hindi itu rebyu.
at dahil blog ko to, malamang sa hindi e tungkol na naman sakin itu.
nanood kasi ako mag-isa. dapat may alone taym kasi si atashi. magnilay-nilay kumbaga. para makumpara ko kung asan ako ngayon at asan ako nung nakaraang hapi berdey ko.
akswally, wa talaga ko choice kundi manood mag-isa.
tinext ko si samson. sabi ko, wer u? sabi niya work daw siya, alas dose pa log out, lo bat. di ko getz yung rele nung huli. deadma. pero taena na-excite pa naman ako. gumaganti itu hehehehe
tinext ko si jean. sabi niya sunod na lang daw akiz sa timog. nomohan wit da jowang si tito carl, ka-join yung mag-jowang friendship nila. AY! fifth wheel ang drama.
may tinext din akong frenship. sabi ko nuod kami sine, libre ko, tutal hapi berdey ko naman. sagot ba naman sakin e bertday mo nga talaga ngayon (june 15)? PUNYETA, MALI PA PETSA! KAHAPON, ULUL!
tinext ko naman si alpha, may booking daw siya. at talagang pinaramdam niya sakin na ako lang ang nag-iisang waing buking sa buong glorietta.
tapos nakasalubong ko pa yung prodigal jinsaners ni atashi na nagpakasal nang hindi namin nalalaman. i-tsismis daw ba??? hahahaha ino-offeran niya ko ng trabaho, kesyo wa daw asenso sa parlor. sabi ko, anong trabaho ba itu. assistant daw ng kung sinu-sino. sabi ko, "sige pag-iisipan ko kasi may kukulutin pa ko e. IKAW!!!"
hanggang sa jumosok na lang akeiwa sa cinema 3. OO, sa cinema 3. yung 9:50 pm na screening kahit alas siete pa lang e andooners na akiz. excited??
at dahil reserved seating itu e wa ko choice kundi pagitnaan ng dalawang pares ng mag-jowa naka-dolby digital samahan pa ng mega THX super surround cheverlyn na pag nguya ng chippy o kung ano man yung nginangatngat nila. baka kuko nila sa paa. (ay! bitterness ang tema natin ngayon nyahahahaha)
kaya sabi ko, pagdidiskitahan ko na lang tong fantastic four na itech.
OK-NESS. una mong ie-expect diyan ang pag-rise ni silver surfer. abangan mo, umiilaw nota niya (antayin mo yung ending, umiilaw siya talaga). di lang yan, powerful pa itu. sumasabog itu wit da cosmic chuvanesence of da unibers keme keme repolyo.
at in fuhrnezz, sobrang naalala ko si oblation sa kanya (pasintabi sa mga iskolar).
di na ko magtataka kung gagawa din sila ng pinoy bersyon nitech starring oble na nakalunok ng radioactive kemerlou na mercury pero imbis na mauwi sa maka-TV patrol na balitang poisoning e naging silver siya. pero duda ako sa surfboard. sa la union lang kasi meron non. baka skimboard o kaya roller blades lang ibigay sa kanya kasi wa budget. o kaya para pinoy na pinoy e silver tarysikel o kaya sarao na jip na lang.
expect mo din, na gaya nung unang pelikula, e masa-sight mo si human torch na nakatapis lang. ewan ko ba kung biyaya ba itu sa mga vehykla. aantayin ko yung pangatlo para patunayan yung teorya ni atashi.
duda ko kasi na tema siya talaga. ako man din utusan gumawa ng iskrip e dun ako magsisimula. parang, "hmmm ... simulan natin kaya sa isang araw nakatapis si human torch, bagong ligo siya at ang sarap sarap niya. tapos uusok siya. tapos matutuyo siya ... hmmm ... tapos sasalakay si silver surfer. sisigaw mga friendships niya na let's volt in. tapos sasabihin ni human torch e wait lang maliligo ako uli. keme ng friendships na rachel ann GO! tapos maliligo uli si human torch. tapos lalabas siya uli nang naka-tapis ... hmmm ... gundah, gundah siya"
PASOK SA BANGA!!! ahihihihi
eto ka pa. ewan ko lang ha kung malaswa lang talaga ako mag-isip. yung mga eksena shupatembang ni human torch tsaka yung bilat na walang tadyang gaya ni marimar na imbisibol gurlilet kuno ang drama, lalu na nung nag-akapan blues sila, parang may something talaga. azz in. parang hindi sila magkapatid. parang any monument bigla silang maghahalikan. inantay ko nga e. ewan. baka set-up yon para sa part three ...
at ang moral lesson talaga diyan sa fantastic four na yan, eto ka na, handa ka na ba? wichelles ko na iku-kwento. basta lang. dahil sa ending na-feel ko lang talaga na yung kaya ng apat e kaya naman palang gawin ng isa. multi-tasking itu kumbaga. kakairita. KIYEMBOT!!!
naalala ko tuloy yung turo sakin ni alpha. sabi niya, "wag ka kasi umasa lagi sa iba kasi hindi mo alam kung san ka dadamputin pag wala na sila."
kesyo celebrate daw yung kemeng single blessedness chorbah na yan na pinagandang tawag lang sa "wa ka jowa, nena?"
sabi ko na lang, "hindi naman siguro ganon. pero try ko ..."
hanggang sa nasanay na lang din akeiwang mag-watch ng sine mag-isa, lumapang mag-isa, lumangoy mag-isa, mag-bike mag-isa, mag badminton mag-isa. mag-chess mag-isa. at epektib siya in fuhrnezz. i pil better now. para akong naka-arthro.
siguro nga yung kaya ng apat e kaya talaga ng isa.
pero pag may na-achieve ka, kanino mo isi-share? kaninechi mo ichi-chikka?
nung gabing yon na-realize ni atashi na updated man yung prinsipyo ko e wa rin akeiwang pag-unlad. na kung asan ako nung 2006 e siguro mga tatlong baby steps lang tsaka apat na kandirit yung ini-usad ko.
tsaka last year, asa cinema 5 ako.
pag sa susunod na taon e ganito pa rin e tatanggapin ko na yung katotohanan na ang buhay makulay ni wanda ilusyunada e magpapaikut-ikot na lamang sa glorietta cinemas.
Sunday, June 17, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
15 comments:
hi wanda! enjoy talaga ako magbasa ng blog mo.. masasabi kase ng isang tao na hindi pawang kathang isip ang mga nakasulat dito.. entertaining and at the same time, it is still in touch with reality ika nga.. dont worry, wanda.. im sure you'll find THE ONE for you.. di ka na manonood ng ng sine mag-isa, maglalaro ng chess, magbadminton, magswimming, kumain, at kung anu ano pang activities mo sa buhay.. i know He exists.. na traffic lang cguro :D more power, wanda!
waaaahhh! wanda! sasamahan kita manuod nang sine! hehehe.
hi wanda, happy birthday. ikaw lang talaga ang nagpapasaya sa akin ngayon na tigmak ng problema. hehehe. totoo! how i wish i can do the same sa iyo ngayon birthday mo. para d ka mainip wag ka maghintay. kung boylet ako baka maging crush na kita, ahihihi
HAPPY BIRTHDAY WANDA!!!
nuff said, maganda blog mow....japi beerday!
nini keri mo yan! di lang siguro ngayon ang tamang panahon pero dadating din yan... belated happy birthday!
I agree with what bananerts said. Baka natraffic lang. O naligaw. Sana nag-baliktad na siya ng shirt.
Ilang beses na rin ako nilampaso ng tadhana. Nabigo sa pag-ibig. Feel ko na isa akong nilalangaw na fruitstand. Matamis, walang pasa, at makinis pa naman ang mga prutas ko [huh?!]. Pero rainbow pa rin ang nakikita ko sa aking kinabukasan.
Lesson nito, mag-jutes ka. Chos! Joke lang. Be positive ate. :)
ganun? jisaers ka lang reyna ilusyunada? Next time txt mo itetch at kahit may work ako sasamahan kita! :)
oh my gawd another wonderfull post. u never seized to amaze me wanda. u know ang galing galing mo. parang walang lang kwenta at puro kavaklaan lng. but if u will look deep into it may mga aral at talgang may mga lamn ang post mo... hayyyyyy bka marehab nko nito adik na adik na me sayo....
gandang wanda, haller!
june 15 ko nadiscover ang blog mo. haaay, talagang bilib kaagad ako sa istayl mo ganda..
azz in nagprint talaga ako ng 45 pages na blogs at iginiblab ko sa kuya kong kasingganda mo hehe..(la sya time mag-internet sa ngayon pero i did encourage him to see your blog himself). super emote sya sa oral reading, take note, oral reading. azz in "basahin mo ng malakas sister"! to da highest level talaga. hey, you made us feel you.
guess am gonna be hooked... hala, isa na namang adik in the making aketch! madadagdagan na naman ang fans mo.. na nag-aantay sa book launching!
You seem to be one fantastic person... keep it up!
Well, ganyan talaga... I feel the same way mag-isa nanonood ng sine, mag-isa sa maraming bagay...hay... ang lungkot. Buti may blog na katulad ng kay wanda..dnj
Ate, keep them coming... if malapit lang ko sa inyo gi-ubanan na tika pagpanan-aw sine! belated diay... hehehe... trent here from CDO..
"for we are all poets, or babies in the middle of the night, struggling with being."- martin amis
happy birthday, wanda!
i love the latter part. very heart-warming.
haaayy...sobra wanda..
touched na naman ako sa istorya mo...
reality bites talaga lolah...
but you just gotta keep the faith!
just wait till the right person comes! =)
Post a Comment