Friday, July 06, 2007

Ibong Adonis, Kabanata IV

shift na tayo sa serious mode, mga nini.

ano ibig sabihin neto?

eh simula na nang gera ito.

dahil napuno ng ingay ng kumakalansing na mga bakal, kinakasang baril, halinghing -- ay! hingal pala -- ng mga nage-espadahan, alingawngaw ng mga sundalong nagma-marcha at kung anu-ano pa sa kaharian ni big brother. siryoso ang bawat kawal kahit mukhang naga-ROTC lang sila sa pamumuno ng platoon lider na si wendy na nagsusumigaw ng, "nagpapakatotoo lang ako, hindi ako safe!!! sa inyo na yung taenang isang milyon na yan pero please vote for me ... DI BA, BRUCE??? WAAAAAAAAAAAAT??"

sagot ni cadet bruce, "actually ... actally, oo e ... actually ... actually, ganito yon ... actually, magtatanggal na lang ako ng shirt ..." akswally, buti pa. puro ka akswally e.

e kahit saan ka lumingon, may kaguluhan talagang nakakawindang gaya ng bruce at wendy tandem.

ito e yung umagang kinagisnan ni prinsipe maximo na walang kaalam-alam sa pandaigdigang kaganapan. taray. natural lang na kabahan ka. pero kung pantasya mo naman yung mga militar o kaya basta men in uniporms e aabutin ka talaga ng kati.

sa gitna ng sandamakmak na muta, say ni prinsipe maximo: "POTAH!! ANG IINGAY NIYO!!! ANO BANG EKSENA TO???"

hinarap agad siya ni kapitan, "paumanhin, mahal na prinsipe. may mga kalaban tayong sasakop mula sa kanluran. tulutan niyo pong salubungin namin sila ng aking pulutong."

"pulutong? ano yon, some sorta kinda kakanin?" tanong ni maximo. at bago pa umapila si kapitan, "eh ba't ako kinakausap niyo? wala akong alam diyan. tanungin mo sina kuya."

"hindi po namin makita sina prinsipe maverick at ariel."

"eh di hanapin niyo, kesa yung nag-iingay kayo diyan sa labas!!! istorbo sa tulog, shet!"

"wala na pong panahon. paparating na yung lupon ng 300 ..." siyempre, pakana to ni la chorvah na siya talagang bossing ni kapitan. pero hindi niya pa rin matago yung kaba niya tsaka takot sa 300.

"sinong 300? yung mga taga-sparta?" lumiwanag yung mga mata ni maximo. lumiwanag tsaka lumaki. yung laking may malisya.

"opo ..." ani ni kapitan, may tinatagong garalgal ang boses. dapat mag cough syrup.
"eh yung 300 lang pala e, hayaan mo na. papuntahin mo na rito. i-welcome natin silang lahat. mag handa tayo ng piging, WHY NOT!!! lasingin natin sila. GO!!"

at bago pa makapag-react si kapitan sa paglalandi ni maximo eh biglang tumahimik yung paligid. as in biglaan. walang pasabi.

wala na yung mga kalansing tsaka yung mga alingawngaw. wala ring gumagalaw. parang huminto ang oras. literal. kala mo e may pumindot ng pause at nag-freeze lahat. maliban kay maximo.

naisip ni maximo, in love ba ko at humihinto ang oras ko? ahihihihi LANDI!

nang lumingon siya sa likuran niya e may na-sight siyang lalaking papalapit sa kanya. naka-itim ito. chubby-chubbihan ang drama. at japanese ito. goth-gothan na chubby-chubbihang hapon. may nakasabit pang samurai sa likod niya.

dahil grasyosa ang babaitang babaylan, "ARIGATO GOZAIMASU!!! moshi-moshi kodasai-kodasai achuchu-alavou chenelyn kiyembot!!!" salamat yan sa panunod ng oh! tokyo tsaka takeshi's castle.

pero wa react ang bisita.

say ni maximo, "nakakaintindi ka ba ng tagalog?"

sagot ng bisita, "konn-ti ran ..." sosyal ang hapones, nagtatagalog ng slight.

"like wat? like wat? sige nga ..."

"err ... konn-ti ran, rike mapuhay! seramat ... sera-amat ... saramat ... eh? makanda umaka sayo ..." tsaka yung pinaka-kabisado ng lahat ng forenjer, "mahar kita ... tsaka ... ak-ko am bikaten ng japon!!!! wowoweee!!!"

"WOW! TF-SEE subscribers (kurek, plural) pala itu ... kamusta naman diyan ..."

"are you petah petrerri?" tanong ng hapon.

"petah petrerri?" windang si bakla sa foreign language. "ano yon?"

"are you petah petrerri?" inulit ng bisita yung tanong. obvious na hindi sila nagkakaintindihan.

"hindi kita maintindihan ..." kasasabi ko nga lang e.

"konn-ti ran ..." wala nang kwentang usapan to.

"sino ka ba? hu u? hu u?!?!?!"

"i am hiro ..." yung biskwit?

"hero? hero bautista? UY! kamusta ka na. ang chubby-chubby mo! ano bang ginagawa mo? kamusta na si harlene tsaka si herbert? wala na kong balita sa kanila."

"konn-ti ran ..." yung sagot sa kanya ni hiro. "i am hiro nakamura ..." hmmmm ... san ko ba narinig tong pangalan na to?

"ako naman si maximo mumurahinkita ... heh? heh?" pangiti-ngiti pa si bakla, kala mo nakakagoyo.

"konn-ti ran ... rike KORNI IKAW ..." bara ni hiro. "are you petah petrerri?"

"ako nga maximo. hindi peter. MAK-SI-MO. sure ka ba tagarito yang hinahanap mo?"

"i haf a message from da fyucha for petah petrerri."

"oo nga!! eh wala ngang petah petrerri dito e. kulit-kulit mu!!!" sabay kurot sa pisngi ni hiro. "KULIT KA, alam mo ba yon!?!?!?! pwera usog ahihihihi ..."

"ak-ko am bikaten ng japon!!!! WOWOWEEE!!!"

"LECHE! eh, sino ba yang peter na yan? sikat ba yan? eh katulong ba yan dito ... hindi ko siya kilala. ako si prinsipe maximo ng kaharian ni big brother."

"bik brotha? mak-si-mo? ba-dting?"

"kurek. ako mak-si-mo. geisha."

"keisha?"

"uu, gay ako."

"gkay ako? gkay-siya?"

"gay tayong lahat, naknampotah! ewan ko sayo!!! basta ako mak-si-mo nga ... no petah petrerri ... mak-si-mo!!!"

"ahhh ... mak-si-mo, i haf a dif-ren message from da fyucha ...jaz for yu."

"wow! telegrama ... may ganito pa pala ..."

siyempre sinabi ni hiro nakamura, kung sinuman siyang galing sa kunsaan, yung dapat niyang sabihin. tapos parang magic, nawala na lang siya. si hiro. nawalang parang bula. plok! parang yung karir nung isa pang hero sa dos na napunta sa siete na ngayon wala na ... plok! sayang, i crazzness ko pa naman yon.

at siyempre, mabalik tayo kasi bumalik na yung ingay at alingawngaw pati yung pagngangangawa ni kapitan na parang ala lang nangyari. parang alang hiro na dumating ...

pero, in fuhrnezz, nabalisa si bakla. natunaw ang muta sa mga mata niya habang iniisip ang mensahe galing sa fyucha ... mga katagang iniwan sa kanya ng isang hiro nakamura: save da queer-leader, save da world ...

eh ano ibig sabihin neto ...

5 comments:

Anonymous said...

mommy wanda, bigyan kita ng spoiler. may nova villain kasi na mai-i-steal-your-powers-and-crack-your-brains-open-for-fun sa super-serye na yan. At ang queer leader ang nagtataglay ng lakas ng isang imortal na nilalang na wag lang-langin (hihihi, nang-aagaw kasi ng lakas yang queer leader kaya super lakas sya, ngyahahaha)... pag na-grabsung itoosh ni nova villain, end-op-da-world na para sa mga taong gusto syang i-stop in da name of luv.

Anonymous said...

hahaha! i'm big a fan of heroes and i'm glad you included hiro. sobra halakhak ko nung marealize ko siya nga ung dinedescribe mo. coz i clearly remember that scene, when he came from the future to give that "save the cheerleader, save the world" message to peter petrelli. i like hiro's personality in the nbc series and i hope you'll include the other heroes characters in your own series in the fyucha =)...

Anonymous said...

hahaha nilapastangan si HIRO!!! wuhuuu save the cheerleader wanda.. or baka ikaw si claire bennet... papic ka ng cheerleader tapos post mo d2 sa SEPT 24 ang SEASON 2.. gwapo si sylar wanda yummy yun sigurado tipo mo magpapakain ka sa kanya amshur at kakainin mo sya (MAS SURE)

Anonymous said...

kelan yung kasunod? kabitin e, sakit sa puson. hihihi...

argeatlarge said...

hey wanda, dko mabuksan ang tsapter tri! bitin ako, pano bato?