galing akong nomohan kagabi. sunday. sa balay nina marcus. kumpleto ang barkadahan na dati e may i debate with mare at pare kung anechi ang mas kool ... kung gimik ba o tgis. kami ang mga long forgotten bagetz na jumingi ng fashion tips kina bobby andrews, jao mapa at g toengi, na pare-parehong wa nang karir ngayenz.
nakakadiri mang magbalik-aral pero iyonchi ang kahindik-hindik na katotohanan.
shemps present and accounted for si allen, straight in a balikbayan box from chicago. tumangkad siya, in fairness, at gumanda shotawan. bumili siya ng gigantic yellow cab picha pie (ay shala!) na kering magpa-lapoks ng 15 bata sa ilalim ng tulay.
si byron andon din. pero say niya e myron daw namesung niyachi. ganon talaga, ispluk niya: mangalan ngo e myron, maka naman nangalimunan mo na ango. minaygraine ako sa pag-intindi sa kanya. som tings change, som tings dont while some tings jaz cant.
doonchi rin si sheila at si ricky, ang mag-jowa, na dati e mudra at pudra sa mala-gulong ng palad naming bahay-bahayan. akez lagi si judy ann, ang ampon at api-apihan.
si alex, silent pero deadly. bihira lang chumika, pero pag nagsalita, better kumapit ka na at baka ilipad ka. ibang level 'to. intensity 10. ka-kompitensiya ko siya sa chinese garter kasi magaling mag cart wheel. tuwing hapon akala mo e my olympics sa kalsada. may angking lansa siya, pero wa pa pa-press con.
andon din si rica, na ricah talaga, at alive alive forever more ang bangs niya. kinabog si imang, ang kampanerang kuba. kung si marcus ang crush ng bayan, si imang .. .este si rica ... crush niya ang bayan. nag dala rin siya ng picha pie. maraming picha pie. di pa ko ngumunguya, na-uyam agad akez.
at siyempre, si marcus at ang jowa niyang si alicia (ganda siya!) ... siya ang bilat sa buhay niya, ang sumpa sa buhay ko, ang lason sa kabaklaan, ang kumpitensiya ng sangkabaklaang may pagnanasa kay marcus. pero ganda talaga siya. at mabait pa. kaya lalong kairita.
sa gitna ng tequila, tanduay (wa kuminom nitez na dala ni byron), san mig light at ilang bandehado ng picha pie e lumabas din ang pinaka-iiwasan naming pag-chikahan. o iniiwasan kong pag chikahan.
"taena, kelan lang namin nalaman na bading ka pala ..." hirit ni ricky. bading ba o jokla ang ginamit niya. ay ma! sorry, na-forget na ng lola mo.
at dahil havs akez ng parlor sa village, wa na ko excuse. nagpa-press con na ang lola mo. dizzizit!!! dis is d moment, go kuya erik santos! so may i explain ang propesora kung paano ako naging jokla. at dahil plentious na aking na-nomo, instant inglesera na ang lola mo. ish like dish kasi, you know ... like dish e ... you know, i em a paygot ...
"ngrabe! naena mo!?! mangit ngayon mo lang nyinape? e nangita mo na mga enits namin ..." kailangan ko pa bang sabihin kung kaninong linya yan?
saka lumabas na crushness din pala aketch noonchi ni ricah. leche siya!
halakhakan na parang walang bukas. time space warp, ngayon din. napag-usapan yung panahon na mga bagetz pa kami at nagpapakitaan kami ng tuli. noong pinag-aaralan namin ang tamang pagkang-kang na hindi ko naman nagagamit ngayon. noong nagkukwentuhan kami ng mga fantasies namin, na iniimbento ko lang. noong naka-kulimbat ng porno si marcus at sabay-sabay kaming nagba-bionic sa kwarto niya, nagpapaunahan at nagpapataasan ng talsik. i miss d old days ... haaaaay ...
yuck! may i react ng mga gurls. leche! inggit lang kayo.
"ewe! honey you really did that?? for real??" inarte ni alicia. nag-kiss sila ni marcus. naghiyawan. muntik ko na silang mabato ng bote. moment ko 'to e.
"oy! maka nyaman may na-nyupa ka na nyamin? nyamihin mo lang ..." leche! bakit ba si byron ang bumabangka?
tumawa na lang ako. medyo nainsulto. pero gaya ng isang beauty queen, smile and wave ang drama ko. "hindi naman ako tumatalo ng barkada ... gago!"
"ngago ka nin! makla ka naman"
"ngo-ngo ka ... uy! joke lang ..." siyempre super laffin kamikachi. kahit sight-china ng jisa't-jisa ang mga nginuyang picha pie sa ngala-ngala ng bawat jisaers, go lang.
tapos, napag-usapan yung big announcement. ano yun? na si marcus at si alicia ay engaged na. pakshet!! bakit hindi yan alam ni roxy? may nakalagpas na chismax sa walking tabloid ng marikina. siyempre, nagka-ally mcbeal moment ako bigla kung saan binuhusan ko ng muriatic acid sa fez si alicia habang humahalkhak akong parang si celia rodriguez. ikakasal na sila bandang september or october. may panahon pa para bumili ng pulang dress.
"ongranyulanyons nyong!! we're ol api mor you!?!! ahmir nayo nyan!" bet kong hatawin ng lapad sa fezlak si ngo-ngo. at bakit nagpe-press con siya para sa lahat? wala man lang konsultasyong naganap.
nag-propose ng toast si ricky. mahaba yung speech niya e. forte niya yan, magbigay ng religious na payo, bible reading at mga speeches na kinakabog ang mga speech ng mga principal pag graduation. may nasabi siyang barkadahan, growing up, stepping stones, if we hold on together at libro ni kung sinuman, kapitulo at bersikulo.
pero ang ending ... "at para sayo, tanggap ka namin kung ano ka at nirerespeto namin kung sino ka. barkada ka pa din namin."
taruzh! talaga lang ha ... feelingash ko usapang lasing lang itech.
medyo madaling araw na, nagyayang bumili ng goto sina ricky, ihahatid na rin niya si shiela. borlogs na yung iba pati yung jowa ni marcus. at kaming dalawa ang last men standing. moment ko na ba 'to uli? shet!! walang boy bawang, pa'no itech ...
"di ka pala tumatalo ng barkada ha? ... ulol!" bulong ni marcus.
ngumiti lang ako.
"bakit? gusto mo ikwento ko sa kanila?"
silence ... "kwento alin?"
ngumisi lang si marcus. pilyong ngisi. yung ngising may sinasabi. uy! nilalagyan ng meaning.
"Oy makla, hawakan mo naman enits ngo ... ni mo ma ango ngrush?" sabay tawa. pati tawa niya ngongo!
binato ko na siya ng bote. sabay tawa rin.
13 comments:
sweeeeeeettttttt! uyyyyyyyy hehehe
hehehe.ang cute! keep it up!belat
aliw ever! plangush!
si byron pati tawa ngongo?! haha..
i wonder kung mangyari sakin to. haays...
:D
nakakakilig naman ito to the highest maximum level ......
kwento pa...........sana makita man lang namin fez ni marcus papa!!!!!
naKAkaLoKA anG bLoG na iTOuH nGEoN ko LaN naBASa haHA naKAkaYuNDaNG evER
ay bongga ka talaga wanda!!! kinabog mo si mader earth!
---amEGA____-
CHAPTER 2
(TAMiS ng unang.......)
... noong campaign period..
GISING!!!!!!!!!!!!... yan ang narinig ko sa mudra na aketch na malaki mzdo bunganga... hahay.. buti nlng nandyan c MOTHER of perpetual help kung hindi 48yrs. na naman akong babangon sa KAMAsutra...
MAMA: GISING KA NA!!!! NAndiyan c PALOS
AMEGA: WAAAAAAAAAAATTTTTTTTTTTTT?????????
bigla akong napabangon sa kinahihigaan ko... ALAS 8 n pla ng umaga... 8.30.. dapat nasa venue na kmi ng KAMpanya.. SUPER excited ako Noon super bilis amligo.. natapos ko ang lahat2 ng 20mins lng.. eh dati rati.. parang akong turtle kung gumalaw.. it takes 1 hour for me to finally MAKE oVER my chaka beauty... eh siyempre nandiyan c PALOS.. pahihintayin ko pa ba siya ng pASKo?... go agad ang amega niyo... ALIS kami ng bahay kubo... sumakay kami ng jip.. akala atashi AKetch magPAYroll ng FAMAS(pamasahe)... ganda tlga ni amega.. hahaha... c PALOS ngbayad.. oh.. dabah.. feeling ko tuloy.. girl ako.. girl na girl tlga ang feeling ko noong mga panahon na iyo.(WAg niyo na kontrahin) hehehe...ang totoo waz FAMAS atashi.. hahahaha( 20thousand lang pera ko-20p-)
.... super thank you c amega kay palos..
tumawa lang ang mokong...
SUPER cAMPAiGN ....
after sevral hours.. tapos na ang kompanya..
super anotk na ang beauty ni amega... kelangan ko na magbeauty rest... chachaka na naman ang face ko nito.. lahat na yata ng pampaganda at pampaalis ng pimple na gamit kona..
FROM RDL.... to... mAxIPEEL... hanggang nayon wa pagkakutis artisa ang beauty ni amega.....(GUOL)...
nweiz.. inaantok ang amega mo.. at pinaHIGA ha... niya ako sa LAP niya... SUPER ganda na naman ng amega niyo... feeling ko tlga noon ako c BANGS o C ROXANE GUINoo ng mga panahon na yon... hahay....
syet!!!!!!!!!!
nakakakilig!!!
the best ka wanda.
Wanda, baka kailangan mo ng car rental, dito ka na. Car RentalMay poging driver.
Galing mo talaga magsulat at magkuwento. Fan mo ako.
ang galing galing mo... you make me laugh,,, i ended up laughing here alone in my room...parang baliw lang... hahaha,,,nice job.. keep it up..!!! godbless...
sheeeet! kinilig ako, lngya! >_< haaaayz..
Post a Comment