maraming bagay sa buhay yung napakahirap pag desisyunan. gaya ng pagpapakasal o kaya pagbubuntis. pati yung ilang ulit na pagbubuntis. tsaka yung kursong gagapangin sa kolehiyo. tsaka yung paga-out sa pamilya. tsaka pamimili ng jowa, na sa sobrang daming nag-aapply at sobrang kasasarap e bet mong tikman silang lahat hanggang sa malukaret ka sa kakaisip kung sinong uunahin at kung sineklavung sasagutin.
pati na rin yung 5 Ws sa pag surrender ng virginity, yung who, what, where, why (ay minsan deadma na sa why), when ... minsan kasali yung pinaka-malupit na tanong sa kanilang lahat, ang "how" ... e lahat yan mahirap hanapan ng kasagutan nang wichelles ka nagaagam-agam.
pero minsan yung mga simpleng bagay na madalas nating dedmahin e mahirap din hanapan ng kasagutan. gaya ng kantang unang kakantahin mo sa bidyoke, tsaka kulay ng damit na bibilhin mo sa folded en hung, tsaka yung premyong iki-claim mo kapalit ng inipon mong ticket sa timezone .. at siyempre yung madalas kong ma-experience ...
(naganap habang nagpapaikut-ikot kami sa katipunan sa kariret ni alpha)
alpha: so san tayo kakain?
wanda: anong san tayo kakain?
alpha: tinatanong kita kung san tayo kakain ...
wanda: san mo ba gusto kumain?
alpha: ikaw ba, san mo ba gusto?
wanda: ikaw, san mo gusto?
alpha: magdesisyon ka na kung san tayo kakain. sayang gasolina ko.
wanda: magkano na ba gasolina ngayon?
alpha: anong magkano na gasolina ngayon?
wanda: tinatanong kita kung magkano na gasolina ngayon ... (natatawa-tawa na ko kasi sinasadya ko na tong katangahan na to)
alpha: ANO??? wag natin pag usapan yung gasolina.
wanda: e anong pag uusapan natin?
alpha: kung san mo gusto kumain para alam ko kung san ako liliko.
wanda: eh diyan, liko ka diyan. kung ayaw mo diyan e di dun ka sa isa. kung san mo gusto lumiko, liko ka.
alpha: taena naman e. pag na-traffic violation ako ...
wanda: (napipikon na ata si alpha kaya tinigil ko na, baka bigla akong mag-commute na naman pauwi) eh ba't ba ako magde-desisyon?
alpha: birthday mo e.
wanda: kahit hindi ko naman birthday ako rin pinapagde-decide mo kung san tayo kakain.
alpha: eh yun naman pala e. so san nga tayo kakain?
wanda: kung kunwari ikaw may birthday, san mo ko dadalhin?
alpha: siyempre dun sa mahal at masarap kasi birthday ko at ikaw manlilibre. eh birthday mo ngayon, kaya ako manlilibre sayo.
wanda: wow, ganon ba ... sige, sige .. mag-iisip ako. wait lang. gusto ko ng pasta e. san ba may mahal tsaka masarap na pasta? pero parang gusto ko rin ng steak e. ikaw magkakanin ka ba?
alpha: bahala na. kung ano meron dun sa resto na gusto mo.
wanda: parang gusto ko rin ng isaw eh. matagal-tagal na rin ako hindi nakakain ng isaw. tsaka toknene. ay! nagmiryenda pala ako ng toknene nung isang-isang araw.
alpha: sana lang bilisan, di ba? tom jones na ko ...
wanda: sandali, birthday ko!!! nag-iisip ako kung san ko gusto kumain e.
alpha: wag ka na mag-isip. yung unang pumasok sa isip mo, yun na yon ... GO!
wanda: err ... TAMARAW FX!
alpha: anong tamaraw fx?
wanda: nakakita ako ng fx e. kaya yun yung unang pumasok sa isip ko.
alpha: TANGA! yung unang pumasok sa isip mo, hindi yung una mong nakita.
wanda: eh yun nga yung unang pumasok sa isip ko pagkakita ko!
alpha: kainan ba yon? yung una ngang kainan na pumasok sa isip mo e ... GO!
wanda: uhm ... FX pa din e.
alpha: ewan ko sayo!
wanda: ayoko na mag-isip e.
alpha: yan ang mali sayo eh. lagi ka nag-iisip. antagal mo pa naman mag-isip. kaya nai-stuck ka lagi sa planning stage. wala kang pag-unlad. dapat instincts paganahin mo.
wanda: instingks?
alpha: instinCTSSSSSSS. halimbawa, nasa bangka ka kasama yung mom mo pati sister mo.
wanda: narinig ko na yan ... korni yan eh.
alpha: makinig ka! tapos lumubog yung bangka, sino una mong sasagipin?
wanda: ba't naman kami nag-bangka? can-afford naman siguro kami mag-super ferry noh? o kaya mag-eroplano.
alpha: tungaks! yun nga yung tanong e. so sinong sasagipin mo?
wanda: tungaks ka din! at sino naman nagsabi sayong marunong rin akong lumangoy!?! malulunod kaming lahat.
alpha: hypothetically speaking nga! kunwari marunong kang lumangoy ...
wanda: hindi mo pa nakikita nanay ko e. pag nalunod kami sa dagat, kasama nanay ko, tatalak yon nang tatalak hanggang sa may makarinig saming mangingisda o kaya coast guard o kaya ilalangoy na lang kami sa pampang ng mga isda na im sure rinding-rindi na sa kakatalak niya.
alpha: andami-dami mo na namang sinasabi. mamimili ka lang.
wanda: OK ... (esep-esep) gano ba kami kalayo mula sa shore?
alpha: BA'T MAY GANON PA???
wanda: siyempre kelangan ko malaman kung kaya ba ng katawan kong humatak ng tao nang ganon kalayo. so gano nga kami kalayo?
alpha: TANGA KA? walang ganon. sige, ako tanungin mo.
wanda: ng ano?
alpha: yung tungkol sa bangka.
wanda: TANGA! alam mo naman yung tanong, sagutin mo na lang agad.
alpha: eh para mas feel ko ... hehehe ... tanong!
wanda: kunwari sumakay kayo ng super ferry ng family mo. si mama mo tsaka utol mo. may utol ka ba? nag-iisa ka lang, di ba? kaya spoiled kang hayup ka e.
alpha: tanga, bunso ako ... hehehe ... tanong na!
wanda: FINE! e tapos may malakas na ulan tsaka hangin. anlalaki nung mga alon, parang tsunami ...
alpha: anong alon? anong ulan? anong tsunami? san nanggaling yung mga yon?
wanda: wala. imbento ko, bakit? para mas interesting yung tanong.
alpha: wala nang ganon. gutom na ko. tanungin mo na lang ako.
wanda: FINE! (may kasamang pandidilat ng mata tsaka buntung hininga) lumubog yung barko, sori, bangka pala, sino isasagip mo, si mama mo o si utol mo?
alpha: siyempre, isasagip ko kung sinu yung mas malapit sakin.
saylenz ...
wanda: in fuhrnezz, may punto ka diyan ... at dahil diyan, ikaw magde-desisyon kung san tayo kakain hehehe
alpha: taena, mag jollibee na nga lang tayo.
wanda: pwede rin. may pasta don tsaka may kanin tsaka may steak ...
alpha: wala namang steak sa jollibee.
wanda: tungaks! meron, burger steak hehehe
alpha: ewan ko sayo, anlabo mong kausap ...
saylenz ...
napipikon na si alpha.
alpha: sinamahan ka na nga mag celebrate ng birthday mo e ... dapat may miting ako sa kliyente ko ngayon pero pinare-sked ko para malibre kita ... tapos maggagaguhan lang tayo ...
saylenz ...
saylenz ...
pagkatapos ng dalawa't kalahating liko ...
wanda: liko ka na diyan uli, para iwas traffic ... hehehe ... dun tayo sa secret resto ko.
alpha: san yon?
wanda: sa bellinni's, sa may cubao ...
saylenz na kasabay ng biglang liko.
alpha: kanina mo pa alam kung san tayo kakain no?
wanda: OO naman ... hehehe ... gusto lang kitang kulitin.
alpha: taena mo ... (pabulong) kantot ka mamaya.
wanda: eh wag na tayo kumain. diretso na tayo sa kantot ... NYAHAHAHAHA
alpha: GAGU, MALIBOG! NYAHAHAHAHA ...
Friday, June 15, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
15 comments:
my god..kinikilig ako 4 you! taruszh!
winner ka wanda. kinilig ako. hehe
fataaaay!! jugjug pala eh hahaha amp..eh kung kau na lng kaya ni alpha wanda??:D mas kinikilig aq senio eh wahahahaha!
lemme guess.. natuloy din sa jerjer ung gabi nyo ni alpha noh? ahihihihihihi
waaaaaaaaaaaah mas cute kayo ni alpha kesa ni marcus ahihihi pero kilig din ako sa inyo ni marcus eh pero ah basta mas cute kayo ni alpha ahihihi...
leche! kantot lang pala katapat mo! nag-paikot ikot ka pa! tungak! di sana nagkantutan na lang kayo bago nagkulitan tungkol sa mga bangka! leche! makapaglaba na nga lang!
waaaaaaa!!! may nangyari sa inyo?
bitin...
belated hbd. ^_^
HAPPY BURTHDAY SA REYNA!
Magaling magaling magaling.
Parang hinde ko ata nabasa na kayo na ni Alpha? At pumapayag na pala si Alpha na jerjer kayo? hhhmmm... super interesting!
sa sign up ng book launching mo, pwede mo bang dalhin si papa alpha. Hehe
Pangalan na pangalan pa lang, nakakalaglag brip na eh.
Hapi Berdey (belated pala) sa nagpapasaya sa akin (not that binabayaran kita or anything) sa araw-raw na pagbabasa ko ng blog.. c",)
Hapi Gerger din pala..kayo ba ni Alpha? c",) Wala lang..nakiki-chism lang..
hi wanda,
san ang bellinni's?
haaaaaaayy!! sabay gigil!!
grabe, ang laswa naman. talagang kantot kung kantot. pero happy bday wanda. sana e dumiretso na rin kayo ng sogo after mag-bellini's. favorite ko rin yun. sa mga di nakakaalam, don yun sa may marikina shoe expo, malapit sa COD. pero may steak ba don???
ang landi mo wanda. ngpakangkang ka kay alpha. pero sa tingin ko mas bagay kayo ni alpha mas mahal mo nga lang c marcus...
haba ng hair mo teh makulay pa - neon pink!!! nyahahaha
Post a Comment