si rodel, aka rhoda, e nyorkada ni atashi nung hayskul na parang dr jekyll en mrs hyde ang drama.
pag josok ni rhoda sa umaga e maglulumandi yan sa klase at magpapa-pampam sa cruzhness niya. medyo chabelita tong hitad na to kaya asset niya na "malaman" yung dibdib niya. uso non yung kantang jabongga jabongga ja-ja-jabongga kaya siya talaga yung madalas sentro ng atensyon.
pag may i call ka sa balur nila e chi-chikka yan tungkol sa mga boyletz niya tapos bigla, azz in waing abi-abiso itu, bibilog tsaka bubuo na lang yung boses na kala mo e sinong bouncer, "TAWAG KA NA LANG ULI MAMAYA, MAY GAGAWIN AKO E ..." ganon ka bilis mag shift. kalahating kurap lang. parang si kuya dick tuwing ume-entra si doc aga dati sa okidok.
siyempre nung hayskul, kung may improtanteng isyu ako sa cruzh ko gaya nung nagpapalandi siya sa ibang pokpokitang baklita na asa elemantarya pa lang e kumekerengkeng na, ipagpipilitan ko talaga na ora mismo, rhoda, kelangan ko ng ka-chikka. may krisis ako.
pero bubulong na yan sa telepono kesyo, "tawag na lang ako sayo mamaya. andito sina mama e ..." at dahil fellow closetta aketchiwa, naiintindihan ko siya at ako nama'y magpaparaya. sige na nga, saka na lang.
kelan lang na-sight ko si rhoda uli na rumarampa sa mga shala-shalahang tindahan sa gateway mall. at hindi siya mag-isa. may ka-akbay siyang bilat. oo, babae. at oo, akbayan sa rampahan. jowa niya kaya itu, sa loob-loob ko. pero hindi sila magka-fez e so malamang hindi niya sisteretta o kaya kuya na nagfi-filing sisterette. tsaka iba yung akbayan nila, may halong malisya. na may kasamang laswa ... ECK! kakasuka.
WAAAAAAH!!! si rhoda, na havs ng monthly subscription ng chika-chika na pilit niyang ini-ismuggle sa skulilet para ma-sight namin yung mga latest picturakka ng ilang jortista na in fuhrnezz e ngayon sikat na, politiko pa yung iba.
e nung nag-college kasi nagkahiwa-hiwalay na kami niyan ng landas. iba-ibang friendships, iba-ibang kurso, iba-ibang future. may nag kompyuter, may naging psycho, may nag parlor gaya ni yours trulili, at may katulad niyang NAG-JOWA NG BILAAAAAAAAT!!!
wa na kaming balita sa kanya bukod sa mangilan-ngilang chismax na bigotilyo na daw si bektas, kesyo maton na maton na daw at nag-jowa pa ng pechay at havs pa daw iteklavu ng balak magpakasal. HUWAAAAT!!! kumukulot ang bangs ko. yung isang bersyon naman nung chizmiz e havs na daw si rhoda ng junakiz. akalain mo yon???
pero sabi nga nila, ang maniwala daw sa sabi-sabi walang bait sa sarili. hindi rin. sabi-sabi lang din yon kaya witchelles na rin ako naniwala. dead malaysia pakistan. ang chizmiz naman ganyan talaga. kaya nga chizmiz e, kasi san mo mang anggulo tignan e posible siya.
KALOKA!!! si rhoda, na talagang nag-effort para maka-delihensiya ng kopya nung bidyo ng hipuan segment with da fomosong jojo veloso. wirit niya kami tinantanan hangga't hindi namin pinanunood para mapag-debatehan kung si hans montenegro ba talaga yon o hindi.
eh naka-salubong ko nga siya sa gateway pero wit niya ko binati. ni kaway, WA. ni tango, ni simpleng waing ka-effort effort na tango, WA. azz in. ni ha ni ho, WA (SAGLIT! commercial: ano ba yung "ni ha ni ho" na yan? intsik ba origin niyan? hehehe). e knowsline chinatown ko namang na-sight niya akiz.
payo nga ng mga nyoklang masho-shonda, ang baklang ayaw lumingon sa pinanggalingan malamang-lamang e may tinataguan.
LECHE!!! si rhoda na tuwing PE nung hayskul, tapos nataong swimming, e rarampa sa poolside na naka-tapis nang sobrang higpit na parang sumang inipit para daw lumitaw yung kuno-kunuhang cleavage niya. siya namang cue ni vivorah para mang-alaska, "hindi suso yan, vehkla. pwet yan! PWET!" hehehe insekyoray ang hitad.
eh nag-init talaga tenga ko. kaya umeksena pagka-antipatika ng kuya at patay malisya kong sinundan-sundan sila. ayaw mo ko maalala HA!!! mumultuhin ko kayo ng gufra mez.
at nung makailang ikot na ko sa gateway sa kaka-stalk sa mag-jowa, nadama ko nang pinapaltos yung paa ko kaya sinadya ko na talagang salubungin sila.
yung plano e lalapitan ko sila at magsusumigaw ang lola mo, vivorah style, "VEHYKLAAAA!!! kamusta ka naman diyan??? suplada ka na pala sa personal ha?!?!?!"
ilang hakbang lang layo ni rhoda sakin, azz in abot kamay ko siya, nau-una yung bilat na may sina-sight na damit sa pipol ar pipol. tapos tinaas ni rhoda yung hintuturo niya sa labi niya kagaya nung logo ng victoria court na siyang universal sign para sa "vehkla, oo, kanina pa kita nakita. sana wag ka na maingay. secret na lang natin to ..."
getz ko na. gaya ng dati. kaya nginitian ko na lang siya tapos nagtaas akiz ng kilay at rumampage pauwi, na siya namang universal sign para sa "OK FAYN, BEK-BEK! BUHAY MO YAN! GUDLAK NA LANG SA KARIR MO!"
di ko alam kung imbyernadette cembrano si atashi kasi kahit knowings kong closetta siya at parte niya nagpapanggap lang e nakikita ko pa din yung mga bakas na masaya siya.
o dahil kasi alam kong sabay ng pagtalikod niya sa nakaraan e yung pagtalikod niya sa kung anuman yung aming pinagsamahan ...
Tuesday, June 12, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
12 comments:
nakakatouch naman tong kuento mo .... namiss ko tuloy yung barkada ko nung hayskul ...13 kami halo halo - vhekla- tomboy - pokpok - virgin - at mga fafa item... kaso di talo barkada kasi ..pero after 10 yrs. nabalitaan ko nagtalo talo sila ako lang ang nahiwaly ..6 pairs ..gets mo?
Neng, sabi ng lolo ko "Pabaya-i daw." Ok naman ang response mo - graciosa in fairness - pabayaan na lang, obviously yung level of understanding niya pagdating sa friendship kaiba sa interpretasyon mo..Well, Ms. Friendship ka pa rin by my book..Mabuhay ka, Ineng...
hi...
na-touch akez sa kwento mo...
sana wala akong maging frendlaloo na tulad ni rhoda...
nwei highway...
nice blog entry...
hello ganda.. alam mo, nakaka-relate ako kay rhoda. as in exactamento! di naman ako yung tipong nagtatapis at nagkaka-pwet sa dibdib, pero alang kaduda-dudang may pilantik ang aking mga daliri. saka experienced akez nung hayskul, if you know what i mean ;-) tawag nga namin sa mga girlalu ng aking friends ay poison, kasi all-boys school kami, tapos yung mga girlpren-gerlprenan ng aming mga prospect eh sa labas ng school nakikipagkita. so you see, true blue baby i love you akong vheks. pero, minsan di maiiwasan ma-inlababo, kahit pa sa gelay. ako rin, wiz ko inakalang na may isang gelay sa aking future, pero it happened. i guess no choice talaga ang tao when it comes to matters of the heart. pero, in furrrnezz, alam ng gelay ko na bading-badingan talaga akkech, pero once na naging kami, ang condition lang eh stop na, konting respeto naman sa kanya. di ko na lang talag mega-kwento ever yung extent ng kabadingan ko, baka di nya kayanin bwahahaha! tama nang alam nya kung anez akez, and that i try (until now, try pa rin ever) na wag naman sumigaw ng BAKLA! ang katauhan ko. i am now married with kids. syempre, i also lost contact with my high school friends, and di na ganun ka-warm ang aming kwentuhan (if ever magkwentuhan), kasi iba na ang experience ko with them. sila, may partners, or single, ako, ano maikukuwento ko? family life? paano gumising sa madaling araw and paano magpalit ng diapers? andun yung disconnect. pero hindi ako nagsisisi about my high school life (it was the best!) nor na nagpakasal ako. kasi in the end, ang mahalaga sa akin is go home to people that i love.
curious lang...
kahit kailan hindi ba sumagi sa isip mo na mag ala-Rhoda?
Mama, "ni ha ni ho" is I guess "ni Hi, ni Ho (azz in Hello or Hoe, pwede rin, hehehe)".
Nung una, kala ko nagmamababaw ka lang, as in sa insides ko (loob-loob), "bakit nagdu-dwell sya sa isang taong dini-deadma na sya nagyun?" Kung si marcus yan, may deep impact yan like a meteorite hitting d earth.
Pero tinamaan ako sa last statement mo, "sabay ng pagtalikod niya sa nakaraan e yung pagtalikod niya sa kung anuman yung aming pinagsamahan".
Kabog, mga misis, kabog! LOL
kawawa naman yung gurl. assuming na di niya alam, ha, at nanlalalake pa rin si rhoda.
pero di kaya alam niya ang tungkol sa tunay na pagkatao ng asawa niya? di ko ma-gets yung mga babaeng ganito. keri lang kung magkasundo kayong magka-anak ng bading na best friend pero bakit kelangang may pretension na involved?
at ang mga mala-rhoda namang bakla, ano buhhhrrr?!!! kung di niyo matanggap ang pagkatao niyo, huwag na kayong manloko ng kapwa!
dalawa ang kakilala kong bading na ganire ang drama, also from high school. napa-tumbling ako with matching split noong makita ko silang kasama ang kani-kanilang asawang babae. slight mas transparent ako kesa sayo, wanda. i admire your discretion and diplomacy.
sagutin daw ang trivia: yung "ni ha, ni ho" ay "neither ha, nor ho". ang "ni" ay spanish ng "neither" at "nor. ang intsikan na iniisip mo ay "ni hao". :-D
i had a gf and alam niya rin yung pagkatao ko.
i wouldn't say nagkukunyari ako nung kami. kasi na-aattract pa rin naman ako sa guys [and girls paminsan-minsan] pero syempre out of respect wala ng patulan kahit sila na ang nagpaparamdam. para straight guys din naman yan, if you really love the person you're with, you won't get into someone else's pants.
may incident na ring a guy i dated kept following us when he saw us sa mall. i felt really uneasy not because natatakot ako sa sasabihin ng ex-date ko or ng gf ko. i just felt uneasy sa situation kasi ayokong masaktan ko ang gf ko. alam na niya ang pagkatao ko pero hindi naman kailangang ipamukha pa sa kanya yun. kumbaga wag mo nang lagyan ng kalamansi ang sugat. umiwas na sa ganung sitwasyon hanggang maaari.
hindi naman maiaalis ang pagiging friends nyo wanda [or whatever's left of it] pero minsan there are choices we have to make to move forward. mahirap intindihin siguro kung wala ka sa sitwasyon niya but if you really consider him as a friend then you would at least try to understand him :)
sadness nmn itong c rhoda oh. sana mgkita kayo ulit and diz time sana mkapgcoffe na kayo hehe.
sis, ka sobrang nakakatawa at the same time nakaka touch yong storya moh. hay ganyan talaga buhay... parang life shyet.
Pinaka-hard hitting yung last statement ah. Kalungkot naman.
Post a Comment