sige nga mga, bata. blinangin niyo tong mga mansanas ...
taga-sesame street: one apple ... two apples ... three apples ... four apples ... five apples ...
taga-batibot: isa ... dala ... tatlo ... apat ... lima ...
taga-kanto: i -- sa -- dal -- wa -- cha
ang gagaling!?! sige nga bilangin niyo tong ... monggo!!!
taga-sesame street: uhm ... err ... that's one kilo.
taga-batibot: hanggang sampu pa lang po tinuro samin.
taga-kanto: bwakanang ... ginagago mo ba ako!?!?! tarantado ka ah ...
hehehe sige, wag na ... palikuran, marunong kayong magbilang?
kurek! pati palikuran binibilang na ngayon.
namalengke kami ni frida dahil sawa na lola mo sa mga pagkaing pang-ospital. yung mga delatang wa namang lasa.
so walkathon ang drama naming mag-amiga nang matulala ako sa isang karatola. sayang at wiz ko nakuhanan ng picture.
sabi ng billboard: 10 na lang ang walang palikuran sa marikina.
kaloka! wiz ko knows kung dapat akong matuwa na 10 na lang ang hindi jumijerbaks kung saan saan lang o dahil sa talagang binibilang natin sila.
"mas kaloka, kuya," sabi ni frida, "kung isa tayo sa sampung yan ... magre-react talaga ako. gagawa ako ng iskandalo dito"
'e ano ngayon kung wala kaming palikuran? e ano ngayon?? ibinabaon ko naman sa lupa!'" in fairness, nagtinginan samin ang mga kamanangan na rumarampa rin sa paligid-ligid.
"kuya, siguro eksena din kung bubuharin natin yung sign. palitan natin ng 9."
"hahaha tapos iisipin ng mga tao na meron na tayong palikuran. sige, sige ... tara!"
"gaga! mamalengke na tayo!" hinihila na ko ni frida.
"ano kayang feeling pag isa ka sa sampu tapos mapapadaan ka dito?"
"ewan. meron naman tayong banyo e."
"susunod diyan, 10 na lang ang chakka sa marikina ..."
"wish ko lang, kuya ..." say ni frida habang iniismiran ang isang chakkang gelay na gahaman sa aircon sa tamaraw px na sinakyan namin pauwi.
Wednesday, March 22, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
hehehehe kulet talaga oo!
hahahaha! buti naman at binabaon niyo!
funny and witty :) para akong tangang tawa ng tawa sa office! hahaha
Post a Comment