Saturday, June 30, 2007

Transporma

nabuo ang entry na iteklavu habang super watch si atashi ng transpormers. dahil kung yung iba e havs ng photografik o photogenik memori, ang lola mo e havs naman ng typografik memori. nagaganap pa lang, tinatayp ko na. at dahil typografik memori itu, maraming typo.

eh havs akeiwa ng unresolved isyu sa mga transpormers na yan. dalaginding akiz nung sabihin sa tv na yung unang 100 na manonood ng "family tree" nina nestor devilla (ata, di ko maalala yung cast, basta yung may flying volkswagen. PENDONG!) e bibigyan DAW ng laruang transpormers. pumila kami forever en ever, nakipagsisikan tsaka nakipag-gitgitan pero wa kami nakuha. na-isnatchan pa ng kwintas si maderaka. pag-juwetiks namin e pinalo akiz ng todo, gamit yung spartan sandals hehehe di naglaon, na-discovery channel ng mudra en child na yung pinamudmod na laruang transpormers eh yung mga pan-tanching lang na naba-bayla sa mga suking palengkihan. kainis.

eh lahat naman kasi ng may childhood, kahit yung mga pilit pinaboborlogs sa tanghali para daw tumangkad, e kilala yang transpormers. aketch, noonchiwa ko pa inaabangan iteklavu. as in noong sikat pa yung bagetz at buhay na buhay pa si miguel rodriguez. say ko say ko wallet, kung natransporm nga nila si kuya dick into a petrang kabayo e malamang magagawa nilang tao yung mga CARiret tsaka trak-trakan. yang pangarap na yan e ka-level ng sana maging jolikula rin sina she-ra, captain planet, dino-riders, voltron, tigersharks, thundercats, sailormoon tsaka yung mga pakikipagsapalaran ni combatron tuwing biyernes sa funny komiks.

linilinaw ko lang. hindi itu rebyu. malay ko ba naman sa mga rebyu-rebyu na yan. gaya nung sa ilaw, wa ko paki sa ilaw. basta hindi madilim, hindi rin nakakabulag yung liwanag. basta nakikita ko ng malinaw yung bida, OK na yon.. yung sounds. basta hindi mahina at naririnig ko sila, pwede na. yung set. basta mukhang hindi ni-drawing sa illustration board e keri na siguro yon nyahahaha alang kwenta ampotah!!!

basta bida diyan sa transpormers sina john voight na pudang ni tomb raider, tsaka yung bagetz sa even stevens na si shia labeouf na buti na lang e naka-cut en paste sa interdotnet ang name-sung kasi anhirap nang ispellengin, anhirap pang i-fronounce. ano ba talaga, koyah?? shia laboof o leboof o labuff o labeef. makarne itu. KEMBOT!!! bet ko yung la-buff kahit fayatolah khoumeni yung bagetz.

eh disaster muvi ang pormula ng transpormers. disaster muvi na ka-level ng deep impak, armaggedon, da day apter tomorrow tsaka yung mga pelikula nung presidential sons na sina jinggoy tsaka mikee arroyo. disaster talaga.

disaster kasi pagkashopos ng jolikula lahat sira-sira na. oo, kurek. sa gitna ng warlahan sa transpormers e wala kang ibang masa-sight kundi lumilipad na yero, dingding, poste tsaka kahit kotse na tipikal satin tuwing may bagyo.

eniwei gokongwei, mabalik tayo. simple lang yung kwento ng transpormers. en im sure, kahit wa ko ispoil tsaka ispluk yung mga detalye, e mage-getching mo yung mga eksena, pati drama ng mga CARi-karu. bago pa ending, knows mo na agad kung sineklavu yung winnona. ang tanong na lang e pano.

ganito kasi yon, yung autobots tsaka decepticons e may hinahanap na malaking cube. parang dakekang na itim na rubix cube. pwede ring gigantic na bulok na knorr chicken cubes (pwede ring beef o kaya pork o kaya shrimp). ewan ko, DEADMALAYSIA!!!

eh nag-message nga sa prenster ko yung direktor nila na si michael bay. sabi niya, sa director's cut daw na ilalabas sa dvd and casettes (oo, ibabalik nila yung casette), e isasali nila yung mga naligwak na eksena ni tita maggi na bukod sa autobots tsaka decepticons e nagka-interes din dun sa cube. gusto ko na rin tuloy ng cube.

sabi pa nung direktor na sa part 2 (ipupusta ko blush on ko, may part 2 itu) e sa pinas na siya gagawin. pupuntiryahin daw kasi ni megatron yung mga kolorum na fx tsaka taxi tsaka jeepelya para gawing sundalo. at mas malaki daw yung disaster balyu dito kasi masisikip yung kalsada, tapos ika-cast sina jinggoy tsaka mikee para disaster na talaga.

eh siyempre naman hindi pahuhuli yung mga autobots na may mga underchasis agents sa pinas. mga pinoy autobots o mga OTO-BOTS, na tanging chapter ng mga robot na mahilig mag-siesta, sumagot ng "ok lang" sa lahat ng klaseng tanong para hindi maka-offend tsaka yung tawag nila sa kapwa oto-bots e pre o kaya dre o kaya tol o kaya dude kung pasosyal o kaya basta pssssst lang.

pinamumunuan ang oto-bots ng lider nilang tamaraw fx na nagta-transporm sa diplamatikong robot na si Prangkisa Prime. kung si optimus e havs ng linyang, "autobots, roll!!!" o kung anufaflung katunog niyan, tong si Prangkisa Prime e hindi rin patatalo. may catchphrase din yan. ispluk ni Prangkisa, "oho, bente ho, malayo malapit. oo nga ho, 20 nga ho. eh di sa iba na lang kayo sumakay. kahit sa iba din naman ganon talaga ..." panalo sa diplomasya and lider davah???

kasama niya yung sarao na jeep na nagta-transporm sa isang jologitong robot na si Patok na nagpapatugtog ng pagkalakas-lakas at dumadagundong na tagalog rap. tsaka mabilis itu tumakbo, bumabangking pa. havs pa nga ng mga estudiyanteng may i sabit sa jolikuran niya.

yung scooter/motor bike na nata-transporm sa isang makulit, maliit at mahilig sumingit na robot na si Smuggler (kasi na-smuggle lang siya) na anhilig-hilig maglululusot e pag nabangga mo naman, kahit kasalanan niya, ikaw pa sisisihin.

si Toda-plex naman yung makatagtag matres na miyembro ng otobots na nagiging tricycle na pagkahirap-hirap hagilapin kasi madalas asa pila ng todahan para makaboundary.

eh yung taxi na nagiging si Dimetrobot na yung tanging linya e "baka pwedeng dagdagan niyo naman, mahal na gasolina ngayon" e medyo choozy yan. AZZ IN, choozy fruit gum. pag malayo yung lokasyon nung misyon nila e hihirit yan ng, "hehehe sa iba na lang, Prangkisa, pagarahe na kasi ako e."

yung tren na si LRTron na nagta-transporm at nagkocombine-combine para bumuo ng mas malaki, mas mabilis, mas powerful at mas mahabang tren. ganon din, humaba lang. alang kwentang power wahehehe ...

at yung kambal na bus na nagiging sina Ismael (bus line) tsaka si BLTB na laging cause op delay at trapik tuwing sumusugod ang kalaban kasi kelangan mapuno bago tumakbo. at panalo sa stop-over itu. malulula ka talaga sa takbo-break-takbo-break-takbo-break ... nalulula ako. partida, tina-type ko lang yan.

haaaay ... ansaya davah?? eh nag-message naman sa multiply ko si james cameron, kesyo gagawin niyang robot yung titanic niya pero lulubog pa rin sa ending hehehehe sabi ko na lang, wateber james!!! TARUZH!!! transpormers pa din ako.

eh kung hindi mo pa napapanood yung transpormers e manuod ka na. NOW NA, GO!!! kung ayaw mo naman, sasabihin ko na lang yung ending ... kung sineklavu yung tunay na nag-win.

akswali, WALA!!! walang nag-win. pano ba naman? yung mga autobots tsaka decepticons eh na-impound lahat kasi na-forget magpa-rehistro sa LTO hehehe amf imbento!!! panoorin niyo na lang kasi ...

sabi sayo eh, hindi to rebyu. nanggu-gudtaym lang ako.

10 comments:

r3dguy said...

tawa ako ng tawa sa mga OTO-BOTS mo!!

kalansaycollector said...

PANALO HAHAHAHA!!!

Ay nako isasama ko na ito sa mga peyborit blog na bibisitahin ko... 2 pa lang na entry nababasa ko, aba napamahal na ako sa blog na itey! ahihihi...

Anonymous said...

winner ka, bakla. panalo ang mga oto-bots ng pinas. panu na lng ung mga pedicab?

Charmed One said...

wanda, ive always been a fan since i started blogging, and ive read all your posts. aliw !! ive even linked you up para madali lang mahanap ang blog mo all the time.

i'm a fan

Anonymous said...

wanda! san ka nanood ng transformers? baka ikaw yung katabi ko?! pero mukhang hindi siguro kasi may babaeng nakalingkis e so baka si marcus at alicia! hahahaha!
panalo ang otobots mo tawa ako ng tawa!

Anonymous said...

ahahaha...
astig talaga mga oto-bots no?
wanda, dapat pati cellphones at mp3 players nagiging decepticons din. wahihihi

basta ako... miyembro ng wandabots!

Anonymous said...

wanda!

nakanood na din ako - napagod nga ako. nakakapaod sya panoorin, nakakahingal...

pero ang panalo e ang nostalgia nang mga lumang cartoons na pinapanood natin...miss ko na rin ang dino-riders (promise me mga laruan ako neto), silver hawks (meron din ako toys) at ang tiger sharks (nagkaron ba to nang toys? wala ako...)

...at me chismis na ang thundercats e ipepelikula na rin...sana totoo


- yeyey

Myrrh said...

panalo ka ateng! hooked on you ever ang drama ko!!!

Anonymous said...

Kung may "Shia labeouf" ... mayron ding "Jean-Luc Bilodeau" ...research mu. gwpo itong batang ito. ahihi. copy paste mo nalang... :)

Anonymous said...

grabeh lolah! natawa ako!!
ahihihi...
buti na lang idleness ang gerlat dito at wala akong nabubulilyaso sa pag super laff-in ko...

in fairnezz tengtong, cute nga sya.
sha pala yung nasa kyle xy sa studio 23.