obviously, hindi siya bakla. tatlong dinurog na chalk ang tinira ko kanina. pagpasensiyahan ang bangag.
nagkataon lang talaga na sa karamihan ng pelikula ni claudine e baklitang-baklita ang drama niya.
at pansin mo ba na puro na lang siya tanong?
pagdating sa bandang climax ng pelikula kung saan pinatutugtog ang theme song dahil nag-away sila ng leading man niya, o kaya naisip lang niyang magdrama e bigla niyang bibitawan etong mga tanong na 'to. and then mahihinto ka at mapapaisip ... tapos bigla mong ibubulong sa sarili, "ano daw?" pero umiiyak ka na rin. kacheapan.
remember got to believe, claudine and rico forever: "alin ang mas madali, pag-aralang mahalin ang taong nagmamahal sayo o umasang mamahalin ka ng taong mahal mo?"
baklang bakla yung linya, davah!?!?!
at wag ka, may MTV ang dalawa. as in, kumanta silang dalawa ng got to believe at ginawan pa ng MTV. ganyan talaga pag celebrity ka at marami kang pera, pwede kang gumawa ng album at hindi ka pwedeng kwestiyunin ninuman. sa baranggay ka man magreklamo, de-deadmahin ka lang ni chairman. tignan mo si manny pacqiao may album na may MTV pa. (para sayo ... ang laban na 'to ... wohoooow ....)
anyway gokongwei, na-catch mo ba yung question number 2 sa milan , together with piolo "anakan mo ako" pascual: "mahal mo ba ako dahil kailangan mo ako o kailangan mo ko dahil mahal mo ko?"
clap talaga ako sa mga tanong na yan ...
as in baklang bakla talaga. sabi ng sisteraka ko na nakapanood ng dubai, e nagtanong na naman daw uli itong si ate claudine.
pero hindi ko napanood yun. hindi ako fan ni aga o ni john lloyd.
which makes me wonder, ano kaya susunod na pelikula ni claudine? siyempre kailangan lugar na naman so not to break the blockbuster chain.
IRAQ kaya? o NEPAL o AZERBAIJAN para mahirap mahirap i-market at i-fronounce.
tapos, second movie nila ito ni papa piolo. azz usual, love triangle sila ni ... drum roll fleeeez ... wanda ilusyunada. taruzh!!!
ipi-pitch ko talaga 'to. as in ipi-pitch ko talaga to to the powers that be, fromis. at shempre i-eksena ang lola mo. hindi pwedeng hindi!?!?!
tapos uunahan ko sa tanungan itong si claudine.
wanda: mahal mo ba ako dahil bakla ako o bakla ako dahil mahal mo ko?
piolo: pareho ...
claudine: pwede rin ba akong magtanong ...
wanda: hindi!
claudine: pelikula ko 'to ...
wanda: alin ang mas madali, pag-aralang mahalin ang baklang nagmamahal sayo o umasang bakla ang taong mahal mo?
piolo: sinong bakla? sinong bakla, ha? GAGO ka ha ...
wanda: claudine, ikaw na nga ...
Saturday, January 28, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 comments:
i saw claudine at "esquinita" with her sis marjorie...hehehe may natutunan akong word sa knya...hehehe ang "chorva" hehe cguro nya baklang babae un :)
na windang ako sa mga linya mo wanda! panalo ka! go for the gold!
nakakatuwa naman to.. hehehe.. :-)
wagi!! naloka ako habang nagbabasa sa opis... especially yun part na meron na mga lines.. lols
kachurva churva nga naman yan wanda... nice one girl...
bakla klapeypey ako sayo pati kepay ko natuwa hahaha!
Sensya... Bakla talaga si Piolo... Wag mag-deny... Don't tell a lie... Ammmmiiiinnnniiiinnnnn... :p Hahahahahahahahahahahahahaha
love the lines! :) pakopya ha, shout-out ko sa friendster. para makita ni kras ko. sana umamin na sya kung nokla talaga sya o hindi. mahirap umasa! hmpness.
ahaha, sumakit ang head ko dun sa huling tanong ha,winner! >_<
Post a Comment