nung sunday, sa gitna nang malupit na nomohan sa bahay nila, na-discovery channel ng lola mo ang favorite song ni marcus.
kanta niya sa jowa niya yon noong wiz pa sila mag jowa. sana mag time space warp tayo sa panahong yon. at wa daw sha idea na magiging sila ... at sino daw mag-aakalang ngayon e engaged na sila. ako, hindi ko talaga in-expect. pakshet!?!
favorite ko din itech dati. na-remember na lang uli ni atashi nang ma-mention niya yung song ... of all people, siya pa talaga nag-paalala ... pakshet uli!?!
napansin ko adikk na ako sa bidyo.
roll vtr please ... (paki-press ng play at wait ka lang mag-load. salamat!)
gift ko siguro yan sa kanila ng jowa niya. FINE! wag nang plastikada, gift ko sa kanya. sa kanya lang.
gaya nang nasabi ko, wa na akong ibang magawa kundi ang magsulat na lang tungkol sa kanya ...
... coz he'll always be out of my league.
Saturday, February 18, 2006
A Song for Marcus
kagagahan ang iniisip mo, 'day!
wag kang mag-ilusyong iibig ang isang tunay na lalaki
sa isang bading! ang bading ay para sa bading.
walang prinsipe para sa sirena ...
sakali mang magkaroon ka ng dalawang paa,
matitiis mo ba ang mawalan ng boses habang buhay?
-- rene villanueva, "dobol"
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Hi!!! Kakaaliw!!!! Hirap mainlabavu sa straight!!! Pero tayung mga martir ng judets.... okay na to love somebody from a distance. Enuf na makita kahit hindi nahahawakan yun tao... Masaya na tayu dun!! San ba parlor mo ateh?
siguro nga gurl, ang buhay natin ay sadyang ganyan...
hanggang pangarap na lang siguro tayo.
eh paano pag pati pangarap eh ipinagbawal na?
haaaayy...
wanda ur da gay!! =)
I feel you, ukla. Wahuhuhu! Zhuket kasi witchelles pa naging kayo ni Marcus beybe? Hehehe!
Waiting for your book 2... Sulit, ahaha!
Post a Comment