itei ang second serving ng boylets alert dahil may mga nakulangan dun sa una. iteklavu ang mga boylets na dapat paka-tandaan at bantayan.
reminder uli na ang mga itech e caricature ng mga tru-blung lulurki. at madalas representasyon lang itu ng pag-uugali at hindi ng i-isang boylet, kahit based on true story iteklavu.
salamat nga pala sa mga pumayag i-share ko ang kwento nila. at tenchu-tenchu na din dun sa mga walang alam na isinusulat ko na pala sila.
7. bilmoko boys (tnx kay anonimus)
use me in a sentence. yan ang motto ng mga jumu-jowa ng bilmoko boys.
classic jowa ang mga itiz. sila ang living, breathing patunay na hindi lang nasusukat ang lab, nabibili pa ito. at minsan may kasamang resibo kaya may record sa BIR.
madalas joke ang mga magjo-jowang ganitembang ang set-up. kasi hindi nga naman kailangan bilhin ang lab di ba? pero kasi wala tayo sa pwesto ng mga baklang patron ng mga bilmoko boys.
"hindi naman ako ginamit," sabi ni fidel na may sariling computer shop. "pag ginamit ka, ibig sabihin nalamangan ka. nalugi ka. kami ni raul, pareho kaming may nakukuha sa isa't isa."
si john naman, bagets at may itsura, na-inlababo sa isang bilmoko boy. dancer-danceran na tadtad highlights ang hurrlalet at may plastic na backpack na tig-tatatlong libo. pag dancer-denceran ka kasi, required ka magkaroon nitech. ang backpack, giniblab ni john. pati yung jacket na dickies. at yung japeyks na gold necklace. kasama na yung panlaro niya ng ragnarok at counterstrike. at wag ka, may wishlist pa ito.
hindi yan tahasan na hihingi, yang mga bilmoko boys. pag nag mall kayo, aayain ka niyan sa dickies o sa lee pipes at magsususukat ng kung anek-anek. sabay drama na babalikan na lang niya pag havs na siya ng anda. marami daw kasing gastusin sa balay. at aakap sayo at lahat ng nakalitaw na bahagi ng boodeh mez e pipisil-pisilin. maglalambing na yan. magpapa-cute. kung bakla ka, at mahina ka, at ayaw mong malamog na parang kamatis, titiklo ka. di mo na mapapansin, ikaw na nagpapalafang sa buong familya zaragoza at aawit pa ng babuyan showcase itu.
"alam ko naman ginagamit niya lang ako e" say ni bakla.
"so gano kayo kadalas mag-sex?" phone in question ng lola mo. nagigising ang diwa ni atashi pag usapang sex kasi e.
"hindi pa kami sex. anukabah?!" sagot ni john, sabay tapik sakin. akala mo naman na-iskandalo sa tanong ni atashi.
"e ano inaantay niyo? kasal?" pang-asar ko. minsan trip ko talaga mang-asar.
"sabi niya, hindi naman daw kailangan ang sex sa relasyon e."
"heh, babae?"
"ginagalang niya ako ... anukabah!?!" ayun na naman yung tapik.
lecheng sagot yan. kung magpapagamit ka, siguraduhin mong patas ang labanan. nangangapital ka na rin lang sa kanya, tubuan mo na. sabi nga ni ted failon dati, walang manloloko kung walang magpapaloko. walang bilmoko kung walang sigenangaibibilikitaperolastnayan.
kay john ko na-discovery channel na ang mga bilmoko boys e mga bolero kids din pala.
6. da stuck up
ang mga stuck up e yung mga tipong wiz maka-forget sa kanilang ex, na nanloko sa kanila o basta na lang nag fly by night, kahit halos dekada na ang lumipas at si ex naka-ilang palit na ng jowa.
soundtrack ni bakla e "only reminds me of you" kasi lahat na lang pati mga suicide bombers sa israel e reminder ng ex, dahil nag-attempt siyang maglaslas ng pulso sa pamamagitan ng kutsara nung unang break-up nila. tapos tuloy-tuloy na yan. fade in na si mama celine diyan at ang long-playing niyang kanta na may pinakamahabang mtv (kerri nang short film na ngumangawa), ang "its all coming back to me now."
nakakalokang jowa ang mga stuck up. kasi kahit aneklavich ang gawin mo e nagawa na ng jowa niya. lahat ng ispluka-china mez, na-isplukara na ng jowa niya. o at least havs ng konek, kahit gano kalayo, koneksyon pa din.
"yung ex ko," say ni bry, friendship ko na TL ng mga callboys at callgirls sa isang scammer na call center, "naluha nung nakapanood ng pelikula ni claudine. kasi si claudine ex ni rico yan, di ba?"
"so crush niya si rico yan?" tanong ko, with lungkut-lungkutan effect kasi nga deadlak na ang otoko-san. e crush ko din yun e.
"hindi," sagot ni friendship. "kasi andon sila nung ex niya sa dos palmas kung asan sina rico yan nung ma-dedo siya. best night of his life daw."
"so malamang theme song na niya yung 'warrior is a child'?" tanong ko.
"anufaflu?! kaya galit ako kay gary v."
5. ang isyu-sera
may issue ka ba diyan?
eto yung mga napaka-negatibo sa buhay. mga emotional vampires. lahat ng eksena nahahanapan ng dahilan para ma-depress.
sa umpisa, hindi mo mapapansin ang mga isyu ng isyu-sera. kasi para lang siyang ordinaryong nilalang na rumarampa sa balat ng lupa. parang ikaw at ako.
pag naging jowa mo na, madi-discovery channel mong may kapangyarihan pala siyang higupin ang lahat ng lakas mo sa pamamagitan ng pagku-kwento. nalalanta ang mga flowerets sa presence niya. ang mga butterflies nagiging bubuyog at si bonta clause nagiging matandang sumpungin. sina jollibee at mcdonald nagiging bugnutin. kung isa tong cartoons, malamang na-target na siya ng moon tiara action ni sailormon.
ang jubis-jubis ko.
ang jitim-jitim ko.
ang chakka-chakka ko.
ang fayatolla ko.
connect da dots ang fez ko.
ako si kirara.
maiintindihan ko kung iiwan mo na ako.
kung papalitan mo ko, hindi ako magagalit.
wala akong kwentang tao.
magugunaw na ang mundo.
malapit na ang 3-days of darkness, wala akong kandila.
yan ang madalas na hanashi ng mga isyu-sero.
kung jowa mo to kakailanganin mo ng plentious na red bull at sandamakmak na pasensiya. kasi kahit aneklavich pa ang sabihin mo, hindi maalis sa isip niya ang napipintong delubyo. pag giniblaban mo naman ng 3 puting benditadong kandila ...
wala akong posporo.
napapagod ka na ba sakin?
sige, iwan mo na lang ako.
hindi mo naman ako minahal kahit kelan.
nakakapagod din ang ganitong ka-dramahan. kaya kung isyu-sera ka by heart, sana maintindihan mo na lahat tayo may problema. wag mong solohin at gumawa ng monopolyo ng conflict. lahat tayo may mga isyu at hindi ito nababago ng isang mapagbagbag-damdaming monologue na kinopya sa mga telenovela ni thalia. tandaan na ang pag-iintindi may hangganan din.
at ang 3-days of darkness, nung dekada '90 pa. nagamit ko na nga sa brownout yung mga kandila namin e.
4. you and me against da world
sa mga unang buwan ng relasyon niyo e panalong jowa tong si you and me against da world. may romantic dinner yan for two. movie nights for two. trip to boracay for two. coffee for two. hanggang sa tumagal-tagal e magka-fez na kayong duwachi at wichikels ka na knowings ng mga friends mez.
kurak. ang bet ng mga jowang ito e solohin ka niya. ikaw at siya lang. against da world. madalas ang mga jowang ito e gahaman sa katahimikan o takot sa tao o nakagat ng asong may rabies o atat makabuo ng bata o kaya naman takot sa panunulsol at impluwensiya ng mga friendship o malamang sa hindi e takas sa kulungan.
ang favorite song nito e "happy together" at "love will keep us alive." dahil pag gising mo, isang araw, nasa isang isla na kayo far away l.a. from all da pipol and friends. at nagpapaka-survivor kayo. dahil dadalawa lang kayo, di mo siya pwede i-vote off. gano mo man gustuhin.
3. friendship factor
ang mga friendship factors kinarir ang kasabihang "no man is an island." ditech pa lang, malinaw na wit sila compatible ni you and me against da world. dahil para kay friendship factor, the more the merrier.
kung yung isa gusto ka angkinin, etong si friendship factor, witchikels mo masosolo.
halmbawa ...
"jowa, nood tayo sine."
"jowa, kain tayo sa labas."
"jowa, jowa, sex naman tayo."
i-isa lang sagot niyan sayo, "jowa, that sounds like fun! text ko lang sina friends. meet natin sila don." siyempre, ok lang maloka.
"jowa, uminom tayo ng asido."
"jowa, maglaslas tayo ng pulso."
"wait lang, text ko mga friends ko."
siyempers, imbei ka nang todo. pero wag ka magkakamali na papiliin si jowa mo. baka ma-disappoint ka. dahil malamang ite-text niya friends niya at papupuntahin niya kung asan mang lupalop kayo ng mundo para tulungan siya magdesisyon. so magmumukhang masama ka pa ngayon sa mga nyorkada-ever niya.
wichelles naman problema si friendship factor. kahit yung paga-attitude niya. sadyang lab lang niya prens niya, na bago ka pa dumating, e kachokaran niya na. dinadaan lang naman to sa mabuting usapan at pagkakaintindihan. kasi kung marunong umintindi yung mga friendship niya, mage-getz nilang kalabisan na'ng sumama pa sila pag nag check-in pa kayo.
2. SGV (tnx kay tons and rome)
kung accounting ang pag-uusapan, panalo na diyan ang mga SGV. dahil sa kanilang hidden talent na ma-remember ang bawat detalye ng buhay mo, plus naka-log book itu.
halimbawa, lalabas ka.
"san ka pupunta?" ang warm up question niyan.
pag sinabi mo sa mall at bibili ka ng libro.
"saang mall?"
pag sinabi mo sa mall of asia.
"ang layo. may national bookstore diyan sa kanto. sinong kasama mo?"
pag sinabi mo hinihintay mo text ng friend mo.
"friend? sinong friend yan?"
siyempre magbibigay ka ng pangalan.
"eh hindi naman mahilig magbasa ng libro yan e. gigimik ka no?"
at ipag-gigiitan mo na bibili ka nga ng libro. wala siyang dapat ika-tense.
"hindi mo pa nga tapos yung libro mo, bibili ka na naman ng bago."
wala kang kawala. panalo sa pagga-gwardiya.
so yayayain mo na lang siyang sumama para wa nang talakan portion.
"sandali lang, magbibihis lang ako."
e yun naman pala. gusto lang sumama tumalak pa ang potah.
magaling mag-imbentaryo ng sagot ang mga SGV. parang havs ng fotografic memory. kailangan alam niya ang daloy ng impormasyon. kailangan laging balanse. dahil pag may kulang, magdududa na yan. hahanapin kung saan siya nagkukulang.
1. paranoid android
si jeremy sumakay ng fx. si jeremy may nakatabing cuteee. si cuteee, since magkatabi nga sila, at wit naman kaluwagan ang tamaraw px, natural magdidikit ang tuhod nila ni jeremy. bumaba si cutee. kasi don siya nakatira. si cutee nag yosi muna bago lumarga. si fx nag-fly na. si jeremy super sight pa din kay cutee. nang magkita kami, may crush na si cutee kay jeremy dahil don sa tuhod na de-magnet at dahil inabangan daw siya ni cutee kung bababa ito.
si jeremy nag grocery. maraming tao sa grocery. si jeremy paikut-ikot ng grocery. pati yung ibang tao. si jeremy laging may nakakasalubong na lulurking go-go-grocery din. nang magkita kami, may crush na ang lulurki sa supermarket kasi sinusundan daw niya si jeremy.
si jeremy nagpasama sakin sa mall. marami ring tao sa mall. at ang tao may mata. para makakita. si jeremy linilingon bawat makasalubong namin. nang lumafang kami, may crush na lahat ng nakasalubong namin kasi tinititigan daw siya.
si jeremy e paranoid android.
say ng eks ni jeremy, sa umpisa nakaka-jellatin daw kasi hottie kuno ang jowawiz niya. lahat bet umeksena. "gusto niya kasi yung feeling na jinu-diyos siya. gusto ata niya magkaroon pa ng sariling sinulog festival e. leche siya! kala mo naman ka-gwapuhan. tignan mo nga ang fez. asan ang basehan? kahit nga hipon, hindi papasa e."
tumagal-tagal daw, na-realize niya na may saltik sa utak si jeremy kasi pati pusa pinagdiskitahan. say ni jeremy, "babe, layo mo yung pusa. creepy. kanina pa naka-tingin."
kwento pa ng ex, sabi daw ni jeremy sa kanya wag daw ako warlahin, kasi ispluk ng hitad e may gusto ako sa kanya dahil tingin daw ako ng tingin. HALLER!!! sabi ni ex, "babe, kilala ko mga type ni wanda. love kita pero malayo ka don."
sagot ni jeremy, "babe, swear. anlagkit niya tumingin. nai-ilang ako."
buntung-hininga na lang daw si bakla, "babe, ang sama-sama mo. banlag kaya si wanda ..."
hahahaha panalo sa chikka. pero wichikels yan true ha?! wit akez banlag-ever sa personal.
Sunday, January 14, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
I'm speechless. Na-project mo yata lahat ng personality, in detail nakuha mo ang kachukaran ng ibat-ibang klase ng hayop. How did you do it? You could be a great psychoanalyst (and sociologist?).
da best! ahahaha
Ipapa-laminate ko to.
Post a Comment