Wednesday, May 31, 2006

Da Simenteryo FIles

super midnight na. at wa nang jeepelya forever.

kaya nagdesisyon kami ni gabo na mag walkathon na lang papunta sa balay niya. kahit slight kyoryo ang balay-china, deadma lang. duwachi naman kaming rumampage.

chikahan portion kami nang may i stop ang colorum na toda. kerri lang ang fez ng driver. majitim, vorta looking driver-sweet lover-chorbams!

san kayo papunta? questionnaire ng toda.

jan lang po. pauwi na. answer naman si gabo. shy akez sa mga boy meets boy na kwentong ganiteklavu.

sakay na. hatid ko na kayo. say ni ate showie ... este ... ng toda pala (este? ang korni)

lalakarin na lang po namin. salamat po. isplukara ni gabo.

wiz ko knowings why o why pero na-remember kez si calvento at ang kanyang files at ang pamatay niyang shades.

sige na, hatid ko na kayo. pilit ng toda.

hindi nga po. lalakarin na lang po namin. sagot ni gabo.

silent lang talaga lola mo. orkot na e.

delikado maglakad ngayon. dam1ng loko-loko sa daan. say ng toda.

jisaers pa lang na meet namin. ikaw! ... najisip ko lang tetch.

wala din kaming pera pamasahe, manong. banat ni gabo, naiinis na siya. feeling ko. wiz na kasi siya pa-gurl. minsan lang to.

ok lang, libre na. hatid ko lang kayo. hindi naman ako nagmamadali. wala asawa't anak ko.

nagkatitigan kami ni gabo. KAYA NAMAN PALA E!!!

silencio to da highest level.

tara. finally, ispluk ni gabo.

tapos say na ng toda na may dadaanan lang daw kami. mga shotlong liko pa, knows na namin kung saan kami gugora-bellisima.

sa isang quiet na simenteryo sa san mateo.

bato-bato pik tayo. say ni gabo.

gabo, wiz ko bet. sayo na lang siya. magpaparaya ako.

bakla, utang na loob. bato-bato pik na lang, para patas.

wiz talaga. may panata ako. fasting forever. apila ni atashi.

lahat na lang ng latak sakin. pesteng buhay to ... nag slight moments si gabo.

OK PAYN! PAYN! nakonsensiya lola mo.

problema? ask ni toda. nakikinig pala.

dead ma. sige ka, pag grinipuhan tayesa ng toda wa makaka-sight sa budhee natenchi. wag natin siya galitin. dagdag pa ni bakla.

eto na nga e!

feeling ko kanina pa galit ang toda (ip u know wat i min!?!)


OK, up to three lang ha.

bato-bato pik! bato-bato pik! bato-bato pik!

punyeta! ang daya mo. hinihintay mo ko mag pik bago ka mag pik. magbago ka nga, bakla ka na madaya ka pa. yuck!! protesta ko, nadaya ako e.

gagah! talo ka lang kasi. sori ka. mag-stretching ka na ... hahaha ... pang asar ni gabo.

nag-arrive kami sa simenteryo na wa talagang sho-o-belles ni isa. kahit baklang rumarampage at may i look for booking, loss.

kinakabahan ako. parang pag ia-announce na ang first runner up sa miss universe.

tara, samahan mo muna ako saglit. say ng toda.

say ng toda kay gabo.

hahahahaha karmina villaroel!! karmi martin!! ang bilis na ng karma ngayinz. 2 minutes lang hahahahaha

so nag walk ang duwachi sa isang musoleo sa dulo. i swear, my luha sa mata ni gabo. parang hindi na kami magkikita uli. akez naman ang najiwang bantay sa tricycle ng toda. hahahaha hindi ko mapigilang tumawa.

siguro mga 500 kuraps later, i shall return na ang duwachi sa trike. si gabo tulala. ang toda silent. anong nangyari? may aparisyon bang naganap?

gurlilet, ang haba ng hair mo . ikaw ang pinili. paalala mo bibigyan kita ng korona at sash ... say ko.

havs ng josawa't junakiz siya, da vah? ask ni gabo.

kurak, ayon sa chismis. bakit? say ko, say ko wallet. charoz!

akez ang hinada niya ... say ni gabo. pabulong.

sinulyapan ko yung toda nang buong pagtataka.

kung akez ay anime, havs ng biggie-a na question mark sa noo kez.

baligtad na ba ang mundo ngayon? o dumami na mashado ang bakla.

jumuwetix kaming lahat na tulala.

Monday, May 29, 2006

What Would Wanda Do?

para sa lumuluhang si lukring,
ang makulit na nang-aalok
ng dakki products


dear wanda,

(rueben, VTR please)



what would wanda do?

nagmamahal,
jakolei bayengga

* * *

dear jakolei bayengga,

kalowka ang name-sung mez. pero ibang level yang bidyomail mez. bibigyan ka ni propesora ng A for eyffort ahihihihi

wait lang. bitter ocampo, ikaw ba yan? pulos ka bitterness, nena! nalusaw kilay ko sayo. nalanta pati flower ko, kahit plastic ahihihihihi

wa ko ma-say sa sitwazyon mez, nena. kasi inlababo ka. kahit anek-anek man ang isplukara kez, kahit basahan kita ng mga love quotes na nare-reciv kez, e wichelles din jijiffect lahat. kasi nga in love ka.

pero itech na lang. say nga ni ate showie sa aklat ng madrasta kapitulo biente, bersikulo tres hanggang kwatro. BASA!

"bakit? gaano man natin sila mahalin, kailanman hindi sila magiging atin ..."

naku, ate showie, jakolei, ganon talaga.

kasi bakla tayo. at ganon ang tingin nila sa atin.

hahanapin lang nila tayesa pag havs silachi ng kailangan. may i call sila pag havs ng pabor. pagka-shopos non, dead ma na sila sayinz. wa na. thank you gurl ka na lang. try ka na lang uli next time.

pero nga bakla tayo.

di natin kailangan ng inerva energy drink. o kung vorta ka, red bull o extra joss para pa-sweet ng konti. kasi powerful ka, bakla. xmen ka nga di ba? ikaw si jean grey. kerri natin ang mga ganitech. naloloko tayiz sa isang jotokiz, kuma-cryola ... pero ganon lang yon. nagiging phoenix ka sa huli. taray di ba? kung ayaw mo, ikaw si storm. kung ayaw mo pa din, bahala ka na.

alam mo, nadadapa tayiz pero dead ma lang. nashosholisod tayiz, dead ma lang. napapahiya't napagtatawanan, dead ma lang. nasusugatan, nagdudugo, dead maru to da max. inaalipustang parang hayup sa zoo ... er ... BWAKANANG INA sapakan na lang o!!! ANO!!! MGA ABUSADO!!! (ehem! ehem! kaka-inerva ko lang)

anywiez, kasi knows natin, nena, na lahat nadadala sa retouch. sa fundasyon. sa concealer. tapos ... maganda ka na uli. napapaganda pa natin ang mga chakka. napapatawa pa natin sila. magaling tayo jan.

minsan, feeling ko pinanganak tayinz para sa ganyan. sa mga pagsubok. sa mga kabiguan (naks!). para ipakita sa mga sho-o-belles na: kalowka kayo! pagtawanan na lang natin yan!

para gumaan gaan ang feeling mez, jisipin mo na lang na majitim ang singit niya ... o may shotok siyang di kinakaya ng deodorant ... o kaya makyoho ang bols niya ... o kaya patay ang mga kuko niya sa paa at puro in-grown ... o kaya kulang ang daliri niya sa paa, o para maiba, sobra naman ng isa .... bwahahahaha

pero siryoso, may i thank you for teaching me how to love ka na lang ... say thank you na dumaan ang otokiz na itech sa buhay mez. na minsan, naging part ka ng buhay niya. kasi, kung havs siya ng damdamin, nena, darating yung gabing ma-remember me this way ka niya at yung naging role mo sa life story niyachi-belles.

ganooners kasi talaga. havs ng mga love story, o kahit story lang (walang love), na talagang now and forever is not enough. as in ibang level. swerte mo kung havs ka noonchi.

pero meron din naman kasing mga kwentong maganda, pero beginning today lang ... wa nang tomorrow, tomorrow, i love you, tomorrow. pero ok lang yon.


hindi naman mahalagang happy ending lagi. kahit happy lang ... o kaya ending lang ... ok na yon.

parang mga herlalu lang kasi yan. pagkatapos mong ayusan yung isa, go ka na sa susunod. lumayas man siya, knows mong havs pang bagong costomer na jojosok at papaayos ng herlalu nila.

ganoon ...

tama nang bitterness, nena.

i-cryola-mae mo lang yan. dahil pag na-shogod ka na, maalala mo na lang yang bidyomail mo sakin at matatawa ka sa sarili mo. at kung bakit ka nabaliw sa iisang lulurki. na baka ang ending e ka-chakahan naman.

dami jan e. punta kang marikina. sama ka kina roxy at frida sa rampahan.

ok? sige ... paalam bitter ocampo/jakolei bayengga.

at wiz magsasawa sa pagsubabay ng What Would Wanda Do?


mwahugsalot,

wanda ilusyunada
PINK MAFIA

PS. abangan ang IBONG ADONIS, KABANATA II

Saturday, May 27, 2006

Wanda's Top 6

kung si atashi e gagawa ng soundtrack ng buhay kez itech ang magiging line-up:

bakit nga ba mahal kita by roselle nava
bakit nga ba mahal kita / kahit di / pinapansin ang damdamin ko / di mo man ako mahal / heto pa rin ako / nagmamahal ng tapat sayo ...

yeizterday! itech ang jisa sa mga unang sumikat na sing-song ng reyna ng kamartiran na walang patid sa paggamit ng ilong sa may i sing-along. asanchi na nga ba ang bilat na itech?

buhay pa yung cassette tape ko nitrax.

part of your world (reprise) from little mermaid
what would i do / to be with you where you are / what would i give / to stay here beside you / what would i do to see you / smiling at me ... / where could we walk / where could we run / if we could stay all day in the sun / just you and me / and i could be / part of your world ...
sabi ng mga ma-oondang bakla little mermaid daw ang pinaka-baklang disney movie (bukod kay bambi, babae ba siya o lulurki?).

siyempre, ang mag-pantasyang magpalit anyo para lang mahalin ng boylet mo ... haaay, veklang vekla. at shempre ang pulang hasang. at ang mahiwagang kabibe. en to da highest level, si ursula -- name-sung pa lang super becky na! go lola!

reflection from mulan
look at me / i may never pass for a perfect bride / or a perfect daughter / can it be / im not meant to play this part / and i see / that if i were truly to be myself / i would break my family's heart ...

bakla ka ba? fez the mirror. emote. project. den sing prom da top op yor langs, kabugin mez si ate christina. winnona davah?!

imajinin ninyech, wa pa sina jang geum at si kapitan e nauna ang lab story ni general at ni mulan, na akala niya lulurki. pero iba ang tingin ni kuya sa kanya. havs ng malisya.

at bride daw. sino ba naman aayaw maging bride, davah?! ahahahaha

awit para sayo
by jamie rivera
kaibigan lang naman ang nais ko sayo / wag magalit kung ayaw at aalis ako / kung tinatanggap naman ay salamat sayo / sanay pakinggan itong awit ko / hinahandog para sayo ...

haaay ... kanta ko itech sa cruzhes ko nung sing edad ko pa lang si maximo. naka-sight sa malayo, sa labas ng bintana ng klasrum.

habang iniisip si cruzh. ang service ni cruzh. ang plate number ng service ni cruzh. ang beeper number ni cruzh. ang phone number ni cruzh. ang kulay ng gate ng balay ni cruzh. ang boses ni cruzh. kung totoong may caller id si cruzh.

kaibigan lang naman ang bet ng lola mo. pero luking bak, stalker na pala aketch noon.

what i do best
by sheryn regis
'coz what i do best / is love you like a woman loves her man / i can love you more than any other woman can / so trust that i will pull you through / and let me do the rest / coz loving you, is what i do best...

lokah! basahin mez ang lyrics. ayoko nang mag-explain.

at yung video. bakla ata yung lulurking ka-lambuchingan ng lola mo. pag na-sight ninyech. kilatisin ang lulurki. amuy-amuyin kung becky nga.

lansa ba?

dahil mahal na mahal kita by roselle nava
kahit na niloloko mo lang ako / kahit na tumingin ka sa iba / magmahal ka ng iba / magbubulag-bulagan ako / masakit man ito / dito sa puso ko ...

ang pagbabalik ng forever martir divah. martir na martir talaga. magbubulag-bulagan? sabunutan kaya kita!

ayoko na pala yang kantang yan. na-outgrow ko na ang mga dramang yan. gaya ng pag outgrow ni ate roselle sa bangs niya.

i love you, boy by timmy cruz
i love you boy / if you only knew / naiinis na ako sa iyo / sobrang manhid ka / at ‘di mo napapansin / i love you boy / kung alam mo lang / ang puso ko ay nagdaramdamh / anggang kailan ba ako ay maghihintay ...

ay taglish. dis is so lyk maladi, di bah? as in lyk so bakla, as in super duper to da max ... over talaga. i used to lyk dis song wen i was little boy or gerl. or whateyber. i tingk its wat yu payggot.

o ano ... gusto mo i-burn kita ng kopya ng cd kez? ahihihihi

DA VINCETE CODE

mga dukha! magbigay pugay kay vincete ferrer!!??!!

sabi mo: at sino na naman yan?

inggrata kang bakla ka!

sabi mo: ang reyna ng miss gay pateros?

loka ... siya ang pinamulan ng kapangyarihan nating lahat!

sabi mo: siya ba si la chrovah?

tonta! maniwala ka sa hindi ...

sabi mo: hindi ...

grrrrrrr ... si vincete ferrer ang patron nating mga tukla ...

sabi mo: ahhh talaga ... akala ko si kuya germs. WALANG TULUGAN!

gagah!!!

panibagong alamat na naman daw itraks.

si vincete ferrer ay jisang lulurki, pero hula ko closetta siya, 48 years ago pa sa miniature town ng juchita, mexico.

sabi mo: san yon?

malay koh! mukha ba akong mapa?! basta sa mexico. nagku-kwento lang ako, makinig ka na lang.

ginibsungan daw siya ni papa God ng isang daks na bagelya na puro jokla. kaloka yon.

say daw ni all mighty en powerpul, "rumampa kez around da world in 80 days at may i spread ka ng mga tukling sa lahat ng sulok ng daigdig ... ok-ness?"

wa ko knows kung havs ba ng reward ang challeynj basta ginawa naman ng lolo mez ... fly fly siya kung saan saan, ma-shopos lang ang special task ni big brother. at parang si bonta clause, e may i jiwan siya ng jisang bakla sa bawat country na magorahan niya ... (at eventually, ang mga tuklang na itiz ang bumuo board of trustees ng unang miss gay universe pageant, TARUZH!!)

mejo bet niya lumafang ng slight kaya stop over muna siya sa viva chihuahua mexico at bumayla ng san dosenang burito. wit najonsin ng otoko na yung bagelya niya e najuksan, at na-shopon lahat ng mga tukla dooners, sa cuteeee na bayan ng juchita.

kaya simula noonchibelles, ang juchita ang city ng mga tuklas talino. kahit saan ka raw lumingon havs ng bakla.

at wag ka, nini, ang mga mudang at pudang sa lugar na itech ay super novena para ma-gibsungan silachi ng kahit jisaers na tukla sa pamilya.

sabay-sabay mga tukla: KAINGGIT NAMAN!!!!

blessing in da sky nga daw pag nagka-junakiz ka ng baklita.

ang saya! tukla si kuya, tukla si tito, bisexual si tatay .... ahahahaha ... nakaka-anshah! kakawindang! kakalokah to. hindi ko kinakayah!

havs pa nga daw, eto sabi-sabi lang naman, ng jisang angkan-angkanan dooners na mega-plentious ng mga tukla sa cast ng tanging yaman kaya feelingash ng mga sho-o-belles doonchina na mga royal blood sila ...

sabi niya: dugong royal tru orange?

bobah!

anywei, parang ang sarap lang tumira ditrax sa juchita, mexico. kahit dyutay lang siya, para lang sigurong bayan ng tikling sa rizal ahihihihi ...

sabi niya: maraming bakla sa tikling?

tonta! parang nga e! parang!

sabi niya: sa parang? uu nga, marami nga don ... lalo na sa plaza, pag gabi ...

grrrrrrrrrrr ...

sana jiniwan ka na lang sa baggestra!

Thursday, May 25, 2006

BITIN sa INERTIA

oi kups ... when in doubt, or when you feel a lot less urself, isipin mo na lang ang

macaroni ...

bad day ...

))<<>>(( ...



isipin mo lang na nasa iisang lugar lang tayo, hindi man natatanaw ang isa't isa, para na rin tayong magkasama. pinagdudugtong ng mga elemento ng mitolohiya ...

kasi ako, madalas, nalalabanan ko yung sariling sumubok ng bago, o anupamang anyo ng takot. kasi alam ko hindi mo ako huhusgahan, o at least hindi mo ipaparamdam o sasabihin sakin.

salamat sa mito ...

salamat sa motivation na higitan ang sarili ...

salamat sa pagbabahagi ng mga ideolohiya mo ...

salamat sa inspirasyong bumalik sa pagsusulat ... (pasensya at hindi ko masuklian ang inspirasyon dulot mo ...)

salamat sa mga kwento ...

salamat sa pangarap bumalik sa borang kasama ka ...

wala akong balak wakasan ang mito ... pagka't ang dulo ay hindi sapat na pantayan ang paglalakbay (kahit may moral lesson ...)

ang mito ay mananatiling mito hangga't ginugusto nating dalawa ...

eto lang ang kaya kong gawin, ang magpasalamat ...

while movin' up slowly ...

(ANG DRAMA MO WANDA! PURO KA "..." )

Saturday, May 06, 2006

A Walk to Remember (Sa Bora)

pagka-shopos mag barhopping sa mabuhanging nomohan sa bora at nang ma-achieve namin ang highest level ng kaantukan, nagdesisyon akiz at mga josama kez na mag walkathon na lang along da beach. para pag pawisan ng san mig light.

mejo tipsi-tipsihan na rin ang lola mo kaya go go go.

e wiz ko rin naman bet rumampage. nasa shala-shalahang parte kami ng bora. matataas na uri ng nilalang ang mga andoonchi. wiz nasisilaw sa powers ng singkwenta at biente. e wit ko keri chumika sa mga otokiz dooners, kaya loss talaga si atashi. dead ma.

kaya walkathon na lang talaga.

magkakaakbay pa kaming shotlo. super coolness ang tubig dagat. havs pa ng moonlight over aklan. very romantic.

wish ko talaga josama ko si marcus. o kaya si aldred. leche! si piolorific na to da highest level.

so say ni ate jean, ang gurlash na may pinakamalaking bagahe, habang naglalaro ang mga daliri namin sa katubigan ng boracay, "wow, ang sarap ng feeling sa paa."

as in super ngiti ang loka. saya-sayahan talaga siya, pwera alcohol. at in fairness, ang sarap naman talaga.

ilang hakbang pa, na-discovery channel namin kung bakit masarap ang feeling.

havs ng isang senglot na jumi-jingle bells sa dagat. di ko alam kung sinusulat niya ang pangalan niya sa tubig o sinusubukan niya kung gaano kataas ang aabutin ng jihi niya. basta umiihi siya at ang jihi niya may tunog. parang may tagas.

agad-agad kaming nag walk out sa tubig at go sa kabuhanginan, habang tawa nang tawa. kakaloka. madilim kaya wiz ko na-sight kung daks.

masarap pala ang feeling ha? bwahahahaha

itiz ang alamat ng tubig alat.

di end.

en dey lived happily ever after ... after maghugas ng mga paa.

kinabukasan, nag-swimming kami sa beach na yon. naka-inom pa ata akiz ng tubig don.

kadiri ba?

dead ma. nakapunta naman ako sa boracay.

Friday, May 05, 2006

Anung Tipong Dancer Ka?

nang jumuwetiks kami mula boracay (shala davah!) may i ride kami ng super ferry para slight mashogal ang biyahe. bet din namin magpa-pikchur-pikchur sa mga stand-up chuvah at sharon cuneta.

akiz ang salaring, ang nagpanukalang mag boat (kahit madalas ipalabas ang trailer ng poseidon adventure). feel kez kasi na hapi-hapi mag-travel with da friendships sa barku-barkohan. enjoy kahit di kalakihan, basta ka-join ang mga ka-friendster na truliling kakilala (pahapyaw sa mga nag-a-add ng kung sinu-sinu ... shet, ako rin pala yun hehehe)

so anyweiz, kabaliktaran ang nahita ng mga lola mez. boringgang-boringga kami sa barko na di nga talaga kalakihan. at ang gulo pa, parang tiyangge. at ang baho ng cr. sana lang ate showie bago ka mag-promote e mag enter da dragon ka sa mga kabanyuhan doonchi-belles bepor ka mapa-"sakay na."

bet na ng lahat mag-swim na lang pabalik sa bora, kaya lang najisip naming wala ni isang may dala ng compass at wala ring nagbringalu ng mapa ... plus madilim pa, baka sa kung saang isla kami ma-padpad.

so eklipany na lang ang drama ng mga hitad. e nang mag layla dee na akechiwa sa bed, saka lang nag sink-in kay atashi na havs pala akiz ng biyahilo. as in ibang level ito. wiz ko naman bet umeksena sa madlang pipol at sumuka, so run nancy navalta run akechiwara sa cantina na kung maglako ng relief goods e sobra pa sa tubong lugaw. no choice akez. desperada na aketching lumaklak ng bonamin kaya bumayla na lang si atashi kahit labag sa loob kez.

dooners ko lang din na-realize na yung cantina nung alas siete e nagiging night club pag hating gabi. puro mga masho-shondang nagno-nomo, nagda-danz showdown at nagpapaka-senglot habang akiz e hilung-hilo na kahit ang nainom ko lang e tubig dagat at P40 na softdrinks (overpricing davah!?!). na-orkot akez, itech din ba ang future ko? waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!

di ko alam kung high akez sa bonamin o ngarag lang talaga si atashi, nakapagsulat kasi akeiwa sa kapirasong joy bathroom tissue (uuuy, artist-artistan kunwari). sabi ko: nakakatawa silang lahat magsayaw. isulat mo itech, bakla!

doonchi sa gitna ng dance floor na-sight kez ang iba't ibang species ng mananayaw. nagtipun-tipon sila na akala mo e havs silachi ng convention. get ready, shout "bakla ako!" kung guilty ka.

mga pa-shy type
iteklavu ang mga pa-sweet at conserbatib na masaya nang nililipad lang ng hangin mula sa aircon, at akala na ng iba e sumasayaw na siya. (bakla aku!!!)

mga conyotic dancers
itech yung mga hindi mashadong gumagalaw. isa o dalawang parte lang n g katawan. minsan ulo lang. sasamahan ng leeg. o kaya papitik-pitik lang at sasabayan ng konting foot movements. minsan kakaway, kala mo havs ng kakilala from afar, perodanz step niya na pala yun.

mga second-rate dancers
hindi nawawala ang tipong itech. yung mga danzer-danzeran na tumitingin sa kabilang dulo ng disco at manggagaya ng pinaka-patok na dance step. tapos sasayawin nila iyonchi na feeling sa kanila galing ang step. ang kahpahl! (bakla aku!!!)

mga synchronized swimmers
pag pinagsama-sama mez ang mga second rate dancers, havs ka ng mga synchronized swimmers. itech yung jisang grupo ng mga dancers na kapwa nag gagayahan ng steps. madalas masa-sight mez itech na nakabilog. sabay-sabay nagche-change ng steps. nakakaloka sila. parang mga penguins. slight kilatiz mo lang, knows mo na ang pasimuno. pag nilublob mo silachi sa tubig, mas maganda sila tignan siguro.

mga stuck-ako dancers
itech ang mga kaawa-awang nilalang na na-stuck sa iisang panahon o era. may mga variation pa itech, kala mo. minsan stuck sa japorms, like gumimik nang naka-puting shontolon (heller!!! stuck in da 80's, are we?) o kaya naka-cobra hair gawa ng pang-aabuso ng ilang lata ng aquanet (na sanhi ng 90% ng global warming). kabilang din ditrax ang mga bigla na lang nag "i-swing mo ako" sa gitna ng "my humps." at feelingash nila cool na cool pa din ang macarena.

mga bahala-na-si-lord dancers
madali lang silang ma-sight. itrax iyonching mga adik at senglot na basta na lang ginagalaw ang mga galamay at galapaa para maka-sayaw lang. ginagaya ang pag-galaw ng mga bawat isa sa animal kingdom, tapos ipo-promote na dance step. dead-ma sila kung may nasasalanta sa kanilang attempt na mag-sayaw. azzz in!!!! maraming galit sa mga tipong itech. plentious nang namamatay na kuko sa paa at maraming natatapunan ng beerangga sa outfit dahil sa mga trying hard.

mga danz divahs
itech yung mga updated sa mga dance steps at performance level talaga kung magsayaw. akala mo e may production number at bigla na lang i-entra si manay maribeth bitchara together with pouting lips at forever tangga. kasama sa klasipikasyong itech ang mga ledge dancers na nagsusumigaw ng, "titigan niyo ako! titigan niyo ako! pawis na'ng kili-kili ko!"

mga dikitan-mo-ko dancers
may ilang ganitech na japorms pa lang, knows mo na kung aneklavich sila. mga biyatch!! may i dance ang mga itech na parang nang-aakit sa mga otoko within da area of responsibility para sasayawan sila at hindi na maghihiwalay. kala mo e havs ng malagkit na biko in between. silachi ang mga masters ng mating rituals dahil after nagkadikitan, nauuwi rin sa .... . sila din ang creative minds sa likod ng pag-iimbento ng damit gawa sa kapirasong panyo.

ok mga bata, assignment. gumora at mag visitation sa mga baylehan, shala man o jologs, all ober da republic op da pilipins. bringalu ng at least one example op each kind en be ready wit yor teyps. kailangan nila mag danz danz revo sa harap ng propesora.

o ano, ate showie .... sayaw na!