isang anino ang slowly but surely na nagti-tip toe palabas ng white castle sa fabulosang kaharian ni big brother. may dala siyang bag na tila puno ng supplies gaya ng lucky me honey-mansi pansit canton tsaka butong pakwan.
nagmamadali ang aninong ito. nagmamadaling makalayas bago pa mag wake-up call si kuya.
pero bago siya tuluyang makalabas ...
"sigurado ka bang wala kang nakalimutan?" ani ng isang tinig ng isa pang anino. puro na lang anino.
nagitla si anino1 sa tanong ni anino2. hindi niya inexpect na matutunton siya nito ng ganito kabilis.
"bumalik ka na don. wag mo ko pakialaman." sabi ni anino1, ilinabas niya ang kanyang espada, handang makipag-sparring.
"gusto mo na namang solohin ang pagkakataong mapagaling ang amang hari." sagot ni anino2, ilinabas niya yung venti mocha frappuccino niya. sabay higop. "gusto mo?"
"ariel, wag mo kong pigilan!"
"aba, maverick, hindi naman kita pinipigilan. inaalok pa nga kita ng kape, baka sakaling kabahan ka."
"eh anong ginagawa mo dito?"
"putol na DSL natin sa white castle, kaya naki-wifi muna ako sa starbucks," sagot ni anino2 na si prinsipe ariel pala nung lumabas na siya sa liwanag. "subukan mo minsan, asteg dre!!"
"wag ka mag plugging. maraming mas mahalagang bagay kesa diyan." sagot ni anino1. pero si prinsipe maverick lang din siya, hindi pa nga lang tumutungtong sa liwanag.
"sabi mo nga. at hindi ako papayag na solohin mo na naman ang karangalan na mahanap ang ibong adonis" TARARAN!!!!
"ang ibong adonis?" TARARAN!!!!
"oo, ang ibong adonis." TARARAN!!!!
"HOY WAG KAYONG MAINGAY!!" sigaw ng nabulahaw na taong grasang natutulog sa isang tabi.
anyway, nagpapakiramdaman ang magkapatid. ayaw na nilang sabihin ang ibong adonis TARARAN!!!! ... shet.
"ANO BA?? MAGPATULOG KA NGAAAAH!!"
sorry po. sorry po.
mabalik tayo sa magkapatid na prinsipe.
"paano mo nalaman ang pagtakas kong ito?" tanong ni maverick. "kumanta si kapitan?"
"hindi. busy si kapitan sa kusina, chinuchuvah si jang geum."
"kung ganon, bakit mo ko inaabangan? eh nag-costume pa ako para hindi mo ko makilala."
lumitaw si prinsipe maverick sa liwanag. balot na balot siya sa isang itim na spandex suit, kagaya ng sa mga scuba diver o wrestler. kaya para siyang walking anino kahit sa liwanag. makinang-kinang pa.
"nabasa ko sa blog mo," sagot ni ariel. "nabasa ko lahat ng plano mo. pati yung dadalhin mo. kung saan ka dadaan. detailed sa blog mo. pati nga archives binasa ko. nag-comment pa ko."
"uy! salamat sa comment ha." natuwa siyang konti. "pero hindi magbabago isip ko. lalakad ako mag-isa."
"bakit ka maglalakad? meron akong sasakyan."
"anokabah!?! mas kailangan ka ng kaharian, ariel." CUE the violin. "paano kung hindi na ako makabalik? sinong magtataguyod ng ating angkan? si maximo?"
"sa kadramahan mo, hindi mo talaga makikita ang ibong adonis" TARARAN!!!!
"ANAK NG!!!!!" sigaw ng taong grasa.
"nagmamagaling ka na naman, ariel!"
tumitindi ang tension. kunwari meron.
nagtitigan ang magkapatid na prinsipe. unang kumurap talo.
sumisipol ang malamig na simoy ng hangin. kahit hindi naman pasko.
sa malayo, may kumakanta ng "my way" sa bidyoke bar ni aleng taleng.
"alam ko kung nasaan ang ibon." pinagdiinan ni prinsipe maverick. "sa ika-pitong bundok sa ika-pitong bayan na mararating habang nire-recite ang seven last words ng seven dwarves nang mag guest sila sa uncle bob's lucky seven club habang lumaklak ng seven up galing sa seven eleven ... gaya nga ng bilin ni jang geum."
INSERT FLASHBACK.
"... sa ika-pitong bundok sa ika-pitong bayan na mararating habang nire-recite ang seven last words ng seven dwarves nang mag guest sila sa uncle bob's lucky seven club habang lumaklak ng seven up galing sa seven eleven ..." say ni jang geum, sabay mona lisa smile. "eh, sige po, magluluto na po ako ng papaitang sinangkapan ng arnibal at binatog."
FLASH FORWARD. BALIK SA PRESENT.
"kelangan mo ko, maverick" ayaw patalo ni ariel, na hindi pa rin kumukurap. "salamat sa google earth natunton ko ang short cut para sa lalong madaling panahon e mahanap natin ang adonis ..."
natahimik lang si maverick habang tumutulo luha niya kasi hindi pa siya kumukurap uli. eh walang point makipagtalo sa kapatid, gawa ng katangahan niya. meron nga siyang supplies pero na-forget niya kung san at pano pupunta.
CUT TO:
"kawawang mga prinsipeng dilat," say ni la chorvah na matagal nang nakamasid sa magkapatid sa pamamagitan ng pay per view cable. "MGA TANGA!!! HAHAHAHAHA!!! dao ming su, ihanda ang costume ko!!! rarampa ako sa trinoma!!!"
"wala na po ang f4, mahal na la chorvah ..." sagot ng isang mapagkumbabang tinig.
"kamusta, kapitan," oo, si kapitan ni jang geum. trahidor sa siya kwentong to. pero si la chorvah yung nagsasalita. "asan sila? asan ang mga chekwang alipores ko ... malilintikan sila sakin ..."
"paumanhin po," nanginginig na sagot ni kapitan. "ire-revive ng channel 7 ang karir ng f4. ipapalabas nila uli ang meteor garden 1. parehong kwento, iba lang dubbing ..."
"mga hangal. walang utang na loob," sabi ni la chorvah. "ha-huntingin ko sila tapos titilian ko yung mga tenga nila hanggang mag nose bleed sila."
"mahal na la chorvah," sagot ni kapitan. "kelangan na po nating pagtuunan ng pansin ang pag sakop sa kaharian ni big brother. hayaan niyo na po ang f4. pag di naman kumita, gagapang rin silang pabalik muli sa inyo ..."
"tama ka, kapitan. magaling at naisip mo yan at naiintindihan kita at wala kang subtitle."
"eto na ang panahong inaantay natin. tanging si prinsipe maximo na lamang ang natitira sa kaharian."
"yung bading? aba, magaling," say ni la chorvah habang rumarampa-rampa sa paligid-ligid ng lungga niya. "akalain mo nga naman ang swerti natin. kapitan, pilitin mo si maximo na ipadala ang lahat ng natitirang sundalo ninyo para salubungin ang pulutong ng 300 na lulusob mula sa kanluran ..."
"ang pulutong ng 300?" nanlaki ang singkit na mga mata ng kapitan. may takot ito kasi nag-effort siyang banatin yung talukap ng mga mata niya.
"bingi ka?" nagtaas ng kilay ang primyadong diva. "o gusto mong kantahin ko pa??"
"la chorvah, kahit pagsama-samahin ang mga tauhan ko, mga tauhan ni jumong, mga rounin ng lumeria pati yung mga pa-tweetums na staff sa which star are you from, wala kaming laban sa kanila."
"eh pano nangyari yon? e 300 lang naman sila. sabi pa nga ni badet 128 lang daw, binilang niya talaga."
"makapangyarihan ang 300, kala mo, la chorvah, napanood ko sila sa greenbelt," nanginginig ang mga kamay ni kapitan habang dini-demo ang mga tactics ng mga taga-sparta. "bukod sa gwapo sila tsaka buff, kaya nilang pabagalin at pabilisin ang oras habang nakikipag espadahan. pati pana, napapabagal nila."
isang mapang-matang "ganon?" lang ang sagot ng diva. "WEH GANON??? well, sagot ko na lamay mo, kapitan. tapos kakantahan kita habang nililibing ka, dito ba ... oh, dito ba, dito bahahaha ... oh dito ba ... dramatik davah???"
"ngunit may kasunduan tayo, la chorvah ... ipapaubaya mo sakin si jang geum pag tinulungan kitang sakupin ang kaharian ni big brother ..."
"e sino ba nagsabi sayong interesado akong sakupin ko sila???"
"ano po bang balak ninyo, mahal na la chorvah??"
"gaya mo, may babawiin lang din ako ..."
Sunday, June 24, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
ghad, this is going to be a great book!
*stage play version, anyone?
Post a Comment