kinanechi, may i walkathon ang drama ng lola mo sa shala-shalang gateway mall sa cubao.
may nakasalubong akez na estudiyanteng tukling, si nini. si nini ay naka-nursing outfit with matching shoulder bag na pitch black. kabog ang bibe at pato sa kendeng ni nini. at gusto ko sana siyang lapitan kasi mejo napa-kapal ang blush on. konting tip lang, ganon.
pero bukod sakin, may nakapansin rin sa kanya na isang grupo ng mga jologitong isda. mga hayskul na oily ang fez at mukhang pawisin, at pitch black din ang mga balat. inaasar nila si nini. sinisipulan pa.
kung si frida yon, malamang nag quarter-turns pa siya. akala ko nga e-eksena etong si nini. wag ka, napa-yuko ang iha at dramatic exit bigla ang lola mo. bet ko sanang hamunin ng away yung nga isda, kaya lang baka ma-gripuhan akeiwa sa tagiliran. mahirap na.
time space warp, ngayon din. biglang rewind ang lola mez to the time na nakatikim akez ng pang-aasar sa mga jologitong isda tulad nila. at imbei akez dahil bakla ako. haaaay ... i remember yesterday, when the world was so young (look at my mole!) ...
pero doon ko na-rereview kung bakit masaya maging shokla. itech ang ilan sa mga dahilan kez na nagiging motivation ko pag may nang-lalait saking mga isda:
1. kapantay ng karapatan mong lumafang at juminom e ang karapatan mong mang-okray.
2. pag nang-okray ka, ok lang. natutuwa ang mga sho-obelles. pag mga straight ang nang-okray, laitera sila at jogsak sa good morals and conduct.
3. may i invitation ka sa mga nomohan at party-partihan ng madlang pipol kasi masaya kang kasama ... parang comedian.
4. tenk you tenk you sa salitang bakla, keri niyong pagchikahan ang mga crushness mez o kaya okrayin ang kairita kahit sa jorapan nila kasi wiz ka nila intiendez.
5. ma at pa ka mga norms norms churvah na yan kasi ipinanganak kang pasaway.
6. lapitin ka ng mga effectionate na lulurki kasi plentious ka nang gelay friends at gusto nilang magpalakad sayo.
7. noong highschool, keri mo lang mag-CAT kasi forever lilim lang ang platoon juliet a.k.a. flower platoon.
8. laging may phone in question sayez kung effect sa kanila yung damit o kung oily kanilang fez, as if exfert ka sa beauty ang fashion, kaya in the end keri mo lang magmaganda.
9. salamat sa gaydar, one look (or smell) at knows-line chinatown mo na kung sinechuwara ang gay, boy, bakla, kyomboy, pati mga pahada at pa-paysung amongst all the king's horses ang all the king's men.
10. at you hab d best op both werlds. knows mo ang feeling isang legitimate na lulurki at knows mo rin ang feelinggaz ng jisang girlalu, minus the dismenorrhea ... and d sticky peeling ... ewe ... tama ba spelling? ay! dead ma sa baranggay, hindi ko kasi nararanasan yan ...
at P.S., we make sure na diyosa kami -- sa isip, sa pananamit at sa balat -- di tulad ng mga jologitong isda ...
Friday, February 10, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment