Wednesday, January 31, 2007

Q & A (Ikalawang Aklat)

mainit-init pa. kelan lang itu.

baliktarin naman natin ang eksena. bakla ako, patok sakin ang mga baliktaran na yan.

kwento ni friendship na super hanap ng trabaho. napag-trippan lang daw niya gumora at may i try sa pag-apply sa call center.

hindi daw niya kinaya yung experience.

dahil si friendship e galing sa US op A e walang duda sa self-esteem nitraks sa pagi-ingles at malamang lang e ma-getching siya. dinu-dugo nga ako pag-ka-chikka ko yan.

so mega-explain daw ang lolo mo sa mga karanasan niya sa states. at mga skills-skills chuvah-cheverlyn daw niya. kasi tinanong siya. tapos ...

interviewer: so how's you're punctuation?

na-windang daw ang mundo ni friendship. baka mali daw ina-applyan niya. bet niya e callboy agent. at baka daw sa medical transcription jomagsak yung papeles niya.

e chichikka-chikka lang naman daw siya, bakit kailangan ang punctation? baka kailangan magsulat ng sanaysay at mga kwentong bayan habang nagko-calls at kung anek-anek pang challenge. karirin ang multi-tasking. charoz!

pero bago siya nag-violent reaction, e may i raise ng hand daw muna ang lolo at bet niyang umapila muna sa baranggay.

ah .. eh, chairman ...

friendship: i'm sorry. how do you mean my punctuation?

interviewer: punctuation ... are you always late? are you conscious about time? do you come to work on time?

ANAKNAMPOTAH!

super-laffin daw si friendship. balak niyang mag-wala sa question and answer portion. si interviewer, siryoso pa rin iteklavu sa pagkilatis kay friendship. parang walang nangyayari.

interviewer: so how is it? how's you're punctuation?

inulit pa ng hitad.

friendship: oh! (pa-simple pa ang segwey) you mean my punctuality?

namula daw si interviewer. tapos nag-excuse. nung bumalik siya, iba na itsura. iba na damit.

bagong interviewer: ok, friendship, just expect our call in a couple of days to let you know about the results. thank you for your time ...

naloka ako. hindi ko kinaya yon. kung ako yung nag-interview, malamang juminom na akiz ng gaas hahaha tapos ililibing na lang akiz.

kerri lang pumunta tsaka umattend sa libing. basta punctuation lahat ha, bawal late nyahahahaha

Monday, January 22, 2007

Q & A

bakla1: anoveh? you're so ...

bakla2: what?

bakla1: YOU'RE SO ...

bakla2: WHAT??

bakla1: YOU'RE SO ...

bakla2: ANO?!? im so ano??

bakla1: eeeeek ... nakakainis ka!

bakla2: kung hindi sanay mag-english, please wag.

minsan na-heard-sung ko na yung chikkahang ganyan. sureness si atashi na ikaw din. yung may magi-inggles tapos hindi niya matuloy-tuloy yung i-isplukara niya kasi bigla niya na-forget kung aneklavu sa inggles yung sasabihin niya.

diyan tayesa madalas ma-ligwak. sa pagi-inggles. gaya sa mga interview. kwento na lang to ng isa kong friendship. ewan ko kung totoo.

Q: so what do you think is your best feature?

A: oh it's good you asked me this question. my best feature, i think, is my graduation feature. i look great there.

nabasa ko na yan dati sa e-mail e. pero sabi ni friendship may katotohanan daw. nangyari sa kakilala ng kakilala niya.

pero yung friendship ko na nagi-screen test ng mga future callgirls at callboys sa makati e nagsabi na hindi daw kerri ni atashi yung ganung trabaho. talamak daw kasi ang mga komidiyanteng naga-apply. e hirap daw akiz magpigil ng tawa.

gaya nung may tinanung siyang lulurki. gwapo daw itu at havs ng potentiality.

Q: so what do you think is your asset?

A: (nag-isip daw yung aplikante) my eyes, that's my asset.

Q: (maganda nga naman daw kasi yung mata) oh really? why is that?

A: because they are windows to the soul.

"hindi ko kinaya yon, mare," say ni friendship. "kasi parang tama na parang mali e. feeling ko maganda naman yung intensiyon niya don sa sagot, iba lang yung lumabas sa bibig niya."

pero tinignan daw niya kung kerri ng boylet mag-recover.

Q: so far, what do you think is your greatest achievement?

hindi daw nagsalita yung lulurki. hinayaan niya lang daw muna. baka nag-iisip. tapos hindi na raw uli nag-salita.

"mare, cue ko na yon, para sabihing: OK we'll call you within the week to let you know." say ni friendship. "pero ang gwapo talaga, mare."

sa org naman namin dati, may nagpumilit sumali. siyempre may question and answer portion muna.

Q: what are your strengths and weaknesses?

A: when i sleep i feel stronger. when im sleepy thats when im weaker.

ah talaga? nagtawanan kaming lahat sa org. kala namin joker yung aplikante. pero poker face itu mula umpisa. at dinagdagan pa.

A: but after i sleep and i wake up, im stronger again.

kakaloka. may talent itu kaya tinanggap namin. kakatawa siya nang waing ka-effort effort. hindi nga ata siya aware na nakakatawa siya. bet ko yung mga ganung friend.

pero sabi ng frienship kong si justin na isa nang big time producer ng komersyal sa tv, "hindi naman porket magaling mag-inggles e magaling na."

kurek ka diyan. kasi kahit nga mga onaks (kano) a pasok din sa mga bloopers-china.

sabi nung friend kong callboy e havs daw siyang natanggap na call mula sa isang gurlilet na super ask daw kung ano yung bluetooth sa cellphone.

siyempre inexplain daw niya.

sabi nung onaks, akala daw nung caller na yung bluetooth e pag binuksan niya yung nyelponella niya, ang kulay daw ng ilaw e blue. kabog!

" gusto ko sana sabihing: yes, ma'am, you can do that too in greenhills for P100 per backlight,you can choose pa whatever color you like" hanashi daw ni callboy. "bobita peron, gurl! kala mo lang hindi. pero bobita."

tapos havs pa daw ng isang call. linggo daw yon sa states. pag-sagot niya e mega-intro daw ang lola. sabi daw ng onaks:

ONAKS: hey, how you doin?

CALLBOY: im doin fine, sir.

ONAKS: i just wanna ask you if you're open today?

CALLBOY: if we're open today, sir?

ONAKS: yeah, coz its a sunday, and i was wondering if you're open today. are you?

"POTAH! sa loob-loob ko," hinagpis ni callboy. "kausap na nga niya ko, nagtatanong pa kung open kami. kakasira ng bait!"

eh ganyan talaga.

at akala mo ba sa bb pilipinas at sa mga gay beau-con lang may nakakatawang question and answer portion? wag ka, sa miss america din daw, gurl. kakabasa ko lang. kasi tinanong daw si ms nebraska nitech:

Q: if you could have one super power, what would it be and why?

sosyal di ba? pang-easy round sa quiz bee ang questionnaire pero shala pa din ang effectionate.

sagot daw ang kandidata.

MS. NEBRASKA: i would like to have a PHOTOGENIC memory.

photogenic memory ito, kamustah naman di ba?? hahahaha

kaya pag ikaw, nasangkot ka sa isang malupit na question and answer portion at hindi mo itu matakasan, tandaan ang sagot ng baklang kontestant sa beau-con nung tanungin siya sa estado ng politika sa pilipinas at ang magiging kontribusyon niya bilang isang bakla.

naloka siguro si bakla kasi ang mga tipikal na tanong lang sa mga ganyan e "kung ikaw ay isang bulaklak, anong klaseng bulaklak ka?" o kaya e "kung ikaw ay isang planeta, anong planeta ka kaya?"

sabi ni becky:

BAKLA: thank you, mr judge, for that interesting question. sa tanong niyo po, naalala ako ang mga makahulugang salita ng aking yumaong ina. sabi niya sakin. always remember ... less talk less mistake. that's why i will not answer the question. maraming salamat po. at magandang gabi sa inyong lahat!!!

klap ang mga tele-viewers ni bakla sa talipapa. pati si mr judge.

at wag ka, winn ang lola.

Sunday, January 21, 2007

Message Sent

may kagagahan akong ginawa.

nanaginip si atashi kagabi. umattend daw akiz ng kasal. kasal ni marcus, san ka pa?? olay davah!?! ang kakalokah don kinaya ko daw talaga.

frida: kuya, hanggang ngayon pa ba naman nagi-ilusyon ka pa?!

jumupestra daw akiz sa may bandang likuran ng simbahan. tapos tinaas ko daw yung paa ko.

frida: hanggang sa panaginip walang modo.

bonggacious daw ng sneakers ko don, gurrl! kaya lang may bor-ek (tae). at basang bor-ek itu. parang peanut butter.

roxy: magkaka-pera ka!?! magkaka-pera ka, kuya!?! sumali ka ng deal or no deal.

frida: itapon na yung peanut butter diyan.

ang kalokah don biglang enter da dragon daw si dingdong avansado at sing pa ng sing.

frida: dingdong?! bakit si dingdong?

eh feeling ko sign na yon para magparamdam kay marcus. enuf na ng pagmamaganda dahil wit siya mau-unang magtext sa lola mo. yun ang ilusyon. so dizzizzit na to!!! tinext ko siya.

roxy: pano kung malaman ng jusawa niya? paano kung warlahin ka niya, kuya?

frida: eksena to ... eskandalosa ... pang da-buzz. EXKLUSIBO!!!

wanda: basta wag niya akong sasalubungin, kundi babanggain ko siya hahaha

frida: kiyembot!

roxy: erich vrohkenbitch, ikaw ba yan? ahihihi

nung una witchikels ko knowings kung anek ang ite-text ko?

-- ui musta na u? sex uli tau ...

saved to inbox hehehe mashadong pokpokista.

-- mhal kta pro d mu lng alam ...

saved to inbox. kakarinig ko lang sa opm myx non e.

-- you make me feel like a natural ...

hehehe ... saved to inbox ... pero nag-settle akiz ditech:

-- alm q msaya k n nw & msaya q 4u. gs2 q lng mlaman m n mhalaga k skin. naalala kta alweiz. yngatz k plague. mahal na mahal kita pre ... (smiling fez)

message sent.

pero naisip ko non na mashadong pa-gurla yung message. baklang-bakla yung "mahal na mahal kita pre." "mahal kita pre" parang kerri lang. yung "mahal na mahal kita pre" parang may bahid ng pagnanasa ahihihi

after 15 minutes, wa response. inimajin ko non napa-drive ang gwapo papuntang marikina para kausapin si atashi at sabihing hiwalay na sila ni alicia at akiz na ibabahay niya. shet! kinikilig aketchi agbayani.

so pina-miscol ko. wai.

baka na-traffic, sabi ko.

miscol ko uli. dead malaysia talaga.

-- ui bz ka ata ...

message sent. naisip ko kaka-irita yung text ko. shunga-shungahan.

frida: di ba obyus na dinidedma ka niya?

roxy: eh baka nabu-borlogs lang, malay mo naman. miscol mo uli, kuya.

miniscol ko na naman. malaysiya pakistan!

last na. miscol. wa talaga. last na talaga.

tinext ko ng blanko. obvious na pa-pampam (papansin).

roxy: baka delayed ang messages, kuya. dahil don sa lindol sa thailand.

frida: bobah, taiwan.

biglang tumunog yung nyelphone ng lola mo. you have 1 new message.

-- P@#% INA VON TANTANAN MO N K UTNG N LOOB!

naloka ako! all caps talaga?! reply. REPLY!?!

-- anu?

hindi nag-reply. kinabahan ako ng over. may jusamang pagtataka. to da highest level. jisang gigantic question mark ang lumitaw sa tuktokita ng ulo ni atashi.

after 10 minutes wa pa din reply-cheverlyn. di ko na miniscol. tinawagan ko na. naloka akiz. ABA ABA ABA!?! kinancel ang beauty ko.

at nagtext pa.

-- TAENA TIGILN M K!

na-windang lola mo. tinext ko uli.

-- may nsabi b q mali?

di reply. jisa pa.

-- marcus?

nag-reply.

-- cnu to?

sinagot ko.

-- e cnu ka?

sumagot.

-- c choi. cno to?

si choi. si fat choi. kong hei fat choi. kapatid ni marcus. bunso nila pero binata na ngayinz. dati kasi chabe-chabelita tong batang to kaya fat choi asar namin sa kanya. lalu na pag nakiki-sali sa patintero tsaka agawan base. pati bahay-bahayan namin with da gurlash, sumasali. siya daw ang fudra. ambisyosang jubis. abusado kasi wit niya bet saling ket-ket lang. gusto niya kabilang talaga siya.

pero ngayonchi, nakikipagsabayan na yan sa ka-gwapuhan ng mga ka-kuyahan niya. ganda pa ng katawan. pero solid marcus forever si atashi, with matching banner pa achuchu-alavou.

bokot ang drama kez na may halong hiya. aamin na nga akeiwa ng feelings, na wrong send pa. pero kurekted by yung number na tinext ni atashi. shinowagan akiz ni marcus gamit tong number na to e.

akiz na ang tinatawagan niya non. ni choi. akiz naman kuma-cancel. pagka-shopos ng 20 minutes siguro, nanahimik siya.

frida: pano nangyari na si choi yung nagre-reply sayo?

roxy: hindi na sila diyan nakatira di ba?

frida: sina choi diyan pa. nag-aaral pa yung bagets e.

roxy: hindi. sina marcus ang ibig ko sabihin.

frida: tagal na, nena. anuvah!?! nag-migrate na. lumayo na kay kuya hahaha

witchels ako natuwa.

roxy: ang tanong, kuya, anong gagawin mo ngayon?

napa-isip ako. dead ma na lang siguro. kunwari na-wrong send talaga akiz.

frida: ang mas magandang tanong, kuya, sino tong von na ito? at ano ang papel niya sa buhay ni choi?

roxy: hahaha siguro bayot tong von na to. von e. short por i-von hahahah baklang-bakla. i-vhonhahaha

frida: kiyembot! yung magkakapatid na yan mga bagnet, no? wala kang itatapon. lalapangin mo lahat.

wanda: ano na namang bagnet yan?

frida: anuvah!?! bading magnet. bagnet ahihihi

wanda: LECHE!

pero ano nga kaya nangyari kanina?

sa kawindangan ng lola mo nakapag-sulat tuloy akez.

Portrait of Bading as an X-Men

presenting: senyora Xaviera

nung umekstra-ekstra akiz sa isang indie film project, don ko na-realize kung vahkit gamit na gamit ang mga tukla sa showbiz. lalu na sa mga shooting-shooting na ganyan.

kasi non, trabaho ng lola mo maghanap ng pagshu-shootingan. mga balay-china na shushalin pati na yung mga squatteric ang effect, mga iskul-iskulan, ospital-ospitalan at shala-shalahang mall na linuhaan ko pa ng dugo sa likodstra ng mga poste sa gateway.

nung nag-uumpisa pa lang akiz, pinahanap agad akeiwa ng balay pang location shooting cheverlyn. ang challenge ni big brother, wa itong budget o kahit ginang giveaways. makikigamit pa kami ng kuryente ahihihi

si senyora Xaviera ang bossing-bossing ng lola mo. powerful itech. pramis!

wag ka, gumora kami sa jisang ospital sa caloocan, madaling araw yon, kasi kailangan namin ng mga damit pang-duktor. chinikka niya yung bantay na hindi pa namin nameet-ever. nag name-drop lang si senyora ng kakilala, aba, nagpahiram ng damit with matching pam-BP, stethoscope at kung anek-anek pah. walang tanung-tanong. na-lukrecia akiz.

wala akong ganung powers, sabi ko. napapasunod niya yung mga pipolets nang waing aberya.

pero ang huling habilin sa lola mo, "kaya mo yan. mahilig naman sa artista yang mga yan e. sabihin mo lang kung sinong artista kasama. pero last resort na yon. mahirap na kuyugin tayo ng taumbayan."

so go ako sa mga balay-balayan ng isang maderaka na sa kilatis ko e mahilig nga sa jortista.

"nay, magandang hapon po ..." bungad ko non. pa-lalaki effect pa akiz. kasi nga feeling ko hindi ako sisiryosohin. kailangan mukhang kagalang-galang. baka kasi isipin nila e bagong modus operandi na yon at ma-IMBISTIGADOR o SOCO kami bigla ahihihihi

"ANU YAN!?!" malamang lang ayaw paistorbo ni nanay.

so pinaliwanag ko yung shooting na magaganap at yung pakay kong lapastanganin yung balay niya ng isang buong araw.

"AYOKO! MAGUGULO LANG KAMI DITO!!!" say nung matroniks na naka-daster at mukhang katatapos lang maghugas ng plato. "HINDI KAMI SHOWBIZ!!!" sabay tawa. bungal pala si nanay. pinigilan ko tumawa. pero mahirap kaya nag-isip ako ng mga patayan, mga sakuna at kunwari nakakalbo na akiz para lang wiz matawa.

sa iba na lang daw ako lumapit, say ni mudra. fly na sana ang lola kaya lang pasok nga yung interior design ng balay niya sa eksenang kukunan. so nag name-drop na ko ng jortistang mangi-invade ng balay niya. baka kasi pumayag.

"AY KAPUSO YANG MGA YAN! KAPAMILYA KAMI!" at tinalikuran niya akiz. e witchikels ko pa naman bet na hindi ko nagi-getching yung gusto ko. sabi ko, isang try pa.

isip. isip. isip.

may nakita akong picturakka ng bagetz na de-toga sa may mesa. tapos havs ng family picture, andon yung bagetz.

"uy, 'nay, sineklavich naman tong bagetz na itech?" sabi ko kahit obvious naman yung sagot. dinampot ko pa yung picturakka para may props kunwari.

"hoy! anak ko yan. bata pa yan!" na-sight ko uli yung kakulangan ni nanay sa pustiso. insip ko uli napapanot na ko.

"talaga? ang gwapo, mother, ng anak mo!" kahit chakka naman talaga. binakla ko na siya ng over.

sa mga ka-dingdingan, isang diploma lang ang andooners. pang-grade six. so hayskul ang bagetz.

"naku, nay, may college plan na ba 'tong anak niyo? handa ako tustusan."

"HOY BATA PA YAN!"

"malinis ang intensiyon ko, handa akong maghintay!"

"HAHAHA GUSTO KO MAGKA-APO!"

"gusto ba niya magka-kotse? o playstation o cellphone na may camerang nagiging kotse at playstation??"

nag-cameo appearance uli ang ka-bungalan ng mudra. jumoin pa pati ngala-ngala. dahil agaw eksena ang halakhak ng mujai, kinuyog na kami ng iba pang mga kamanangan.

eto na chanz ko. pero kailangan, dahan-dahan. yung withcelles halata.

"pwedeng artista tong anak niyo, nay," say ko. "ba't di niyo pag auditionin sa tv."

"ay! alam mo ba, magaling kumanta yang anak ko. nanalo yan si-kun ranner ap nung piyesta dito." at chinikka pa niya kung pano niluto yung pa-kontes dahil daw yung champion at yung judge e mag-tiyuhin.

"ampanget nga naman non," sabi ko. "lutu nga yon."

at chinikka na ng bilat na nung jontis siya, bukod sa kiyamoy at banana-cue, si richard gomez ang pinaglihian niya. lahat ng magazine daw na may picturakka ni goma, binayla niya.

"TITIGAN MO," say ng mudra at nginudngod ang fez ko sa picturakka ng junakers niya. "YUNG MATA TSAKA YUNG LABI, RICHARD NA RICHARD."

mother, tinitigan ko talaga. parang yung mga 3D picture na kailangan mong titigan forever hanggang magka-migraine ka saka lilitaw yung 3D achuchumenelyn. parang ganon ang na-feel ng lola mo.

gusto ko nga sanang klaruhin kung si richard gomez ba yung pinag-uusapan namin o si richard merck. kasi wa talagang bakas. kung inisplukara ng lola na kiyamoy lang pinaglihiian niya, hindi ako a-apila. pero kerri lang.

"oo nga, yung mata. richard nga." sabi ko. yung kasa-kasama ko sa mga location hunting e tawa na ng tawa. "SHET! nay, pakilala niyo naman ako sa anak niyo."

"eh papasa kayang artista yang anak ko?"

"ano ka ba, nay? may potential to," sabi ko. bumubulong na yung kasama ko ng sinungaling ka. "pwede ngang pag-ekstrahin to ni direk e. kasi kailangan din namin ng bata. mga kasing edad nitong si pogi."

"TALAGA?!" sagot ng mudra. tapos inisa-isa niya yung mga kasama niya sa bahay kung pwede din daw ba umekstra. mula bakasyunistang relativity hanggang sa mekaniko nila. "eh kelan ba tong shooting na to? siyempre maglilinis pa ko ng bahay e. nakakahiya naman sa inyo."

WINNER!?! OH ANO KA NGAYON!!!

"eh wala po kaming bayad, kasi small time lang kami," sabi ko.

"ah basta, wag lang kayo magkakalat."

at na-excite ang lola at bibili na daw siya ng film para makapagpapichur-pichur sa mga kapuso stars. binigay ko na sa kanya yung mga ditalye para makapag-prepare sila.

nung umalis ako feeling sindikato ang lola mo dahil linoko ko siya. pero payo sakin ni senyora xaviera, "hindi mo naman niloko yung mudra. mukha lang, pero hindi. pag bakla ka kasi, minsan, mas nagiging komportable yung ibang tao, lalu na yung mga babae, na makipag-usap sayo. mas nakikinig sila. napapatawa mo sila e. hindi mo siya niloko, kinundisyon mo lang siya na mapapagkatiwalaan ka niya. at kailangan mo yung tulong niya. binigyan mo siya ng chanz na makatulong. kaya ayun, um-oo. CHARING LANG!"

at pinuri-puri akiz ni senyora, at kinudisyon na magaling na ako mangumbinsi ng tao. kahit first day high pa lang ni atashi. magtatayo na nga daw kami ng sindikato.

tapos pinahanap niya akiz ng anim pang mga balay-balay. LECHE! ang sabi lang sakin, "kaya mo yan!"

in fairview, pagka-shopos non, pati mga baranggay captain, nadadaan ko na sa chikka.

Saturday, January 20, 2007

Twinkle Twinkle Superstar

gusto mo ng lab story? eto ka na. tignan natin kung di ka ma-inlababo ditech.

pitong buwan na daw mahigit yung lab team ni twinkle tsaka ni andrew.

ulirang jowa daw kasi tong si andres. bukod sa gwapo e ma-asikaso. pinagbabalat pa nga ng pomkan tong si twinkle e. san ka pa?!! haba ng hurr, divah?!?! at parang skul-bus, hatid-sundo din si twinkle sa skulilet niya. at pag gabi na, ibang sundutan na'ng nagaganap.

kurekted by! sagana sa sundutan ang lab team ni twinkle tsaka ni andrew. hindi lang iteklavu basta-bastahang lab team na puro pa-sweet lang ang alam na laging may pa-switzerland na danz number sa ASAP tuwing linggo. eto, may halong libog.

bongga!

siyempre knowsline-chinatown mo na na vahklush tong si twinkle. kaya nga madalas murahin ang kagandahan ni bakla. kasi nga naman, ayon sa kasabihan ng mga masho-shondang bakla, kung di kayang abutin, PWES, lait-laitin ahihihi

kahit naman havs ng mga pantal na nagkukunwaring mga suso tong si twinkle (na dinadaan lang sa mga natasha bra), getz naman ng lahat na bakla siya. maliban kay andrew. ulitin ko? witchikels knowings ni andres-tsina na badesa ang guframae niya. isa pa? hindi alam ni andrew na si gelpren e not so much of a gelpren. beri much a boypren.

sabi nga ng teacheraka ni atashi sa religion nung elementarya e "basia ... bakla pala siya." tapos sabay tingin saming malalamya sa klase. nanggagalaiti akiz noonchiwa. babatuhin ko sana ng pencil case kong may built-in piano, kaya lang baka masira. nanghinayang ang lola mo.

"kuya, alam naman na niya." depensa ni twinkle nung dalawin niya kami sa parlor nung isang araw. "sinabi ko na yung totoo."

si twinkle e isa pa sa mga anak-anakan ni frida. kinupkop ni bakla si bakla nung maglayas si bakla (puro bakla, pero nasusundan mo naman davah??) kasi nalaman ng fudra ni bakla na yung unico hijo niya e baklang nagpapatubo ng suso na ang utong e parang dulo ng lapis na bagong tasa. salamat sa mga pilar pilaPILLS na naba-baylamos sa mga suking tindahan (kids dont try dis at home). pero wit din siya natiis ng mga parental guidance kaya pina-juwetiks din si vehykla at i shall return sa pag-aaral. swerte niya kasi don niya nakilala si andrew.

"ANO?" say ko, with matching gulat. nawala sa pwesto yung mga organs ko sa fez. "pa'no nangyaring hindi niya nalaman na bakla ka??"

"hindi ko naman plinano yon, kuya!" say ni twinkle.

"asus!" sagot ko. "bakla ka na nga, nanloloko ka pa ng tao."

"sige, kuya, pagalitan mo yan. estapadora yan," sabat ni roxy prom da kusina. sinundan pa ng tawa. ganyan si roxy, pag may hindi maabot. wala non si frida, asa mga tiyahin niya sa malabon.

"kung kasalanan maging maganda," resbak ni twinkle. "well, patawarin niyo na lang ako. pleeeez."

hahaha bet ko yung linya na yan. kaya sinama ko.

"sa umpisa naman kasi," explain-explain si baklang twinkletz. "akala niya babae talaga ako."

"LECHE!" kumalabog yung mga kaldero sa kusina. si roxy. may hindi na naman maabot.

"eh minsan lang naman ako pagkamalang bilat, di ba?" say ni twinkle. "so tinuluy-tuloy ko na. tapos sabi niya sunduin niya ako sa skul. sabi ko sige, siya bahala. tapos non, tini-text niya na ko kung susunduin niya 'ko. tapos magbibihis na ko ng uniform ng [isang exclusive skulilet por pechays sa qc. pero sikretong malupit]. tatayo ako sa may gate, tapos yun na. sundo niya ako"

"bakla! hindi ko kinaya yon," sagot ko. "bibigyan kita ng A+ por A-fort."

"eh plano ko naman ibuko yung sarili ko," isplukara ng mahaba ang herlalet. "nung una, just for fun lang. eh lumipas ng lumipas yung panahon hanggang sa mashado ko na siyang love. hindi ko na kayang sabihin yung totoo. hanggang sa pati yung mga tao sa paligid ko, hindi na rin nila masabi yung totoo."

"bakla ka," sigaw ni roxy, "nandamay ka pa!?!" tawa uli siya.

teacher, teacher! question po. "pero nagse-sex kayo?"

"oo," sagot niya nang waing kiyeme.

"may gergerang nagaganap?"

"diyos ko, kuya. walang patid! hugot lang ang pahinga ..."

"paano?" nagulantang ang utak ko. "paano itu? roxy, tubig! DALI!!!"

"ang drama ko," say ni bakla. "kunwari set ng mood. dim ng lights kunwari na sa sobrang dim hindi niya na ko makita. tapos yun na. gergeran na. exciting kaya yung may kapaan blues pa." sabay hagikhik. may kalakip na kilig ito.

"eh pano kung yung nota mo yung nakapa niya??"

"siyempre, hinahawakan ko. tapos pag may pagtatangka, sasabihin ko bawal hawakan. bawal sa religion ko pag hindi kasal."

"dinamay mo pa talaga ang diyos. KABAHAN KA NGA MINSAN!!!" sabi ko.

sumabat si roxy. "eh kuya, parang hinliliit na lang nota niyan noh. eh nag silver aniversari na yan sa paglaklak ng pilar e."

yezterday! kasi pag super drink ka 3 times a day ng hormonal pills e magdi-disappearing act yung mga herlalet mo sa katawan, kikinis skin-tsina mez, liliit yung adams apol kasabay ng pag-urong ng nota.

"paano yung gergeran?? hindi ko ma-visualize."

"eh di sa planetang urANUS nagaganap ang byongkangan."

kumalabog uli yung mga kaldero. hinimatay ata si roxy. ako, nalunon ko dila ko. hindi ko kinaya yung visuals. bakla. may suso. may nota. may jowang hayok sa gerger. nade-depress ako.

"ako hindi pa ko nakakatikim ng kepyas ha," recover ni atashi, may panginginig pang kasama. "pero feeling ko lang malaki pagkakaiba ng kepyas sa wetpaks, noh?? autistic ba yang jowa mo?"

"alam naman niya e kung san nasusuksok." sagot ni twinkle. "sinasabi ko lang na hindi pa ko ready to give up my virginity."

"PU-KI-MO GREEN!" sigaw ni roxy.

"...kaya diyan na lang muna sa tabi ahihihi" dagdag ni ganda. "para at least nasa-satisfy ko pa din siya, di ba? eh nagustuhan ng gago eh di go!"

may konting katahamikan. na-windang yung mundo ko. kahit ngayon na tina-type ko itraks, may tira-tira pa nung kawindangan.

"eh pano ka niya nabuko?"

dahil alam ng mga friendships ni twinkle ang sitwasyon, sinuportahan nila si bakla. kaya nung nag-outing sila sa pansol, laguna, e pina-join si andres. siyempre daw nomyas-nomyas ever. nung bangenge na, nag-swim daw sina twinkle at andrew. at dahil mainit ang tubig sa laguna, dagdagan pa ng nomo-ever at sandamakmak na chlorine, nag-init din si andres at bet makipag-gerger underwater. panalo davah?!! na-erbogan sa amoy ng chlorine.

eh siyempre hindi pwede patayin ang mga ilaw sa resort. "di naman ako ganon ka-powerful," say ni bakla.

eh mapilit daw si andres at gusto na magwala sa sobrang ella mae sayson. saka pinagtapat niya ang lahat.

"tapos! tapos! tapos!" para kaming mga tanga ni roxy na tutok na tutok sa chikka minute.

"ginerger pa din niya ako."

"ABA, GANON??" say ni roxy.

"wala man lang 'putang ina mo, bakla ka pala!?!'" say ko. "waing ganooners?"

"wai, kuya." sagot ni twinkle. "wai talaga. shocked din ako. parang ganito." siyempre may demo, di mo lang makita.

pero pagkatapos non. hindi na nga daw nagpakita si andrew.

"nalungkot ako, kuya. sobrah!" say ni bakla. "don ko na-realize na love ko na talaga si andres. na-miss ko siya ng over. sana nga pinatay ko na lang yung ilaw sa resort, noh?"

pero one day isang morning, nag-text na lang daw itong si andres bigla. susunduin daw niya si twinkle sa gate ng [hindi ko pa din ichu-chuchu kung saan]. pero dapat daw naka-uniform itu. with matching ID achuchu-alavu.

"taxi kung taxi ako, kuya." kwento ni twinkle. "deadma kung pang kwek-kwek na lang natira sa pera ko at hindi ko pa naiipit yung nota ko."

"tapos! tapos! tapos!"

"wag ka, kuya, parang walang nangyari. ni hindi niya binabanggit. tsaka parang bawal pag-usapan. kasi pag nagbabalik-aral kami, nagagalit. tapos change topic. biglang mapapansin yung ulan o kaya yung dumi sa lansangan. pati kung bakit wala nang nagbebenta ng komiks ngayon. may sayad nga yata si andres."

"baka nauntog, tapos nagka-amesia." suggestment ni roxy.

"amnesia, bakla." kinurek ng propesora, siyempre. "so kayo pa din hanggang ngayon?"

"PASOK SA BANGA! mahigit 7 months na," sagot ni twinkle. "basta wag lang pag-uusapan. tapos madilim pag nag-gerger. yez! nagge-gerger pa din kami."

gusto ko pa sanang sumabat at sabihing isang malaking kahibangan itu. kaya lang chinikka ni twinkle yung mga kilig moments nilachiwa at kilig na kilig itu.

nadi-disturb lang si atashi na parang in denial yung otokiz. gusto pa din ang gergeran e sa dilim. pati yung uniform-fetish ever. kung ganon ba, masasabi mong love niya nga si twinkle? kasi may mga kondisyones ito?

gusto ko talagang umapila, kaya lang baka sabihin nilang wit ko rin ito maabot kaya may violent reaction ang lola mo.


pero inisip ko na lang, kung para sa kanila e sapat na yung knowsline-chinatown nilang lab nila isa't isa, sineklavu ba akiz para sabihing ilusyon lang ang lahat? lahat naman tayo may kanya-kanyang ilusyon, noh? tapos pag havs ng nagbuko nung ilusyon, pinapapatay agad natin ahihihihi so hinayaan ko na lang.

"eh sabi pa nga niya, kuya," dagdag ni twinkle. "next sem daw, mag nursing outfit naman ako. tapos sa tapat naman ng st. lukes niya ko susunduin."

oo nga. tamang manahimik na lang.

wait! wait lang ... naririnig ko si mama rachel alejandro na super sing habang super cooking ng south beach diet ni ricky rivero. go mama rachel, sing ka na!

ayoko nang malaman pa / na mayrong nota ka pala / hayaan nang maging bulag sa katotohanan ... mahal ko ...

kabog!

anong sinabi ni juday at ryan diyan o ni jennylyn at mark heras o ni zsa zsa zaturnnah't dodong o ni kris at banker o ni janno't gladys o piolo't sam milby ... ay shet! piolo't wanda pala?

sabi sayo lab story to e.


oh di napa-hawak kamay ka ngayon. sige, KANTA!!!

Friday, January 19, 2007

Parang Kailan Lang (NAKS!) ...

VAHKLUUUUUUSSSSSSHHHH!!!

libreng hot oil at shampoo sa lahat!!!

HOST: well, well, well, ano pong mensahe ninyo, ngayong isang taon na ang blog ni kuya?


gary: ano to? bukas makikita ko na naman to sa blog mo.

vivohrah: bakla bakla, hinog ka na ba?

bangsit: gusto ko akin ka lang.

kups: ))<>((

ka-eyebol: taena, mas magaling ka pa sa asawa ko.

anonimus: bakit di ka kaya magsulat ng libro?

kaye: so sino ka naman? si carrie bradshaw, ganon?

jeremy: iba na talaga pag walang ginagawa.

karlos: hoy! magtrabaho ka nga!

aling mildred: uutang na naman kayo?

mama: dimunyu ka!

kapatid ni wanda: ikaw ang anak ng banal na espiritu santo ...

kristin: asan ba yang blog mo, kuya?

gwapong stranger: pwede maki-sindi?

jeff: bakla ka na nga, wala ka pang figure. 'no ba yan??

kostomer: magkano po gupit sa bata?

gate: nandito nako sa tapat ng bahay mo.

barista: do you have a promo card already, sir?

mike enriquez: di namin kayo tatantanan!

ate glow: ang sayah-sayah noh?!

sam milby: i never ... said ... that i love you.

kim chiu: bakit ba lagi niyo na lang pinapaburan si camille?! ako ang anak niyo, nay! AKOH!

rustom padilla: mahalin mo muna sarili mo, para mahalin ka ng iba.

willie revillame: ikaw ang BIGATEHN!!!

pedro penduko: akong bahala sa inyo ...

ruffa: dati, i tried another. HINDI FAB!?!

gretchen baretto: matakot ka sa KARMA ...

kris aquino: anong diskarte mo?

boy abunda: kaibigan, usap tayo.

mo twister: spit or swallow?

didi: palakpak mga dukha!!!

pooh: atras sila, bakla ako!

alyssa alano: keys me ... beat in the verdict valley ... nightlee, v-side the green green grass ...

ricky reyes: ganda ng lola mo!

donya guada: magaling! magaling! magaling na ako!

gentext: are you one of us?

goldilocks: i wish you a happy birthday ...

ronald mcdonald: love ko 'to

paris hilton: thats hot.

carson kressly: cheers queers!

tim gunn: carry on!!

hbo: simply the best.

visa mastercard: priceless.

julian (from my girl): is my love making you hard? (mula sa subtitle)

tom cruise: you complete me.

leo di caprio: you jump, i jump.

dead cain: believe it, or not.

obi wan: may the force be with you

woopie goldberg: if you wake up in the morning, and you cant think about anything but singing, then you should be a singer, girl.

bill clinton: i did not have sexual relations with that woman.


HOST: kayo po, ano pong message ninyo kay wanda?

(??) publisher: ... drop by ka sa office. para finalize natin.


... hehehe

SECRET! WALANG CLUE!!!

Thursday, January 18, 2007

Karirin Daw Ba?

say ng iba wa daw akiz plano sa buhay. forever parlor na daw ang drama. ang totoo niyan, havs naman akiz ng karir plan para sumikat. na-edit out lang.

wit knowings ng madlang pipol ang pakipagsapalaran ko kina simon, paula at randy. at hinarap ko sila ng may tapang, dignidad, bilib sa sarili at tatlong kaing ng mangga panuhol.

CUE IN AMERICAN IDOL THEME

randy: wassup, dawg!

paula: whats your name, honey?

wanda: my neym is wanda. wanda ilusyunada po. prom da seben tawsan one hundred and seven ... six islands ... seven ... (magbibilang kunwari) ... PILIPINS!?!

randy: wow! i know a few filipino words.

paula: really?

randy: hear me out. thats "mabuhay!" and "mahal ko kita."

lecheng mga onaks to. anditraks na nga sa makati halos lahat ng kabuhayan nila, dadalawang tagalog lang talaga knowings ng mga hitad. bobita peron, ikaw ba yan?

simon: so why are you here, wanda?

wanda: becoz i tink ... i feel ... (maglalabas ng tagalog-english dictionary) i know dat i am da next ... da next american ... top model.

paula: oh, honey, i think you're on the wrong show.

randy: this is american idol, dawg?!

wanda: ay ganon ba? i want dat too. yes, dat too.

simon: what makes you think you're the one we're looking for?

wanda: kasi ganito yan. i wanted to help my perents. i hav ten broders and sisters and we have no food. we only eat champorado por krismas and new year. my tatay drinks jin bulag por breakfast and one lapad por midnight snak. and now he has problem wit da atay ... liver pala ... liver. i walked only to come here to be the next american top model.

randy: idol, man?! wuzz wrong with you?

paula: what are you gonna sing for us today?

wanda: i am going to sing "maalaala mo kaya" becoz dat is my lola's feyborit song. dats a beri old old old song. en my lola's old old old too. now she's dead. en i am sad. so i am going to sing "maalaala mo kaya," dedicated to my dead lola. and por my tatay hus probably drinking jin bulag now sa kanto.

ayan! naset-up ko na ang drama sa likodstra ng pangarap. eh di super sing na ang lola mo.

simon: what in the world are you trying to do?

wanda: im singing "maalaala mo kaya" for my old old old and dead lola.

simon: well your lowlah would wish she'd die again if she could only hear you. whoever told you you can sing?

wanda: magic sing po and oder bidyoke machine.

randy: heh? wuzz that?

wanda: its bidyoke machine. bidyoke!?! the bidyoke machine sed "yor a greyt singer!" and also "yor a pantastic singer!" i got 96 score for "maalaala mo kaya." i could go higher. pero i cant sing enimore. i dont have 5 pesos enimore.

paula: you're good. i just think you're not quite there yet.

randy: you're ayt, paula.

wanda: ano daw?

randy: i think you need some practice.

wanda: hindi nga?

randy: i think you do. go find a vocal coach and practice some more. maybe next year you could come back again. ayt?

wanda: so no hollywood por me?

paula: i dont think so, honey.

wanda: no yellow paper?

randy: sorry, dawg. this aint for yah.

wanda: so i am not da next american top model?

paula: its idol. american idol.

simon: and thats a "no" for you.

wanda: eh bwakananginamopalaeh!!!

randy: whoa, that sounds cool, dawg! wuzz that mean?

wanda: erm ... (labas uli tagalog-english dictionary, kunwari nagbabasa) ... dat mins tenk you beri beri much por yor time and effort until we mit agen i hop you enjoy yor stay.

randy: and thats just in one word? ayt, you filipinos are so kewl!?!

wanda: yes ... bwakananginamo hehehe

paula: and thanks for the mangoes too.

wanda: oh no, im going to take dat bak to da pilipins. you sure im not american idol?

simon: 100% positive.

wanda: top model, eh? no? iron chef???

simon: just go.

pag exit ni atashi, linabas ng lola mo prom da bulsa ko yung dilaw na papel na pinamimigay nila sa mga naka-pasa. meron ako non. pinagawa ko sa recto. P150 isa. dagdag bente kung bet mo rush ahihihi

at nagsisisigaw si atashi ng "i got in! i got in!" at kinuyog ako ng mga kajulisan at ng immigration. illegal entry to america via LBC.

dapat ipapalabas yun kagabi. na-edit out. naudlot tuloy kasikatan ko.

Wednesday, January 17, 2007

Job Hunting Itu

if we could perpetually do blowjobs
to every guy on earth, we would own the world.
at the same time have our hands free.
-- sex and the city

kung super search ka ng trabaho-china at feelingash mo e havs ng opening sa parlor ni kuya, well, sori lola. fully-booked na, unless bet mo maging masahista. kasi eto e usapang blowjob ahihihi (may kilig!!)

patnubay ng magulang ay kinakailangan. so bago ka magpatuloy getchingin mo na si mudra o pudra at pakwento ka tungkol sa mga bubuyog at flowers hehehe

ang salitang blowjob e galing sa salitang latin (taruzh davah! may ganun talaga?!) na bloere na ibig sabihin ihipan o higupin, at jobum, meaning mataba o malusog. pag pinagsama e ihipan o higupin ang kahit aneklavung majuba o malusog o majubang malusog.

naisip itembang ng batikang scientist na nakadiskubre sa mga labi at preserb possils ng dalawang magkatapat na taong tabon, isa nakatayo at yung jisaers naka-luhod, shutabi ng isang cave drawing na nagpapakita ng isang mala-orgy'ng hadaan ng mga peking man at java man sa kauna-unahang grand eyebol sa kasaysayan ng tao. tapos linapa sila ni denver da last dinosaur.

siyempre inimbento ko na to kasi wa ako ma-sight na history ng blowjob. ginoogle ko na, baby, at puro porn sites lang gini-giblab kay atashi. aanhin ko naman yon, davah???

pero nineteen forever pa ata, mga two weeks after ng panahon ng mga ninuno ng mga ninuno ng kanunu-nunuan ni sushmita sen e na-drawing na yan sa december issue ng kamasutra, wa lang maka-say kung saan siya nag simula.

at kung sineklavu ang kauna-unahang vehykla na humada. isa yang misteryo to da highest level. ka-level niyan yung kung buhay pa ba si hitler (oo, naging teacher ko siya sa history 102 at sinabi niya na ang kaluluwa ng tao, na in real life e gawa sa hydrogen atoms, e hindi sa langit napupunta kundi nagbabalik loob kay haring araw), asan si osama bin laden (sa paniniwala ko e mega-hide and seek ang lolo sa mga suluk-sulok ng greenhills at nang-aalok ng dibidi, iks at im-tu-im), totoo bang patay na si elvis presley (hindi, napangasawa niya si anabelle rama at nagkaroon ng kambal na junakis na naging sina captain smallville [barbell nga pala] at lois lane), at kung saan nagmula ang tao (sabi din ng teacheraka ko sa hist102 na aning-aning e gawa-gawa daw tayo ng mga taga-ibang planeta na linagay sa earth, parang sims 2. ganon.)

eniwei gokongwei highway, isa lang sure ako, mahirap gawin ang bj.

"akala kasi nila pagkadali-daling gawin yon. masakit kaya sa panga!" say ni janelle. "tapos gagaguhin pa niya ako?! kapal-kapal?!"

LQ at slightly break na sina janelle at yung jowa niyang warlatik sa vehykla. 48 years na silang mag-jowa. on and off. at ngayon e may ka-textmate na gurla ang otoko niya.

at dahil bet mag labas ng sama ng loob ni janelle, dinala ko siya sa timezone para magwaldas ng andabelles sa pamamaril ng mga terrorista. para maging productive ang galit ng lola at para ma-sight ko na rin ang ending ng time crisis 4. sa gitna ng putukan at mga hayskul na nag-cutting classes e hinimay namin ang sexlife nila.

"gusto niya may daily time in, time out yung mga hada sessions namin," reklamo ng bilat. "pero pag ako na, once a month lang. pagud-paguran pa kunwari."

"ayusin mo yung pamamaril mo!" sagot ko. "abuso naman yan! mag-welga ka kaya."

"akala kasi niya ganon-ganon lang yon," dagdag niya. "na basta hihiga na lang siya e masaya na lahat. parang yung uten niya ang sagot sa lahat ng problema. tapos."

"ganon!?!" sagot ko. "e hindi nila kasi ma-getz na pasakit din ngumanga at bumukaka at tumuwad. tapos sila, dadating, papasok, magkakalat tapos bye bye na. lecheng mga duduki yan. dat why i heyt boys, i deyt men. kyembot!!??!!"

"ay, overacting! may keps ka, bakla???"

"kurak! bagong opera to. pero hindi pa tapos. kinulang ako ng budget kaya may balls pa nyahahaha"

isang malaking check. hindi kasi alam ng mga lulurki na mahirap humada. isplukara nga ng haliparot na si samantha (ng sex in the city), kaya nga daw siya (ang blowjob) tinawag na job e, kasi trabaho siya. hindi siya madaling gawin. may sariling learning curve at stress level na kasama.

isa itong skill na kailangan pag-aralan at masterin. parang mga makina sa pabrika, kailangan suriin at pag-aralan dahil kumplikado itu at hazardous to your health. dahil habang nagbibilang ng mga bituin sa langit ang mga lulurki na yan at nagpapasalamat sa swerteng biyayang tinatamasa nila, e pinuproblema nating wag masuka, wag sumabit ang ipin, wag sana ma-lock jaw, at sana wag malagot ang hininga nang hindi ko natatapos itu.

"and what do i get in return?" reklamo ng pechay. "mambababae siya. at basta textmate pa ito."

"eh textmate lang naman pala e," sabat ko. "HOY MAY KALABAN! BARIL!!!"

"emo talk to, bakla. they're talking about feelings."

"oo nga, iba na nga yon. eh pero di ba sabi niya tapos na? so pass is pass."

"eh ba't ayaw niyang sabihin kung ano nangyari sa kanila. i need details, yah know. at kung kelan ba itong past na ito. malay ko ba kung kahapon lang pala yon."

"kausapin mo kasi ng maayos. wag yung accusing. ayaw ng lalaki yung may kaso siya agad," payo ko. "gurl, isa na lang buhay mo."

isa na nga lang buhay niya at hindi pa ito bumabaril maayos.

"calm naman ako ah," depensa niya. "siya tong naghuramentado nung tinanong ko. tapos nag galit-galitan saka walk-out."

"eh di pano yan, wang hada sessions tonight?"

"yun naman panakot niya lagi," say ni janelle at medyo tumataas ang volume. yung mga uzi sa time crisis e nakikinig na rin ata sa chikkahan portion namin.

"dati pa nga sabi niya isubo ko daw." ayaw paawat ng pechay sa kwento. "eh di isinubo ko. eh malay ko ba naman sasabit siya sa braces ko. eh di nasugat."

"masakit nga naman yon!!!"

"aba, nagalit. nagalit ito! sinisi ako. eh nagsorry naman ako ah. sabi ko, SORRY HA!?! on behalf of my braces and my dentist, sorry!?! taena mong, malibog ka, sorry. gusto ko lang naman maayos ang ipin ko. tapos sabi ko turn ko naman. aba, nag-tantrums na ito. may dabug-dabog pang nalalaman. nag-attitude."

"best apology yan, gurl."

"true! panakot niya yang sex na yan. taenang nota yan. kala mo naman gold-plated."

"gold-plated nga ba?"

"uhm ... pwede hanggang ika-siyam na gloria. pero hindi naman gold-plated."

"ano bang number niyang jowa mo? ite-textmate ko din yan."

"makisali daw ba?!" isplukara ni janelle, may panggigigil sa pamamaril. "kaw bahala. malalaman mo na lang alipin ka na ng nota niya."

"hep! hep! hep!" sabi ko. "mali naman yon. tandaan mo, gurl, yang mga lulurking yan alipin ng mga libido nila. tayo nagpapakalma sa libido nila. akala nila alipin nila tayo. hindi, gurl. kailangan nila tayo. tayo ang sagot sa paninikip ng puson nila. kaya nasa atin ang powers."

"amour powers, ikaw ba yan??"

"kurek ... shet! game over na ko."

"hahaha nauna ka pa mamatay."

"may credits ka pa?" tanong ko. bitin e.

"isang game na lang ata."

"sige, wag na."

GAME OVER.

"simple lang naman gusto ko e," pahabol ni janelle, akala ko tapos na. "he can have all the sex he wants, i just want to be acknowledged. and then he can have all the sex he wants."

lahat naman tayo ilusyun yon e . yung pag nagagalit tayo o nagseselos tayo, hindi tayo sasabihan na nasisiraan ng bait. maari kasing walang basehan yung inis natin o yung galit o yung selos, pero totoong nagagalit tayo at nasasaktan tayo. at gusto lang natin ma-acknowledge nila yung feelings natin. kung kaya pa, samahan na ng flowers.

"tara, danz danz revo tayo," suggestment ng lola mo. "para tumaas naman energy level natin."

"bakla, wala ako sa mood magpawis. naiinis pa ako e."

"ganon??"

isip ...

isip ...

isip ...

"tara, mamukpok na lang tayo ng gagamba!!!" sabi ko.

"TARALETZ BAGETZ!!!"

))<>((

P.S. sa mga hindi pa naka-boto, boto na sa prisinto ocho. click na dito kung feel mo ang parlor ni kuya ... salamat!?!

Tuesday, January 16, 2007

Salita Ka Pa!

nung bata akiz, madalas ako magkulong sa kwarto para magbasa ng dictionary. kurak ka dyan! habang yung ibang lulurki e jumujuwetiks with the friendships at super watch ng porno-ever at nagpapakontes kung sino ang pinakamabilis o pinakamataas ang talsik, at yung mga becky naman e pasimpleng nangongolekta ng mga centerfold ng chikka-chikka, ang lola mo e super read ng diksyunaryo nina miriam at webster. (nagmamatalino si bakla!!!)

natutuwa kasi ako. andami-daming salitang na-nanette imbensyon ng tao. pero nakakainis din kasi pagkasimple-simple ng buhay e pinupuno pa ng bokabularyong pagkahirap-hirap i-fronounce (sinisisi ko diyan yung mga silent letters na kung silent naman e bakit sinasali pa?!?!), pasakit ispellengin (dahil uli sa mga silent letters na yan) at ka-imbei tandaan kasi mahirap gamitin sa tunay na buhay.

gaya ng "aglets" na tawag sa mga dulo ng sintas. akala ko dati damay na siya sa sintas, iba pa pala name-sung niya. (NAY!?! asan bang mga aglets ko?)

at "armsaye" ang tawag sa mga butas ng manggas ng t-shirt o polo. ang alam ko dati e butas lang yon. sosyal, may pangalan siya. (NAY!?! wala namang armsaye tong binili mo e!!!)

"boanthropy" ang tawag sa nag-iilusyong isa siyang ox. OO, naloka din ako dito. pero mukhang havs nga ng ganung klaseng tao. pag-feeling naman niya e wolf siya, "lycanthropy" na siya ngayon. (NAY!?! patahimikin mo si tatay, lycantrhopy na naman, alulong nang alulong!!!)

at ang "piet" e tawag sa taong obsessed sa 3.1416. HALLER!!! kaka-windangers. hindi lang yan adikk sa math, alien yan. ALIEN!!!

"minimus" naman ang tawag sa pina-tiny'ng daliri sa paa, yung laging may kaka-iritang hugis ng kuko. (NAY!?! natatapakan niyo po minimus ko!!!)

"groak" daw kapag super watch ka sa mga lumalafanggers para ma-gibsungan ka rin niya ng lafang o kaya yayain ka niya jumoin. eh patay-gutom lang tawag ko dun dati e.

at ang "suppedaneum" e tawag sa tinutungtungan ng mga pinapako sa krus. gulat ka? naku, wag. required na may tawag diyan kasi uso pa ata pagpapako sa krus ngayon hahaha (NAY!?! asan ang suppedaneum natin, papako ko lang si kuya!!!)

pero ang mga pinoy havs din niyan. kung may secret talent tayo, yun e yung hindi nagpapatalo. talagang ginawan natin ng tawag yung mga dati dinideadma lang.

gaya ng "dolor" para sa mga gelay na ang dodo hanggang floor.

si "susan," ang susu hanggang tiyan. di ko knows kung si "kay susan tayo" e guilty diyan.

si "jobel," ang dyoga hanggang bilbil.

si "suzette," ang suso maliit.

ang "mulmul" e yung tawag sa buhok sa nunal. yung "weneklek" ang buhok sa utong. ang "burnek" yung buhok naman sa wetpaks.

mashado nating napapansin ang mga buhok. dahil ang herlalet sa bahaging timog ng pusod ng mga lulurki e tinatawag na "karug" na karugtong ng pubes o kaya "bulex" o pubes extension.

"jabar" ang tawag sa nakakalokang amoy ng katawan. "baktol" ang b.o. na gumuguhit sa ilonggers at may kalakip na aftertaste (kadiri!!!).

at "kachichas" ang showag sa dumi sa pagitan ng mga fingerettes sa paa.

wag ka, iilan pa lang yan.

kala ko noonchiwa kaya nanganganak ang salita bekaws sa pagpapalit ng panahon. gaya nung dekada 90, dahil sa internet, nagtransform ang meaning ng mga salitang mouse, web, net, surfing at eyeball at naimbento ang mga salitang byte, emoticons at blogs (na gaya nitembang).

nung sunud-sunod magladlad ng kapa ang mga klosetta at namayagpag sa tv ang will and grace at queer as folk at queer eye, nagkaroon ng bagong kulay ang mga salitang s.e.b., bareback at glory hole. at kung may leftist at rightist group, sa tukla community may top at bottom. pati yung mga out.

but wait, ders more!!!

sumikat din ang "metrosexual" o urban man cheverlyn na mga lulurking parang gelay kung mag-aalaga ng sarili. say nila, "may pera ako, bakit ba??" nagpapa-parlor yan with pedicure at footspa-ever. nagmo-moisturizing cream chorbalyn. at yung iba nagpa-pluck ng kilay at nafu-fundasyon fah. kabilang ditech sina david beckham at kung bet mo namanchi local, si troy montero, na ayon sa mga chikka e kalahating araw kung maligo. iteklavich din e naging fabulosang excuse ng mga closetta. "hindi ako bakla, metrosexual ako. oh davah?!" ulul!

"metlogs" naman yung mga "metrosexuals" na to da highest power na ang effort pero jologito pa din ang final product. imbento ni direk cris pablo ang term, ginawa pang jolikula.

ang "ubersexual" e parang mga metrosexual din pero slightly iba. silachi yung mga kabugera sa achievements, tali-talinuhan at winnona ryder sa kinakarir nila. to da highest level ng perfection kumbaga. hindi lang dinadaan sa japormalyns.

eto pa, handa ka na ba? "autosexual," na-heard mo na itei? hindi yan yung mga nae-ella mae o nai-inlababo sa mga kotse ha!!! yung mga "autosexual" e nae-erbogan sa sarili nilang katawan. hindi iteklavu yung level na panay ang tingin sa salamin o mashadong nagfi-filing gwapito. nakikipag-sex siya sa sarili niya. kinakaya mo pa??? hindi ko din ma-imagination kung pano itrax. pag "autosexual" ka ata gi-giblaban ka ng manual at instrakshons kung pano.

meron pa. naimbento din ang term na "pomosexual," na sho-showagin kong pom-poms, para dun sa mga lulurking naniniwala na ang atraksyon e hindi nalilimitahan ng kasarian. so kerri niya sa girl, boy, bakla o tibash. ka-level itu ng "pansexual" na dati akala ko e panibagong klase ng pandisal.

para kay atashi, sadyang malibog lang ang mga pom-poms at mga pandesal. ay! "pansexual" pala.

say ng wiki entry nitech, ang "pomosexual" daw e galing sa salitang "pomo" na pinaikling "post modern" at "sexual" na tumutukoy sa oryentasyong sekswal. isa daw itembang "oxymoron" (murahan pala ang labanan ahihihi) kasi label daw iteklavu para sa mga sho-ong warlatik sa mga labels. dead ma. malay ko vah kung anek ang "post modern."

so ngayon, nalilito ka ba? ikaw beh e ubersexual o autosexual o pomosexual o burnek??? hehehe

"oxymoron" ka ata e?!?! (tama ba gamit ko??)

))<>((

hindi pa tapos ang botohan mga friends. kung nasiyahan ka kahit hindi pa kita hinahawakan e boto ka na dito, click ka lang.

Monday, January 15, 2007

Wanda Kandidata

KAKALOKA!?!

kandidata na naman ang lola mo sa Filipino Blog of the Week para sa Week 39. nung isang linggo bb. pilipinas world ang na-win ni atashi. woohoo!!!

na-remember me this way ko tuloy yung mga unang linggo ng huling taon ko sa hayskul. klasmeyt ko non sina gary, vivohra at si rome. wa kami ibang trip kundi pag-trippan ang isa't isa.

siyempre election ng class officers. the table is open daw for nominasyon achuchuchuchu para sa bet kumandidata para presidente. eh haller!! dagdag pasakit lang yan. laking gulat ko nang may mag-raise ng hand ...

"i respectfully nominate wanda for president ..." sigaw ni vivohra. sabay halakhak ampotah. kinutoban na ko ng hindi maganda.

at madami pang na-nominate. pero slightly confident ang lola mo kahit papaano kasi plentious din naman ako ng friendships. mala-mala excited din si atashi non malaman kung sino ang bilib sa kakayanan ng lola mong maging queen mother. pero ang pinaka-goal ko e hindi naman yung manalo, basta withickels lang mapahiya.

sabi ng teacherette, "those in favor of wanda, please raise your hand ..."

suspense. kumakabog ang dibdib ko. nag slow motion lahat, parang sa jolikula. walang humihinga. wala ring nagtaas ng kamay. kahit si vivohra. kahit sina gary at rome. ako pala naka-skedyul pag-trippan nung araw na yon.

pinagkanulo ako ng mismong nag-nominate sakin.

sabi ko na lang kay vivohra, "ok lang. masusunog ka din sa impiyerno!?!"

tinaasan lang akeiwa ng kilay ng ultimate balahura.

dead malaysia lang naman kasi ang opiser-opiseran na yan e. parang mga home-owners association, para masabing meron lang. kasi ang havs ng papel lang naman talaga diyan e yung el presidente, seksitary at treasurer. yung iba design lang.

davah?! ang vice naman wit i-eksena, not unless maka-getching ng malubhang sakit yung presidente o kaya naging delegada sa asean summit. o kaya na-salvage. pero hindi pagdududahan ang vice. kasi para ka lang first lady non. ang purpose mo e ganda lang. para makumpleto lang ang listahan.

"i respectfully nominate wanda AGAIN for vice president ... nyahahahha!!??!!" ispluk na naman ni vivohra. with matchiing kaka-iritang tawa. pero dis taym, buong klase jumoin na. lecheng class spirit yan!!!

IMBIYERNUH!!!

at pinagkaisahan na nila akiz. mula vice president hanggang sargent at arms. lahat nominada ako, at laging i-isa lang ang boto ni atashi. dahil kahit hindi daw ako magtaas ng kamay para sa sarili ko, by default daw, binoto ko na sarili ko. may ganon pa talaga ... naisip ko na non ang cha-cha, at mag shift sa monarkiya, pero hindi enuf yung isang oras na homeroom period para mag-picket at mag-rally.

hanggang sa yung adviser namin e naawa na lang ata at sinabi na ibalato na lang daw kay atashi ang PRO. gusto ko sana siyang batuhin ng de-takong kong shoozes e.

so naging ganon na nga. pero sa pagiging PRO ko ang tanging naging papel ng lola mo e ang tumawag sa shakeys para magpa-deliver nung x-mas party. ligwak davah??!!

napahiya ka na, naging achay ka pa!!!

anywei, hindi naman ganon ang feeling ng lola mo ngayon. nagpapasalamat pa nga akiz dahil patunay iteklavu na meron ngang nagbabasa ng mga sinusulat ko sa level na mage-effort pa bumoto. kaya siguro halos araw-araw may chikka ang lola mo. pero wag batiin ang kasipagan, baka umurong.

kakaloka, kasi ayon sa tiny-tinyhang mapa sa gilid, e hanggang europa at u.s. of a ang mga parokyano ng parlor ni kuya. pero duda ako kung trulala yan kasi pati sa africa havs. gudlak naman davah?!

kaya trip-trip lang. kung feel mo yung mga tae-taeng konsepto ko sa buhay, at nakaka-ilang balik ka na, at hindi ka lang naligaw, gaya nung naka-dsl sa africa, e mag post ka ng comment at say mo ganitembang: AKO SI (insert nyongalan), ANG BIGATIN NG (sabihin kung san ka nakatira. hindi kailangan buong address ha?! at maglakip ng tatlong pakete ng gawgaw o ilang piraso ng laurel. baka mag-adobo ako mamaya e) pwde din mag sing and dance ng "boom-tarat" kung feel mo.

yung korona ng bb pilipinas world e para na ring universe, na napunta kay lasalista. winner!!! kakaloka kasi sabi nung isang nag-post e ang kakumpitensiya daw ng lola mo e isang lasalista at isang atenista. so bale nagtapatan portion ang green archer at blue eagles against the pink sheep op da pamily ahehehe

at ngayon merong botohan na namang magaganap. kung bet mo iboto si wanda at ang parlor ni kuya, click ka dito. ang prisinto ocho e nasa kaliwang ibabang bahagi. go go go!!!

ulit!! maraming salamat!!!

(add niyo ko sa friendster, click na naman dito. chakka pala yung friendster kung wala kang friend hahaha)

Sunday, January 14, 2007

Pito-Pito #4: Da Boylets Alert (Part Deux)

itei ang second serving ng boylets alert dahil may mga nakulangan dun sa una. iteklavu ang mga boylets na dapat paka-tandaan at bantayan.

reminder uli na ang mga itech e caricature ng mga tru-blung lulurki. at madalas representasyon lang itu ng pag-uugali at hindi ng i-isang boylet, kahit based on true story iteklavu.

salamat nga pala sa mga pumayag i-share ko ang kwento nila. at tenchu-tenchu na din dun sa mga walang alam na isinusulat ko na pala sila.

7. bilmoko boys (tnx kay anonimus)


use me in a sentence. yan ang motto ng mga jumu-jowa ng bilmoko boys.

classic jowa ang mga itiz. sila ang living, breathing patunay na hindi lang nasusukat ang lab, nabibili pa ito. at minsan may kasamang resibo kaya may record sa BIR.

madalas joke ang mga magjo-jowang ganitembang ang set-up. kasi hindi nga naman kailangan bilhin ang lab di ba? pero kasi wala tayo sa pwesto ng mga baklang patron ng mga bilmoko boys.

"hindi naman ako ginamit," sabi ni fidel na may sariling computer shop. "pag ginamit ka, ibig sabihin nalamangan ka. nalugi ka. kami ni raul, pareho kaming may nakukuha sa isa't isa."

si john naman, bagets at may itsura, na-inlababo sa isang bilmoko boy. dancer-danceran na tadtad highlights ang hurrlalet at may plastic na backpack na tig-tatatlong libo. pag dancer-denceran ka kasi, required ka magkaroon nitech. ang backpack, giniblab ni john. pati yung jacket na dickies. at yung japeyks na gold necklace. kasama na yung panlaro niya ng ragnarok at counterstrike. at wag ka, may wishlist pa ito.

hindi yan tahasan na hihingi, yang mga bilmoko boys. pag nag mall kayo, aayain ka niyan sa dickies o sa lee pipes at magsususukat ng kung anek-anek. sabay drama na babalikan na lang niya pag havs na siya ng anda. marami daw kasing gastusin sa balay. at aakap sayo at lahat ng nakalitaw na bahagi ng boodeh mez e pipisil-pisilin. maglalambing na yan. magpapa-cute. kung bakla ka, at mahina ka, at ayaw mong malamog na parang kamatis, titiklo ka. di mo na mapapansin, ikaw na nagpapalafang sa buong familya zaragoza at aawit pa ng babuyan showcase itu.

"alam ko naman ginagamit niya lang ako e" say ni bakla.

"so gano kayo kadalas mag-sex?" phone in question ng lola mo. nagigising ang diwa ni atashi pag usapang sex kasi e.

"hindi pa kami sex. anukabah?!" sagot ni john, sabay tapik sakin. akala mo naman na-iskandalo sa tanong ni atashi.

"e ano inaantay niyo? kasal?" pang-asar ko. minsan trip ko talaga mang-asar.

"sabi niya, hindi naman daw kailangan ang sex sa relasyon e."

"heh, babae?"

"ginagalang niya ako ... anukabah!?!" ayun na naman yung tapik.

lecheng sagot yan. kung magpapagamit ka, siguraduhin mong patas ang labanan. nangangapital ka na rin lang sa kanya, tubuan mo na. sabi nga ni ted failon dati, walang manloloko kung walang magpapaloko. walang bilmoko kung walang sigenangaibibilikitaperolastnayan.

kay john ko na-discovery channel na ang mga bilmoko boys e mga bolero kids din pala.

6. da stuck up

ang mga stuck up e yung mga tipong wiz maka-forget sa kanilang ex, na nanloko sa kanila o basta na lang nag fly by night, kahit halos dekada na ang lumipas at si ex naka-ilang palit na ng jowa.

soundtrack ni bakla e "only reminds me of you" kasi lahat na lang pati mga suicide bombers sa israel e reminder ng ex, dahil nag-attempt siyang maglaslas ng pulso sa pamamagitan ng kutsara nung unang break-up nila. tapos tuloy-tuloy na yan. fade in na si mama celine diyan at ang long-playing niyang kanta na may pinakamahabang mtv (kerri nang short film na ngumangawa), ang "its all coming back to me now."

nakakalokang jowa ang mga stuck up. kasi kahit aneklavich ang gawin mo e nagawa na ng jowa niya. lahat ng ispluka-china mez, na-isplukara na ng jowa niya. o at least havs ng konek, kahit gano kalayo, koneksyon pa din.

"yung ex ko," say ni bry, friendship ko na TL ng mga callboys at callgirls sa isang scammer na call center, "naluha nung nakapanood ng pelikula ni claudine. kasi si claudine ex ni rico yan, di ba?"

"so crush niya si rico yan?" tanong ko, with lungkut-lungkutan effect kasi nga deadlak na ang otoko-san. e crush ko din yun e.

"hindi," sagot ni friendship. "kasi andon sila nung ex niya sa dos palmas kung asan sina rico yan nung ma-dedo siya. best night of his life daw."

"so malamang theme song na niya yung 'warrior is a child'?" tanong ko.

"anufaflu?! kaya galit ako kay gary v."

5. ang isyu-sera

may issue ka ba diyan?

eto yung mga napaka-negatibo sa buhay. mga emotional vampires. lahat ng eksena nahahanapan ng dahilan para ma-depress.

sa umpisa, hindi mo mapapansin ang mga isyu ng isyu-sera. kasi para lang siyang ordinaryong nilalang na rumarampa sa balat ng lupa. parang ikaw at ako.

pag naging jowa mo na, madi-discovery channel mong may kapangyarihan pala siyang higupin ang lahat ng lakas mo sa pamamagitan ng pagku-kwento. nalalanta ang mga flowerets sa presence niya. ang mga butterflies nagiging bubuyog at si bonta clause nagiging matandang sumpungin. sina jollibee at mcdonald nagiging bugnutin. kung isa tong cartoons, malamang na-target na siya ng moon tiara action ni sailormon.

ang jubis-jubis ko.

ang jitim-jitim ko.

ang chakka-chakka ko.

ang fayatolla ko.

connect da dots ang fez ko.

ako si kirara.

maiintindihan ko kung iiwan mo na ako.

kung papalitan mo ko, hindi ako magagalit.

wala akong kwentang tao.

magugunaw na ang mundo.

malapit na ang 3-days of darkness, wala akong kandila.

yan ang madalas na hanashi ng mga isyu-sero.

kung jowa mo to kakailanganin mo ng plentious na red bull at sandamakmak na pasensiya. kasi kahit aneklavich pa ang sabihin mo, hindi maalis sa isip niya ang napipintong delubyo. pag giniblaban mo naman ng 3 puting benditadong kandila ...

wala akong posporo.

napapagod ka na ba sakin?

sige, iwan mo na lang ako.

hindi mo naman ako minahal kahit kelan.

nakakapagod din ang ganitong ka-dramahan. kaya kung isyu-sera ka by heart, sana maintindihan mo na lahat tayo may problema. wag mong solohin at gumawa ng monopolyo ng conflict. lahat tayo may mga isyu at hindi ito nababago ng isang mapagbagbag-damdaming monologue na kinopya sa mga telenovela ni thalia. tandaan na ang pag-iintindi may hangganan din.

at ang 3-days of darkness, nung dekada '90 pa. nagamit ko na nga sa brownout yung mga kandila namin e.

4. you and me against da world

sa mga unang buwan ng relasyon niyo e panalong jowa tong si you and me against da world. may romantic dinner yan for two. movie nights for two. trip to boracay for two. coffee for two. hanggang sa tumagal-tagal e magka-fez na kayong duwachi at wichikels ka na knowings ng mga friends mez.

kurak. ang bet ng mga jowang ito e solohin ka niya. ikaw at siya lang. against da world. madalas ang mga jowang ito e gahaman sa katahimikan o takot sa tao o nakagat ng asong may rabies o atat makabuo ng bata o kaya naman takot sa panunulsol at impluwensiya ng mga friendship o malamang sa hindi e takas sa kulungan.

ang favorite song nito e "happy together" at "love will keep us alive." dahil pag gising mo, isang araw, nasa isang isla na kayo far away l.a. from all da pipol and friends. at nagpapaka-survivor kayo. dahil dadalawa lang kayo, di mo siya pwede i-vote off. gano mo man gustuhin.

3. friendship factor

ang mga friendship factors kinarir ang kasabihang "no man is an island." ditech pa lang, malinaw na wit sila compatible ni you and me against da world. dahil para kay friendship factor, the more the merrier.

kung yung isa gusto ka angkinin, etong si friendship factor, witchikels mo masosolo.

halmbawa ...

"jowa, nood tayo sine."

"jowa, kain tayo sa labas."

"jowa, jowa, sex naman tayo."

i-isa lang sagot niyan sayo, "jowa, that sounds like fun! text ko lang sina friends. meet natin sila don." siyempre, ok lang maloka.

"jowa, uminom tayo ng asido."

"jowa, maglaslas tayo ng pulso."

"wait lang, text ko mga friends ko."

siyempers, imbei ka nang todo. pero wag ka magkakamali na papiliin si jowa mo. baka ma-disappoint ka. dahil malamang ite-text niya friends niya at papupuntahin niya kung asan mang lupalop kayo ng mundo para tulungan siya magdesisyon. so magmumukhang masama ka pa ngayon sa mga nyorkada-ever niya.

wichelles naman problema si friendship factor. kahit yung paga-attitude niya. sadyang lab lang niya prens niya, na bago ka pa dumating, e kachokaran niya na. dinadaan lang naman to sa mabuting usapan at pagkakaintindihan. kasi kung marunong umintindi yung mga friendship niya, mage-getz nilang kalabisan na'ng sumama pa sila pag nag check-in pa kayo.

2. SGV (tnx kay tons and rome)

kung accounting ang pag-uusapan, panalo na diyan ang mga SGV. dahil sa kanilang hidden talent na ma-remember ang bawat detalye ng buhay mo, plus naka-log book itu.

halimbawa, lalabas ka.

"san ka pupunta?" ang warm up question niyan.

pag sinabi mo sa mall at bibili ka ng libro.

"saang mall?"

pag sinabi mo sa mall of asia.

"ang layo. may national bookstore diyan sa kanto. sinong kasama mo?"

pag sinabi mo hinihintay mo text ng friend mo.

"friend? sinong friend yan?"

siyempre magbibigay ka ng pangalan.

"eh hindi naman mahilig magbasa ng libro yan e. gigimik ka no?"

at ipag-gigiitan mo na bibili ka nga ng libro. wala siyang dapat ika-tense.

"hindi mo pa nga tapos yung libro mo, bibili ka na naman ng bago."

wala kang kawala. panalo sa pagga-gwardiya.

so yayayain mo na lang siyang sumama para wa nang talakan portion.

"sandali lang, magbibihis lang ako."

e yun naman pala. gusto lang sumama tumalak pa ang potah.

magaling mag-imbentaryo ng sagot ang mga SGV. parang havs ng fotografic memory. kailangan alam niya ang daloy ng impormasyon. kailangan laging balanse. dahil pag may kulang, magdududa na yan. hahanapin kung saan siya nagkukulang.

1. paranoid android

si jeremy sumakay ng fx. si jeremy may nakatabing cuteee. si cuteee, since magkatabi nga sila, at wit naman kaluwagan ang tamaraw px, natural magdidikit ang tuhod nila ni jeremy. bumaba si cutee. kasi don siya nakatira. si cutee nag yosi muna bago lumarga. si fx nag-fly na. si jeremy super sight pa din kay cutee. nang magkita kami, may crush na si cutee kay jeremy dahil don sa tuhod na de-magnet at dahil inabangan daw siya ni cutee kung bababa ito.

si jeremy nag grocery. maraming tao sa grocery. si jeremy paikut-ikot ng grocery. pati yung ibang tao. si jeremy laging may nakakasalubong na lulurking go-go-grocery din. nang magkita kami, may crush na ang lulurki sa supermarket kasi sinusundan daw niya si jeremy.

si jeremy nagpasama sakin sa mall. marami ring tao sa mall. at ang tao may mata. para makakita. si jeremy linilingon bawat makasalubong namin. nang lumafang kami, may crush na lahat ng nakasalubong namin kasi tinititigan daw siya.

si jeremy e paranoid android.

say ng eks ni jeremy, sa umpisa nakaka-jellatin daw kasi hottie kuno ang jowawiz niya. lahat bet umeksena. "gusto niya kasi yung feeling na jinu-diyos siya. gusto ata niya magkaroon pa ng sariling sinulog festival e. leche siya! kala mo naman ka-gwapuhan. tignan mo nga ang fez. asan ang basehan? kahit nga hipon, hindi papasa e."

tumagal-tagal daw, na-realize niya na may saltik sa utak si jeremy kasi pati pusa pinagdiskitahan. say ni jeremy, "babe, layo mo yung pusa. creepy. kanina pa naka-tingin."

kwento pa ng ex, sabi daw ni jeremy sa kanya wag daw ako warlahin, kasi ispluk ng hitad e may gusto ako sa kanya dahil tingin daw ako ng tingin. HALLER!!! sabi ni ex, "babe, kilala ko mga type ni wanda. love kita pero malayo ka don."

sagot ni jeremy, "babe, swear. anlagkit niya tumingin. nai-ilang ako."

buntung-hininga na lang daw si bakla, "babe, ang sama-sama mo. banlag kaya si wanda ..."

hahahaha panalo sa chikka. pero wichikels yan true ha?! wit akez banlag-ever sa personal.