingding, poste tsaka kahit kotse na tipikal satin tuwing may bagyo.

eniwei gokongwei, mabalik tayo. simple lang yung kwento ng transpormers. en im sure, kahit wa ko ispoil tsaka ispluk yung mga detalye, e mage-getching mo yung mga eksena, pati drama ng mga CARi-karu. bago pa ending, knows mo na agad kung sineklavu yung winnona. ang tanong na lang e pano.

ganito kasi yon, yung autobots tsaka decepticons e may hinahanap na malaking cube. parang dakekang na itim na rubix cube. pwede ring gigantic na bulok na knorr chicken cubes (pwede ring beef o kaya pork o kaya shrimp). ewan ko, DEADMALAYSIA!!!

eh nag-message nga sa prenster ko yung direktor nila na si michael bay. sabi niya, sa director's cut daw na ilalabas sa dvd and casettes (oo, ibabalik nila yung casette), e isasali nila yung mga naligwak na eksena ni tita maggi na bukod sa autobots tsaka decepticons e nagka-interes din dun sa cube. gusto ko na rin tuloy ng cube.

sabi pa nung direktor na sa part 2 (ipupusta ko blush on ko, may part 2 itu) e sa pinas na siya gagawin. pupuntiryahin daw kasi ni megatron yung mga kolorum na fx tsaka taxi tsaka jeepelya para gawing sundalo. at mas malaki daw yung disaster balyu dito kasi masisikip yung kalsada, tapos ika-cast sina jinggoy tsaka mikee para disaster na talaga.

eh siyempre naman hindi pahuhuli yung mga autobots na may mga underchasis agents sa pinas. mga pinoy autobots o mga OTO-BOTS, na tanging chapter ng mga robot na mahilig mag-siesta, sumagot ng "ok lang" sa lahat ng klaseng tanong para hindi maka-offend tsaka yung tawag nila sa kapwa oto-bots e pre o kaya dre o kaya tol o kaya dude kung pasosyal o kaya basta pssssst lang.

pinamumunuan ang oto-bots ng lider nilang tamaraw fx na nagta-transporm sa diplamatikong robot na si Prangkisa Prime. kung si optimus e havs ng linyang, "autobots, roll!!!" o kung anufaflung katunog niyan, tong si Prangkisa Prime e hindi rin patatalo. may catchphrase din yan. ispluk ni Prangkisa, "oho, bente ho, malayo malapit. oo nga ho, 20 nga ho. eh di sa iba na lang kayo sumakay. kahit sa iba din naman ganon talaga ..." panalo sa diplomasya and lider davah???

kasama niya yung sarao na jeep na nagta-transporm sa isang jologitong robot na si Patok na nagpapatugtog ng pagkalakas-lakas at dumadagundong na tagalog rap. tsaka mabilis itu tumakbo, bumabangking pa. havs pa nga ng mga estudiyanteng may i sabit sa jolikuran niya.

yung scooter/motor bike na nata-transporm sa isang makulit, maliit at mahilig sumingit na robot na si Smuggler (kasi na-smuggle lang siya) na anhilig-hilig maglululusot e pag nabangga mo naman, kahit kasalanan niya, ikaw pa sisisihin.

si Toda-plex naman yung makatagtag matres na miyembro ng otobots na nagiging tricycle na pagkahirap-hirap hagilapin kasi madalas asa pila ng todahan para makaboundary.

eh yung taxi na nagiging si Dimetrobot na yung tanging linya e "baka pwedeng dagdagan niyo naman, mahal na gasolina ngayon" e medyo choozy yan. AZZ IN, choozy fruit gum. pag malayo yung lokasyon nung misyon nila e hihirit yan ng, "hehehe sa iba na lang, Prangkisa, pagarahe na kasi ako e."

yung tren na si LRTron na nagta-transporm at nagkocombine-combine para bumuo ng mas malaki, mas mabilis, mas powerful at mas mahabang tren. ganon din, humaba lang. alang kwentang power wahehehe ...

at yung kambal na bus na nagiging sina Ismael (bus line) tsaka si BLTB na laging cause op delay at trapik tuwing sumusugod ang kalaban kasi kelangan mapuno bago tumakbo. at panalo sa stop-over itu. malulula ka talaga sa takbo-break-takbo-break-takbo-break ... nalulula ako. partida, tina-type ko lang yan.

haaaay ... ansaya davah?? eh nag-message naman sa multiply ko si james cameron, kesyo gagawin niyang robot yung titanic niya pero lulubog pa rin sa ending hehehehe sabi ko na lang, wateber james!!! TARUZH!!! transpormers pa din ako.

eh kung hindi mo pa napapanood yung transpormers e manuod ka na. NOW NA, GO!!! kung ayaw mo naman, sasabihin ko na lang yung ending ... kung sineklavu yung tunay na nag-win.

akswali, WALA!!! walang nag-win. pano ba naman? yung mga autobots tsaka decepticons eh na-impound lahat kasi na-forget magpa-rehistro sa LTO hehehe amf imbento!!! panoorin niyo na lang kasi ...

sabi sayo eh, hindi to rebyu. nanggu-gudtaym lang ako.

Thursday, June 28, 2007

Sending File

maybe you dont believe
its for real unless somebody
plays hard to get.
-- sex and the city

bakit walang jowa si kuya?

... EXHIBIT A

samson: pag nagyayaya kasi ako hindi ka naman pumupunta ...

fact. si samson e bagetz. at cute. cuteee na bagetz. hindi siya nangangarir. wish ko lang.

wanda: parang naiilang kasi ako dun sa idea.

samson: ng date?

fact. nag-iinarte na naman ang vahklush. taga mo sa bato sa pantog ni darna at zsa zsa zaturnnah.

samson: sige, lets not call it a date na lang. manonood lang tayo ng sine. yon.

fact. amazing aloha ang kuya sa bagetz gawa nung mga konsepto niya sa buhay na hindi makasarili ... pero ang vehykla, nag-iinarte.

wanda: uhm ...

samson: may ise-send ako sayo. accept mo.

wanda: baka virus yan ha!?!?!?

sending file. SENT!

wanda: ano to?

fact. super send ng flash animation ng nyongalan ni atashi ang boylet. wa ko knows kung pano gumawa nitech pero dama ko mahirap. may effort e.

samson: hindi, basic pa nga lang yan.

fact. FAYN!!!

samson: may ise-send ako uli.

sending file. SENT!

wanda: ano to? (napaka-inggrata ko non, naisip ko lang)

fact. yun uli pero gumagalaw-galaw na yung nyongalan ni atashi. kakatuwa.

samson: punta ka ha, para ma-meet mo rin friends ko ...

wanda: errr ... hindi ko lang ka-sure. text na lang kita, ha?

samson: ayt.

fact. pagka-shopos non, bihira na siya magtext o mag-aya. tapos radio silence na itu. yan napapala ng mga INGGRATANG BAKLA!!! inggrata na, assuming pa!!! nyahahahaha ... ay shet, ako pala yon. bat ba binabasag ko sarili ko???

... EXHIBIT B

echobravo30: wanna meet?

fact. si echo e may picture na puro katawan, walang ulo. katakot, noh??

echobravo30: wanna see my face pic? send ko sayo ...

fact. ayun naman pala e. meron naman.

echobravo30: if you want, meet tayo halfway. tapos check-in tayo. treat ko.

fact. taga-makati si echobravo30 pero willing mag-effort para sa jerjer. karir!

wanda: (pa-shweeet) ano namang gagawin natin?

fact. nagpapa-cute si baklaaaaaaah!!!

echobravo30: sex. fuck kita.

fact. prangka siya, in fuhrnezz. yung tipo ng prangkang nakakakaba tsaka nakakapag-papawis ng kasu-kasuan nyahahahaha ...

wanda: ayoko. sakit yun eh. (AY! PASHWEEET TALAGA!!!)

echobravo30: gusto mo makita dick pic ko?

wanda: meron?

sending file. SENT!

sending file. SENT!

sending file. SENT!

fact. wirishima typo iteklavu. may i send talaga ang lulur ng shotlong fiture ng nutrellya mae sa lahat ng posibleng angulo.

frida: HALA! titi ba yan?

roxy: titi ng tao yan? anlaki! anlaki-laki!

fact. kahit bisi-bisihan, basta nota napapalingon yang mga yan.

wanda: anlaki. parang virgin ako uli diyan.

echobravo30: malambot pa nga yan eh ...

frida: PUNYETA!!! sa lagay na yan?

roxy: ispluk mo, kuya, hindi titi yan. mukhang braso e. mukhang braso talaga.

echobravo30: eh ill be gentle naman.

fact. may ganon talaga???? kesehodang gentle siya e sing lapad ata ng coleman yung nutring ng duduki. KA-KA-LO-KAH!!!

wanda: eh ayoko na lang pala ...

echobravo30: sige, kahit walang fuck. subo mo na lang.

frida: kuya, GO! bihira lang yan.

roxy: kung ayaw mo, amin na lang. di pa ko nakakatikim ng braso. o coleman.

fact. atribida talagang mga hitad to. makikihati na nakikibasa pa ng mensahe.

wanda: anlaki e. baka hindi rin kita ma-satisfy.

fact. nagpapapilit!!! ang vehkshop, nagpapapilit!!! kukurutin kita sa singit, makita mo!!!

frida: weh ano ngayon, kuya? basta natikman mo na! keri na yon.

echobravo30: ayos lang. eh di kiss na lang tayo.

roxy: ay kinabog yung mga tiangge sa dibisorya sa tawaran powers neto.

wanda: saglit lang, waiting akeiwa alukin ng kasal.

echobravo30: so shall we?

fact. YEZterday lang sagot ng lola mo. pokpok noh??? but wait, ders more. hiningi niya number ko. nagbigay ako ng iba.

frida: ganda mo, bakla. tumatanggi ka talaga. ang ganda mo. akin na nga fez mo, maglilinis ako ng banyo.

... EXHIBIT C

hus.ur.dadi: gusto ko tawag mo sakin "dadi." lahat ng sasabihin mo sakin dapat may "dadi."

wanda: ngak! bakit?

hus.ur.dadi: what did i just tell TO you?

fact. kurek, addik! may mga pasobrang prepozishuns itu. tell to you daw. tell TO you.

wanda: FAYN!!! (take two!) ngak! bakit, dadi?

hus.ur.dadi: basta. gusto ko ganon. send ko sayo picture namin ng baby ko.

fact. kinabahan aketch baka fiture ng braso niya itu, mawindang na naman sina frida.

sending file. SENT!

wanda: cute naman niyan. baby mo?

hus.ur.dadi: hindi ka sumusunod e. papaluin kita.

wanda: FAYN!!! baby mo, dadi??

fact. nawi-weirdohan talaga akeiwa ng todo. pero in fuhrnezz, pic nga ng baby niya itu. oo, may baby na siya. pogi points.

wanda: asan na yung mama ng baby mo ... dadi?

hus.ur.dadi: hehehe ... gusto mo ba kong pinanunuod habang nagji-gym? habang pawis na pawis tapos nagji-gym. anong gagawin mo sakin pag nakita mo ko nagji-gym?

wanda: huh ... dadi? (hindi ko kinakaya to ... sinasabi ko pero tumatawa ako deep insayd ng nyahahahaha)

fact. bongga shotawan ni hus.ur.dadi. panalo ka sa lotto. pero mukhang may saltik sa ulo. di ko nga lang ma-tancha kung yung saltik kering ma-deadma.

hus.ur.dadi: eh ok lang ba sayo na ganito?

wanda: na ano?

hus.ur.dadi: na magse-sex tayo pero baka ... baka lang naman ... makipag-sex din ako sa iba.

wanda: errr ...

hus.ur.dadi: parang lets take it slow lang muna. labas tayo paminsan-minsan, kung mag-click tayo eh di maganda ... magiging tito ka ng baby ko ...

fact. nyahahahaha kinilig ako non, pramis!!! may angking katamisan naman pala.

hus.ur.dadi: ano nga bang pangalan mo?

fact. kaya pala chikkahan kami nang chikkahan e kung anek-anek tinatawag niya sakin. lola mo naman si tanga-tangahan wa karea-reaksyon.

wanda: eh ayoko sana ng ganon. yung open lang. pero ayoko rin naman magsalita ng tapos ...

hus.ur.dadi: may nakakalimutan ka ...

wanda: opo ...

hus.ur.dadi: opo, ano?

wanda: opo, dadi ...

hus.ur.dadi: bait. upo ka sa lap ng dadi ... hehehe

fact. shet!!! level up na itech sa pagka-adiktus pekinensis.

Sunday, June 24, 2007

Ibong Adonis, Kabanata III

isang anino ang slowly but surely na nagti-tip toe palabas ng white castle sa fabulosang kaharian ni big brother. may dala siyang bag na tila puno ng supplies gaya ng lucky me honey-mansi pansit canton tsaka butong pakwan.

nagmamadali ang aninong ito. nagmamadaling makalayas bago pa mag wake-up call si kuya.

pero bago siya tuluyang makalabas ...

"sigurado ka bang wala kang nakalimutan?" ani ng isang tinig ng isa pang anino. puro na lang anino.

nagitla si anino1 sa tanong ni anino2. hindi niya inexpect na matutunton siya nito ng ganito kabilis.

"bumalik ka na don. wag mo ko pakialaman." sabi ni anino1, ilinabas niya ang kanyang espada, handang makipag-sparring.

"gusto mo na namang solohin ang pagkakataong mapagaling ang amang hari." sagot ni anino2, ilinabas niya yung venti mocha frappuccino niya. sabay higop. "gusto mo?"

"ariel, wag mo kong pigilan!"

"aba, maverick, hindi naman kita pinipigilan. inaalok pa nga kita ng kape, baka sakaling kabahan ka."

"eh anong ginagawa mo dito?"

"putol na DSL natin sa white castle, kaya naki-wifi muna ako sa starbucks," sagot ni anino2 na si prinsipe ariel pala nung lumabas na siya sa liwanag. "subukan mo minsan, asteg dre!!"

"wag ka mag plugging. maraming mas mahalagang bagay kesa diyan." sagot ni anino1. pero si prinsipe maverick lang din siya, hindi pa nga lang tumutungtong sa liwanag.

"sabi mo nga. at hindi ako papayag na solohin mo na naman ang karangalan na mahanap ang ibong adonis" TARARAN!!!!

"ang ibong adonis?" TARARAN!!!!

"oo, ang ibong adonis." TARARAN!!!!

"HOY WAG KAYONG MAINGAY!!" sigaw ng nabulahaw na taong grasang natutulog sa isang tabi.

anyway, nagpapakiramdaman ang magkapatid. ayaw na nilang sabihin ang ibong adonis TARARAN!!!! ... shet.

"ANO BA?? MAGPATULOG KA NGAAAAH!!"

sorry po. sorry po.

mabalik tayo sa magkapatid na prinsipe.

"paano mo nalaman ang pagtakas kong ito?" tanong ni maverick. "kumanta si kapitan?"

"hindi. busy si kapitan sa kusina, chinuchuvah si jang geum."

"kung ganon, bakit mo ko inaabangan? eh nag-costume pa ako para hindi mo ko makilala."

lumitaw si prinsipe maverick sa liwanag. balot na balot siya sa isang itim na spandex suit, kagaya ng sa mga scuba diver o wrestler. kaya para siyang walking anino kahit sa liwanag. makinang-kinang pa.

"nabasa ko sa blog mo," sagot ni ariel. "nabasa ko lahat ng plano mo. pati yung dadalhin mo. kung saan ka dadaan. detailed sa blog mo. pati nga archives binasa ko. nag-comment pa ko."

"uy! salamat sa comment ha." natuwa siyang konti. "pero hindi magbabago isip ko. lalakad ako mag-isa."

"bakit ka maglalakad? meron akong sasakyan."

"anokabah!?! mas kailangan ka ng kaharian, ariel." CUE the violin. "paano kung hindi na ako makabalik? sinong magtataguyod ng ating angkan? si maximo?"

"sa kadramahan mo, hindi mo talaga makikita ang ibong adonis" TARARAN!!!!

"ANAK NG!!!!!" sigaw ng taong grasa.

"nagmamagaling ka na naman, ariel!"

tumitindi ang tension. kunwari meron.

nagtitigan ang magkapatid na prinsipe. unang kumurap talo.

sumisipol ang malamig na simoy ng hangin. kahit hindi naman pasko.

sa malayo, may kumakanta ng "my way" sa bidyoke bar ni aleng taleng.

"alam ko kung nasaan ang ibon." pinagdiinan ni prinsipe maverick. "sa ika-pitong bundok sa ika-pitong bayan na mararating habang nire-recite ang seven last words ng seven dwarves nang mag guest sila sa uncle bob's lucky seven club habang lumaklak ng seven up galing sa seven eleven ... gaya nga ng bilin ni jang geum."

INSERT FLASHBACK.

"... sa ika-pitong bundok sa ika-pitong bayan na mararating habang nire-recite ang seven last words ng seven dwarves nang mag guest sila sa uncle bob's lucky seven club habang lumaklak ng seven up galing sa seven eleven ..." say ni jang geum, sabay mona lisa smile. "eh, sige po, magluluto na po ako ng papaitang sinangkapan ng arnibal at binatog."

FLASH FORWARD. BALIK SA PRESENT.

"kelangan mo ko, maverick" ayaw patalo ni ariel, na hindi pa rin kumukurap. "salamat sa google earth natunton ko ang short cut para sa lalong madaling panahon e mahanap natin ang adonis ..."

natahimik lang si maverick habang tumutulo luha niya kasi hindi pa siya kumukurap uli. eh walang point makipagtalo sa kapatid, gawa ng katangahan niya. meron nga siyang supplies pero na-forget niya kung san at pano pupunta.

CUT TO:

"kawawang mga prinsipeng dilat," say ni la chorvah na matagal nang nakamasid sa magkapatid sa pamamagitan ng pay per view cable. "MGA TANGA!!! HAHAHAHAHA!!! dao ming su, ihanda ang costume ko!!! rarampa ako sa trinoma!!!"

"wala na po ang f4, mahal na la chorvah ..." sagot ng isang mapagkumbabang tinig.

"kamusta, kapitan," oo, si kapitan ni jang geum. trahidor sa siya kwentong to. pero si la chorvah yung nagsasalita. "asan sila? asan ang mga chekwang alipores ko ... malilintikan sila sakin ..."

"paumanhin po," nanginginig na sagot ni kapitan. "ire-revive ng channel 7 ang karir ng f4. ipapalabas nila uli ang meteor garden 1. parehong kwento, iba lang dubbing ..."

"mga hangal. walang utang na loob," sabi ni la chorvah. "ha-huntingin ko sila tapos titilian ko yung mga tenga nila hanggang mag nose bleed sila."

"mahal na la chorvah," sagot ni kapitan. "kelangan na po nating pagtuunan ng pansin ang pag sakop sa kaharian ni big brother. hayaan niyo na po ang f4. pag di naman kumita, gagapang rin silang pabalik muli sa inyo ..."

"tama ka, kapitan. magaling at naisip mo yan at naiintindihan kita at wala kang subtitle."

"eto na ang panahong inaantay natin. tanging si prinsipe maximo na lamang ang natitira sa kaharian."

"yung bading? aba, magaling," say ni la chorvah habang rumarampa-rampa sa paligid-ligid ng lungga niya. "akalain mo nga naman ang swerti natin. kapitan, pilitin mo si maximo na ipadala ang lahat ng natitirang sundalo ninyo para salubungin ang pulutong ng 300 na lulusob mula sa kanluran ..."

"ang pulutong ng 300?" nanlaki ang singkit na mga mata ng kapitan. may takot ito kasi nag-effort siyang banatin yung talukap ng mga mata niya.

"bingi ka?" nagtaas ng kilay ang primyadong diva. "o gusto mong kantahin ko pa??"

"la chorvah, kahit pagsama-samahin ang mga tauhan ko, mga tauhan ni jumong, mga rounin ng lumeria pati yung mga pa-tweetums na staff sa which star are you from, wala kaming laban sa kanila."

"eh pano nangyari yon? e 300 lang naman sila. sabi pa nga ni badet 128 lang daw, binilang niya talaga."

"makapangyarihan ang 300, kala mo, la chorvah, napanood ko sila sa greenbelt," nanginginig ang mga kamay ni kapitan habang dini-demo ang mga tactics ng mga taga-sparta. "bukod sa gwapo sila tsaka buff, kaya nilang pabagalin at pabilisin ang oras habang nakikipag espadahan. pati pana, napapabagal nila."

isang mapang-matang "ganon?" lang ang sagot ng diva. "WEH GANON??? well, sagot ko na lamay mo, kapitan. tapos kakantahan kita habang nililibing ka, dito ba ... oh, dito ba, dito bahahaha ... oh dito ba ... dramatik davah???"

"ngunit may kasunduan tayo, la chorvah ... ipapaubaya mo sakin si jang geum pag tinulungan kitang sakupin ang kaharian ni big brother ..."

"e sino ba nagsabi sayong interesado akong sakupin ko sila???"

"ano po bang balak ninyo, mahal na la chorvah??"

"gaya mo, may babawiin lang din ako ..."

Isang Araw, Walang Nangyari

isang araw, walang nangyari

nag wuk-up si atashi. lumapang ng slight. bisi-bisihan konti. kwenta ng kinita. nag imbentaryo. nag-text sa PBB. tapos naborlogs.

ganun ka-simple. walang nangyari.

ulit ulit ulit ...

isang araw, walang nangyari.

naunang mag wuk-up ang nota ni atashi kesa sakin. oo, may sarili siyang buhay. pinangungunahan niya pa ko lagi. atribida amf.

at oo, gaya ng ibang lulurki, yung mga vehklang parlorista tinitigasan din sa umaga. hindi ko alam kung bakit. hindi naman din itech yung rurok ng katigangan. basta lang.

pwede ko siya deadmahin. hayaan ko lang siyang ganyan. pwede ko rin siyang takpan ng unan. o kaya idapa, para maipit, mawalan ng dugo. mamatay, lumubog hanggang maging kipay.

at pwede ko rin naman siyang abutin.

pwede akong tumayo, sabay abot. o umupo, sabay dukot. o tumambling, shuffle-shuffle kick, cartwheel, split, ARAY, SHET! naipit! ahihihihihi

pero kung tinatamad si atashi, kerri ko siyang buhusan ng kumukulong tubig para kumalma ng slight. tenzhonado mashado e.

pero kahapon, umagang-umaga nakaramdam ng kati ang lola.

madalas tanong to sakin dati, kung yung mga vehyklavich daw ba tulad ni atashi e super bayonic din. alam mo ba yon, bayonic?? e sabi ko, plangikngakngukngak ... hehehe ... planguzh tayo diyan. lahat naman sigurong pinanganak na may nota e ganon. may kati, umaga, tanghalo, gabi. kasi lalaki pa rin naman kami. kahit nga sina frida tsaka roxy pa, nagba-bayonic din. well, siguro. oo. eh siguro. ewan ko, di ko ma-imagine. azz in sinubukan ko daw talagang imaginin, davah??? shet! kakalurki! hapi thots ... hapi thots ... hapi thots ...

eniwei gokongwei, inabot ko siya para batiin ng isang masigabong good morning nang ...

"KUYA, WAG MONG ITULOY YANG BINABALAK MO!!!" ang isplukara ni frida pag entra sa kwarto ko. sabay NYAHAHAHAHA. nakakalambot yung halakhak niya.

nagulantang ang molars ko. nasabi ko lang e "potah naman!!!"

"kuya naman, hindi ka pa nga nagtu-tootbraz yan na inaatupag mo!!!"

talagang POTAH kung POTAH. hindi dahil nabitin si atashi. pero kasi wirishima fatale akiz tinantananation ng mga vahykluzh buong araw.

may dinudukot lang akiz sa bulsa ...

"kuya, wag naman sa harap namin ..." say ni frida.

kumakambyo lang si atashi (oo, kumakambyo din kaming mga tukla. magalaw siya at minsan nawawala sa pwesto kaya kelangan i-adjust) ...

"kuya, asan ang respeto?" may i ask si frida.

"konting urbanidad naman ..." gagatong si roxy.

e jumosok lang nga akiz sa banyo para umihi ...

katok, katok, katok! "kuya, ginagawa mo diyan?" si frida pa rin.

"umiihi!!! kelangan ba magpaalam sayo bago umihi?" sagot ko. yung boses ng lola ume-echo echo pa.

"di naman," kala ko lulubayan na akiz. "kuya, ang shampoo para sa buhok ha. hindi pampadulas yan. kung gusto mo ihihingi kita ng grasa sa talyer ni mang kuber ahihihihi ..."

feelingash tuloy ni atashi parang hayskul uli. kasalanan daw kemerlou. kasi nga dati sa religion sabjek namin, may i ask yung teacherraka kung sineklavich samin yung nagba-bayonic moments. itaas daw kamay tapos iwagayway. aba, waing nagreact. bingi-bingihan skul of akting itu.

mga ipokrito!!! eh knowings ko naman kung sinetch yung ma-erbog samin tsaka sinetch yung pahada tsaka yung mga jumu-jowa ng tukla. partida, pati sa kabilang seksyon kilala ko sila.

humirit sakin non si vivorah, pabulong, "bakla, pag tinanong kung sino na naka-chupa magtaas tayo ha ..."

um-oo na lang akiz, sabay hagikhik.

hindi pa pala natapos don, "bakla, masama ba chumupa?"

sabi ko, "ewan ko. hindi naman siguro. tanong mo kay sir."

"sige," say ni vivorah, sabay taas ng kamay. "SIR! SIR! SIR, may tanong po si wanda ..."

"ano yon, wanda?"

pakshet! pero sanay na ko sa mga eksenang pinapahamak akiz ni vivorah kaya nakakaisip agad akeiwa ng tanong. lusot.

tapos humirit yung joklase kong jumujosok na wisik-wisik lang konsepto ng pagligo, pero gwapo pa rin, tayu-tayo nga lang buhok. say niya, "tanong mo naman, pano kung iba bumayo para sayo, sino yung may kasalanan? yung binayo o yung bumayo??"

liningon ko siya nang may pagtataas ng kilay, "ano ka, palay?"

"SIR! SIR! SIR, may tanong po uli si wanda ..." si vivorah na naman. "tanong mo na bakla, wag ka na mahiya ..."

panalo sa class participation akiz non.

"jusko naman, kuya," say ni frida habang lumalapang ng hapunan. "hiya ka pa samin e nakita mo na nga kaming humada ni roxina."

say ni roxy, "e lahat naman tayo kinakati e ... wag na magmalinis."

say ni frida, "tigang ka, kuya?"

deadma. lahat ng powers ko naka-focus sa pag-nguya ng nilagang baka na mukhang pang-araro nung nabubuhay pa siya. ayaw panguya. parang goma.

say ni frida, "yan nga si roxy minsan gumigising sa madaling araw para magbayonic. kala niya siguro nabo-borlogz na aketch nyahahahaha ... ano ba tong bakang to, naaalog pustiso ko!?!"

say ni roxy, "walang katotohanan!!! pinakuluan ko maigi yang baka yan."

say ni frida, "asus! asus! asus! kagabi lang eksena kayo ni kelly, nena."

sumabat na ko, "kelly? sinong kelly itu?"

say ni frida, "si kelly KAMAY nyahahahaha ..."

isplukara kez, "hala! lapastanganin daw ba ang sineskwela???"

say ni roxy, "leche! si dolly, hindi si kelly, kalaro ko kagabi"

sumabat ako uli, natatawa-tawa ng slight habang natitinga sa carabeef, "at sinu namang dolly itu ..."

"si dolly DALIRI nyahahahaha" chikka ng baklang waing pag-galang sa lafang.

"KADIRI KAYO!" na lang nasabi ko. gusto ko sanang masuka, pero hindi ko pa nga nalulunok yung linalapang kong tamaraw hehehe

NYAHAHAHAHA sina kelly kamay at dolly daliri, maasahan pag nag-iisa.

o kung ayaw mo nung mga komplikadong eksena sa kama tsaka yung mga da-day-after-drama.

haaaaaay ... isa na namang araw na walang kwenta ...

walang nangyaring maganda. asar talo lang ako. pero may mga bagong nakilala ...

ikaw? sinong kilala mo sa kanila? ahihihihi

Wednesday, June 20, 2007

Letrang Y ng YAKULT

Q: what do you think is your edge?
A: edge? ... edad?
-- interview sa isang starlet

delayed telecast, ngayinz lang ang broadcast. INSERT FLASHBACK!!!


dahil nagfi-feeling jortista ang lola mo, naisipan kong week-long ang selebrasyon ng hapi berdey ni atashi. hangga't gusto ko, hapi berdey ko. waing pakialaman.

sa mga buma-violent reaction diyan, kay chairman na kayo umapila. kanya-kanyang trip yan.

at para maiba naman yung eksena, naisip kong makisaya sa mga hindi kakilala. na naging bagong kakilala. na ngayon friendship na.

niyaya nila akiz sa ministry of sound chuchu-everlyn.

ministry talaga?

hindi ako boba, alam ko naman to. pero kinabahan si atashi kasi iwas ako ng slight sa mga bagay na tunog prayer meeting o prayer rally na may kasamang makatanggal litid na medley ng sing en danz production number ng alleluya.

nung una, wit ko talaga bet gumora. gone ar da days na kaladkarin ang lola mo. na kahit saan na lang, go! kahit sino na lang, go! pero dahil kakaibang experience itu, umeksenang go-go-go na si atashi.

pag-arrive namin sa venue e naloka si atashi sa kumpulan ng mga alta-boys at alta-girls at ilang nagmama-shalang nilalang sa eksena. ako, tinanggap ko nang mukha kong lampaso with my gula-gulanit look. nag-effort na ko sa lagay na yan. eh hindi na rin akiz nagtaka kung any monument may biglang dumampot saking utility o maintenance para may i start ng shift niya ng paglilinis.

kainis! kala mo bihis desente ka na, tapos makaka-sight ka ng alta at maiisip mong mukha ka palang skwala lumpur malaysia pag tinabi ka sa kanila .. ahihihihi ... ay! deadma sa alta sosyedad! may pera ako, bakit ba??? hindi naman ako manghihingi sa kanila.

at in fuhrnezz, sa loob, kala mo havs ng miting ang united nations. lahat ata ng lahi may representasyon. may pinoy, may bumbay aray, may chekwa, may mga chini-chinky eyed, may onaks (kano), may mga napadaan at may taga diyan-diyan lang ...

pero karamihan sa mga utaw e bagetz. frezz na frezz. edad bente-singko pababa. karamihan sa kanila e bakla. umaaribang, malalansang vehykla.

siyempre havs din nung mga wai talagang bakas ng pilantik. mga umaaribang, malalansang waing bakas ng pilantik. haaaay ... mga bagetz talaga.


naalala ko tuloy yung sabi ng propesora kay atashi ... ay, nakalimutan ko na pala. memory gap itu. mashonders na nga si atashi.

kaya naman tinatakan ko ng isang dakekang na question mark ang pakikidisco ko sa mga bagetz. tanda-tanda na e. wichelles na ko nababagay sa mga baylehan na ganyan. dapat sakin mag ganchilyo na lang o kaya mag embroidery o kaya mag cross stitch o kaya mag alaga ng mga orchids sa balur. SHET, MATANDA NA KO!!!!

tapos pag lingon ni atashi sa likuran kez e havs ng mala-bella flores na matronix. eh ayun naman, may mas tatanda pa pala kay kuya. at wag ka, ka-nomohan ng bilasang pechay yung jowawiz niyang ka-fez ni tito pepe sa kwarta o kahon na siyang kadahilanan kung vahkit miss popularity ang orocan, tentay patis at islander beach sandals. in fairview, linggo na ng madaling araw non kaya inantabayanan talaga ng bekbek baka mag aparisyon ang roleta ng kapalaran, hatid sa inyo ng yakult. tapos sisigaw si tito pepe ng, "sa letrang Y ng YAKULT!!! sa letrang Y ng YAKULT!!!" tapos hindi naman tatapat sa letrang Y ng YAKULT. KEBER!

pero wag ka, kagu-gwapo ng mga boyletz don. kahit san ka lumingon may biyaya ang panginoon. sabi nga ni manay eugene domingo, God is good. wai kang itatapon.

muntik pang lumuwa yung mata ko nung mag tanggal ng tee-sert yung isa. PUNYETA!!! braso pa lang ulam na. balikat pa lang ulam na. abs pa lang, pam-piyesta na itu, nini!!! dinaig ang lechon cebu. tapos yung isa ring maliit sa tabi niya nagjubad-ever rin. lechon de leche itu!!! dalawa na sila. tapos naging shotlo. naging kyopat. hanggang sa pito na sila. gudlak sa highblood!!!

sabi ko, sa gitna ng makaalog tutuling tugtugan, "bakla, required ba talaga mag-hubad!?!?!?"

tapos may inisplukara si jepoy, dati kong katrabaho, habang danz-danz siya ng ganyan. wirit ko lang ka-sure kung yung sinabi niya ba e "bakit? nadidistrak ka?" o "bakit amoy trak ka?"

di ko naintindihan. baka yung ikalawa. ewan. basta yung sinagot ko e "HA!?!?!?"

tapos inulit niya.

sabi ko, "aaaaaahhhhh ... HAAAAAAAA!?!?!?!?"

inulit niya ulit.

sabi ko hindi ko siya maintindihan.

sagot ni jepoy, "OO!!!"

heh? sabi ko na lang, "ayoko na! ayoko ng masikip! ayoko ng madilim! ayoko ng maingay!"

reply sakin ni jepoy, "OO!!!"

tapos tumawa na lang kami.

wai akeiwang ginawa non kundi tumawa nang tumawa. at manlait. tumawa tsaka manlait tsaka mag-boy hunting. tapos tawa uli. kasi pag may sinabi sakin, tapos hindi ko narinig tsaka naintindihan tatawa na lang ako.

tapos sasayaw konti. ay hindi pala, bumangga-bangga lang sa mga duma-danz danz para kunwari nagda-danz danz na rin si atashi.

waiting for tonyt akiz na patugtugin nila yung "it might be you" tsaka "king and queen of hartz" na signus na patapos na yung gabi. para naman pa-sweet na ang danz. pero loss. hindi pala itu hayskul.

ewan ko ba.

na-enjoy ko yung lugar. na-enjoy ko yung ilaw. pati yung mga kasama ko: yung bagetz na ka-fez ni echo (nung taga cainta pa siya tsaka bagetz na bagetz) na walang patumanggang tumupad sa pangarap kong makapagpa-fiture-fiture kasama isang ini-idolo (salamat ...), yung shala-shalang boylet na sobrang maasikaso-ever sa panandalian kong pag-invade sa mundo nila, yung lulurking kuma-kwarter turn sabay pose sabay projek pag may pugeeee, at yung duduki na panay hunting sa crazzness niyang naka-sando (iho, pang byukon yang tangkad mo. kung bet mo, i-isponsoran kita). eh na-enjoy ko talaga yung saglit na kasama ko sila.

na-remember me this way ko pa sa kanila yung sarili kong nyorkada bago kami tumanda, bago kami sinugatan ng pagkakataon, bago kami nagbisi-bisihan sa trabaho, bago kami mapasama sa raid sa maynila ... nyahahahaha

nang bumalik akeiwa sa mundo ko, sinalubong ako ni ...

frida: uwi ba ng matinong dalaga to? san ka na naman nanggaling?

wanda: diyan lang ...

frida: may tawag nang tawag dito. ankulit-kulit. tinawagan ka daw niya sa nyelpon, di mo daw sinasagot.

wanda: may galit?

frida: alin?

wanda: yung tumawag?

frida: oo, may galit ...

wanda: may poot?

frida: may poot ... ako, may galit at may poot. san ka ba nanggaling?

tapos may sumonod na jumosok sa balur.

frida: HOY! HOY! isa ka pa. san ka rin nanggaling?

roxy: diyan lang ...

frida: aba, diyan rin lang?!? pinaglololoko niyo ko, kayong dalawa! hindi kayo nagsasabi na uumagahin kayo! ako naman, si lukrecia, antay nang antay! nakakapuyat kaya. masama sa balat magpuyat. pano kung ...

roxy: haaay ... tumalak na naman ang matanda! tigilan mo ko, frida, wa pa kong tulog.

siyempre lalong tumalak nang tumalak si frida.

nginitian ko na lang.
lalong nagalit ahihihihi ... haaaaay, wa pa naman ako siguro sa level na to.

Sunday, June 17, 2007

Da Fantastic ONE

hindi itu rebyu.

at dahil blog ko to, malamang sa hindi e tungkol na naman sakin itu.

nanood kasi ako mag-isa. dapat may alone taym kasi si atashi. magnilay-nilay kumbaga. para makumpara ko kung asan ako ngayon at asan ako nung nakaraang hapi berdey ko.

akswally, wa talaga ko choice kundi manood mag-isa.

tinext ko si samson. sabi ko, wer u? sabi niya work daw siya, alas dose pa log out, lo bat. di ko getz yung rele nung huli. deadma. pero taena na-excite pa naman ako. gumaganti itu hehehehe

tinext ko si jean. sabi niya sunod na lang daw akiz sa timog. nomohan wit da jowang si tito carl, ka-join yung mag-jowang friendship nila. AY! fifth wheel ang drama.

may tinext din akong frenship. sabi ko nuod kami sine, libre ko, tutal hapi berdey ko naman. sagot ba naman sakin e bertday mo nga talaga ngayon (june 15)? PUNYETA, MALI PA PETSA! KAHAPON, ULUL!

tinext ko naman si alpha, may booking daw siya. at talagang pinaramdam niya sakin na ako lang ang nag-iisang waing buking sa buong glorietta.

tapos nakasalubong ko pa yung prodigal jinsaners ni atashi na nagpakasal nang hindi namin nalalaman. i-tsismis daw ba??? hahahaha ino-offeran niya ko ng trabaho, kesyo wa daw asenso sa parlor. sabi ko, anong trabaho ba itu. assistant daw ng kung sinu-sino. sabi ko, "sige pag-iisipan ko kasi may kukulutin pa ko e. IKAW!!!"

hanggang sa jumosok na lang akeiwa sa cinema 3. OO, sa cinema 3. yung 9:50 pm na screening kahit alas siete pa lang e andooners na akiz. excited??

at dahil reserved seating itu e wa ko choice kundi pagitnaan ng dalawang pares ng mag-jowa naka-dolby digital samahan pa ng mega THX super surround cheverlyn na pag nguya ng chippy o kung ano man yung nginangatngat nila. baka kuko nila sa paa. (ay! bitterness ang tema natin ngayon nyahahahaha)

kaya sabi ko, pagdidiskitahan ko na lang tong fantastic four na itech.

OK-NESS. una mong ie-expect diyan ang pag-rise ni silver surfer. abangan mo, umiilaw nota niya (antayin mo yung ending, umiilaw siya talaga). di lang yan, powerful pa itu. sumasabog itu wit da cosmic chuvanesence of da unibers keme keme repolyo.

at in fuhrnezz, sobrang naalala ko si oblation sa kanya (pasintabi sa mga iskolar).

di na ko magtataka kung gagawa din sila ng pinoy bersyon nitech starring oble na nakalunok ng radioactive kemerlou na mercury pero imbis na mauwi sa maka-TV patrol na balitang poisoning e naging silver siya. pero duda ako sa surfboard. sa la union lang kasi meron non. baka skimboard o kaya roller blades lang ibigay sa kanya kasi wa budget. o kaya para pinoy na pinoy e silver tarysikel o kaya sarao na jip na lang.

expect mo din, na gaya nung unang pelikula, e masa-sight mo si human torch na nakatapis lang. ewan ko ba kung biyaya ba itu sa mga vehykla. aantayin ko yung pangatlo para patunayan yung teorya ni atashi.

duda ko kasi na tema siya talaga. ako man din utusan gumawa ng iskrip e dun ako magsisimula. parang, "hmmm ... simulan natin kaya sa isang araw nakatapis si human torch, bagong ligo siya at ang sarap sarap niya. tapos uusok siya. tapos matutuyo siya ... hmmm ... tapos sasalakay si silver surfer. sisigaw mga friendships niya na let's volt in. tapos sasabihin ni human torch e wait lang maliligo ako uli. keme ng friendships na rachel ann GO! tapos maliligo uli si human torch. tapos lalabas siya uli nang naka-tapis ... hmmm ... gundah, gundah siya"

PASOK SA BANGA!!! ahihihihi

eto ka pa. ewan ko lang ha kung malaswa lang talaga ako mag-isip. yung mga eksena shupatembang ni human torch tsaka yung bilat na walang tadyang gaya ni marimar na imbisibol gurlilet kuno ang drama, lalu na nung nag-akapan blues sila, parang may something talaga. azz in. parang hindi sila magkapatid. parang any monument bigla silang maghahalikan. inantay ko nga e. ewan. baka set-up yon para sa part three ...

at ang moral lesson talaga diyan sa fantastic four na yan, eto ka na, handa ka na ba? wichelles ko na iku-kwento. basta lang. dahil sa ending na-feel ko lang talaga na yung kaya ng apat e kaya naman palang gawin ng isa. multi-tasking itu kumbaga. kakairita. KIYEMBOT!!!

naalala ko tuloy yung turo sakin ni alpha. sabi niya, "wag ka kasi umasa lagi sa iba kasi hindi mo alam kung san ka dadamputin pag wala na sila."

kesyo celebrate daw yung kemeng single blessedness chorbah na yan na pinagandang tawag lang sa "wa ka jowa, nena?"

sabi ko na lang, "hindi naman siguro ganon. pero try ko ..."

hanggang sa nasanay na lang din akeiwang mag-watch ng sine mag-isa, lumapang mag-isa, lumangoy mag-isa, mag-bike mag-isa, mag badminton mag-isa. mag-chess mag-isa. at epektib siya in fuhrnezz. i pil better now. para akong naka-arthro.

siguro nga yung kaya ng apat e kaya talaga ng isa.

pero pag may na-achieve ka, kanino mo isi-share? kaninechi mo ichi-chikka?

nung gabing yon na-realize ni atashi na updated man yung prinsipyo ko e wa rin akeiwang pag-unlad. na kung asan ako nung 2006 e siguro mga tatlong baby steps lang tsaka apat na kandirit yung ini-usad ko.

tsaka last year, asa cinema 5 ako.

pag sa susunod na taon e ganito pa rin e tatanggapin ko na yung katotohanan na ang buhay makulay ni wanda ilusyunada e magpapaikut-ikot na lamang sa glorietta cinemas.

Friday, June 15, 2007

Alamat ng Lumubog na Bangka

maraming bagay sa buhay yung napakahirap pag desisyunan. gaya ng pagpapakasal o kaya pagbubuntis. pati yung ilang ulit na pagbubuntis. tsaka yung kursong gagapangin sa kolehiyo. tsaka yung paga-out sa pamilya. tsaka pamimili ng jowa, na sa sobrang daming nag-aapply at sobrang kasasarap e bet mong tikman silang lahat hanggang sa malukaret ka sa kakaisip kung sinong uunahin at kung sineklavung sasagutin.

pati na rin yung 5 Ws sa pag surrender ng virginity, yung who, what, where, why (ay minsan deadma na sa why), when ... minsan kasali yung pinaka-malupit na tanong sa kanilang lahat, ang "how" ... e lahat yan mahirap hanapan ng kasagutan nang wichelles ka nagaagam-agam.

pero minsan yung mga simpleng bagay na madalas nating dedmahin e mahirap din hanapan ng kasagutan. gaya ng kantang unang kakantahin mo sa bidyoke, tsaka kulay ng damit na bibilhin mo sa folded en hung, tsaka yung premyong iki-claim mo kapalit ng inipon mong ticket sa timezone .. at siyempre yung madalas kong ma-experience ...

(naganap habang nagpapaikut-ikot kami sa katipunan sa kariret ni alpha)

alpha: so san tayo kakain?

wanda: anong san tayo kakain?

alpha: tinatanong kita kung san tayo kakain ...

wanda: san mo ba gusto kumain?

alpha: ikaw ba, san mo ba gusto?

wanda: ikaw, san mo gusto?

alpha: magdesisyon ka na kung san tayo kakain. sayang gasolina ko.

wanda: magkano na ba gasolina ngayon?

alpha: anong magkano na gasolina ngayon?

wanda: tinatanong kita kung magkano na gasolina ngayon ... (natatawa-tawa na ko kasi sinasadya ko na tong katangahan na to)

alpha: ANO??? wag natin pag usapan yung gasolina.

wanda: e anong pag uusapan natin?

alpha: kung san mo gusto kumain para alam ko kung san ako liliko.

wanda: eh diyan, liko ka diyan. kung ayaw mo diyan e di dun ka sa isa. kung san mo gusto lumiko, liko ka.

alpha: taena naman e. pag na-traffic violation ako ...

wanda: (napipikon na ata si alpha kaya tinigil ko na, baka bigla akong mag-commute na naman pauwi) eh ba't ba ako magde-desisyon?

alpha: birthday mo e.

wanda: kahit hindi ko naman birthday ako rin pinapagde-decide mo kung san tayo kakain.

alpha: eh yun naman pala e. so san nga tayo kakain?

wanda: kung kunwari ikaw may birthday, san mo ko dadalhin?

alpha: siyempre dun sa mahal at masarap kasi birthday ko at ikaw manlilibre. eh birthday mo ngayon, kaya ako manlilibre sayo.

wanda: wow, ganon ba ... sige, sige .. mag-iisip ako. wait lang. gusto ko ng pasta e. san ba may mahal tsaka masarap na pasta? pero parang gusto ko rin ng steak e. ikaw magkakanin ka ba?

alpha: bahala na. kung ano meron dun sa resto na gusto mo.

wanda: parang gusto ko rin ng isaw eh. matagal-tagal na rin ako hindi nakakain ng isaw. tsaka toknene. ay! nagmiryenda pala ako ng toknene nung isang-isang araw.

alpha: sana lang bilisan, di ba? tom jones na ko ...

wanda: sandali, birthday ko!!! nag-iisip ako kung san ko gusto kumain e.

alpha: wag ka na mag-isip. yung unang pumasok sa isip mo, yun na yon ... GO!

wanda: err ... TAMARAW FX!

alpha: anong tamaraw fx?

wanda: nakakita ako ng fx e. kaya yun yung unang pumasok sa isip ko.

alpha: TANGA! yung unang pumasok sa isip mo, hindi yung una mong nakita.

wanda: eh yun nga yung unang pumasok sa isip ko pagkakita ko!

alpha: kainan ba yon? yung una ngang kainan na pumasok sa isip mo e ... GO!

wanda: uhm ... FX pa din e.

alpha: ewan ko sayo!

wanda: ayoko na mag-isip e.

alpha: yan ang mali sayo eh. lagi ka nag-iisip. antagal mo pa naman mag-isip. kaya nai-stuck ka lagi sa planning stage. wala kang pag-unlad. dapat instincts paganahin mo.

wanda: instingks?

alpha: instinCTSSSSSSS. halimbawa, nasa bangka ka kasama yung mom mo pati sister mo.

wanda: narinig ko na yan ... korni yan eh.

alpha: makinig ka! tapos lumubog yung bangka, sino una mong sasagipin?

wanda: ba't naman kami nag-bangka? can-afford naman siguro kami mag-super ferry noh? o kaya mag-eroplano.

alpha: tungaks! yun nga yung tanong e. so sinong sasagipin mo?

wanda: tungaks ka din! at sino naman nagsabi sayong marunong rin akong lumangoy!?! malulunod kaming lahat.

alpha: hypothetically speaking nga! kunwari marunong kang lumangoy ...

wanda: hindi mo pa nakikita nanay ko e. pag nalunod kami sa dagat, kasama nanay ko, tatalak yon nang tatalak hanggang sa may makarinig saming mangingisda o kaya coast guard o kaya ilalangoy na lang kami sa pampang ng mga isda na im sure rinding-rindi na sa kakatalak niya.

alpha: andami-dami mo na namang sinasabi. mamimili ka lang.

wanda: OK ... (esep-esep) gano ba kami kalayo mula sa shore?

alpha: BA'T MAY GANON PA???

wanda: siyempre kelangan ko malaman kung kaya ba ng katawan kong humatak ng tao nang ganon kalayo. so gano nga kami kalayo?

alpha: TANGA KA? walang ganon. sige, ako tanungin mo.

wanda: ng ano?

alpha: yung tungkol sa bangka.

wanda: TANGA! alam mo naman yung tanong, sagutin mo na lang agad.

alpha: eh para mas feel ko ... hehehe ... tanong!

wanda: kunwari sumakay kayo ng super ferry ng family mo. si mama mo tsaka utol mo. may utol ka ba? nag-iisa ka lang, di ba? kaya spoiled kang hayup ka e.

alpha: tanga, bunso ako ... hehehe ... tanong na!

wanda: FINE! e tapos may malakas na ulan tsaka hangin. anlalaki nung mga alon, parang tsunami ...

alpha: anong alon? anong ulan? anong tsunami? san nanggaling yung mga yon?

wanda: wala. imbento ko, bakit? para mas interesting yung tanong.

alpha: wala nang ganon. gutom na ko. tanungin mo na lang ako.

wanda: FINE! (may kasamang pandidilat ng mata tsaka buntung hininga) lumubog yung barko, sori, bangka pala, sino isasagip mo, si mama mo o si utol mo?

alpha: siyempre, isasagip ko kung sinu yung mas malapit sakin.

saylenz ...

wanda: in fuhrnezz, may punto ka diyan ... at dahil diyan, ikaw magde-desisyon kung san tayo kakain hehehe

alpha: taena, mag jollibee na nga lang tayo.

wanda: pwede rin. may pasta don tsaka may kanin tsaka may steak ...

alpha: wala namang steak sa jollibee.

wanda: tungaks! meron, burger steak hehehe

alpha: ewan ko sayo, anlabo mong kausap ...

saylenz ...

napipikon na si alpha.

alpha: sinamahan ka na nga mag celebrate ng birthday mo e ... dapat may miting ako sa kliyente ko ngayon pero pinare-sked ko para malibre kita ... tapos maggagaguhan lang tayo ...

saylenz ...

saylenz ...

pagkatapos ng dalawa't kalahating liko ...

wanda: liko ka na diyan uli, para iwas traffic ... hehehe ... dun tayo sa secret resto ko.

alpha: san yon?

wanda: sa bellinni's, sa may cubao ...

saylenz na kasabay ng biglang liko.

alpha: kanina mo pa alam kung san tayo kakain no?

wanda: OO naman ... hehehe ... gusto lang kitang kulitin.

alpha: taena mo ... (pabulong) kantot ka mamaya.

wanda: eh wag na tayo kumain. diretso na tayo sa kantot ... NYAHAHAHAHA

alpha: GAGU, MALIBOG! NYAHAHAHAHA ...

Tuesday, June 12, 2007

KONEKSYON

steady lang lola mo kahapon kasi nga tipikal na hapon lang naman itu. pa-kyombay kyombay lang kasi wai mashadong kostomer. bukod kay aling mildred na nagpa-cleaning ng mala-yero niyang kuko sa paa. as usual, in kind ang bayad. pa-lafang showcase itu: coke litro tsaka turon.

nang biglang entrada ang mga vahklush na tumatakbo at humihingal na kala mo e nagde-delubyo na.

frida: KUYAAAAAAAAAA, MAY LULURKING LUKARET SA LABAS!!!!

roxy: KUYAAAAAAAAAA, MAY TAONG GRASA SA LABAS!!!!

sa gitna ng pagpapraktis ko magtaktak mo itak itak itaktak mo, nagulantang ang matres ko at ang nasabi ko lang e, "anong kaguluhan itu??? huminahon tayo ..."

frida: kaya pala wala tayong kostomer ...

roxy: may taong grasa diyan sa labasan natin ...

frida: diyan sa may gutter natin mismo naka-upo ...

roxy: paalisin mo, kuya ... masama sa negosyo yan.

frida: ano ba number sa baranggay? hingi tayong tulong kay chairman ...

siyempre, may i silip naman si atashi at nasipat na in ol fuhrrnezz e mukhang harmless naman pala yung tandercats na taong grasa na ka-level ni tatay isko, yung pudang ni yna macaspac sa pangako sayo. may bitbit pa itung mga plastik bag ng SM na ayon kina frida e puro plastik bag din ng SM yung laman.

wanda: mayaman!!! mukhang kaka-shopping lang nitu ...

frida: ano ka??? pinalalayo namin kanina ni roxina yan, kasi nga mawawalan naman tayo ng pangkabuhayan sa pagtambay niya diyan ... na-wrong number ako, ano ba number sa baranggay?

roxy: 8-6-2-3-6

frida: bakla, dial 8-mcdo yan. kala mo sakin, bobo!!!

roxy: nyahahahaha ... kamustahin naman, davah?

wanda: eh mukhang mabait naman ah.

frida: ANO KA??? e sabi ko, "tsupe! tsupe! dun ka sa malayo! nakakagulo ka lang dito ..."

roxy: mantakin mo ba naman, kuya, pinagbabato kami ng tae ng aso.

wanda: tae ng aso?

frida: natuyong tae ng aso.

roxy: punyeta kasing mga aso yan. hindi magsi-uwi sa kanila para tumae!

frida: natamaan pa nga si roxy sa pisngi, kuya e ahihihihi ... layo ka sakin, bakla. amoy tae ka ahihihihi

roxy: oo nga pala. maghihilamos pala ko.

exit ang baklang dragona.

kurek! kung merong nakakalokang misteryo sa village namin yun e yung pagkalawak-lawak naman ng kalsada e lahat ng doggilets sa tapat pa namin ume-erna. nagsawa na lang kami sa kakawalis. kaya yung dating "tapat ko, linis ko" e naging "tae ng aso mo eh di dakutin mo. PUNYETA!!!"

paglabas ko e na-sight ni atashi na nanghihingi ng yosi yung taong grasa sa isang construng parokyano ni aling mildred. sabi nung constru, "tsupe! pare-pareho lang tayong mahirap."

sakin sumunod lumapit yung taong grasa kaya binilhan ko na lang ng subah.

frida: (sumisigaw mula sa parlor) tita mel, kamusta naman ang lingkod bayan natin diyan???

roxy: (umentra na din) ibato mo yung subah sa malayo, kuya!!! para umalis na siya!!! daliiiiii!!!!

wanda: KAYO TALAGA?!?! kaya hindi tayo umaasenso e ... baka inunahan niyo lang kanina, hindi naman siya nananakit e ...

pero slight nagluntang lola mo nung biglang magka-dialogue si tatay isko.

tatay isko: mayaman ako e. may 6 million ako dito. sa bulsa ko. nakatago lang.

hindi ko alam kung bakit pero may i reply talaga ako.

wanda: e buti pa kayo, 'tang, may 6 milyon ...

tatay isko: oo! pero tinago ko maigi. baka nakawin. 6 milyon to e. nanakawin to.

wanda: eh may six million pala kayo e, ba't di kayo bumili ng yosi. magkano lang isang kaha.

frida: antapang ni bakla!!! GO!!!

tatay isko: oo! napulot ko lang to. sikreto lang natin. kasi nanakawin. sakin. yung 6 milyon. marami akong pera e.

wanda: ilagay niyo kaya sa bangko para kumita pa ng interes.

tatay isko: ayoko! ayoko! darating si marcos. darating si marcos. ayoko! malapit na.

kala ko nung una sabi niya darating si marcus kaya napangiti aketch ng slight. malandi ka tatang ha. eh na-realize kong si marcos pala yung tinutukoy niya ...

tatay isko: (umupo uli sa gutter na parang may kinakausap, dineadma na talaga kay atashi) bantayan niyo 6 milyon ko. mayaman ako, kala mo. ikaw, kumuha ka ng karton, lalagyan natin ng mangga. maraming mangga. 6 milyon. darating si marcos e. darating si marcos. babarilin kayo non. pagbabarilin ko kayo e. ano tinitingin-tingin mo? BANG! hehehe BANG! nanakawin 6 milyon ko, mukha mo! BANG! (at kumanta siya ng "ako ay pilipino")

in fairview, naawa naman ako. kasi para samin nina frida at kung sinu-sino pang naka-eye witness sa konsiyerto ng ma-onda sa kalsada e iisiping nababaliw nga siya. pero para kay tatang, totoong may 6 milyon siya tsaka talagang magre-return op da comback si macoy na mukhang naglilihi sa mangga.

naisipan ko tuloy bilhan siya ng coke tsaka skyflakes, pantawid gutom kumbaga, kahit nung una e ayaw akeiwang pagbilan nung mahaderang utangera.

wanda: 'tang, mag miryenda ho muna kayo ...

pagkalipas ng dalawang minuto ...

wanda: (nananakbo papasok ng kyorlor) BAKLAAAAAAAAAAA!!!! pinagbaba-bato akez ng tae. KAKALOKA!!! ikandado niyo pinto! ikandado niyo pinto, baka pumasok!!! maliligo ako uli!!! maliligo ako uli!!! KAKADIRI!!! nagmamagandang loob ka na nga ... maliligo ako uli!!! PUNYEMAS!!!

frida: ayos lang yan, kuya. aasenso ka niyan ... NYAHAHAHAHA!!!

DIS-KONEKSYON

si rodel, aka rhoda, e nyorkada ni atashi nung hayskul na parang dr jekyll en mrs hyde ang drama.

pag josok ni rhoda sa umaga e maglulumandi yan sa klase at magpapa-pampam sa cruzhness niya. medyo chabelita tong hitad na to kaya asset niya na "malaman" yung dibdib niya. uso non yung kantang jabongga jabongga ja-ja-jabongga kaya siya talaga yung madalas sentro ng atensyon.

pag may i call ka sa balur nila e chi-chikka yan tungkol sa mga boyletz niya tapos bigla, azz in waing abi-abiso itu, bibilog tsaka bubuo na lang yung boses na kala mo e sinong bouncer, "TAWAG KA NA LANG ULI MAMAYA, MAY GAGAWIN AKO E ..." ganon ka bilis mag shift. kalahating kurap lang. parang si kuya dick tuwing ume-entra si doc aga dati sa okidok.

siyempre nung hayskul, kung may improtanteng isyu ako sa cruzh ko gaya nung nagpapalandi siya sa ibang pokpokitang baklita na asa elemantarya pa lang e kumekerengkeng na, ipagpipilitan ko talaga na ora mismo, rhoda, kelangan ko ng ka-chikka. may krisis ako.

pero bubulong na yan sa telepono kesyo, "tawag na lang ako sayo mamaya. andito sina mama e ..." at dahil fellow closetta aketchiwa, naiintindihan ko siya at ako nama'y magpaparaya. sige na nga, saka na lang.

kelan lang na-sight ko si rhoda uli na rumarampa sa mga shala-shalahang tindahan sa gateway mall. at hindi siya mag-isa. may ka-akbay siyang bilat. oo, babae. at oo, akbayan sa rampahan. jowa niya kaya itu, sa loob-loob ko. pero hindi sila magka-fez e so malamang hindi niya sisteretta o kaya kuya na nagfi-filing sisterette. tsaka iba yung akbayan nila, may halong malisya. na may kasamang laswa ... ECK! kakasuka.

WAAAAAAH!!! si rhoda, na havs ng monthly subscription ng chika-chika na pilit niyang ini-ismuggle sa skulilet para ma-sight namin yung mga latest picturakka ng ilang jortista na in fuhrnezz e ngayon sikat na, politiko pa yung iba.

e nung nag-college kasi nagkahiwa-hiwalay na kami niyan ng landas. iba-ibang friendships, iba-ibang kurso, iba-ibang future. may nag kompyuter, may naging psycho, may nag parlor gaya ni yours trulili, at may katulad niyang NAG-JOWA NG BILAAAAAAAAT!!!

wa na kaming balita sa kanya bukod sa mangilan-ngilang chismax na bigotilyo na daw si bektas, kesyo maton na maton na daw at nag-jowa pa ng pechay at havs pa daw iteklavu ng balak magpakasal. HUWAAAAT!!! kumukulot ang bangs ko. yung isang bersyon naman nung chizmiz e havs na daw si rhoda ng junakiz. akalain mo yon???

pero sabi nga nila, ang maniwala daw sa sabi-sabi walang bait sa sarili. hindi rin. sabi-sabi lang din yon kaya witchelles na rin ako naniwala. dead malaysia pakistan. ang chizmiz naman ganyan talaga. kaya nga chizmiz e, kasi san mo mang anggulo tignan e posible siya.

KALOKA!!! si rhoda, na talagang nag-effort para maka-delihensiya ng kopya nung bidyo ng hipuan segment with da fomosong jojo veloso. wirit niya kami tinantanan hangga't hindi namin pinanunood para mapag-debatehan kung si hans montenegro ba talaga yon o hindi.

eh naka-salubong ko nga siya sa gateway pero wit niya ko binati. ni kaway, WA. ni tango, ni simpleng waing ka-effort effort na tango, WA. azz in. ni ha ni ho, WA (SAGLIT! commercial: ano ba yung "ni ha ni ho" na yan? intsik ba origin niyan? hehehe). e knowsline chinatown ko namang na-sight niya akiz.

payo nga ng mga nyoklang masho-shonda, ang baklang ayaw lumingon sa pinanggalingan malamang-lamang e may tinataguan.

LECHE!!! si rhoda na tuwing PE nung hayskul, tapos nataong swimming, e rarampa sa poolside na naka-tapis nang sobrang higpit na parang sumang inipit para daw lumitaw yung kuno-kunuhang cleavage niya. siya namang cue ni vivorah para mang-alaska, "hindi suso yan, vehkla. pwet yan! PWET!" hehehe insekyoray ang hitad.

eh nag-init talaga tenga ko. kaya umeksena pagka-antipatika ng kuya at patay malisya kong sinundan-sundan sila. ayaw mo ko maalala HA!!! mumultuhin ko kayo ng gufra mez.

at nung makailang ikot na ko sa gateway sa kaka-stalk sa mag-jowa, nadama ko nang pinapaltos yung paa ko kaya sinadya ko na talagang salubungin sila.

yung plano e lalapitan ko sila at magsusumigaw ang lola mo, vivorah style, "VEHYKLAAAA!!! kamusta ka naman diyan??? suplada ka na pala sa personal ha?!?!?!"

ilang hakbang lang layo ni rhoda sakin, azz in abot kamay ko siya, nau-una yung bilat na may sina-sight na damit sa pipol ar pipol. tapos tinaas ni rhoda yung hintuturo niya sa labi niya kagaya nung logo ng victoria court na siyang universal sign para sa "vehkla, oo, kanina pa kita nakita. sana wag ka na maingay. secret na lang natin to ..."

getz ko na. gaya ng dati. kaya nginitian ko na lang siya tapos nagtaas akiz ng kilay at rumampage pauwi, na siya namang universal sign para sa "OK FAYN, BEK-BEK! BUHAY MO YAN! GUDLAK NA LANG SA KARIR MO!"

di ko alam kung imbyernadette cembrano si atashi kasi kahit knowings kong closetta siya at parte niya nagpapanggap lang e nakikita ko pa din yung mga bakas na masaya siya.

o dahil kasi alam kong sabay ng pagtalikod niya sa nakaraan e yung pagtalikod niya sa kung anuman yung aming pinagsamahan ...

Sunday, June 10, 2007

Pitu-Pito #6: Byukonera

iteklavu e para sa mga hayok sa byukon, na sa sobrang ka-hayukan e nag-iilusyong sumali pa.

tara sali tayo ahihihihi ... eto, ilan sa mga tips na na-getching ng lola mo sa pakiki-usyoso sa mga pageant at pakiki-chikka sa mga ambisyosang paniki na minsan e nagbalak din jumoin.


7. handa na ba kayo?


payo ng masho-shondang vheykla, daig ng chakkang maagap ang chakkang masipag. kasi anupamang pageant-pageantan iyaners e kelangan talagang pinaghahandaan. mula muk-up hanggang sapatos hanggang hair-do e pinagpa-planuhan dapat. kelangan match yung mga kulay nang wichelles ka naman magmukhang sapin-sapin.

kung miss international yung sasalihan mo, kerri-kerri lang yan. wai naman mashadong nanunuod ata non e nyahahahaha kakaloka naman kasi prodaksyon balyu nung miss international. prodaksyon lang, waing balyu. parang pam-baryong pageant lang tuwing piyesta itu.

pero kung miss yu tsaka miss world yung sasalihan mo, talaga namang mag-effort ka na at magprepara. kung kinakailangang ngayonchi pa lang e lumalaklak ka na ng pinaghalong lakas ng glutathione tsaka metathione e gawin mo na. kung kinakailangan mag-fly ka sa venezuela at mag-train kasama ng mga higanteng byukonera na anlalapad ng bunganga at banat na banat ang fez, aba bakla, di kita pipigilan. lipad na!!!

wag tularan yung friendship ni manay cindy dati na inisponsoran niya ng super-mega-over sa plunging na gown. wa talagang prepara-preparasyon itu. parang ilang oras bago yung kontes saka lang nagdesisyon na sasali.

madalian itu. isa siyang chakkang masipag na tarantatious at aligagang bakeshop (bakla).

kaya nung dinala namin yung gown sa mismong kontes para gamitin sa parade op nations nung byukonera, azz in unang fitting niya itu, nagwala talaga si manay cindy.

isplukara ni manay, "bakla, sana mag-ahit naman tayo ng chest hairs bago mag plunging, HA!?!?!"

NYAHAHAHAHA!!! kalurki ...

6. attitude, ampotah!?!

dapat attitude pa lang e winner ka na. hindi ibig sabihin magiinar-ar herrera ka ha??? wa ka pa karapatan mag diva-divahan. umarte ka nang tama kundi aakyatin kita sa stage at kokonyatan kita nang malakas.

yung tamang attitude kasi nagiging kompidenz yan, tandaan mo.

wirit paniwalaan lahat ng binibida nung host. lalu na pag napangalanan na yung top 15 o kaya top 10 tapos sasabihin niya, "thank you, girls, you are all winners just being here on stage ..." KYEMBOT! winner ka diyan, LECHE! tsinelasin ko pagmumukha mo e.

keme-keme patatas lang yon, noh??? pagpalubag loob lang ampotah kasi nga mga loss kayo. mga ligwakers. tinawag pa kayong "thank you girl." sarap sapakin, davah???

e isipin mo lagi na win ka. at sayo ang korona pati yung scepter tsaka yung sash na lumamon ng ilang supot glitters. ipaglalaban mo ng patayan na winnona ryder ka.

isplukara nga ng friendship ni atashi na yung byuti daw e nagsisimula sa sarili. kelangan maniwala ka mismo na ikawchiwa e byondaciousness at bonggaciousness combind. kung wit ka pa kuntento don, ipagkalat mo. sabihin mo sa sarili mo, tapos ipasa mo sa makakatabi mo sa jeep. o kaya i-text mo sa lahat. send to all. parang kowt.

siyempre sa una iisipin nila, "ambisyosang higad naman to." pero di kalaunan (anlalim non, di kalaunan hehehe) pagbibigyan ka na nila, "sige na nga, maganda ka na." kahit plastikada, at least di ba ... hehehe ... yun lang, at least ... hehehe

so kahit may peklat ka ng pinagbakunahan sa kaliwang pisngi ng wetpaks mo o puro tig-mamiso man yung binti mo, tapos swimsuit kompetisyon pa itu, isipin mo na mananalo ka at ikaw yung pinaka-fabulosa at pinaka-flawless sa lahat at witchikels ka papayag na uuwi kang thank you girl.

ganyan talaga. dahil walang hindi nadadaan sa kumbinsing powers ng sariling ambisyon at ilang pahid ng concealer at foundation hehehe

moral lesson, laging mag-baon ng concealer at foundation na ka-match ng skin color. lalabas kang katawa-tawa pag hindi.

5. impaktita ka

para mapaniwala yung taumbayan sa powers mong magmaganda, kelangan may hatak ka na sisigaw at titili at magwawala pag umeeksena ka na. kahit mali-mali ka na e puro lang sila sigaw at tili at walang pakundangang pagwawala. yun ang silbi nila sa pageant.

kung duda ka sa hatak power mo, deadma ka lang. may remedyo yan, gurl. kung may nababayaran nga para mag-rally, ka-sure si atashi na may mahahatak ka ring magchi-cheer para sayo.

strategy yan e. pampalakas ng audience impak.


kaya pag nakalusot ka sa miss yu, ipagkalat mo agad sa friendster tsaka myspace tsaka multiply, o kahit sa mga shopetbahay mo na lang, na naghahanap ka ng audience mo. chikka mo lang na libre cotton candy at stork at kornik at kung anek-anek pang ginang give-aways tsaka pangkabuhayan showcase, na may kasama pa itung chippy at chiz curls na may kalakip na picture ni nora aunor prom da flor contemplacion story.

sabihin mo ring wit na nila kerri mag bringalu ng banner, streamer at plakard cheverlyn kasi gawa na itu at gigiblaban mo na lang sila. yan ang prepared ahihihihi!!!

kung yung ms photogenic award e dinadaan sa text votes, magagamit mo rin yung audience impak mo diyan. pangakuan mo lang ng pasa-load para sa lahat ng smart, globe, sun at tm subscribers ... pati na rin yung sa islacom, kung meron pang tira-tira.

4. aksident prone area

remember me dis way mo yung alamat ng "kaya niyo yon"?

yun yung may byondaciousness na gurlilet na rumarampage kunsaan tapos nadulas tapos sabi niya, "O HA, kaya niyo yon?" at nagfiling na waing nangyari yung hitad kahit knowsline chinatown mo namang napahiya siya ng over.

e akalain mo may pinanggalingan pala yung chikkang yon.

si miriam quiambao nga nadulas daw sa stage nung pre-pageant pero muntik nang maging miss yu.

si melanie marquez e tumalsik daw yung high heels nung may kontes sa rampahan pero super model ang drama niya ngayinz. (wag lang talagang isabak sa quizz bee itu)

at si miss usa nadulas sa sariling gown pero runner up pa din ang drama ng american pechay.

kaya sinu ka ba naman, divah, para hindi magpadulas???

kung kinakailangang peke-in yung kamalasan mo sa stage, gawin mo. tisurin ang sarili. magpakalaglag sa entablado. kunchabahin yung floor direktor at utusang mag-improbays sa rampahan ng isang buong obstacle cors ng naglalaglagang ilaw at mwebles tsaka natutumbang poste tsaka nagbibitak-bitak na flooring. pero siguraduhin mo lang na matumba-tumba ka man e pu-projek ka pagtayo mez para kunwari bawing-bawi yung effort.

kahit bali na yung buto mez, kahit duguan ka na, tayo ka lang uli. grasyosa ka e. hayaan mo sila mag-alala para sayo, maganda ka naman.

hindi ka man manalo, at least mari-realize mong may karir ka pala as stunt woman.

3. projek runway

mahalaga yung pagpo-projek na yan, kala mo.

importante na umaangat talaga yang look mo sa iba. kasi kung hindi e sana hindi ka na lang sumali ng pageant. sana nag wowowee ka na lang at naki-boom tarat sa madlang pipol, baka naging bigaten ka pa.


siyempre may opening danz number yan, dapat rehearsal pa lang projek na projek ka na. yung level na maribeth bitchessa na may pabuka-buka pa ng bibig tsaka pouching-pouching ng lips kahit step-step-kick lang ginagawa niyo. projek lalu pag may jazz kick nang kasama. para naman mapansin ka ng prodyuser at ilagay ka sa harap. pag nagkataon, projek ka lalu para isipin ng taumbayan na ikaw nag-koryo nung buong sayaw ahihihihi

eh yung iba kasi natural na havs nitech. yung iba kelangan pagtrabahuan ng over. nagagawa yan sa pamamagitan ng pagharap sa salamin at pagpa-praktis mag-projek. pag nagulantang ka sa sarili mong fez, yun na yon. pero pag witchikels pa, try ka na lang uli later. kung may sakit sa puso, iwasang gawin sa madaling araw.

dapat kasi nangungusap yung look mo. tingin mo pa lang, sentence na. chikka nga ng guro, may kumplit tot itu. para ma-test mo, mag-projek ka kung kani-kanino.

pag tinanong ka kung OK ka lang, PROJEK.

pag tinanong kung anong oras na, PROJEK.

pag tinanong kung aneklavu order mo, PROJEK.

pag tinanong kung dine in o take out, PROJEK.

pag hinold-ap ka, PROJEK.

pag tinanong kung lukaret ka, PROJEK.

projek lang nang projek. pag may nagreact, gano man itu ka-bayolente, kerri yon. ibig sabihin lang non kuha mo na ang pagpu-projek ahihihihi

2. kostyum parteee

siyempre pinaka-aabangan ang eksenahan sa best in national kostyum. kasi diyan nanggagaling ang wow-pakshet-nagulantang-ang-bangs-ko factor. yan yung unang chanz mo magpa-bibbo cheverlou.

pero para maiba naman, deadmahin na yung LUZVIMINDA kostyum. gasgas na yan. yung igorota epek na may palayok-palayok sa ulo, ilan beses ko nang na-sight yan noh???

ia-assume ni atashi na pilipinas yung ire-represent mo, davah?! tapos kunwari nabulag mo yung bb. pilipinas at ikaw daw talaga pinadala sa miss yu. so ngayon pa lang e isip ka na ng mga pang national kostyum na talagang pinoy na pinoy.

andiyan yung
kostyum ni darna. orig natin yan, kahit mukhang piniratang bersyon ni wonder woman e deadma ka na lang. pag tinanong ka bakit yan, sabihin mo kasi simbolo siya ng strong woman o kung bet mo may sosyal relebanz e sabihin mong representasyon ka ng nakakalokang kahirapan sa pinas na sa sobrang walang makain e lumulunok ng lang tayo ng bato tapos ngumangawa. davah, nahanapan daw ng konek nyahahahaha!!! pag pilian mo din sina inday en da golden bibe, valentina, volta at kahit isa lang sa super amazing twins, kung sino man sila.

kung gusto mo rin na swak sa panlasang pinoy ang kostyum-kostyuman mez e try mo, azz in suggestment ko lang naman itu, try mo lang magpa-construct ng national kostyum na gawa sa adobo. yung may karne, dahon ng laurel, toyo, suka at pamintang buo. ampinoy, davah??? baka matakam sayo ang mga janis hurado.

o kaya suot mo na lang kostyum ni jollibee para at home na at home ka talaga. kakaiba yun, in fuhrnezz. may konse-konsepto kunwari ahihihihi ... eh kung bet mo ng gurlilet, try mo din si hetty spaghetti, yung mascotterang nagkalat ng spaghetti sa sarili niyang buhok. anoveh?? kaya lang baka isipin ng mga hurado na dugyutin kang bilat, so mag-jollibee ka na nga lang. O KAYA SI SCOTT BURGER BWAHAHAHAHA!!! yung obis na batang may dakekang na hamborger sa ulo nyahahahaha
PANALO YUNG MASCOT NA YON!!!

pero kung wichelles mo bet mag-effort, come as you are ka na lang. wa pa gumagawa nitech. ever. basta umentra ka na lang sa stage nang naka-pekpek shorts, waing bra tapos naka-t shirt na bigay ng DARE o kaya ng DOH o kahit aneklavung pambahay kahit may punit pa talaga itu o bakas nung nasunog habang super plantsa yung merMAID niyong si kiray. pag linibak ka ng press isplukara mez na ang tunay na kagandahan e lumilitaw kahit naka-daster ka lang nyahahahaha!!! TARUZH PA DIN!!!

1. 'sang tanong, 'sang sagot!

dito nagkaka-alaman tsaka nagkakasubukan kung sineklavu sa mga byukonera yung kabog, yung ligwak at yung nadaan lang sa muk-up. sa monument na itech nagpapawis ang mga kili-kili at mga singit-singit, lalu na kung batuhin ka ng mga tanong na kalalim-laliman ampotah. may ganung factor talaga, kala mo pagandahan lang.

kaya dapat in touch ka sa mga current ebents at nagbabasa ka ng YES magazine (UY, plugging!!!). dapat alam mo yung sagot ni ylmas bektas sa sagot ni anabelle rama sa sagot ni ruffa sa tanong nina tito boy at tita christy sa DA BUZZ!!! dapat nagmamatalino ka tsaka kritikal-kritikalan mag-isip na nahahanapan mo talaga ng konek ang pagkakakulong ni paris hilton sa kaguluhan sa iraq at sa gutom sa aprika kahit wala naman talaga silang kinalaman sa isa't isa. basta ang ending, pag na-getlak mo yung korona tutulong ka sa maysakit nyahahahaha .. wa talagang konek.

kakaloka yung shopetbahay nung friendship ni atashi na sumali daw sa ginoong pilipinas cheverlyn o mr pogi eklat. ewan, di ko ka-sure kung alin alin alin sa kanila. basta yung pageant na naga-outsource ng byukonero sa mr world, yun na yon. eh yung boylet na yon e bata pa ata e ginu-groom nang byukonero. todo gym, todo facial, todo vitamins, todo ebrithing. yan yung tinatawag na karir moves. nakaligtaan lang nila na may quiz pala.

sa question en answer portion daw e tinanong yung boyletz, "nakakasama ba o hindi nakakasama ang gera sa pilipinas?"

sabi nung boyletz, "nakakasama po ..." tapos monument of saylenz. dead air itu. antagal daw. tapos lumapit uli siya sa mic. "Opo, nakakasama po ... (pause) ... ang gera sa pilipinas." yun lang.

eh hindi ata na-getz nung judge o nung emcee na wala nang kadugtong yung sagot nung boyletz kaya yung ending daw e nag-antayan silang tatlo kung sineklavu unang magsasalita hehehe

pero siyempers andiyan din yung mga pa-cute tsaka patawang tanong ng mga nagpapa-cute tsaka nagpapatawang judge. dun sa isang miss gay na napuntahan ko (wit ako sumali ha, mega-watch lang akiz) phone in question nung jisang judge, "kung bibigyan ka ng pagkakataong tanungin ang sarili mo, anong tanong yon?"

napalunok si bakla. im sure iniisip niya na tinatarantado siya o di kaya sinasabotahe ni judge. hiyawan yung taumbayan kasi wa ma-ispluk si bakla. napapahiya na siya.

napalunok uli siya. nagtaas ng kilay. humingang malalim tapos lumapit sa mikropono. sagot niya, azz in sa tonong nagtataray talaga, "... bakit ako?"

nasagot talaga yung tanong ng isa pang tanong, davah??? e ayaw paawat nung judge. humirit pa itu ng, "bakit ... bakit yon??"

e sky-rocketing high na yung buhay na buhay na kilay ni bakla. gusto nang tumalon mula sa noo niya. nagtataray na talaga itu. sagot ng byukonera, "at bakit naman hindi?" sabay projek tapos talikod tapos balik sa pwesto.

palakpakan ang madla. winner si bakla.