Monday, June 05, 2006

Ibong Adonis, Kabanata II

"malubha ang lagay ni da king," say ni mang kepweng.

siyempre hindi niya kayang gamutin ang sakit. kasi kung nagkataon wa na tayo kwento. at kung nakinig ka nung pers year hayskul ka, alam mo na kung ano ang lunas diteklavu. kung naborlogs ka sa klase, sight mo na lang yung title. yun na yon.

si prinsipe maximo e nakaupo sa tabi ng walang malay na shotawan ni da king. umiiyak. humahagulhol. ngumangawang parang baka ginagatasan ni edward scissorhands.

nilalapit niya ang fez niya sa mukha ni da king.

"hoy! maximo, ano ba yang ginagawa mo?" tanong ni prinsipe maverick.

"lumuluha, ano pa ba sa tingin mo?" sagot ni prinsipe maximo, umaagos ang luha sa mukha ni da king.

"umalis ka diyan! hindi ka nakakatulong!" pasigaw na utos ni maverick.

"di ba sa mga pelikula pag natuluan ng luha ang mahal mo, nabubuhay sila? mabubuhay si ama sa powers ng luha ko."

"kalokohan!" ismid ni maverick. kinapitan na siya ni ariel sa takot na magkagulo pa.

"hindi kayo nakakatulong pareho. puro kayo away!" say ni prinsipe ariel, finally. "kailangan nating hayaan mag concetrate si mang kepweng."

"ehem ... err ... may limitasyon ang kaya kong gawin, prinsipe ariel," palusot ng albularyo. "hindi ako si david blaine."

natahimik ang buong silid. nawawalan na sila ng pag-asa.

"err ... pero may huli pa akong hirit." nag-aalangan ang matanda.

tinawag niya ang side kick niyang si weng weng, ang pandakekok na medium o yung mga sinasapian. isa siyang medium na extra small, hahahaha, kakaloka. super chant naman ang lolo para sa ritwal na pagsapi ng mga santo sa shotawan ni weng weng.

pumikit si weng weng. tumirik ang mga mata. parang kinukumbulsyon na bata. pero trenta na siya in real life.

lumamig ang paligid. humangin ng malakas kahit sarado ang silid. sinipon na si prinsipe maximo.

"ayan na siya ... mahal na santo niño ... ikaw na ba yan?" tanong ni mang kepweng kay weng weng.

tahimik lamang si weng weng. parang natutulog na kahoy pang siga.

"kailangan namin ng tulong ninyo, mahal na santo ..."

umungol lamang si weng weng ...

"CHURI CHURI! ANYU-BA-HINYI-AKO-CHI-CHANTO-NYINYO
..." say ni weng weng.

"ano ba sinabi mo? mahal na santo niño o mahal ... lang?" tanong ni maximo.

"wala nang patutunguhan ito." sigaw ni maverick. mahilig talaga siyang manigaw. "kapitan, alisin ang mga walang kwentang ito!"

biglang bunot ng espada si maverick para makipag espadahan kay kepweng ... uuyyyy!!! bading na bading!!

"sandali, maverick!" sagot ni ariel, sinalag niya ang espada ni maverick. bet niya silang dalawa ang mag-espadahan. "wag tayong padalos-dalos. ano bang solusyon ang gusto mo? wala kang alam. prinsipe ka lang."

uy ... kunwari maaksyon daw.

pero in reality, nanginginig na sa takot si mang kepweng.


"CHURICHURICHALAGA! INCHI-KO-CHINACHADCHA ..." say ni weng weng.

"sinasayang lang nila ang oras natin, ariel! kalahating araw na tayo dito pero hindi pa rin alam ni kepweng ang sakit ni ama."

"at ikaw? alam mo ba?" nagtataray na sabat ni ariel.

"hanapin natin kung saan nagtatago si barbie xu. siya ang may gawa nito kay ama," suggestment ng panganay. "pag natunton natin ang may pakana, madali nating malulunasan 'to."

"at saan naman natin hahanapin si barbie xu?"

"sa taiwan," sabat ni maximo.

"wala na silang karir. pagkatapos ng meteor garden 1 and 2, naglaho na lang sila. paano natin gagawin yang gusto mo?"

"TAMA NA! TAMA NA!" sigaw ni maximo. natahimik ang lahat. si maverick. si ariel. ang si mang kepweng at weng weng. mga kawal. si kapitan. "SAWANG SAWA NA KO ... PURO NA NA LANG TAYO AWAY! AYOKO NA ..."

"mahal na prinsipe, narinig ko ang kaguluhan mula sa labas ... nagalala lang po ako."

"shet ka naman, nagmo-moment ako e ..."

pumasok ang isang babae, nakayuko ito. unti-unting tumingala ... makikita natin ang maamong mukha ni ...

INSERT MUSIC: "hooooooooonti-unting maraaaaaaaaaaaratiiiiiiiiiiiing, kalangitan at bituin ... unti-unti kinabukasan ko'y naninimdim ..."

INSERT COMMERCIAL

"jang geum ... ok lang ako." sagot ni maximo.

"napanood ko din po sa da buzz at star talk ang nangyari kay da king ... nais ko po sanang tumulong." sabi ni jang geum na parang si jacklyn jose kung magsalita.

"wow! yehey!" nagtatatalon si maximo "kanina pa ko dehydrated sa kaka-cryola. ipagtimpla mo na lang kami ng iced tea at tsaka ..."

"nangyari na po ito sa isang dating ... kakilala," say ni jang geum, dead ma lang siya kay bakla. "at isa lang po ang lunas sa sakit ni da king."

"ano?" sabay-sabay na tanong ng lahat ...

"ang awit ng ibong adonis ..." TARARAN!!!

isa pa ...

"ang awit ng ibong adonis ..." TARARAN!!!

"ibong adonis? ngayon ko lamang narinig ito ..." sabi ni maverick.

"ibong adonis ... hmmm, parang gay bar sa tomas morato ..." bulong ni maximo, napakagat pa ng labi.

"ang ibong adonis," nagpatuloy si jang geum habang ine-examine niya si da king, "ay isang mailap na ibon sa ika-pitong bundok sa ika-pitong bayan na mararating habang nire-recite ang seven last words ng seven dwarves ng mag guest sila sa uncle bob's lucky seven club at kailangan lumalaklak ng seven up galing sa seven eleven."

"paano mo naman nalaman ito?" tanong ni ariel.

"gaya ng sinabi ko ... nangyari na ito dati. sa isang taong malapit sa akin ... sa aking ... mahal na ina ..."

"akala ko ba si madamme choii ang nagpapatay sa mamita mo? stir pala yung koreanovela mo." kutya ni maximo.

"kung tama ang kutob ko ..." madramang ispluk ni jang geum. madrama na siya sa lagay na to pero monotone pa din ang delivery. "iisa lang ang may kayang gumawa nito ..."

"sino?" tanong ni ariel. mahilig siya magtanong sa episode na ito.

sasagot na sana si jang geum nang biglang tumilapon ang lahat ng kagamitan sa silid. as in fly talaga sa walls. ang mga tao doon lahat natumba sa mala-tsunaming lakas ng hangin.

dahan-dahang umangat sa lupa ang maliliit na paa ni weng weng na parang si storm. tumirik ang mga mata. at nagsalita sa isang tinig na nakakapangilabot ...

"MAG INGAT SA MGA PINAGKAKATIWALAAN ... HINDI LAHAT AY MAY MALINIS NA KALOOBAN ... ANG KASAGUTAN AY NASA KAANYUAN NI MONA LISA ... this public service announcement is brought to you by da PINK MAFIA."

bumagsak ang katawan ni weng weng. at bumalik sa katauhan ni mahal.

"CHURI-CHURI! WALA-TALAGA-AKO-ALAM-CHAN-CHURI-NA ..."

napatingin silang lahat kay jang geum ... si jang geum tumingin lang din sa kanila ... at nag tinginan silang lahat kasi ganito sa telenovel pag malapit nang ...

INSERT MUSIC: "hooooooooonti-unting maraaaaaaaaaaaratiiiiiiiiiiiing, kalangitan at bituin ... unti-unti kinabukasan ko's naninimdim ..."

INSERT COMMERCIAL

"dakpin silang lahat!" utos ni maverick. "hindi natin kailangan ang kahangalang ito sa kaharian ni big brother."

nagkagulo sa loob ng silid habang dinadakip sina mang kepweng at weng weng at si jang geum.

"maverick! itigil mo ito!" sigaw ni ariel.

"hindi sila nakakatulong sa atin, ariel" sagot ni maverick. "dinadagdagan lamang nila ang pasakit nating lahat."

"hindi ka pa hari. wag ka mag declare ng marshal law."

"bilang susunod na hari, karapatan ko ito."

"hindi ka karapat-dapat maging hari kung sugod ka na lang nang sugod! wala kang plano!"

"bakit? ano bang plano mo at nagmamagaling ka!"

nag-espadahan na naman ang magkapatid nang may mahinang tinig na sumabat ...

"huminahon kayo ... mga anak ko ..."

napalingon ang magkapatid angdcompany kay ... maximo, na ginaya lamang ang tinig ng hari. "syet, agaw atensyon talaga ako ... ahihihihi OMG!"

"ariel, respetuhin mo ang desisyon ko." mahinahong sabi ni maverick. "bilang susunod sa trono, pinapatawan ko ... ng forced eviction silang tatlo."

"kailangan natin sila, maverick. lalo na si jang geum, mukhang marami siyang alam tungkol sa kinakalaban natin. kung hindi mo sila kayang pagkatiwalaan, hayaan mo lang silang makulong panandalian."

"tama si kuya, kuya maverick." agreement ni maximo. "magaling na caregiver si jang geum, mahalaga pa siya sa-atin. hindi ko kayang paliguan si amang comatose."

silence. napa-isip si maverick at ...

"sige ... dalhin silang lahat sa tore. at si jang guem, ikulong sa kusina ... kapitan."

lumapit si kapitan para akayin si jang geum papunta sa pansamantalang kulungan nito.

nagtitigan ang dalawa. slow motion. ganun talaga.

INSERT MUSIC: "ako'y alipin mo kahit hindi batid ... aaminin ko minsan ako'y manhid ... sana ay iyong naririnig ... sayong yakap ako'y nananabik ..."

INSERT COMMERCIAL

natapos ang isang gabi sa kaharian ni big brother, hindi pa rin malinaw ang lahat sa magkakapatid.

maliban sa isang may lihim na katagpo.

sa isang madilim na sulok ng white castle, naroon nagkukubli si prinsipe maverick at si kapitan.

"hindi pa pumapalya ang prediction ni weng weng," say ni kapitan. "madalas akong manalo sa ending at jeuteng dahil sa kanya ..."

"mashadong maraming alam si weng weng kung ganon ..." sagot naman ni maverick.

"malakas ang kutob kong ... mataas ang IQ level ni weng weng. maaaring maraming siyang alam kesa sa inaakala natin. mahirap na mapunta siya sa maling kamay."

"bantayan mo siyang maigi. wag palapitin ang kahit sino ... lalo na ang mga kapatid ko. hindi nila dapat malaman ang mga balak ko ..."

"err ... ngunit ... err ... masusunod kamahalan."

"alam mo ang kaparusahan sa pagsuway sa utos ng SUSUNOD na hari ..."

"err ... makakaasa po kayo."

"ayaw kong pinapainit ang ulo ko ..."

"alam ko po."

"swear?"

"swear."

"cross your heart?"

"mamatay man ..." at nag cross my hart talaga ang kapitan. pero may pahabol pa ang dadi-dadihan ... "prinsipe maverick ... ano pong mangyayari kay ... jang geum?"

silence. titigan forever ...

INSERT MUSIC: "ako'y alipin mo kahit hindi batid ... aaminin ko minsan ako'y manhid ... sana ay iyong naririnig ... sayong yakap ako'y nananabik ..."

TO BE CONTINUED ...

2 comments:

Anonymous said...

nena, asan ang part 3? kabitin.. hmfz.

Ryan said...

Anuna!! asan na ang kasunod? ^_^ nabiten akik