Tuesday, January 16, 2007

Salita Ka Pa!

nung bata akiz, madalas ako magkulong sa kwarto para magbasa ng dictionary. kurak ka dyan! habang yung ibang lulurki e jumujuwetiks with the friendships at super watch ng porno-ever at nagpapakontes kung sino ang pinakamabilis o pinakamataas ang talsik, at yung mga becky naman e pasimpleng nangongolekta ng mga centerfold ng chikka-chikka, ang lola mo e super read ng diksyunaryo nina miriam at webster. (nagmamatalino si bakla!!!)

natutuwa kasi ako. andami-daming salitang na-nanette imbensyon ng tao. pero nakakainis din kasi pagkasimple-simple ng buhay e pinupuno pa ng bokabularyong pagkahirap-hirap i-fronounce (sinisisi ko diyan yung mga silent letters na kung silent naman e bakit sinasali pa?!?!), pasakit ispellengin (dahil uli sa mga silent letters na yan) at ka-imbei tandaan kasi mahirap gamitin sa tunay na buhay.

gaya ng "aglets" na tawag sa mga dulo ng sintas. akala ko dati damay na siya sa sintas, iba pa pala name-sung niya. (NAY!?! asan bang mga aglets ko?)

at "armsaye" ang tawag sa mga butas ng manggas ng t-shirt o polo. ang alam ko dati e butas lang yon. sosyal, may pangalan siya. (NAY!?! wala namang armsaye tong binili mo e!!!)

"boanthropy" ang tawag sa nag-iilusyong isa siyang ox. OO, naloka din ako dito. pero mukhang havs nga ng ganung klaseng tao. pag-feeling naman niya e wolf siya, "lycanthropy" na siya ngayon. (NAY!?! patahimikin mo si tatay, lycantrhopy na naman, alulong nang alulong!!!)

at ang "piet" e tawag sa taong obsessed sa 3.1416. HALLER!!! kaka-windangers. hindi lang yan adikk sa math, alien yan. ALIEN!!!

"minimus" naman ang tawag sa pina-tiny'ng daliri sa paa, yung laging may kaka-iritang hugis ng kuko. (NAY!?! natatapakan niyo po minimus ko!!!)

"groak" daw kapag super watch ka sa mga lumalafanggers para ma-gibsungan ka rin niya ng lafang o kaya yayain ka niya jumoin. eh patay-gutom lang tawag ko dun dati e.

at ang "suppedaneum" e tawag sa tinutungtungan ng mga pinapako sa krus. gulat ka? naku, wag. required na may tawag diyan kasi uso pa ata pagpapako sa krus ngayon hahaha (NAY!?! asan ang suppedaneum natin, papako ko lang si kuya!!!)

pero ang mga pinoy havs din niyan. kung may secret talent tayo, yun e yung hindi nagpapatalo. talagang ginawan natin ng tawag yung mga dati dinideadma lang.

gaya ng "dolor" para sa mga gelay na ang dodo hanggang floor.

si "susan," ang susu hanggang tiyan. di ko knows kung si "kay susan tayo" e guilty diyan.

si "jobel," ang dyoga hanggang bilbil.

si "suzette," ang suso maliit.

ang "mulmul" e yung tawag sa buhok sa nunal. yung "weneklek" ang buhok sa utong. ang "burnek" yung buhok naman sa wetpaks.

mashado nating napapansin ang mga buhok. dahil ang herlalet sa bahaging timog ng pusod ng mga lulurki e tinatawag na "karug" na karugtong ng pubes o kaya "bulex" o pubes extension.

"jabar" ang tawag sa nakakalokang amoy ng katawan. "baktol" ang b.o. na gumuguhit sa ilonggers at may kalakip na aftertaste (kadiri!!!).

at "kachichas" ang showag sa dumi sa pagitan ng mga fingerettes sa paa.

wag ka, iilan pa lang yan.

kala ko noonchiwa kaya nanganganak ang salita bekaws sa pagpapalit ng panahon. gaya nung dekada 90, dahil sa internet, nagtransform ang meaning ng mga salitang mouse, web, net, surfing at eyeball at naimbento ang mga salitang byte, emoticons at blogs (na gaya nitembang).

nung sunud-sunod magladlad ng kapa ang mga klosetta at namayagpag sa tv ang will and grace at queer as folk at queer eye, nagkaroon ng bagong kulay ang mga salitang s.e.b., bareback at glory hole. at kung may leftist at rightist group, sa tukla community may top at bottom. pati yung mga out.

but wait, ders more!!!

sumikat din ang "metrosexual" o urban man cheverlyn na mga lulurking parang gelay kung mag-aalaga ng sarili. say nila, "may pera ako, bakit ba??" nagpapa-parlor yan with pedicure at footspa-ever. nagmo-moisturizing cream chorbalyn. at yung iba nagpa-pluck ng kilay at nafu-fundasyon fah. kabilang ditech sina david beckham at kung bet mo namanchi local, si troy montero, na ayon sa mga chikka e kalahating araw kung maligo. iteklavich din e naging fabulosang excuse ng mga closetta. "hindi ako bakla, metrosexual ako. oh davah?!" ulul!

"metlogs" naman yung mga "metrosexuals" na to da highest power na ang effort pero jologito pa din ang final product. imbento ni direk cris pablo ang term, ginawa pang jolikula.

ang "ubersexual" e parang mga metrosexual din pero slightly iba. silachi yung mga kabugera sa achievements, tali-talinuhan at winnona ryder sa kinakarir nila. to da highest level ng perfection kumbaga. hindi lang dinadaan sa japormalyns.

eto pa, handa ka na ba? "autosexual," na-heard mo na itei? hindi yan yung mga nae-ella mae o nai-inlababo sa mga kotse ha!!! yung mga "autosexual" e nae-erbogan sa sarili nilang katawan. hindi iteklavu yung level na panay ang tingin sa salamin o mashadong nagfi-filing gwapito. nakikipag-sex siya sa sarili niya. kinakaya mo pa??? hindi ko din ma-imagination kung pano itrax. pag "autosexual" ka ata gi-giblaban ka ng manual at instrakshons kung pano.

meron pa. naimbento din ang term na "pomosexual," na sho-showagin kong pom-poms, para dun sa mga lulurking naniniwala na ang atraksyon e hindi nalilimitahan ng kasarian. so kerri niya sa girl, boy, bakla o tibash. ka-level itu ng "pansexual" na dati akala ko e panibagong klase ng pandisal.

para kay atashi, sadyang malibog lang ang mga pom-poms at mga pandesal. ay! "pansexual" pala.

say ng wiki entry nitech, ang "pomosexual" daw e galing sa salitang "pomo" na pinaikling "post modern" at "sexual" na tumutukoy sa oryentasyong sekswal. isa daw itembang "oxymoron" (murahan pala ang labanan ahihihi) kasi label daw iteklavu para sa mga sho-ong warlatik sa mga labels. dead ma. malay ko vah kung anek ang "post modern."

so ngayon, nalilito ka ba? ikaw beh e ubersexual o autosexual o pomosexual o burnek??? hehehe

"oxymoron" ka ata e?!?! (tama ba gamit ko??)

))<>((

hindi pa tapos ang botohan mga friends. kung nasiyahan ka kahit hindi pa kita hinahawakan e boto ka na dito, click ka lang.

5 comments:

Anonymous said...

qvzwyYou're really a good communicator no? You love words and you play with it. Kung may publishing house lang ako pinagsulat na kita ng libro. A dash of entrepreneurial spirit and you could get something material out of it. Why not show your works to a tabloid baka gawin ka pang regular writer. A daily dose of a "pink" write-up could make the tabloids and even broadsheets a rainbow of opinions.

Anonymous said...

mahal na mahal na kita!!!!

Anonymous said...

"fabulosang excuse ng mga closetta. "hindi ako bakla, metrosexual ako. oh davah?!" ulul!"

lolz!!!! FINALLY! SOMEONE WHO AGREES!!!! HAHAHA I'M LIKING THIS WANDA! :p

Anonymous said...

ayos mga pinaggagawa mo Wanda...syotain na kaya kita...kaso layo ko dito ako sa saudi...eto YM ko bullet_trigger0@yahoo.com

Unknown said...

waaaaandaaaaaaaaaa. pity i discovered you too late. i love your analysis of words.