Wednesday, February 08, 2006

Salamat Boy Bawang

SABEL, DIS MUST BE LOVE!?!

naka-kyombay ako sa tapat ng parlor. drinkalu ng sarsi at lumalafang nang boy bawang nang may isang kotseng dumaan. wa ko knows kung anong klaseng karu. basta royal blue ang coloret. at napakalakas ng tugtog.

jiritation akeiwa sa mga ganoonchi. hello, noise pollution!

huminto yung kotse sa harap ko.

SABEL, DIS MUST BE LOVE!?!

si marcus. at hindi pa ako nagli-lip gloss.

"hoy, darating si allen galing states, alam mo na ba? may inuman sa bahay sa linggo. pupunta ka, di ba?"

si allen e kababata naming laging patotot sa patintero kasi maliit at mabilis tumakbo. pero madalas tumatae sa shorts kaya hindi kami naging close. updated na ko sa balitang yan from roxy na darating siya from boston sa sabado. shala, davah!

siyempre call ako don. naisip ko na nga isusuot ko e.

"ok. kitakits sa bahay. sagot ko inom. kayo na bahala sa pulutan."

"ang kuripot mo!" siyempro pa-cute na objection ko.

"gago! ikaw 'tong may negosyo. IKAW ang kuripot."

negosyo. bakit hindi niya masabing parlor? negosyo talaga. e obvious naman.

"gago ka talaga."

binato ko siya ng boy bawang. isang butil. sayang e.

"tigilan mo na pag-aadik mo. ang payat mo ... hehe .. sige, kitakits." parting words ni marcus.

pinigilan ko sarili ko sa pagtili. OH SABEL, DIS MUST BE LOVE!?! pinalobo ko na lang ang sarsi. habang nakangisi.

at na-realize ko, parang ang swerte ko sa boy bawang. kaya pumunta ako kina aling mildred at pinakyaw ko ang boy bawang.

4 comments:

Anonymous said...

kinilig ako bakla infairness. :D

leonore (mommycool) said...

hay naku disgrasya lang makita ko nag enjoyang lola mo...will do visit this always, gusto ko toh, para ding nasa Pinas ako...lol...ok ililink na kita. period!

Anonymous said...

(JUZ CALL ME .... AMEgA)
Well... ate wanda.. pwede share ko din akin experience.. hehehehe.. ganito kasi yan.. almost ten years na kaming magkakilala.. atashi... inlababo sa mokong na itech.. hay.. pagkagwapo nalang jud! ( gwapo tlga xa ).. ka Face niya c jurtista na c JAKE CUENCA.. ang Palos ng aking buhay... Our story ...
CHAPTER 1
(NAng DAhiL sa SK- ANG UNANG TAGPO)
gabi conception noon... nagdance to the music ang amega mo ate wanda.. (CHEERDANCER kasi ako).. habang kumikembot ang amega eh.. lumapit itong c PALOS.. Gosh.. crush ko plng siya noong HIGH SCHOOL MuSIcALE pa kami...(AFTER HIGH ito nangyari)... paglapit niya sa akin.. QUESTION AND ANSWER agad ang drama.. Ask niya ako if.. may kilala ba akecth na tga BRGY. namin kasi nga he will RUN to you daw for SK.. and... luckily...(TNX sa charms and crystals).. yung kakilala ko sa brgy namin.. hinarvat ako pgka SK kagwad.. that tym 50/50 ang drama ni amega kasi nga i want to focus with my studies.. ( STUDIES DAW oH!.. hahaha).. mdyo serious ako noon sa pag-aaral.. i want to grad ksi.. to help my FAMILY sardines sa gulong ng palad na buhay... to make the story short doon kami nagkakilala.. hehehehe..
to be continued...

Anonymous said...

AMEGA-----
and ..... k
KINABUKASAN..
.. gabi conection uli... 8pm..
( palaging gabi )
nag basketbol ang PALOS ng buhay ko.. eh.. here comes ang amega mo... Q & A uli ang drama... feeling ko tuloy gabi-gabi akong sumasali ng MS.GAY..(hehehe).. Ask siya.. ano ba daw pwede niyang iplataporma.. ( what?... TAMBLING ang beauty ko ate wanda)... first question plng wa na ako ma.SAY alonzo.. tumawa lang siya.. hahay.. ( MAS lalong nailove c amega).... AnSWER naman ako na parang ms. universe charlene gonzales.( HIGH TIDE or LOW TIDE).. he was puzzled.. hahahaha.. sabi ko para sa ikauunlad ng brgy at para sa kabataan.. mga recreation kumbaga... pacute2 xmpre c amega sa pagsagot ng nagiisang katanungan...UMEXIT c PALOS.. ewan ko bah...
after 1 hour..
habang sumasayaw c amega eh.. dumating itong c PALOS... ginalingan ko tlga sa pag'giling at pagsayaw with ol the split pah... ng biglang.. chrrajfdsjahfihgdjfhgeiug... napunit jogging pants koh.. huhuhuh.. ( supermegagrabelicious nahiya c amega ). uwi c amega sa bAhAY ni lola.. bihis ng damit.. at pagbalik koh......
GRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRR........
EMBUDO Ang amega.. kasi iba na kausap ni PALOS.. VERNI vArgA tlga ang beauty ko.. ng ako ay dumating.. nagtawanan ang lahat.... he noticed me.. and TAKE NOTE... iniwan ang bilat na kausap niya... (MAS GODDESS pa rin ang beauty ko-- AMBISYOA) hahahahaha... at nag-usap kami.. marami kaming pinag-usapan.. from the jogging pants hanggang sa studies--------... at doon nagsimlua ang friendship namin....