akiz ang salaring, ang nagpanukalang mag boat (kahit madalas ipalabas ang trailer ng poseidon adventure). feel kez kasi na hapi-hapi mag-travel with da friendships sa barku-barkohan. enjoy kahit di kalakihan, basta ka-join ang mga ka-friendster na truliling kakilala (pahapyaw sa mga nag-a-add ng kung sinu-sinu ... shet, ako rin pala yun hehehe)
so anyweiz, kabaliktaran ang nahita ng mga lola mez. boringgang-boringga kami sa barko na di nga talaga kalakihan. at ang gulo pa, parang tiyangge. at ang baho ng cr. sana lang ate showie bago ka mag-promote e mag enter da dragon ka sa mga kabanyuhan doonchi-belles bepor ka mapa-"sakay na."
bet na ng lahat mag-swim na lang pabalik sa bora, kaya lang najisip naming wala ni isang may dala ng compass at wala ring nagbringalu ng mapa ... plus madilim pa, baka sa kung saang isla kami ma-padpad.
so eklipany na lang ang drama ng mga hitad. e nang mag layla dee na akechiwa sa bed, saka lang nag sink-in kay atashi na havs pala akiz ng biyahilo. as in ibang level ito. wiz ko naman bet umeksena sa madlang pipol at sumuka, so run nancy navalta run akechiwara sa cantina na kung maglako ng relief goods e sobra pa sa tubong lugaw. no choice akez. desperada na aketching lumaklak ng bonamin kaya bumayla na lang si atashi kahit labag sa loob kez.
dooners ko lang din na-realize na yung cantina nung alas siete e nagiging night club pag hating gabi. puro mga masho-shondang nagno-nomo, nagda-danz showdown at nagpapaka-senglot habang akiz e hilung-hilo na kahit ang nainom ko lang e tubig dagat at P40 na softdrinks (overpricing davah!?!). na-orkot akez, itech din ba ang future ko? waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!
di ko alam kung high akez sa bonamin o ngarag lang talaga si atashi, nakapagsulat kasi akeiwa sa kapirasong joy bathroom tissue (uuuy, artist-artistan kunwari). sabi ko: nakakatawa silang lahat magsayaw. isulat mo itech, bakla!
doonchi sa gitna ng dance floor na-sight kez ang iba't ibang species ng mananayaw. nagtipun-tipon sila na akala mo e havs silachi ng convention. get ready, shout "bakla ako!" kung guilty ka.
mga pa-shy type
iteklavu ang mga pa-sweet at conserbatib na masaya nang nililipad lang ng hangin mula sa aircon, at akala na ng iba e sumasayaw na siya. (bakla aku!!!)
mga conyotic dancers
itech yung mga hindi mashadong gumagalaw. isa o dalawang parte lang n g katawan. minsan ulo lang. sasamahan ng leeg. o kaya papitik-pitik lang at sasabayan ng konting foot movements. minsan kakaway, kala mo havs ng kakilala from afar, perodanz step niya na pala yun.
mga second-rate dancers
hindi nawawala ang tipong itech. yung mga danzer-danzeran na tumitingin sa kabilang dulo ng disco at manggagaya ng pinaka-patok na dance step. tapos sasayawin nila iyonchi na feeling sa kanila galing ang step. ang kahpahl! (bakla aku!!!)
mga synchronized swimmers
pag pinagsama-sama mez ang mga second rate dancers, havs ka ng mga synchronized swimmers. itech yung jisang grupo ng mga dancers na kapwa nag gagayahan ng steps. madalas masa-sight mez itech na nakabilog. sabay-sabay nagche-change ng steps. nakakaloka sila. parang mga penguins. slight kilatiz mo lang, knows mo na ang pasimuno. pag nilublob mo silachi sa tubig, mas maganda sila tignan siguro.
mga stuck-ako dancers
itech ang mga kaawa-awang nilalang na na-stuck sa iisang panahon o era. may mga variation pa itech, kala mo. minsan stuck sa japorms, like gumimik nang naka-puting shontolon (heller!!! stuck in da 80's, are we?) o kaya naka-cobra hair gawa ng pang-aabuso ng ilang lata ng aquanet (na sanhi ng 90% ng global warming). kabilang din ditrax ang mga bigla na lang nag "i-swing mo ako" sa gitna ng "my humps." at feelingash nila cool na cool pa din ang macarena.
mga bahala-na-si-lord dancers
madali lang silang ma-sight. itrax iyonching mga adik at senglot na basta na lang ginagalaw ang mga galamay at galapaa para maka-sayaw lang. ginagaya ang pag-galaw ng mga bawat isa sa animal kingdom, tapos ipo-promote na dance step. dead-ma sila kung may nasasalanta sa kanilang attempt na mag-sayaw. azzz in!!!! maraming galit sa mga tipong itech. plentious nang namamatay na kuko sa paa at maraming natatapunan ng beerangga sa outfit dahil sa mga trying hard.
mga danz divahs
itech yung mga updated sa mga dance steps at performance level talaga kung magsayaw. akala mo e may production number at bigla na lang i-entra si manay maribeth bitchara together with pouting lips at forever tangga. kasama sa klasipikasyong itech ang mga ledge dancers na nagsusumigaw ng, "titigan niyo ako! titigan niyo ako! pawis na'ng kili-kili ko!"
mga dikitan-mo-ko dancers
may ilang ganitech na japorms pa lang, knows mo na kung aneklavich sila. mga biyatch!! may i dance ang mga itech na parang nang-aakit sa mga otoko within da area of responsibility para sasayawan sila at hindi na maghihiwalay. kala mo e havs ng malagkit na biko in between. silachi ang mga masters ng mating rituals dahil after nagkadikitan, nauuwi rin sa ....
ok mga bata, assignment. gumora at mag visitation sa mga baylehan, shala man o jologs, all ober da republic op da pilipins. bringalu ng at least one example op each kind en be ready wit yor teyps. kailangan nila mag danz danz revo sa harap ng propesora.
o ano, ate showie .... sayaw na!
1 comment:
parang wala lang yung blog..pero na aaprepciate ko ang mga blog you.. ito ang pinagkakaabalahan naming basahin with my friends,, thanks for the blogs.. kakatuwa talaga pero di lahat..
at magaling ka, keep up the good work!!!
Post a Comment