Tuesday, July 04, 2006

I Resign Na, Echingerra

"magre-resign na ako sa pagiging bakla ..." drama ni propesora.

yeiz, propesora siya ni atashi noonching kolehiyala pa akiz. ay ilusyunada talagah oh ...

kapita-pitagan iteng lola mo. marami akez natutunan sa kanya tungkol sa pagsusulat ("dapat yung ballpen na may mabangong tinta ang gamit mo, para winner. mas winner pag yung havs ng glittereta") at kung anek-anek pang ka-kemehan (bagay sa kutis mo yang damit mo).

siya din ang nang-engganyo kay atashi na pumasok ng bath house ("diyan ka, mura lang membership. malabo pang ma-raid"), massage parlor ("magagaling diyan. tanggal stress talaga. at daks kung daks") at mga cr sa shari-la mall ("laging havs ng ganoon don. bihira kasi ang pumapasok sa cr na yon.") ... for experience daw at coming soon sa mga maisusulat ni atashi. azz in, with pointers pa itech at step by step instrakzhonz.

kaloka, teacher ko talaga yan.

paulit-ulit niyang ini-ispluk yon. resign na daw, resign. wiz na daw niya bet maging tuklaers. parang humahanap ng tiyempo si propesora para magpa-press con. pero maaga siyang nalasing sa pop cola (uy product placement).

nomo lang kami all night. akiz at mga straight kong nyorkada. dahil ... wala lang. walang dahilan.

nang jumuwetiks na everybody, sumabay ang propesora kay atashi sa boxilu.

"parang lagi kang talo ... lagi kang gagawing DSWD."

hindi ko na napansin kung saanchi kami dinadaan ng boxi driver. basta liko siya nang liko. e mejo nge-nge din akez kay dead ma lang ...

"nakaka-shogod makipag-sex tapos ... pagkatapos ... ano na? di ba? maibabahay mo ba sila? mag seguridad ka ba?"

tango ka lang, bakla. tango.

"minsan hihingan ka pa para sa mga pinsan niya sa tiyahin. ni hindi ko nga sila kilala. bili mo naman ako ng ganito. ulul. parang ayoko nang maging bakla talaga. hindi ka talaga sasaya. ganon ..."

tango ka lang. sige ... TANGO! lasing ka na e, TANGO LANG!

ay wrong reaction pala.

"e ano na gusto mong maging? hayop naman ngayon ..." say ko.

"parang bet ko nang magbalik loob ..."

"kay god?"

"sa pagkalalaki ... na-realize ko, parang mali tong ginagawa ko ... wala akong naiipon. nasasayang lang everything. wa ka naman nakukuha ... bukod don."

"bukod saan?" patay malisya si bakla.

"nota."

napatingin si mamang driver. swear, natawa siya saming duwachi ni propesora.

"naisip ko ayoko palang tumandang bakla," dramamhin ni propesora.

"at bakit hindi? glamorosa ka namang bakla ka. parang si markova. ipapagawa kita ng rebulto sa malate."

"gagah! naisip ko lang kasi parang babae talaga ang gusto ko."

AAAY!!! bawiin mong sinabi mo ... lasing ka lang sa pop cola!!!!

"naisip ko talaga yon. minsan pag elyang-elya akiz, babae na ang naiisip ko ..."

"too matz shering, propesora. nagdudugo na ilong ko ..."

"isipin mo, naghahanap tayo ng lalaki, pero 'bilmoko non-bilmoko niyan' at kakarinyuhin ka pha. magwa-water ka naman shempre. feeling mo gandah-gandahan ka to the highest leveling. pero pag nakakita ng ibang mas ma-anda, mas galante, mas bata ... fly na. thank you girl ka na lang."

"kasi naman, propesora, yung mga tinatarget mo naman ... yun talaga ang drama nila sa buhay."

"naisip ko talaga ayaw ko na. nalaman din ng lola mo na hindi talaga akiz nyokla. kasi parang gusto ko na uli ng babae. naisip ko baka sinubukan ko lang talaga siya ... ang maging bakla."

"propesora, stir ka. ilang dekada ka nang ganyan, subok pa rin ba yon?? kah-kah kalowka kah."

"hindi nga. naisip ko baka reaksyon ko lang to sa hiwalayan namin ng josawa ko. mahal na mahal ko yon e ... at iteng kabaklaan ni atashi, baka phase lang itechi agbayani na dapat kong daanan. ikaw, baka ganoon ka din."

KNOCK ON WOOD! KNOCK ON WOOD!

"bakla, hindi ka lang dumaan. nag-stay ka talaga e ..."

"naisip ko tumatanda na ko. sinong mag-aalaga sakin?? naiisip ko talaga yon. pero tanderraka na rin akizlalei. kaya wichelles ko na knows-line chinatown ang gagawin ni atashi.'

"subukan mo wag mag-isip, propesora. nakakasama siya sayo."

ahahaha ... "o siya, dito na lang ako sa tabi ..." say ni propesora.

napa-angat akiz para umuzi kung nasaanchi na kami. AY POTAH!!! asa bilog kami.

"propesora, phone in question. bakit sa bilog ka bababa? kala ko ba magre-resign ka na sa pagka-bakla mez ..."

"oo nga. hindi naman immediate resignation yon e. sige, yngat."

ay si propesora, echingerra ...

2 comments:

Anonymous said...

charoz! :)

turismoboi said...

taray ng blog mo tlga

www.turismoboi.blogspot.com