siyempre invited ang mga bigatin sa politika at showbiz. bet nila sana mga taga-politika lang kaya lang wichelles na nila ma-recognize yung difference. so super rub sila ng higit pa sa elbows sa pinag-uusapang rave party ng taon na inatendan ng mga elitista at mga starlet, jologs at yamin, mga adikk, pusher at mga protector. kasama ang mga taong gusto lang dumami ang sakop ng friendster, downelink, multiply, myspace at g4m nila.
wiz nila lahat knows na ang mga susunod na mangyayari ang babago sa buhay nilang lahat.
... sumunod e pinatugtog ang theme song ng pinoy big brother by orange and lemons. lahat required magsayaw, kundi pupugutan ka ng ulo. so dance dance revo ang mga hitad na parang si ati maribeth.
center stage ang amang hari. sa magkabilang side niya e ang kambal na junakis na sina prinsipe maverick at prinsipe ariel, na kool na kool sa kanilang 70s outfit.
"hey, dad, groovy'ng groovy tong baylehan mo!" say ng gitnang anak na si prinsipe ariel.
"baylehan?" sagot ni amang hari, "ang jologs mo, anak."
puro ismid lamang si prinsipe maverick na nakilala sa buong kaharian bilang si ginoong aburido. forever insecure kasi itong si kuya.
ang bertday boy naman -- si prinsipe maximo - e nangunguna pa sa conga line. dahil bertday niya may karapatan siyang mag-maganda at talagang nag-suot ng black coctail dress by inno sotto. shala-shalahan si bakla.
"bakit ba pinayagan mo magbakla-baklaan si maximo, dad?" tanong ni prinsipe maverick, naka-kunot ang noo. "nakakahiya."
"hindi bakla si maximo," depensa ni amang hari.
"dad, tignan mo nga kumilos si maximo!" kung anime si prinsipe maverick e may lumitaw nang tumitibok-tibok na ugat sa noo niya. "bakit kayo lang ang hindi nakakakita na bakla si maximo. naka-damit pambebot pa."
"bakit si dennis rodman, crossdresser pero hindi bakla. bobo!" say ni amang hari habang gumigetlak ng tequila shot sa isang tsinky-tsinkihang waitress. "sumikat pa si dennis rodman, di ba?"
last stanza na ng "pinoy ako, pinoy tayo!" song. bigay todo lahat ng sumasayaw.
"wag nang babanggitin ang isyung ito. hindi bakla si maximo. mahinhin lang talaga siya, pero hindi siya bakla. naintindihan niyo?" medyo tipsy na si amang hari.
napilitang um-oo si prinsipe maverick.
nang matapos ang kanta e nagpalakpakan ang mga sho-obelles. yung iba humihirit pa na i-rewind ang tape. so pinatugtog ang "sikat ang pinoy" by sam milby at tony gonzaga. walang kapaguran. yun dalawang kanta lang yon ang paulit-ulit na pinapatugtog buong gabi.
di alintana ng lahat na dahan-dahang bumagsak sa sahig ang nanghihinang katawan ni amang hari. siyempre, gaya ng ibang mga hari sa mga alamat eto lang ang tangi niyang papel ... ang magkasakit.
natigil saglit ang rave. lahat nag-alala at natakot para sa hari. nanakbong madali ang mga junakis ng hari sa tabi niya.
habang yung tsinitang waitress e tumawa nang malakas na sa unang rinig mo pa lang alam mo nang galing sa kontrabida. nagsalita siya pero salitang intsik ang lumalabas sa bunganga niyang parang hindi naman bumubukas.
lumitaw ang tunay niyang anyo. nagpanggap pala siyang waiter para mapalapit sa amang hari.
"si barbie xu! si san cai nandito," kinikilig na bulong ng isang bisita.
"hindi natin siya maintindihan," hanashi ng isa pa.
"bakit wala siyang subtitle?" bakit nga ba?
"DAKPIN SIYA, MGA GARDAN ANGEL!?!" sigaw ni prinsipe ariel.
pero bago pa makalapit ang mga gard kay barbie xu, nag-teleport siya at tumakas na.
tumakbo na ang magkakapatid sa tabi ni amang hari. si prinsipe maximo, umiiyak na parang si judy ann, "DAAAAAAAAAAAAAAAAAADDEEEEEEEEEE!?!?!
"HAGILAPIN SI MANG KEPWENG!?!" sigaw ni prinsipe maverick.
hindi natahimik ang mga bisitang tsismoso. kurek, gaano ka man ka-yaman nasa dugo mo na talaga ang pagiging tsismoso.
"nalasing ata ... maraming kasing problema ..."
"gutom yan. balita ko bulimic si amang hari."
"ang tagal. gusto ko nang magsayaw."
((..))
sa kabilang dako ng kaharian. sa isang kweba kung saan madilim, mainit at masikip, nagskwat ang isang makapangyarihang engkantada ... si la chorvah. sa likod ng shining shimmering gown at bright feathered head dress na tinalbugan ang head dress ng mga ms universe candidates mula columbia, panama at peru, bitin at nag ngingitngit sa pagka-imbiyerna ang lola mo sa happenings sa rave party ni prinsipe maximo.
ang orig na plano e shoktayin si amang hari. pero kasi hindi sila nagkaintindihan ni barbie xu e nagkasakit lang ang lolo nang ma-nomo ang potion na ginawa pa ng nalaos na charmed ones.
"inutil! isa kang inutil, barbie xu ..." nanginginig ang mga dingding sa bawat salita ni la chorvah. "inutil kayong lahat!?!"
hindi naiintindihan nina barbie xu at ng f4 ang tagalog na salita ng engkantada. naka-kunot lang ang mga noo ng mga intsik. nagkakamot pa ng ulo si dao ming xu.
"simpleng simple lang ang utos ko sa inyo. hindi niyo pa magawa. pinag-iinit niyo ulo ko ..."
nagdahilan pa si barbie xu pero may sira ang subtitles kaya parang dead ma lang si la chorvah.
"ayokong masira ang mga plano ko dahil sa katangahan niyong lima. akala niyo pagkatapos ng mga pinapakita niyo sakin e ibabalik ko pa ang nalanta niyong mga karir?"
nagmaka-awa si hua ze lei. pa cute pa rin niya. at as usual, walang nakaintindi sa kanya.
huminga ng malalim si la chorva. nagsimulang ma-ihi sa takot sina barbie xu at ang f4.
bumuka ang bibig ng engkantada at nagsimulang kantahin ang huling linya ng soundtrack ng armaggedon, " ... and i dont wanna miss a ..." HALA BUMIRIT NA NA PARANG WALANG BUKAS " .... thiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!!?!!!"
naglahong parang bula si barbie xu sa huling nota ng divang engkantada. lalung natakot ang f4 na pinandilatan na lamang ni la chorvah.
cue na ito para kantahin ng f4 ang favorite song ng lola mo .... ang "meteor rain." enter da dragon din ang mga go-go boys at nagsayaw sa harap ni la chorvah.
siya si la chorvah ... may sophistication ni ina magenta, katarayan ni la traidora, kakulangan sa tadyang ni thalia at gandang vicky belo ... siya ang magsasabog ng panibagong kalagiman sa kaharian ni big brother. pero sino siya at sino ang gumagawa ng costume niya?
ano ang diagnosis ni mang kepweng sa mahal na hari? alam na ba natin ang lunas dito?
ano ang magiging papel ni pirnsipe maximo sa kwentong itiz?
at ano ang maitutulong ni wanda, ang nawawalang reyna ng etheria, at ang kanyang pink mafia sa hamong haharapin ng magkakapatid na prinsipe? may konek ba talaga siya o isiningit ko lang kasi wala akong magawa?
nakanino and diary ni tiyo kardo?
buhay pa ba si corazon at fulgoso?
ano na ang nangyari kay nanette medved?
pagkatapos ni barbie xu, sino ang susunod na mae-evict sa kaharian ni big brother?
may kasunod pa kaya 'to o mame-mental block na naman si atashi dahil sa nabigong pag-ibig?
magkakaroon kaya ng kasagutan ang mga questionnaire na itechu? gudlak!!!
2 comments:
mastado ng common ang kwento mo!!!!! cguro kinopya mo lang ito!!!
cguro kamukha mo si chocolate sa personal?
Post a Comment