Monday, January 22, 2007

Q & A

bakla1: anoveh? you're so ...

bakla2: what?

bakla1: YOU'RE SO ...

bakla2: WHAT??

bakla1: YOU'RE SO ...

bakla2: ANO?!? im so ano??

bakla1: eeeeek ... nakakainis ka!

bakla2: kung hindi sanay mag-english, please wag.

minsan na-heard-sung ko na yung chikkahang ganyan. sureness si atashi na ikaw din. yung may magi-inggles tapos hindi niya matuloy-tuloy yung i-isplukara niya kasi bigla niya na-forget kung aneklavu sa inggles yung sasabihin niya.

diyan tayesa madalas ma-ligwak. sa pagi-inggles. gaya sa mga interview. kwento na lang to ng isa kong friendship. ewan ko kung totoo.

Q: so what do you think is your best feature?

A: oh it's good you asked me this question. my best feature, i think, is my graduation feature. i look great there.

nabasa ko na yan dati sa e-mail e. pero sabi ni friendship may katotohanan daw. nangyari sa kakilala ng kakilala niya.

pero yung friendship ko na nagi-screen test ng mga future callgirls at callboys sa makati e nagsabi na hindi daw kerri ni atashi yung ganung trabaho. talamak daw kasi ang mga komidiyanteng naga-apply. e hirap daw akiz magpigil ng tawa.

gaya nung may tinanung siyang lulurki. gwapo daw itu at havs ng potentiality.

Q: so what do you think is your asset?

A: (nag-isip daw yung aplikante) my eyes, that's my asset.

Q: (maganda nga naman daw kasi yung mata) oh really? why is that?

A: because they are windows to the soul.

"hindi ko kinaya yon, mare," say ni friendship. "kasi parang tama na parang mali e. feeling ko maganda naman yung intensiyon niya don sa sagot, iba lang yung lumabas sa bibig niya."

pero tinignan daw niya kung kerri ng boylet mag-recover.

Q: so far, what do you think is your greatest achievement?

hindi daw nagsalita yung lulurki. hinayaan niya lang daw muna. baka nag-iisip. tapos hindi na raw uli nag-salita.

"mare, cue ko na yon, para sabihing: OK we'll call you within the week to let you know." say ni friendship. "pero ang gwapo talaga, mare."

sa org naman namin dati, may nagpumilit sumali. siyempre may question and answer portion muna.

Q: what are your strengths and weaknesses?

A: when i sleep i feel stronger. when im sleepy thats when im weaker.

ah talaga? nagtawanan kaming lahat sa org. kala namin joker yung aplikante. pero poker face itu mula umpisa. at dinagdagan pa.

A: but after i sleep and i wake up, im stronger again.

kakaloka. may talent itu kaya tinanggap namin. kakatawa siya nang waing ka-effort effort. hindi nga ata siya aware na nakakatawa siya. bet ko yung mga ganung friend.

pero sabi ng frienship kong si justin na isa nang big time producer ng komersyal sa tv, "hindi naman porket magaling mag-inggles e magaling na."

kurek ka diyan. kasi kahit nga mga onaks (kano) a pasok din sa mga bloopers-china.

sabi nung friend kong callboy e havs daw siyang natanggap na call mula sa isang gurlilet na super ask daw kung ano yung bluetooth sa cellphone.

siyempre inexplain daw niya.

sabi nung onaks, akala daw nung caller na yung bluetooth e pag binuksan niya yung nyelponella niya, ang kulay daw ng ilaw e blue. kabog!

" gusto ko sana sabihing: yes, ma'am, you can do that too in greenhills for P100 per backlight,you can choose pa whatever color you like" hanashi daw ni callboy. "bobita peron, gurl! kala mo lang hindi. pero bobita."

tapos havs pa daw ng isang call. linggo daw yon sa states. pag-sagot niya e mega-intro daw ang lola. sabi daw ng onaks:

ONAKS: hey, how you doin?

CALLBOY: im doin fine, sir.

ONAKS: i just wanna ask you if you're open today?

CALLBOY: if we're open today, sir?

ONAKS: yeah, coz its a sunday, and i was wondering if you're open today. are you?

"POTAH! sa loob-loob ko," hinagpis ni callboy. "kausap na nga niya ko, nagtatanong pa kung open kami. kakasira ng bait!"

eh ganyan talaga.

at akala mo ba sa bb pilipinas at sa mga gay beau-con lang may nakakatawang question and answer portion? wag ka, sa miss america din daw, gurl. kakabasa ko lang. kasi tinanong daw si ms nebraska nitech:

Q: if you could have one super power, what would it be and why?

sosyal di ba? pang-easy round sa quiz bee ang questionnaire pero shala pa din ang effectionate.

sagot daw ang kandidata.

MS. NEBRASKA: i would like to have a PHOTOGENIC memory.

photogenic memory ito, kamustah naman di ba?? hahahaha

kaya pag ikaw, nasangkot ka sa isang malupit na question and answer portion at hindi mo itu matakasan, tandaan ang sagot ng baklang kontestant sa beau-con nung tanungin siya sa estado ng politika sa pilipinas at ang magiging kontribusyon niya bilang isang bakla.

naloka siguro si bakla kasi ang mga tipikal na tanong lang sa mga ganyan e "kung ikaw ay isang bulaklak, anong klaseng bulaklak ka?" o kaya e "kung ikaw ay isang planeta, anong planeta ka kaya?"

sabi ni becky:

BAKLA: thank you, mr judge, for that interesting question. sa tanong niyo po, naalala ako ang mga makahulugang salita ng aking yumaong ina. sabi niya sakin. always remember ... less talk less mistake. that's why i will not answer the question. maraming salamat po. at magandang gabi sa inyong lahat!!!

klap ang mga tele-viewers ni bakla sa talipapa. pati si mr judge.

at wag ka, winn ang lola.

2 comments:

Anonymous said...

hahaha!!! ad lib! crazee! :P

The King said...

haha! these Q&A bloopers are timeless, ano?

Isa pa rin sa mga favorite ko ay yung sa Miss Congeniality:

What is your idea of a perfect date?
Ms Rhose Island: April 21st (?), not too sunny, not too cold.. (or something like this, hindi ko na matandaan verbatim)