Thursday, January 19, 2006

Sino ka Wanda?

hindi tayo magkakilala, pero madalas mo nang masilayan ang beauty ko.

akez ang kapatid mong lalaking panakaw na naglalaro ng barbie doll.

akez ang kumpare mong secretly in love sayo.

akez ang kalaro mo sa basketbol na bet ang physical contact, on and off court.

akez ang karpenterong pilit niloloko ang sarili kong lalaki ako, pero crush na crush yung mason.

akez ang consehal na over kung magpigil ng sarili, pero kabog si ate regine pag nakakakita ng flying ipis.

akez ang fratman na kumukupal sa mga cute na neophyte.

akez ang jowa ng mga bilat na walang kamalay-malay.

akez ang tambay ng starbux at iba pang kapihan kc naghihintay ng ka-eyebol.

akez ang member ng fitness first at iba pang mga health club, kc masaya sa loob ng sauna.

akez ang parloristang nag papaganda sa mga ate at nanay mo, at gumugupit sa buhok mo. at gustung-gusto mo ang gupit ko kc bumabalik ka sakin.

akez ang mga baklang masho-shondang rumarampa sa mga parke at plaza.

akez ay isa sa mga trans na nagpapa-pick up sa quezon ave.

akez ang anino ni diego, ang pambansang bading, at iba pang artistang bading na ginagawang katatawanan sa tv.

akez ang stand-up comedian sa mga bars na nang-ookray sa mga kaokray-okray kaya ok lang.

akez si magdalena, si mulan, si zsa zsa zaturnnah, si valentina, si sailormoon at lahat ng karakter sa tv, sine at komiks na pangarap naming isuot ang costume.

akez ang kandidata ng bawat miss gay beauty pageant sa pateros, tondo, taguig at kung saan saan pa.

akez ang bagets na kabisado lahat ng maliliit na detalye ng miss international, world at universe; at nakapili kami ng gusto naming evening gown.

akez ang nyoklang humahada sa madidilim na sulok ... pati na rin sa maliliwanag.

akez ang bading na minsan nangarap maging mermaid o prinsesang ikinulong sa napakataas na tore ng isang witch na chaka.

akez ang isa sa mga pumupuno sa maluluwang na kalye ng nakpil at orosa kahit ordinaryong araw.

akez ang mga paminta at mga effem, na kung iisipin mo wala namang pinagkaiba.

akez ay isa sa mga parokyano ng mga bath houses na nagkalat sa maynila.

akez ay isa sa mga anonymous names sa chatroom, naghahanap ng booking and/or relasyon.

akez ay ang baklang umiiyak pag nasasaktan, nagdudugo pag nasusugatan, humahalakhak pag may nadadapa. pusong babae, bitukang lalaki.

gaya mo rin ako ... iba lang talaga ang trip ko at ng ibang tulad ko ...

hindi dapat sabihing kaming mga bakla ay nabubuhay sa mundo ng ilusyon. kc unfair yon. lahat nag-iilusyon. kahit yung mga driver-sweet-lover, TODA at CONSTRU ay malalakas mag-ilusyon. kc ang pag-iilusyon bahagi ng kapangyarihan ng bawat nilalang -- mapalalaki ka man o babae. gift yan ni Papa God. (tenkyu po!) kaya go, gamitin mo.

ito ang mga kwentong parlor na naganap at nagaganap sa buhay ko at ng ibang katulad ko. at wag ka, ang dami na namin. meron na nga kaming sariling friendster, kala niyo. at mayroon naking sariling special day, parang mother's day o father's day. bobah!?! gay pride day, hindi happy gay day.

hindi ko layunin na maintindihan niyo ako o tanggapin ang mga bagay na sasabihin ko. pero sa mundong hinahaluan ng kulay ng pag-iilusyon, ito ay isa sa mga kaganapang tunay at totoo.

ako si wanda, at eto ang aking kwento. i just want u to know (naks, nosebleed!!!), gaya ng ibang mga kapatid ko sa pananampalataya, ang ganda-ganda ko ...

FINE! pati na nga ikaw!

24 comments:

Anonymous said...

very well said wanda. i admire your blogs for their inherent entertainment, shock and intellectual values. kudos to you and to everything that you stand for... which of course, is something we all stand for... gay power!

chrissy said...

galing mo girl! isa kang malaking check!

palma tayona said...

wala akong masabi kundi....

WAPAAAAK!

hanep sa tindeh. :-)

A backpacker's guesthouse! said...

not a day pass na hindi ko chi ne chek ang blog ko.

hindi echos pero pag nabasa ko na blog mo okey na ako kahit imbey sa mundo, pag nakahagikhik na ako while reading your blog... recharge na ulit.

wid echos pero your blog are one of the things that makes my day bright...

salamat nini for existing

A backpacker's guesthouse! said...

ooops sorry blog MO pala... typo error patawad

Anonymous said...

wanda!!! wagi!! panalo! winner!! wala ng tatalo sau! the best! ang ganda mo tlga!

kjiamsie said...

nice blog wanda... kung naging bakla si bob ong, siya ay ikaw at ikaw ay siya...hekhek...

Anonymous said...

ngyon ko lang nadiscover blog mo lola..

pero isang masigabong palakpak sa iyo! winner ka for 10 points!!!

lukah said...

wanda fanatic pow. nakaadik blog mo ate. para syang kape ko sa umaga. hehehe! more power.

Anonymous said...

My friend told me that I should check ur blog... And i did... Sure thing I had the chance to read ur blogs, ngayon aaraw-arawin ko na lolah... Salamat Niningga sa mga words mo na puno ng entertainment value... Keep it up... Ang ganda mo talaga lolah... Panalo!!!

Anonymous said...

Awesome blog! Gratz! Wanda.

kjiamsie said...

ibang level ka na wanda, ginagamit na sa subject naming lit ang blog mo...hehe...

pinag aaralan na namin... :)

geniya_maganda said...

nosebleed...lol...sna bshin to' ng mga my skit...dba laughter is d best medicine!(nosebleed dn!)...hehehe...

sexliespolitics said...

bwahahah! nakakaloka.

geraldine said...

ganda ever

Anonymous said...

I love it! this is my first time here and I promise I'll come back! bongga ka wanda!

Anonymous said...

GO GIRL!!!!

MABUHAY KA WANDA!!!

CHUKCHAKCHENESCHUVAHCHURVAHCHENELYNCHEVERLOOVONGGACIOUZE!!!!!

Anonymous said...

VONGGACIOUZEE ANG BLOG MO DHAY!!!

Anonymous said...

kakatwa!

Anonymous said...

sobrang kulit, it's fun reading your entries, kakabagan ako...besides, i am learning a new language, go girl!

Anonymous said...

hi-yers wanda.. im just re-reading your entries.. understatement na sabihin na im just dying to hear anything from you.. kahit ano pa yan.. naks, walking down memory lane ito..

Unknown said...

hi wanda! nakakatuwa ka! i really enjoy reading yer blog!

Anonymous said...

the moment i read your blogs, i fell in love...hay

--Dyosa ng Kagandahan---

Anonymous said...

pramis wanda, pinasaya mo ang malungkot kong araw!