pagka-shopos mag barhopping sa mabuhanging nomohan sa bora at nang ma-achieve namin ang highest level ng kaantukan, nagdesisyon akiz at mga josama kez na mag walkathon na lang along da beach. para pag pawisan ng san mig light.
mejo tipsi-tipsihan na rin ang lola mo kaya go go go.
e wiz ko rin naman bet rumampage. nasa shala-shalahang parte kami ng bora. matataas na uri ng nilalang ang mga andoonchi. wiz nasisilaw sa powers ng singkwenta at biente. e wit ko keri chumika sa mga otokiz dooners, kaya loss talaga si atashi. dead ma.
kaya walkathon na lang talaga.
magkakaakbay pa kaming shotlo. super coolness ang tubig dagat. havs pa ng moonlight over aklan. very romantic.
wish ko talaga josama ko si marcus. o kaya si aldred. leche! si piolorific na to da highest level.
so say ni ate jean, ang gurlash na may pinakamalaking bagahe, habang naglalaro ang mga daliri namin sa katubigan ng boracay, "wow, ang sarap ng feeling sa paa."
as in super ngiti ang loka. saya-sayahan talaga siya, pwera alcohol. at in fairness, ang sarap naman talaga.
ilang hakbang pa, na-discovery channel namin kung bakit masarap ang feeling.
havs ng isang senglot na jumi-jingle bells sa dagat. di ko alam kung sinusulat niya ang pangalan niya sa tubig o sinusubukan niya kung gaano kataas ang aabutin ng jihi niya. basta umiihi siya at ang jihi niya may tunog. parang may tagas.
agad-agad kaming nag walk out sa tubig at go sa kabuhanginan, habang tawa nang tawa. kakaloka. madilim kaya wiz ko na-sight kung daks.
masarap pala ang feeling ha? bwahahahaha
itiz ang alamat ng tubig alat.
di end.
en dey lived happily ever after ... after maghugas ng mga paa.
kinabukasan, nag-swimming kami sa beach na yon. naka-inom pa ata akiz ng tubig don.
kadiri ba?
dead ma. nakapunta naman ako sa boracay.
Saturday, May 06, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment