Thursday, July 06, 2006

Sayang, Wala nang Fanta

in your most frail gestures are things which enclose
of which i cannot touch, because they're too near
-- e. e. cummings, somewhere i have never travelled

havs ng question. bakit daw akiz ma-shogal nag disapir.

simple lang yan. hindi ko kinaya magsulat. chikka ko lang ng slight ...

))<>((

naka-shombay akiz sa tapat ng tindahan ni aling mildred utangera. katatapos lang namin mananghalian kaya super subahrachi ang lola mo. 2 stick. winston lights.

biglang havs ng pumarada sa kariret. magara. malinis. at ang bango ng air freshener. amoy na amoy talaga. yung tipong bawal jumakay ang ma-kyoho.

bumaba ang pinaka-mamahal kong otokiz. si piolo. AY MALI. yung susunod pala sa pinaka. si marcus.

para akong nagutom uli. 6 na extra rice nga, aling mildred.

katatapos lang din pala niyang mananghalian.

"kanina pa ako nag-iikot. wala na mashadong nagbebenta ng sarsi, ano?" sabi niya, sabay higop ng sarsi. "paborito ko to e"

"tsaka fanta, di ba? wala na rin ata non ngayon ..." isplukara ni atashi.

"ay oo pala, ano?!" na-excite ang gwapo. "ang dami dating meron na wala na ngayon. sayang."

"sayang talaga ..."

natahimik kami pareho. naglalaway sa fanta. ako gusto ko non rootbeer, apple kay marcus. paborito niya yon. naka-bike kami pag hapon, nag-iikot kung saan-saan, kasi bihira yung nagtitinga ng fanta apple noon.

at pinaka-susumpa kong eksena. enter roxina. bumayla siya ng shampoo. pero mapang-asar ang tingin kay atashi.

roxy: ay!! hapi pepe ang kuya. anditrax pala ang bufra mae ni bakla. mag-pundasyon ka muna doonchi, oilyness ang fezlak mez.

wanda: potah ka ...

sabay exit si bakla. tumatawa.

"oh, mag powder ka daw muna."

nanlaki ang mga sadyang malalaki kong mga mata.

"marami kasing barkada si alicia na mga bakla. tinuturuan nila ako." nanuyo bigla lalamunan ko. "kasi sa itsura ko raw na to, malamang pag uusapan ako ng mga jokla."

feeling gwapo tong gwapo na to. pa-kiss nga ahahaha ilusyunada!

"parang bisaya yan e. marunong akong umintindi, pero hindi ako marunong magsalita." dagdag niya. "wiz talaga."

natawa kami pareho.

"kamusta na pala yung kasal niyo. iimbitado ba kami diyan?"

"bad trip nga. kasi instead na dito, gusto ni alicia na sa bohol yung wedding. kung saan ikinasal yung parents siya. arte. ang daming demands. e one day affair lang naman yon."

oo nga. lecheng babae yan. hiwalayan mo na.

"ganon talaga. nung mga panahong bagetz pa tayo, at bisi-bisihan sa paghahanap ng porn ng mga erpat natin, sila ... pina-plano na nila yung kasal nila. mula damit hanggang menu."

"sabi nga nila."

"kaya hayaan mo lang. malaking bagay sa kanya yon e. kahit magkahiwalay kayo, kahit lagi kayong nag-aaway ... babalik-balikan niya yung araw na ikinasal kayo. dahil yun yung peak ng happiness niya na kasama ka niya."

"hiwalayan talaga na-isip mo ..." napa-katok sa kahoy ang gwapo. sori, hindi ko napigilan. tao lang, na-iimyerna.

"so mamamasahe pa pala kami." sagot ko.

"pasensiya na ... uy! magse-set pala si ricky ng stag party. tatampo ako pag di ka pumunta."

"nyeh! si ricky? baka maging prayer meeting yon ... mapa-Alayb Alayb tayo."

tawa siya konti. ok lang, baduy naman talaga yung pa-kyut na joke.

"hindi naman siguro." silence uli. tapos napansin niyang "wala nang mga naglalarong bata dito, 'no? di tulad nung panahon natin. halos hindi na tayo umuuwi."

"iba na ngayon e. di na uso patintero."

"ang tanda na natin ..."

"pero noon, ikaw talaga yung naisip nating unang ikakasal, di ba? pang-ilan nga ba ako non? pang-huli."

"gago hindi. second to the last ka. huli si ngo-ngo." natawa siya sa sarili niyang panglalait. "will yoo nake nis wooomang to me your wayp?"

sabay kaming sumagot. "i nyu!" tawa kami nang kami.

sunod na lumabas si frida.

frida: kaya naman pala ang tagal jomosok. nilalanggam na yung hugasan.

tapos pumasok uli, humahalkhak na pang-asar. umeksena lang talaga si bakla.

"kaya ka ba naging bakla dahil ... er ... don sa ..."

"hindi. bakla na ako before pa non."

"ah ... kala ko ..." sabi niya. "pero naging crush mo ko?"

bakit ko ba siya hinahayaang pag salitaan ng ganon. BHAAAAKEEEEET!!!!

pag sumagot ako ng "oo" o "hindi," parang ang baduy. showbiz mashado. kaya ngumisi lang ako, kahit naiilang. mas meaningpul ang saylenz. mas may impak.

"crush niya ako ..."

hindi ako naging prepared sa mga sumunod na nangyari. swear! trulijanz itez.

"gusto mo ulitin natin?"

"ang alin?" pa-demure si atashi.

sumulyap siya kay aling mildred na hindi matinag sa panonood ng wowoweee. "ulitin natin ... yon ... siguro mas magaling ka na ngayon kesa dati ..." at ngumisi siya. as in, yung ngising kinabog si sam milby at lahat ng naging modelo ng close-up. at wala siyang katinga-tinga.

nalunok ko ata yung usok ng yosi.

as in havs ng moment of silence. may shock value ever. napatingin lang ako sa kanya. hindi ko alam yung isasagot ko. parang hindi na effective ang "meaningpul saylenz" ditech.

"taena, siryoso si kupal." sabi niya bigla, prang nagulat rin siya sa reaksyon ko. "taena mo, ginagago lang kita. siniryoso mo?"

WAG PO! WAG PO! WAG MONG BAWIIN! YES! YES ANG SAGOT KO!!!

naubos niya na yung sarsi. ako, napasindi ng isa pang stick.

"una na ko. magkikita pa kami ni alicia e."

hindi ako naka-imik. may tira-tira pa nung gulat. parang saka pa lang nag sink-in sakin kung ano yung nangyari.

pina-andar niya na yung makina. tapos umatras siya ng konti at binuksan yung bintana.

"HOY!" sigaw niya. "sori ha! na-realize ko lang na hindi pala magandang joke yung ginawa ko. alis na yung gwapo"

tapos ngumiti. tapos nag maneobra. tapos bumusina ng tatlo -- i love you. dalawa lang pala. tapos umalis na siya.

))<>((

alam niyo, magkagalit man siguro kami ni marcus. o dahil sa takbo ng kanya-kanya naming buhay e magkalimutan kami at yung naging epekto namin sa buhay ng isa't isa, hindi ko man maranasang ikasal sa kanya ... eto siguro yung a
raw na babalik-balikan ko ...

30 comments:

Anonymous said...

OMG. na-getsing ko na bat 48 years ang extenzion ng moment of silence mo. kilig ako super sa kwento nyo ni marcus. and how i wish na di ka masyado nagmaganda the first time he asked you kung pwede ulitin, dapat dinakma mo na lang, hahaha! sana makwento mo yung mga nangyari sa inyong 2 dati. good luck wanda, kaya mo yan!

Anonymous said...

kilig to death ako! pootah! hahaha

Anonymous said...

tinigasan ako noong nagtanong si marcus! hahaha!

Anonymous said...

tawa ako ng tawa habang binabasa tong post mong ito pero nung natapos.. nalungkot ako bigla =( naalala ko din yung mga lalake sa buhay ko.

ang galing mo talaga! huling-huli mo ang sentimento ng mga katulad nating bakla.. keep it up ateng!

Anonymous said...

i have always enjoyed your stories. they are written with so much humor, with so much wit. but for the first time, you made me cry...palanca award, bagay sa yo!!!

Anonymous said...

First time kong mag-comment, pero I'm an avid fan of your blog. Hinde ko kasi mapigilan eh, habang nireread ko kasi ang post mo, feeling ko parang ako si ikaw. :) Havs din kasi ako na mga crushes na mga kababata ko...nakaka-iyak! pootah ka! reminiscing ko daw cla..hahaha..galing mo wanda..sa iyo ang korona!

. said...

Alam mo, ang moment niyo ni Marcus ang laging nagpapaalala sakin ng blog mo. Ewan ko ba, lagi itong tagos sa laman. Kaya nga ba hinahangaan kita eh.

Anonymous said...

mahal na kita ateng, isa ka na sa mga icon ko sa buhay. choz, big word na ata yun sobra. sulat ka po lagi, marami kang napapaligaya at napapakilig at napapaiyak sa bawat linya na sinusulat mo. salamat at isa ako sa napapa-ekmayl mo habang nagnanakaw ng mga sandali sa aking trabaho sa isang malayong lupalop.

lab yu!

Anonymous said...

ang gandaaaaaa ng blog na to! panalo ka! bibisitahin ko na to lagi!

mahal na kita!

nakakakilig si Marcus. shet!

-Juice Co.

Anonymous said...

lech. napaluha ako run ah. same situation kc. ikakasal na rin siya so..dis myt sound corny but yep.. i know how it feels bakla. nyeta.

Anonymous said...

uy! balitaan mo naman kami tungkol kay marcus.

Anonymous said...

))<<>>((
me, you and everyone we know...
sabi ko na nga eh...smart ka talaga...galing mo magsulat...fan mo na talaga ako!!!

Anonymous said...

potah!! nakakarelate ako sa yo dito lola... ialok ba naman sa yo ng lalaking pinakamamahal mo yung bagay na pinakaaasam mo.. caught off guard talaga ang beauty mo.. tapos joke lang pala.. haaaaaayyyy..

Anonymous said...

hindi dapat matulog ang mito kups. basta behave ka lang palagi, at sana dati mo pa sinabi.

para sa mito..

))<>((

Randy P. Valiente said...

galing nito!!!!

Anonymous said...

haaaaay ang mga lulurking mga yan cocktease talaga...etchos, pero sa truthfully ok lang! more more more pa carry lang!

wanda ituloy natin ang pagiging ilusyonada! mabuhay tayong mga magaganda!

Anonymous said...

hay nakuh talaga ikaw,
u always make me feel so kelegg, myy godd hahh,
sana ako rin dun sa MGA love ko,
MORAL LESSON;
"grabbbb every oppurtunity"


--daffie--

Ryan said...

re:""HOY!" sigaw niya. "sori ha! na-realize ko lang na hindi pala magandang joke yung ginawa ko. alis na yung gwapo"""

Lam mo, ang sensitive din ni Marcus. Parang lahat nasa kanya na.. kaka in love sya.. Ang galing mo talga wanda woman

Anonymous said...

talbes..
kakakilig beks. :P

incognito said...

ateeeeeeeeeeeeeng....there was something right at that moment....dapat sinabi mo na lang na 'o cge, o ano,go tayo....'moment mo na yun......grabe kinikilig ako!!!

Anonymous said...

gurl, i feel for you talaga..
kahit ako nagpapaka-gago makuha ko lang loob ng irog ko..
ahuhuhu...
boys...they always take us as a joke!
kahit tong mahal ko, ganurn dirn..
but onething i like about him is his sense of humor.
at kapag seriousness ang usapan, maasahan mo yan...
haaaayy...
bat ba kasi wala akong pechay!
tang-inezz!!!

Anonymous said...

syet wanda...tulala ka ganun...i feel for you great love...hayyyyy
tagay tayo

Anonymous said...

haLaii naKu... naKAkaKiLig naMAn... kaSo naKAkaLuRKi naMAn eaN si maRcuS... paRang aLAnG kOnSiDeRaSyON gaLoR diBah...

Anonymous said...

Hoy bakla... bkit lahat ng kwento parang you speak for the whole universe of the bek-bek hay...

Marcus=Wanda
Leqcie=Bubuy (ako 'to -tayka boylet ko)

Bakla dapat di k na nga ng pakipot... hehe

Anonymous said...

kaasar..
bkt parang naiinggit yata aq sa mga ekseneyj na e2..
bkt kht mukang tragic ung istorya mo, i almost ate my heart out ang eksena ng lola moh..
it's oxymoronic but i hope i could get my own marcus someday...hehehe

Anonymous said...

oxymoronic waw nosebleed XD

Anonymous said...

baket parang sumasakit ung puso ko nung binabasa ko tong entry na toh?! D ko maexplain...

Anonymous said...

hay...

feeling ko, pinagdadaanan ko yung napagdaanan nyo ni marcus....

kabatch ko namn yung aken.... emerson and pangalan... emong for short....

pero mas maluphet and ginawa nya sa sakin.... as in, nagpachupa tapos kinana sa pwet.... enjoy naman.... pinaliguan p nya ko ng alam mo na....

Anonymous said...

..OMG..
kla ko d n u mag susulat..
taz u n b un 2nd buk mo?..
n miss kita e kaw lang nag papawala ng lungkot ko d2..
kip it up..

Anonymous said...

OMG!!super kilig ako sa wentong ito..Promise