Sunday, January 21, 2007

Portrait of Bading as an X-Men

presenting: senyora Xaviera

nung umekstra-ekstra akiz sa isang indie film project, don ko na-realize kung vahkit gamit na gamit ang mga tukla sa showbiz. lalu na sa mga shooting-shooting na ganyan.

kasi non, trabaho ng lola mo maghanap ng pagshu-shootingan. mga balay-china na shushalin pati na yung mga squatteric ang effect, mga iskul-iskulan, ospital-ospitalan at shala-shalahang mall na linuhaan ko pa ng dugo sa likodstra ng mga poste sa gateway.

nung nag-uumpisa pa lang akiz, pinahanap agad akeiwa ng balay pang location shooting cheverlyn. ang challenge ni big brother, wa itong budget o kahit ginang giveaways. makikigamit pa kami ng kuryente ahihihi

si senyora Xaviera ang bossing-bossing ng lola mo. powerful itech. pramis!

wag ka, gumora kami sa jisang ospital sa caloocan, madaling araw yon, kasi kailangan namin ng mga damit pang-duktor. chinikka niya yung bantay na hindi pa namin nameet-ever. nag name-drop lang si senyora ng kakilala, aba, nagpahiram ng damit with matching pam-BP, stethoscope at kung anek-anek pah. walang tanung-tanong. na-lukrecia akiz.

wala akong ganung powers, sabi ko. napapasunod niya yung mga pipolets nang waing aberya.

pero ang huling habilin sa lola mo, "kaya mo yan. mahilig naman sa artista yang mga yan e. sabihin mo lang kung sinong artista kasama. pero last resort na yon. mahirap na kuyugin tayo ng taumbayan."

so go ako sa mga balay-balayan ng isang maderaka na sa kilatis ko e mahilig nga sa jortista.

"nay, magandang hapon po ..." bungad ko non. pa-lalaki effect pa akiz. kasi nga feeling ko hindi ako sisiryosohin. kailangan mukhang kagalang-galang. baka kasi isipin nila e bagong modus operandi na yon at ma-IMBISTIGADOR o SOCO kami bigla ahihihihi

"ANU YAN!?!" malamang lang ayaw paistorbo ni nanay.

so pinaliwanag ko yung shooting na magaganap at yung pakay kong lapastanganin yung balay niya ng isang buong araw.

"AYOKO! MAGUGULO LANG KAMI DITO!!!" say nung matroniks na naka-daster at mukhang katatapos lang maghugas ng plato. "HINDI KAMI SHOWBIZ!!!" sabay tawa. bungal pala si nanay. pinigilan ko tumawa. pero mahirap kaya nag-isip ako ng mga patayan, mga sakuna at kunwari nakakalbo na akiz para lang wiz matawa.

sa iba na lang daw ako lumapit, say ni mudra. fly na sana ang lola kaya lang pasok nga yung interior design ng balay niya sa eksenang kukunan. so nag name-drop na ko ng jortistang mangi-invade ng balay niya. baka kasi pumayag.

"AY KAPUSO YANG MGA YAN! KAPAMILYA KAMI!" at tinalikuran niya akiz. e witchikels ko pa naman bet na hindi ko nagi-getching yung gusto ko. sabi ko, isang try pa.

isip. isip. isip.

may nakita akong picturakka ng bagetz na de-toga sa may mesa. tapos havs ng family picture, andon yung bagetz.

"uy, 'nay, sineklavich naman tong bagetz na itech?" sabi ko kahit obvious naman yung sagot. dinampot ko pa yung picturakka para may props kunwari.

"hoy! anak ko yan. bata pa yan!" na-sight ko uli yung kakulangan ni nanay sa pustiso. insip ko uli napapanot na ko.

"talaga? ang gwapo, mother, ng anak mo!" kahit chakka naman talaga. binakla ko na siya ng over.

sa mga ka-dingdingan, isang diploma lang ang andooners. pang-grade six. so hayskul ang bagetz.

"naku, nay, may college plan na ba 'tong anak niyo? handa ako tustusan."

"HOY BATA PA YAN!"

"malinis ang intensiyon ko, handa akong maghintay!"

"HAHAHA GUSTO KO MAGKA-APO!"

"gusto ba niya magka-kotse? o playstation o cellphone na may camerang nagiging kotse at playstation??"

nag-cameo appearance uli ang ka-bungalan ng mudra. jumoin pa pati ngala-ngala. dahil agaw eksena ang halakhak ng mujai, kinuyog na kami ng iba pang mga kamanangan.

eto na chanz ko. pero kailangan, dahan-dahan. yung withcelles halata.

"pwedeng artista tong anak niyo, nay," say ko. "ba't di niyo pag auditionin sa tv."

"ay! alam mo ba, magaling kumanta yang anak ko. nanalo yan si-kun ranner ap nung piyesta dito." at chinikka pa niya kung pano niluto yung pa-kontes dahil daw yung champion at yung judge e mag-tiyuhin.

"ampanget nga naman non," sabi ko. "lutu nga yon."

at chinikka na ng bilat na nung jontis siya, bukod sa kiyamoy at banana-cue, si richard gomez ang pinaglihian niya. lahat ng magazine daw na may picturakka ni goma, binayla niya.

"TITIGAN MO," say ng mudra at nginudngod ang fez ko sa picturakka ng junakers niya. "YUNG MATA TSAKA YUNG LABI, RICHARD NA RICHARD."

mother, tinitigan ko talaga. parang yung mga 3D picture na kailangan mong titigan forever hanggang magka-migraine ka saka lilitaw yung 3D achuchumenelyn. parang ganon ang na-feel ng lola mo.

gusto ko nga sanang klaruhin kung si richard gomez ba yung pinag-uusapan namin o si richard merck. kasi wa talagang bakas. kung inisplukara ng lola na kiyamoy lang pinaglihiian niya, hindi ako a-apila. pero kerri lang.

"oo nga, yung mata. richard nga." sabi ko. yung kasa-kasama ko sa mga location hunting e tawa na ng tawa. "SHET! nay, pakilala niyo naman ako sa anak niyo."

"eh papasa kayang artista yang anak ko?"

"ano ka ba, nay? may potential to," sabi ko. bumubulong na yung kasama ko ng sinungaling ka. "pwede ngang pag-ekstrahin to ni direk e. kasi kailangan din namin ng bata. mga kasing edad nitong si pogi."

"TALAGA?!" sagot ng mudra. tapos inisa-isa niya yung mga kasama niya sa bahay kung pwede din daw ba umekstra. mula bakasyunistang relativity hanggang sa mekaniko nila. "eh kelan ba tong shooting na to? siyempre maglilinis pa ko ng bahay e. nakakahiya naman sa inyo."

WINNER!?! OH ANO KA NGAYON!!!

"eh wala po kaming bayad, kasi small time lang kami," sabi ko.

"ah basta, wag lang kayo magkakalat."

at na-excite ang lola at bibili na daw siya ng film para makapagpapichur-pichur sa mga kapuso stars. binigay ko na sa kanya yung mga ditalye para makapag-prepare sila.

nung umalis ako feeling sindikato ang lola mo dahil linoko ko siya. pero payo sakin ni senyora xaviera, "hindi mo naman niloko yung mudra. mukha lang, pero hindi. pag bakla ka kasi, minsan, mas nagiging komportable yung ibang tao, lalu na yung mga babae, na makipag-usap sayo. mas nakikinig sila. napapatawa mo sila e. hindi mo siya niloko, kinundisyon mo lang siya na mapapagkatiwalaan ka niya. at kailangan mo yung tulong niya. binigyan mo siya ng chanz na makatulong. kaya ayun, um-oo. CHARING LANG!"

at pinuri-puri akiz ni senyora, at kinudisyon na magaling na ako mangumbinsi ng tao. kahit first day high pa lang ni atashi. magtatayo na nga daw kami ng sindikato.

tapos pinahanap niya akiz ng anim pang mga balay-balay. LECHE! ang sabi lang sakin, "kaya mo yan!"

in fairview, pagka-shopos non, pati mga baranggay captain, nadadaan ko na sa chikka.

No comments: