Sunday, February 19, 2006

I LOVE U, PIOLO!?!

YEIZTERDAY!?!

ang pinakamamahal kong si piolorific ay nagbabalik on national telebizhun!!!

may bago siyang soap. at mukhang kakakilig ang story. itech, sa piling mo in a nutshell:

bulag si piolorific (ang pinaka-wafung bulag na na-sight kez) at kababata sila ni juday. nang mao-onda na sila, may i pakasal sila. complete with wedding gifts, priest at mga ninong at ninang. pero nang malaman ng dating ulah (ang batang gubhat) na dangerous ang lagay ng mga beautiful eyes ni piolorific, nag-paka oceans 11 ang lola mo kahit jisaers lang naman siya. mukhang bobah ata ang gurlash, so in the end nakulong siya. kala ni piolo jiniwan na siya ni juday sa terminal ng bus kaya may i cryola ang otokos sa gitna ng madlang pipoletz.

after 48 years nagkita sila uli. siyempre dami na nagbago. yamin na sila pareho at may kanya-kanya nang ka-jowaan. ang problem, si judy ann aligaga kasi apekted siya pag nakikita niyang masaya na si piolorific sa piling ni rica, na ang role e ricah talaga kaya napagamot niya si piolo kahit wiz lumalapit sa kapwa ko mahal ko. si lulurki wa niya knows na si judy ann at ang ulahng pinakasalan niya e iisa kasi nga bulag siya nung mag-"i do" sila.

ganon. at sa laguna pa ata sila shoot. kasi matagal niya nang nachi-chikka iyanchi sa akin pag nagte-text siya.

kurek! flangganah! pasok sa banga. textmates kami niyan ni pj, wag ka?!! minsan mms pa, kabog davah!?! at every 2 weeks, pag wit siya bisi-busyhan e call-galore talaga yan. at wichikels ko pa binubura mga text niya. baka kasi kontrahin mez.

azzz in!?! mashogal ko na talagang love yan. lumabas pa lang siya sa batang fx (fx ba yon o batang px?). basta, top 1 yan sa mga pantasya ng lola mo, kasunod ni marcus.

at ang nakakainis, feelingash ko e talagang pinaglalayo kaming duwachi. mga friendships ng lola mo na-sightsung na siya. 1 million times na. yung friendship ko pang si gary, na na-binyagan ng lulurking taga-circle kama-kailan lang, may picturaka pa together!!??!! akez wa. wiz. zero. nadah!?! wishing ang hoping lang.

ay, minsan lang pala. nung nagte-thesis akeiwa tungkol sa star circle quest. may i watch akez sa aliw theater. at trulilie, na-aliw aketchiwara. kapanahunan ng dreamboy yon. sing-alu silachi ni bea. jiritation akez kasi bet na bet ko nang gomora sa stage at ipagtapat sa kanya ang tunay kong nararamdaman.

madalas ko siya i-text. lalo na pag nagda-drama akez. o kaya havs aketch ng mga sentimientong wiz ko ma-say kina frida at roxy kasi wa din naman silaching paki.

nagre-reply rin siya: Hi Wanda! Salamat sa fanmail mo. Wait na lang sa nxt update.

at magtatapos sa: P2.50 per msg.

hahahaha sa mga katulad kong ilusyunada, isang malaking bagay na itech. kahit in real life e computer lang ang negte-text sakin. o kahit yung PA niya lang. dead ma-ru. sabi nga ng mga hindi nag e-effort pag gumi-givsung ng regalo: is da thowt dat counts.

yeizterday. ang relasyon naming dalawa e sa halagang P2.50 per text, P5 pag mms, at P20 sa tuwing tatawag siya (na recording lang naman coz puro siya lang ang chumichikka.. minsan magtatanong, at kahit sumagot ka e dead ma siya) keri lang kasi hapi-hapi naman ang lola mo.

so sa mga katulad kong ilusyunada, text ON PIOLO and send to 2366 para updated ka din.


ANG SARAP NIYA TALAGA. SARAP I-UWI SA MAGULANG NOH???

wanda: 'tay ... may ipagtatapat po ako sa inyo.

tatay: o anak, bakla ka? OK lang. gwapo naman syota mo e. o hijo, ano bang trabaho mo ...

wanda: 'tay, piolo po screen name niya.

piolo: pj na lang po ... 'tay.

(punyeta! kinikilig ako!!??!!)

tatay: aba, magalang. so kelan ba ang kasal niyo?

(stop na ditech ... wit ko na kaya!!!!)

11 comments:

Anonymous said...

naaliw ako dito wanda! salamat sa fren ko na nag-refer sken ng blog site mo. stress reliever tlaga ;-) more power! ~Mags

Anonymous said...

Aliw din ako...A break from the usual routines.

Anonymous said...

grabe akala ko talaga close kayo ni piolo in real life

Anonymous said...

jusko! tambling ako kay pascual eh!
ang gwaaaaaaaaaapooooooo!!!!

wala ka na pics? hehe

Anonymous said...

Haller!! Grabe... ang wafu ni Piolo!!! ang ganda ko!! bagay kami!!

Anonymous said...

hoy wanda! fel ko rin ung mga language mo ah!!!!

tootai said...

ang fun nito!!!!! galing wanda galing!!! hehehhe...

Anonymous said...

ang saya dito....

George said...

hi..ang saya namn dito..

sonya sonya said...

hay ateng, kaisa mo ako sa milyun- milyong bekbek na natutunaw ang panty liners kay papa p!!! hihihi... kudos sa mga nakakalerki mong posts. keep 'em coming.

Anonymous said...

kmustasa reynang wanda?! naaliw aq sau ha! nga pla isa ako sa mga bumili ng koya ng libro mo. actually napilitan lng!jowk... hekhek!!! pagpatuloy mo pa ang paghahasik ng kagandahan! kaisa mo ako jan!

-ps.
sana ma-sight ko na si papa piolo!

walang sawang sumusuportatives
- kengkeng kerengkeng