Tuesday, February 28, 2006
Batibot, Da Hidden Neighbor
akez ang shopetbahay shopetbahay mez.
laging handang tumulong sa inyetch
knowings niyo aketch
knowings niyo aketch
aketch jisa sa shopetbahay
shopetbahay ninyetch ...
o mga otokiz at mga bilatchi-chinatown, knowings niyo ba kung sinetchuwara aketchi agbayani? wiz??!!
ay caramba!
akez ang friendly neighborhood parlorista na gumigibsung ng himala sa mga chakka. josama ang mga amiga kez na sina roxy at frida!!! wit niyo pa rin knows?
ay bobita!
akez ang shopetbahay nina pong pagong, kiko matsing at kuya bojie na madalas pumakyaw sa pancit ni ate sienna (ang totoo, lugi siya sa batibot kaya pumwestong jollyjeep na lang siya sa makati). pero pero pero never akez nabanggit sa batibot kasi harmful daw to your kids.
in-edit out ang pamimigay namin ng beauty tips sa mga batang itinadhanang ma-bully sa iskwela. wa na daw ipakita ang mga tukla, baka maconfooos ang mga bata!
"tay, bakit si wanda mukhang lalaki pero naka-damit babae? nalilito na po ako, tay? parang ... gusto ko siyang ... tularan!"
echingera! wiz naman ganon sa personal.
mas matatalino na mga junakers ngayenchi kesa sa inaakala ng madlang pipolets. minsan nga mas marami pang alam ang mga bagetz kesa sa mga tander boltz and lightning.
may batang dukhang namalimos samin ni frida sa roxas, e di ko talaga bet mamigay ng vharya sa mga fulubi. basta bawal. so sabi ni frida sa gusgusing bagetz,
"wala ngang barya e ..."
"chu***n mo na lang ako, BAKLA!?!" sabay shokbo ng hampas lupa na mukhang otso anyos pa lang ata. grabeh davah!!!
at bakit yung jisaers sa mga weirdong teletubbies na yan. si tinky-winky, yung kulay purple. o davah! vecky'ng-vecky. wiz siya color violet, furple as in furple para kitang-kita ang veykla effect.
si tinky-winky e jisa sa shopat na batang alien na lulurki daw pero ang favorite niyang toy e handbag in pok pok red pa ata. landi noh?
ang point, wa itech sa kung sineklavu ang napapanood sa tv. nasa mabuting pagpapalaki at pagpapaliwanag yanchi ng mga maderaka at paderaka ninyetchi.
"anak, ganyan talaga si ricky reyes, favorite niya ang shining shimmering na turtle neck."
"anak, si roderick pag hindi ita, igorot o host sa pera o bayong e bakla talaga ang role niya. buhat nung 80s pa. minsan minsan e tiyuhing sobrang strikto ... kasi may tinatagong kabadingan. so ... bading pa din. typecasting ang tawag don."
o ano ka ngayon?! echos!
so knowsline mo si atashi? keri keri lang, one more time with feelings!
Monday, February 27, 2006
Wanda, Ang Pulis Pangkalawakan
at dahil dyan, kahit elemantary pa lang ako e hindi na siya nawawala sa mga tsismisan namin non sa tuwing recess. "nakita mo ba yung panty ni annie kagabi?"
"oo, kulay white."
"last week color yellow."
"dalawa lang ata panty niya e."
siyempre happy akez nang ma-sight kez uli sina alexis at ang jipelya niyang blue, si dr ang at ang alaga niyang pigalet, yung mga multi-colored amazonistas na sobrang kapal mag eye shadow (sila ang sinaunang japanese version ng sex bomb dancers), at si ida at yung mga itlog ni 3-eyed fuma leyar.
institusyon na din ang praise song na madalas kantahin ng mga alipores ni fuma leyar. may dance number pa ito. "hu shigi-shigi wa ka mashigi nuwa ... shigi-shigi ... hu shigi wa ka ma shigi keto keto keto keto hu hi-hi hi nu wa ... hi-hi hi nu wa ..." ow ebribodi now!!!
ginamit nila itech dati para getlakin ang mga bagetz sa bayan. kaya nang may gusto aketch ipa-bayla sa mudang kez at wit niya bet, imbis na mag-maasim akez ay sinubukan kong kantahin ang praise song. wa epek, nagmukha pa akong shonga-shonga.
sa lahat ng mga kasabayan niya, si shaider lang ang wit na-endingan. nagpalipat-lipat na ng channel, at nabago na ng timeslot wa pa din ending. nagpalit-palit na ang mga miyembro ng power rangers e waiting for tonight pa rin si atashi forever.
ang bioman na-shopos nang hindi kinaya ni dr mann ang reunion nila ng tunay niyang anak kaya nag self destruct siya habang may i escape naman ang biomen.
ang maskmen naman, at hindi lahat naka-watch nitech, e nag wakas nang mag away-away ang mga taga-imperyo nang mabunyag ang lihim ng emperador. taruzh noh?!! parang soap opera. kasi ang tunay na tagapagmana ng imperyo ay ang kambal na sina igamu at rio. si igamu un goth-gothan na tibo at si rio yung gelay na ikinulong sa isang bloke ng yelo na ka-love team ni red mask. madalas silang manakbo sa kalsada at nagsisigawan ...
"michael joe!"
"rio!"
"michael joe!"
"rio!"
"michael joe!"
"rio!"
"michael joe!"
"wanda!"
"michael joe!"
"rio!"
"wanda!"
"rio!"
"micha ... sino ka ba?" hehehehe
anyway, dahil nga si rio at igamu ang dapat namumuno sa imperyo nag laban-laban sila. hapi ending. tapos nag sayaw ang buong cast sa isang resort sa batanggas habang kumakanta ng "together forever," version ni kuya dick.
sa shaider kasi na-shopos na siya nung nasa nazca peru na si shaider para ma-discovery channel ang lihim ni fuma leyar. may hinimas himas siyang puntod kung saan may lumabas ... na isang pana. tapos abangan na next week ... na wichikels namang dumating. kainis.
at alam niyo bang shoktay na nga si alexis. as in yung jortistang gumanap sa kanya. cancer of the liver daw. baka manginginom kasi. sa bagay, pulis pangkalawakan siya. lahat naman ng knows kong julis e manginginom. pero bago siya ma-deadlak, e gumanap pa siya sa isa sa mga ultraman.
si annie naman daw e natuluyan nang mag bold. siryoso itech. na-readsung ko sa mga website sa net. di na akez nagtaka. baka stepping stone niya lang sa pagpapa-sexy ang mga panty shot niya sa shaider.
pero sana ma-shopos na ang shaider dis tym. kasi andaming questionnaire na may i look for kasagutan.
buhay pa ba si shaider na naka-survive sa mga monstrosity na nakalaban niya pero hindi niya kinaya nang ma-pana siya?
ano ang lihim na weakness ni fuma leyar? kryptonite, ang bidyo teyp ng da ring o ang diary ni tiyo kardo sa mara't clara?
ano ang mangyayari kay annie? may lihim ba siyang pagtingin kay alexis?
may feelings din kaya siya kay dr ang na inlababo sa kanya?
si ida ba e gelay o lulurki? o siya ba ang nawawalang winner ng best in costume award sa ms gay pateros?
matututo pa kayang mag make-up ang mga amazonistas? magkakaroon din kaya sila ng album with da carrier single "hu shigi-shigi (d remix)"?
ano nga ba'ng mga apelyido nina annie at alexis?
at si wanda kaya e magkakaroon rin ng lisensiya para maging pulis pangkalawakan?
dahil ang strategy kez e may i look aketchiwara sa flying pyramid na homebase ni fuma leyar. tapos tutusukin ko yung mga mata niya isa-isa. ano bang mahirap don e yung kalaban naman e forever nakadikit sa dingding.
actually ang lihim na weakness niya e eyemo ... para sa tatlong mata ni fuma leyar. gets d red out in 60 seconds ... tignan lang natin!
Sunday, February 26, 2006
Ang Pag-OUT ni Chakka Doll
tenkyu tenkyu sa pirated dvd ng jowang isda ni roxy na si lee boy. oh wat a night, talagang wiz akechi naka-borlogs sa tili-an at tawanan nina frida at roxy. kala ko havs sila ng orgy kasama mga constru at pa-toda sa kanto, kaya lumabas ako dala ang bidyo cam.
pero wa ko na-sight bukod sa nakaka-orkot pero slightly cutee-pie na si CHAKKA DOLL!?!
si CHAKKA DOLL ang anak ni CHUCKY (mula sa pelikulang child's play na nakikipag-paramihan ng sequel sa shake, rattle and roll) at ni TIFFANY na unang lumitaw sa bride of chucky. kaloka ang pamilyang itech. pamilyang bayolente. pero si chakka doll nagmamaganda lang. talented at marunung mag hapon, "chin chin taberu, otokosan."
wala talaga akong intensiyon manood kasi patapos na nung lumitaw ako sa sala. natawa lang ako sa mga binitawang salita ni chakka doll sa isang unforgettable na eksena.
ganito kasi yung kwento ayon sa pagkakaintindi ni roxy.
si chakka doll, ang pangalan niya talaga e glen.
"mali-mali ka naman mag kwento. glenda ang pangalan e!" singit ni lee boy.
nagtatalo daw kasi sina chucky at tiffany kung si chakka doll ay gelay o otokiz. kasi may pagka-trans nga naman ang fez niya. at may i debate sina mare't pare kung anek ang name-sung ng junakiz nila.
gusto ni chucky "glen" ang unico hijo niya. bet naman ni tiffany e "glenda" ang dalaga niya. hanggang sa uminit ang chikkahan ng mag-josawa na muntik pang ma-uwi sa sapakan.
itech ay nagaganap habang havs sila ng hostage.
ang ending, nag moments si chakka doll. baklang-bakla talaga, eksenadora. at ang say ng lola mo, "vahkit puro kayez na lang nang kayez ang nasusunod? paano naman akez? paano ang gusto kez?"
"anech ba ang gusto mez, jonakiz?" phone in question ng mujai niyang naka-damit pangkasal pa din.
"bet kong maging otokoiz." hapi-hapi si chucky.
"pero minsan ... bet ko din maging gelay." naloka si tiffany. at ako. "minsan feelingash ko na boylet akez. minsan naman feel ko na gurlalu akechiwara. inay, wit ba pwede maging pareho?"
taruzh ang coming out story ni chakka doll noh? siyempre nag-wala ang paderaka niya, to the rescue naman ang mujai.
parang gusto ko rin ng ganitong kwento. confused pa kunwari. pero wit ako paniniwalaan ng mujai at pujai kez.
"ANO? Hindi ka pa sigurado sa lagay na yan e nagtayo ka na nga ng parlor e!" say ni papa.
"anak, kami na mismo ang magsasabi sayo ... bakla ka." say ni mama.
ang ending ng pelikula e nag shoktayan silang lahat. pero may naka-survive, wit ko na iku-kwento ang iba kasi nakaka-jiritasyon iyonchi para sa mga sho-obelles na wit pa nakaka-watch ng seed of chucky.
gaya nitong si lee boy. napuyat na nga akez, kinukulit pa akeiwa sa gitna ng panonood. "abangan mo yan ... tignan mo yan o ... ganito kasi nangyari dyan kanina ... naku, mamamatay yang lalaking yan."
"i-kwento mo na lang kaya!?!" sa sobrang irita ko.
humarap sakin si lee boy at sinimulan niya sa umpisa ang pagkwento. as in child's play part 1.
nagkunwari na lang akong nakikinig.
"bakla, ba't naka-ngiti ka?" tanong ni roxy.
ini-imagine kez kasi na pinagtutulungan si lee boy ng pamilyang chakka doll.
Friday, February 24, 2006
Welcum to Club Hombre
an exclusive chatroom for straight guys and trippers ONLI
beware gays, bis and screaming faggots
ur not welcome here ... go make ur own chatrum
[wanda]m: hey hey
[wanda]m: mga kakosa, pls visit my site @ www.anggandaniwanda.blogspot.com. id appreciate any comments on d msg board from you, guys ... dahil si kuya, ka-baklaan mo
[OPS]: warning [wanda]m. gays are not allowed in club hombre
[wanda]m: fine!
[wanda]m: parang barker ng fx. isa na lang tatakbo na!!! hehehe
subokopre: lukin 4 buddy in ortigas. im in opis now. mit tau later, trip? no effems nd chubs
[wanda]m: asus. im sure hindi sau yan pic na yan
bareback/mt: cnabi m pa! kilala ko un may-are nung pic n gnagamit nya
bareback/mt: guys bware of fakers
[wanda]m: chatrum 2, asa ka png walang fakers
[wanda]m: daks ka ba talaga? @ /DAKOako/
bareback/mt: guys bware of fakers. bware of /DAKOako/
hotrod69: tayuman eni1, got place here
subokopre: lukin 4 buddy in ortigas. im in opis now. mit tau later, trip? no effems nd chubs
[=CDKING=]: selling man2man VCDs. P100 per movie, order must be at least worth P300. may deliver at home, if u lyk. pvt me 4 orders
[wanda]m: wala ;p
[wanda]m: nami-miss ko un tym na matino pa chatrum
[wanda]m: nun tlgang chikkahan portion lang
[wanda]m: xchange of ideas
[wanda]m: nun in na in ang parenthesis at semi-colon pra mkagwa ng smileys
[wanda]m: at ang eyebol e eyebol lang, ndi SEB
[wanda]m: pag minsan GEB para maramihan. ndi orgy
[wanda]m: ; - p
stud4hire: c===8 lukin 4 crius takers onli, P1500 - P2K got place pa
mktiDUDE: makati any1?
[wanda]m: naman pakman gulaman! malaki populasyon ng makati. malamang meron!
/DAKOako/
QT4QT: lukin 4 real long term relationship. NO SEX msgs PLEASE. 22m valenzuela. please giv nasl stats and pic. must be cute. not cute, don’t bother
[wanda]m: ano b un?! lukin 4 real relationship pero must be cute … parang may mali
QT4QT: wlang pakialaman
QT4QT: lukin 4 real long term relationship. NO SEX msgs PLEASE. 22m valenzuela. please giv nasl stats and pic. must be cute.
[wanda]m: ayw mo b kay bareback mt? mukha daw kalyo sa paa ... QT naman db?
jo_trip: cam2cum jackoff any1?
[wanda]m: taruzh, high tech n trip itu … cguro chakka kayo kaya wit niyo bet live ahehehehe
jo_trip: wag ka pakialam. BAKLA si [wanda]m!!
[wanda]m: hahahaha pare-pareho lang taung lahat. wag na tau mag-lokohan
[wanda]m: bakla na ko, wag na ko baklain pa
[OPS]: 2nd warning [wanda]m: gays are not allowed in club hombre
subokopre: lukin 4 buddy in ortigas. im in opis now. mit tau later, trip? no effems nd chubs
sau_lng2bro: mit tau bro. ur place or my place
[wanda]m: sau_lng2bro & subokopre, sbukan nio magkta. nick pa lang compatible na
chubchasers: eni chub chasers in d rum?
stud4hire: c===8 lukin 4 crius takers onli, P1500 - P2K got place pa
[wanda]m: ok bentahan d2. magka-level lng ang pirated cds at ka-sex
[OPS]: warning stud4hire dis is not a sex channel. dont sell sex here please
dip_throt: duh!
dip_throt: so its ok 2 luk nor advertise 4 sex, but no money involved?
dip_throt: wuts d diff?
dip_throt: hypocrites!
[wanda]m: hahahaha anufaflu!
[wanda]m: warning dip_throt. bawal d2 sa club hombre ang may sense ... joke joke joke
*[wanda]m was kicked out by [OPS] (reason>>>> bawal bakla d2 dude)
Thursday, February 23, 2006
Es-barro o Sa-barro?
hindi kami nag-iimikan. sobrang jingay ng mga madlang pipol sa paligid-ligid, habang silent movie ang drama naming dalawa. tamang mga kalansing lang ng kubyertos sa pinggan. napaka-cinematic.
nasa sbarro kami sa may glorietta. fave ko lumafang ditech forever and ever. pero ever since the world began, wit ko knows-line chinatown kung paano binibigkas ang nyongalan niteiwa. kung es-barro ba o sabarro.
kaya pag tinatanong ako kung saan ko bet kumain, sinasabi ko lang e, "don sa may baked ziti at picha."
20 minutes na kaming lumalafang. at nanlaki mata kez dahil mula nang umupo siya e hindi ko mahabol ang pagsinghot niya ng pagkain. panay pa ang lingon niya sa relo at parang nagmamadali.
pareho kaming nakatitig sa far away LA. wiz ko ma-getz kung anek ang mali. wa naman kaming pinagtalunan o pinag-warlahan. pero nakatingin siya malayong kaliwa, ako naman sa malayong kanan. hindi nagsasalubong ang mga tingin namin. ever.
nakakalungkot lang.
pero pa-slight slight sulyap ang lola mo sa otokiz na kamukha ni tj trinidad, pero medyo nagka-laman lang konti ang pisngi. di ko alam kung shala talaga siya, pero kasi matino ang hawak niya sa tinidor at knife. hindi pilit, hindi pretentious. so parang sa mga aso, alam mo agad na may breeding. at may pagka-nerdita ang dating niya pero ang cute habang hinihigup niya ang spinach lasagna.
napa-buntong hininga na lang ako. kasi alam kong gaano ko man siya gustuhin ... e gusto ko talaga siya. ewan, ganon talaga.
hindi pa ubos ang linalafang niya e parang bet niya nang mag stand up at gumora.
"sana nginuya mo naman yung lafang mez," payong kaibigan ko sana.
ang ending e tinanong ko sa kanya ang madalas kong tinatanong sa mga nakaka-joinsung kong lumafang ditech.
"hey!"
"excuse me?" patay malisya pa kunwari siya.
"anong tawag mo sa fastfood na 'to ... es-barro o sa-barro?"
"err ... i think its sa-barro. im not sure though," inglisera pala ang hitad. wit na akez nagulat. "i saw this movie, one time, and they said sa-barro. so i think it is sa-barro. i think, ha?!"
"nice. bery impormatib." sabi ko, at umalis na ako bago pa ko mangisay at magdugo ang mga tenga.
kung gaano kami kabilis na nagkasama, ganon din kabilis kami naghiwalay. di man lang umabot sa isang linggong pag-ibig.
ganito kami nagsimula. mga 20-30 minutes earlier:
ang daming tao sa sa-barro. ayan ha. nagka-ubusan na ng jupuan.
"excuse me. is this seat taken?"
"ay! ... wala. sige lang." sagot ko, sa gitna ng pag-nguya ng picha at baked ziti.
umupo siya at tahimik naming shinopos ang kanya-kanya naming lafang. hinigup niya pala yung kanya.
at imbiyernez na aketchiwara-a dahil ang tagal dumating ng utol ko.
Ang Hipon at ang Boxi Driver
"tignan mo, kid, yung t-back nung bebot ... itim o."
humaba kunwari leeg ko at super sight sa gelay na tinuturo nung boxi driver.
may gulat factor kahapon nang sumakay akechi-agbayani sa boxi-lu niya kasi wit pa ko naka-getching ng drive-sung na makati pa sa gabi. usually naman ang mga boxi driver bet pag-chikkahan ang politika at buhay pinoy. pero itech, kaka-iba. hindi ko talaga kinakaya.
"kanina ko pa sinusundan yan e. sa ayala station pa."
as if naman interesado akez kaya puro "talaga?!" na lang nasabi ko ... at susundan ng "aaah!" wa knows ng driver na ang ka-chikkahan niya e tukla.
"ganyan talaga, kaya nag puting pantalon yan e, para mapansin yung t-back niya. para kahit don man lang mapansin siya. tignan mo naman kasi, kid, yung mukha niyan ..."
may halong yabang tong sho-eng itech.
at huminto talaga siya mapa-sight niya lang sakin ang fezlak ng bilat. pasok sa banga!?! isang naglalakad na hipon sa makati ang na-sightsung kez. maganda ang shotawan pero itatapon mo ang ulo.
"taga saan ka ba, kid?"
ba't ba niya ako tinatawag na "kid"? kaka-irita. "marikina ho, manong ..."
"ay p***** i**, may hinatid ako banda diyan nung new year. babae, dalawa. sexy, kid! tapos niyaya akong uminom. ang lupet!?!"
"aaah, talaga?!" minsan kino-combo ko sila para may variation.
"easy mga babae sa marikina, kid. konting kiliti mo lang dito, konting hipo doon, nagpapa-kana na. baka naman may mga kakilala kang pwedeng kana-in jan?"
"easy" ... "kana-in" ... dekeda '70 pa ata yang salitang yan. wala nang gumagamit niyan, di ba?
"aaah, talaga?!"
"bakit, may kakilala ka nga?" parang bigla siyang tinigasan.
"wala po, manong. hindi naman ako pala-labas." chakka ng dahilan ko. wa na ako maisip e.
"ikaw pa? sa ganda mong lalaking yan, maraming papa-kana sayo, kid ..." sabay tawa.
naiirita talaga ako sa salitang "kana." wish ko na sanang bumaba.
hindi ko alam kung pinagtawanan niya ako o natawa rin siya sa salitang "kana."
"sama ka sakin, kid, minsan. nakow! pipilahan ka ng mga bebot samin, sigurado yan."
pwes! puputulin ko na agad ang pila. ngayon pa lang.
"baka naman ibang pila yan, manong." wit ko rin knows kung anong ibig kong sabihin don.
"nakow, kid! pati bading pipilahan ka!?!" tawa uli.
ay ... naging interesante ang usapan nang near, far wherever you are na akeiwa sa makati.
"wag niyong sabihing namamakla rin kayo, manong?"
"nakow, kid! bibig ng lalaki, bibig ng babae, pare-pareho lang bibig yan. minsan lang naman, pag walang-wala rin ako. masarap na nga, may pang lugaw ka pa." narinig ko na yang excuse na yan.
at nag-kwento siya tungkol sa mga "easy"ng baklang na-"kana" niya sa kanila o iba sa mga pasahero niya. proud na proud siya at akala niya nai-isahan niya yung mga bakla.
pero kasi kung iisipin mo talaga, siya 'tong nalamangan ng mga tukla. kaya nang bumaba ako sa boxi niya kahapon, feeling empowered ang lola mo.
Wanda, Repeat to Fade
super wuk-up ang lola sa showag ng shopatid kez. may i borrow daw siya ng andaluz kasi na-short siya at wa na siyang pam-paylalu sa renta ng balay niya.
kahit dukha lamang aketchi, nag "yes, we can" ang lola mo.
nahiya pa kuno ang loka. pero davah, sinetchuwara pa ba ang magtutulungan? duwachi na lang kasi kami dietchu sa pilipinas dahil ang buong cast ng tanging yaman ay gumora na sa US of A para mag maganda.
binalak ko na rin jumoinsung noon para sana after 3 years, jenglish speaking na si atashi at jujuwetiks akez sa pinas para mag-guesting sa show ni kuya germ (WALANG TULUGAN!!) shopos magso-showbiz akez ahihihihi tapos non mabibilang akez sa mga artistang na-tsitsismis na bakla. at nagka-parlor pa. winner!?!
pero kasi orkot akez mag fly fly into the sky. at since hapi naman akez diteiwa, nag-stay na lang ang lola mo. at nagtayo pa ng parlor. ang sisteraka ko naman wa jumoin kasi may i ask ang jowawiz niya na maglive in na silachi. walang nakaka-hindi sa jowa niya. kahit nga wit niya ako tanungin u-oo agad akez e.
pero secret lang namin yon kasi mabu-boogie wonderland siya ni maderaka. im sure, magpapasilid si ermat sa loob ng balikbayan box para makabalik lang ditech at makyompal-kyompal niya ang sisteret ala bella flores. kaya silent na lang akez kasi wa din knows sa states na havs na aketchiwara ng parlor sa village namin. so quits lang kami.
malandi din kasi 'tong utol ko.
na-remembrance kez noonchi nung hayskul pa kami pareho, geraduating akez at fresman siya. nagka-jowa itech na tiboli bar. yeiz! anufaflu!?! nakipag-on siya sa kadugo ni bubbles "ativan gang" sanchez. palibhasa exclusive school for gerls.
e na-exposey at nalaman ni mudra na havs siya ng kyomboy, siyempre nag warlatik si mudra.
nagising akez sa jingay ng mga talakitok at mga di na makilalang cryola. so gora akez sa sala kung saan nagganap ang sakuna.
"ano ba yan?!! ang ingay niyo naman!?!"
"alam mo bang nakikipag-syota sa tomboy tong kapatid mo?"
"huh?!" patay malisya ang lola. um-iba ang tingin sakin ng sisteret kez. di ko ma-alala kung nakiki-usap siya na mag-quiet si atashi o pinagbabantaan niya akez.
"ano na naman yan, ma?"
tumalak ng todo ang mudra kez. isa sa mga super powers niya yan. kabog davah! manghihina ka talaga sa kakatalak niya. muntik na ata siya ma-recruit sa xmen noong ka-dalagahan niya pero hindi rin siya kinaya nung recruiter. nanghina bago makapagbigay ng application form.
hindi niya talaga sinummarize yung napag-usapan nila ng utol ko. inulit niya sakin ang buong minutes of the meeting. ang ending ...
"ikaw! dahil nakakatanda ka, pagsabihan mo 'tong kapatid mo. kasalanan yang makipag syota sa tomboy. kasalanan yan! mapupunta kayo sa impiyerno ... naku ... kasalanan yan ... kasalanan talaga 'yan ... " repeat to fade ...
naloka ako.
hindi na ako nakapag-salita. ayokong magpaka-ipokrito at sabihing, "naku, kafatid, masama yan ... kasalanan 'yan ..." repeat to fade also ...
at alam na ng utol ko na magkikita kami sa impiyerno.
and we lived happily, with each oders sikret, ever ... as in ever.
Tuesday, February 21, 2006
Powers ni Ate Regine
so boringgang-boringga akez sa tamaraw px. at na-memorize ko na mga jokes ni kukurukuku na nakaka-imbei talaga.
bet ko na sanang mag walkathon kaya lang pabigay na suwelas ng shoesizes ko. so linafang ko na lang nag huling snow bear sa bulsa kez.
buti na nga lang may kasakay aketchiwarang otokiz na gwapo. kahit papaano, may distraction.
sa gitna siya naka-jupelya. akez sa may likuran. pero nasa-sight ko gilid ng fezlak niya. actually hindi, pero gumagawa akez ng paraan. at trublue nga, tagiligenic siya. mukhang galing trabaho kasi havs ng mga jenvelope at kung anek-anek fah. pero ang bango pa din. hindi lahat ng haggard from work e mabango pa din. kaya chinekan ko siya.
nag desisyon akong cruzhness ko siya. final answer na po.
at gaya sa mga pelikula, tumugtog sa radyo ang dadalhin kita saking palasyo by ate regine. parang soundtrack ng buhay ko. feeling ko tuloy havs ng mga camera sa px kaya prumoject tuloy ang lola mez. super pa-cute pah! kung andon ka, pinanguya mo sakin yung swelas ko.
nang mag-chorus na, nag-chorus din ang mga pipolet sa px. siyempre, papahuli ba akez. bihira lang ang mga kantang ganyan, yung napapakanta lahat ng sho-obelles sa loob ng px (dati naman livin la vida loca ni ricky martin).
kanya-kanya ng pagkanta. yung iba nakatinigin sa malayo. yung asa tapat ko, nakapikit pa talaga. at meron din mahina lang, ayaw pang pahalata.
at out of the blue, kumanta rin ang otokiz. akala ko nga bigla siyang lilingon kay atashi at magjo-jowet kami. ay WIZ!!?!!
kinabog pa niya ang lola mo.
suming-along ang otokiz. pigil na pigil pa. PERO NAKA-FALSETTO ITECH!!!!
hahahaha ... kinabog ang lola mo. sobrang tawang-tawa akez. kasi may effort na pangtayan si ate regine.
standing ovation si atashi. panalo siya. chinekan ko uli siya. talagang i-finalsetto niya ang buong chorus hanggang coda.
in fairness, nabulag niya akez. wit siya na-detect ng gaydar ko.
ganyan ang powers ni ate regine o kaya ni mariah, at minsan si rachel ann go. nalalantad kung sinech ang mga ka-baklaan ni kuya.
na-realize ko, wiz pala mashadong boring ang biyahe ko. ive had worse.
after non pinatugtog ang ye ye bonel ni april boy.
tumahimik lahat at panay bulong, "TSK! 't*** i**, ang trapik ... pinoy big brother na."
Monday, February 20, 2006
10 Utos ng Pami-mick Up
mga mahahalagang latak ng lumipas na gabi-e ...
itech ang ilan sa mga reminders na ginivsung ng tropang joding kay gary. na ayaw umaming na-byongkang siya ng nyolbam kahit obvious namang kaliwang pisngi lang ng juwetra niya ang naka-jupestra.
o itech na ang propesora. shondaang maigi iteiwa mga tukla:
1. mag-research. alamin kung saan sila tumatambay at kung how mash ang palitan ng piso sa dolyar. apektado yon, maniwala ka. planuhing maigi ang mga susunod na pangyayari. saan, paano, sino at hanggang magkano lang ang kaya mo. wag gumamit ng concept music, baduy. iwasan ang pagsisindi ng mga scented candles o insenso. masama ito sa baga.
2. matutong makipagtawaran. gaya sa mga tiyangge. ikumpara ang presyong hinihingi sa over all impact ng nyolbam. baratin hangga't maaari. kung maganda ka, subukang gamitin ang beauty card. minsan nadadala ito sa ganda lang. taruzh! pag ganon, bibigyan kita ng crown at septer (tama ba spelling?).
3. kung keri mo, wag magsabi ng totoo sa na-pick up mez. mag-nanette imbentor ng pangalan, kabuhayan at nakaraan. pag naging honestness ka, lagot ka. kasi baka sa huli ma in love ka. dahil kasi nag-open up ka na at up close and personal na kayins. pag nagkataon, wag mangamba. follow the lider sa mga sumusunod: subukang hawakan ang ulo sa magkabilang gilid at i-umpog sa pader nang magising. pag tumulo ang dugo, mali ang ginagawa mo.
4. makinig sa sinasabi ng lulurki mez, pero wag maniwala. im sure in-ispluk niyang berday niya. o kaya first time niya. na hindi niya talaga ginagawa yon, nagkataon lang ala siyang andabelles. may sakit isa o pareho sa mga magulang niya. o ulila na siya. in the end, kinukuha lang niya simpatiya mo. bumenta na yang drama na yan kay hero once upon a time together wit da alamat ng champorado tuwing xmaz zeezons. pag ayaw kang tigilan hiritan mo, "wala ka sa lolo ko ..." at mag imbento ka na lang.
5. may i watch ka ng midnight dancers, macho dancers, masahista, toro at kung anek-anek pang pelikulang konektado sa pagbibigay serbisyong publiko. bahagi yan ng research mo. para knows-line mo na ang dramamhin nila sa buhay. para hindi ka tatae-tae pag front-back-center na kayeza. at knows mo na ang mga typical na linya nilachi. nasuportahan mo pa ang industriyang pelikulang pilipino.
6. maligo at gumamit ng kung anek-anek na proteksiyon. isama ang bawang at bendita. kung kinakailangan, pakuluan sa tubig ang lulurki, go lang, bago itech budburan ng betsin. pag nangisay, bakla ang nabingwit mo. sori ka! throw mo uli sa oceanus bago kayo magka-lasunan.
7. wag mag atubiling i-text sa kaibigan kung ika'y namick-up at kung nasaan ka. para aneklavitch man ang mangyari sayins, may makakapag pa-interview sa tv patrol tungkol sa kagahamanan mo sa otokiz. banggitin na rin kung sinechuwarang jortista ang bet mong gumanap sayez sa maala-ala mo kaya. iwasang ma-wrong send sa magulang kung ayaw mong maboogie wonderland ni tatay.
8. hangga't maaari, wag ka nang mamick up. sa panahon ngayon, bawal magwaldas. bawal magkasakit. bawal mamick up nang hindi nagse-share. so dodoble pa ang gastos mo. kung gusto mo talagang i-ahon sa kahirapan ang ating mga shopatid na majijirap, wit mag-concentrate sa mga gwapo at pa-hada.
9. kung feelingazh mez na hindi kumpleto ang childhood mo nang wit ka nakakatikim ng nyolbam, then go. mamick-up ka. at kung gusto mo ng pagkukumparahan, gumetlak ka pa ng isa. pero kung na-jujubos na ang okane-belles mo at wa ka na ma-lafang, signus na yon na adik ka na at harmful ka na sa ekonomiya. manood ka na lang ng pelikulang madalas ipalabas pag semana santa sa dos.
10. at wag mong kalilimutang sila ang may kailangan sayo. kung tutuusin, wit mo sila kailangan para ka lang sumaya. kahit nagamit mo sila o nagamit ka nila, tao ka pa ring maraming anjus na pwedeng aksayahin.
Sunday, February 19, 2006
I LOVE U, PIOLO!?!
ang pinakamamahal kong si piolorific ay nagbabalik on national telebizhun!!!
may bago siyang soap. at mukhang kakakilig ang story. itech, sa piling mo in a nutshell:
bulag si piolorific (ang pinaka-wafung bulag na na-sight kez) at kababata sila ni juday. nang mao-onda na sila, may i pakasal sila. complete with wedding gifts, priest at mga ninong at ninang. pero nang malaman ng dating ulah (ang batang gubhat) na dangerous ang lagay ng mga beautiful eyes ni piolorific, nag-paka oceans 11 ang lola mo kahit jisaers lang naman siya. mukhang bobah ata ang gurlash, so in the end nakulong siya. kala ni piolo jiniwan na siya ni juday sa terminal ng bus kaya may i cryola ang otokos sa gitna ng madlang pipoletz.
after 48 years nagkita sila uli. siyempre dami na nagbago. yamin na sila pareho at may kanya-kanya nang ka-jowaan. ang problem, si judy ann aligaga kasi apekted siya pag nakikita niyang masaya na si piolorific sa piling ni rica, na ang role e ricah talaga kaya napagamot niya si piolo kahit wiz lumalapit sa kapwa ko mahal ko. si lulurki wa niya knows na si judy ann at ang ulahng pinakasalan niya e iisa kasi nga bulag siya nung mag-"i do" sila.
ganon. at sa laguna pa ata sila shoot. kasi matagal niya nang nachi-chikka iyanchi sa akin pag nagte-text siya.
kurek! flangganah! pasok sa banga. textmates kami niyan ni pj, wag ka?!! minsan mms pa, kabog davah!?! at every 2 weeks, pag wit siya bisi-busyhan e call-galore talaga yan. at wichikels ko pa binubura mga text niya. baka kasi kontrahin mez.
azzz in!?! mashogal ko na talagang love yan. lumabas pa lang siya sa batang fx (fx ba yon o batang px?). basta, top 1 yan sa mga pantasya ng lola mo, kasunod ni marcus.
at ang nakakainis, feelingash ko e talagang pinaglalayo kaming duwachi. mga friendships ng lola mo na-sightsung na siya. 1 million times na. yung friendship ko pang si gary, na na-binyagan ng lulurking taga-circle kama-kailan lang, may picturaka pa together!!??!! akez wa. wiz. zero. nadah!?! wishing ang hoping lang.
ay, minsan lang pala. nung nagte-thesis akeiwa tungkol sa star circle quest. may i watch akez sa aliw theater. at trulilie, na-aliw aketchiwara. kapanahunan ng dreamboy yon. sing-alu silachi ni bea. jiritation akez kasi bet na bet ko nang gomora sa stage at ipagtapat sa kanya ang tunay kong nararamdaman.
madalas ko siya i-text. lalo na pag nagda-drama akez. o kaya havs aketch ng mga sentimientong wiz ko ma-say kina frida at roxy kasi wa din naman silaching paki.
nagre-reply rin siya: Hi Wanda! Salamat sa fanmail mo. Wait na lang sa nxt update.
at magtatapos sa: P2.50 per msg.
hahahaha sa mga katulad kong ilusyunada, isang malaking bagay na itech. kahit in real life e computer lang ang negte-text sakin. o kahit yung PA niya lang. dead ma-ru. sabi nga ng mga hindi nag e-effort pag gumi-givsung ng regalo: is da thowt dat counts.
yeizterday. ang relasyon naming dalawa e sa halagang P2.50 per text, P5 pag mms, at P20 sa tuwing tatawag siya (na recording lang naman coz puro siya lang ang chumichikka.. minsan magtatanong, at kahit sumagot ka e dead ma siya) keri lang kasi hapi-hapi naman ang lola mo.
so sa mga katulad kong ilusyunada, text ON PIOLO and send to 2366 para updated ka din.
ANG SARAP NIYA TALAGA. SARAP I-UWI SA MAGULANG NOH???
wanda: 'tay ... may ipagtatapat po ako sa inyo.
tatay: o anak, bakla ka? OK lang. gwapo naman syota mo e. o hijo, ano bang trabaho mo ...
wanda: 'tay, piolo po screen name niya.
piolo: pj na lang po ... 'tay.
(punyeta! kinikilig ako!!??!!)
tatay: aba, magalang. so kelan ba ang kasal niyo?
(stop na ditech ... wit ko na kaya!!!!)
Saturday, February 18, 2006
A Song for Marcus
nung sunday, sa gitna nang malupit na nomohan sa bahay nila, na-discovery channel ng lola mo ang favorite song ni marcus.
kanta niya sa jowa niya yon noong wiz pa sila mag jowa. sana mag time space warp tayo sa panahong yon. at wa daw sha idea na magiging sila ... at sino daw mag-aakalang ngayon e engaged na sila. ako, hindi ko talaga in-expect. pakshet!?!
favorite ko din itech dati. na-remember na lang uli ni atashi nang ma-mention niya yung song ... of all people, siya pa talaga nag-paalala ... pakshet uli!?!
napansin ko adikk na ako sa bidyo.
roll vtr please ... (paki-press ng play at wait ka lang mag-load. salamat!)
gift ko siguro yan sa kanila ng jowa niya. FINE! wag nang plastikada, gift ko sa kanya. sa kanya lang.
gaya nang nasabi ko, wa na akong ibang magawa kundi ang magsulat na lang tungkol sa kanya ...
... coz he'll always be out of my league.
NOW SHOWING: If You Were Gay
ang cute lang kasi anime ang drama. pero ang kanta galing sa isang musical sa broadway -- avenue q. wa ko knows kung anek ang story noon. pero para siyang rent at may pagka-sesame street ...
sa song na itech, havs ng duwaching mag-friendship. yung jisaers, may i convince siya na bading yung isa. pero total deny pa rin.
basta fun siya.
enjoy the show.
sana kantahan ako ni marcus niyan ...
D Circle op Layp (Episode 2)
nang sumakay na ang kyolbam samin, may i call si gary pina-fly ako sa karu nila. feeling ko may mga last minute adjustments. o baka nagbago isip niya. kaya go naman akez.
ang nadatnan ko e isang nyoklitang hindi ko alam kung naka-ngiti o naiiyak. pero naninigas siya at nanlalamig ata. natural naman yon lalu na kung first time.
hindi pa ako nagsasalita nang bigla na lang siyang nag-monologue. hindi ito ang mga saktong salita niya. pero eto ang natatandaan ko sa mga sinabi niya:
bakla, eto na 'yon. this is it.
alam mo the more i think about it, the more i realize na kung hindi ngayon kailan pa? tama, di ba? i mean, dapat noon pa pero kasi ... noon ayoko ma-devirginize sa taong hindi ko kakilala. sa katulad niya. gusto ko love ko. at gusto ko love niya rin ako. mashado bang idealistic? dont answer that, please.
pero ngayon hindi na dapat ganoon, di ba? kahit ngayong gabi lang. just for tonight, at least. birthday ko naman di ba? privilege ko yon.
ngayon ive decided na hindi na muna love. laman na muna. laman. sex. pure, casual sex. sweat and all. syeeeet!!! i cant believe im saying this. do you think im making a mistake here? dont answer that.
kilala mo naman ako. hopeless romantic ako. kahit pelikula ni juday pinapatos ko. gusto ko ma-in love with somebody na maakap ko, yung maki-kiss ko, yung maka-cuddle ko. someone who would see me for who i am.
mula pa noong mga highschool tayo ganun na hinahanap ko. ideal ba? mali bang mangarap ako ng ganon? is there no such thinsg as that?? na ta-tratuhin niya akong parang babae ... na parang ang ganda-ganda ko?? .
kasi sa iba, nangyayari yon. bakit naman sa akin hindi? dont answer that.
mabait naman ako. binibigay ko naman lahat sa kapwa ko. wala naman akong taong tinatapakan. ano bang ginagawa kong mali at parang kina-karma ako.
at alam mo, kahit na tumatawa tayo 24/7 ... ang saya-saya natin ... kahit napapa-away na nga tayo sa kakahalakhak natin, nagkukunwari lang ako minsan na enjoy. kasi napapagod din ako.
pagod na akong mag-antay ng taong magla-love sakin at ila-love ako. pagod na akong mag-antay na isang araw mag-i-smile ako at hindi lang basta tatawa. pagod na akong mag-isip tungkol sa love. sa mga bagay na dapat ginawa ko. at sa mga hindi ko dapat ginawa.
eto na yon. im sure of it. i guess. THIS is my protest against love.
dahil ngayon ipa-prioritize ko ang laman. karne. nota. meaningless sex.
i wanna be like you guys. nakiki-pag sex kung kani-kanino kahit walang feelings. walang emotions. and its ok for you. it works for you. it'll work for me too. parang that didnt sound right ... im sorry.
oh my gawd, i cant believe im hearing myself say these things.
can i still back out? naka-sakay na siya sa kabila, di ba??
cute ba siya? gwapo ba siya??
paano kung ma-in love ako sa kanya??! im emotionally vulnerable. you think this is a good idea?
WAIT!?!
libra ba siya? ... libra ba siya?
hoy! sagutin mo ko ....
D Circle op Layp (Episode 1)
wa ko objection don.
"dahil late ka, ikaw mag decide kung saan tayo pupunta!" feel na feel ko ang inis ni gary. "hindi ka pa din talaga nagbabago!"
since 48 years na kaming no see no talk, don ko lang nalamang matagal na nilang modus operandi yon -- ang mag gift-giving ng mga lulurking maku-kuchi nadal ng mga baklang nagha-haba berday.
napabuntung hininga na lang akez. ang shogal pa haba berday ni atashi.
marami kaming naisip gorahan.
"gay bar!?!" suggestment ni Bebang, ang taklesa naming friendship.
"wag dun! mamumulubi tayo 'don. naalala mo dati," sagot ni yan, bespren ni gary.
"hook-up bar ba? parang cinema-cafe ang drama?" question ko lang.
"o nga noh?! para may dark room. eat all you can don." chikka ni gabo, ang vetaran rampadora ng san mateo.
protest rally agad si gary. "ay ayoko! baka bumula bibig ko don. ano yun? lasunan? basta ayoko. you cant make me ..."
ar-ar herrera ikaw ba yan? tumataas na kilay ni gabo.
"sa bayan, ayaw niyo? hawaii lang keri na ..." sabi ni bebang.
"anong hawaii?" tanong ni yan na hindi pa nagse-seminar sa gay linggo.
"hawaii ... P50. tonta ka, nena!?!" say ni bebang.
"maaga pa ... marami pang tanod don ngayon," yun ang alam ko.
"ayoko don. ayoko nung katulad nong binigay niyo ka yan nong berday niya."
"oi, cute naman si lucky ah."
"yuck. ang jologs eh ..."
"kung gusto mo talaga maka-book at makapili, sa bilog tayo ... " last hirit ni gabo.
AY! excited lahat. go go go!?!
duwaching kariret kami, convoy. shala davah?!! gegetlak lang naman kami ng nyolbam.
so nag window shopping muna kami. dalawang beses umikot sa bilog. at don ko lang uli na-sight ang quezon memorial. grade 4 kami nang huling mag-field trip doon. nakumpirma kong hindi ito isang spaceship na pinalipad ni martin nievera sa isang pelikula noong '80s habang ang iba ay may i production number sa paligid-ligid. kasama ata niya doon si pops fernandez bilang manekin.
alas onse pa lang, naglipana na ang mga nyolbam sa labas ng bilog. para kaming mga magnet. kung saan kami lumiko, sinusundan nila kami. pag nag u-turn kami, u-turn din sila. ang gandah namin noh??!!
welcome to the circle of life.
hindee ... trained lang talaga silang umamoy ng may pera at yung mga tamang gusto lang chumika. yung mga duma-drama nang "hindi ako bakla. may research lang kasi ako e. magkano ba?"
at nung buma-bagal ang takbo ng kariret namin super taas sila ng shirt, shift to pasarap mode at project talaga kung project.
para nga kaming mga sabungero.
gusto ko yung naka-puti?!!!?
bet ko yung naka-black?!!
gwapo yung naka-pula!??!
mukhang probinsiyano yung naka-cap!?!!
sarap nung katawan nung otoko-san!??!!
(tumutulong laway)
gagah! naka-foundation ata!?! hahaha ..
taray, naka-pedal pants yung isa ... bakla ata yan?!!
kinikilig kaming lahat habang si berday boy ay feeling naje-jerbaks na sa kaba.
ang usapan e kami ang pipili para sa kanya. at havs pa itech ng terms and conditions. kailangan gwapo (kelangan pa bang i-memorize yan?), matipuno, malinis at maganda ang ipin (may hygeine test pa). kailangan walang highlights (aray ko!). dapat hindi nakakatawa mag salita. at eto ang pinaka-kabog (salamat zenaida seva) kelangan eto ay libra ... dahil ayon sa horoscope niya ay swerte siya sa araw na 'to at dapat libra ang makakasalamuha niya.
shempre givs pa ng deadline si direk. kailangan before mag 12 midnight e maka-getlak na kami ng lulurki para pasok pa rin sa lucky hours niya. baka daw kasi magchange na ng mga positions ang mga bituin at mga planeta.
nang gumilid kami para maki-bargain, dinumog kami ng mga kyolbam. kilig na kilig si bebang. ako naman kavadoh at baka dumugin rin kami ng mga ka-julisan. wiz ko bet m-bagansiya tonight.
buti na lang si gabo ang head ng negotiating panel. expertise niya yan.
sa tinagal ng panahon, nag iba lang mga itsura nila pero pare-pareho pa rin ng drama.
"saan lakad niyo? sama naman kami."
"bakit isa lang? dalawa na ..."
"P500 lang ako."
"ako na lang. dakz ako."
"ako sing and dance. sulit ka sakin."
ang usapan, 5 hums (P500) lang ang budget. pledge na ng mga tukla for gary, at sheraton kaming lahat.
"birthday kashi ng friend namin ... anong name mo?" inarte ni bebang.
"hoy, mommy. sa mayo pa birthday mo," tumatawang ispluk ni mien na hinihika na.
kausap ko sa nyelpown si gary na nakaparada sa faraway l.a. tinuturo niya lang sakin kung alin ang bet niya. mukhang gusto niya i-uwi lahat.
"gabo, yung naka-jitim daw bet ng lola mo."
ngumisi yung naka-itim.
"malaki ba yan?" phone in question ni bebang kay boylet.
"oo naman."
"magaling ka ba?"
"oo naman."
"anong kaya mong gawin?"
"marami."
"pustiso ba yang ipin mo?"
"hindi ah." naweirdohan na ata yung lulurki samin.
" e anong zodiac mo?"
"libra."
"weh!" bara ni mien, "birthday mo?"
"october 13."
"effect! pasok na ..." say ni gabo. mission accomplished.
moreno ito at bagetz ang packaging. pero mukhang napadaan lang. as in nakaboxer shorts at t-shirt, wala nang ibang dala. kung gusto mo ma-imagine ang fez niya, isipin mo na lang si raphael martinez ng star circle quest batch 2. di ba, mukhang bold star??!! hehehehe panalo!
"bye, voyz ... next time na lang." pampa-lubag loob ni bebang sa mga thank you girls.
pero dead ma ang mga kyolbam. meron bagong karu na pumarada sa jalikuran ever namin. yun naman ang dinumog nila. bilis mag move on.
sa aliw ko, super sight-china akeiwa habang pa u-turn kami.
"dami atang may berday ngayon ..."
Friday, February 17, 2006
Alamat ng Bakla (?)
at sa dinami-dami ng alamat na na-encounter ko e itech ang pinaka-religious ang approach.
noonchi daw, si papa jesus at ang bespren niyang si peter ay may i rampage kung saan-saan para gumawa ng kung anek-anek na mga himala. so jisang gabi-e, jontok na si papa jesus at wa na silang ibang choice kundi mag check-in sa pinakamalapit na suking mot-mot. P400 short time , P1200 para sa mga play room hehehehe
i-eklipany na daw si papa jesus ng ma-jiritate si bespren peter kasi sa kabilang room ay may orgy party. 30-40 members, gurlz and boyz. puro mga chatters.
so gora si bespren peter sa kabila at may i information center siya sa mga chatteraka na wa mashadong jingay kasi may borlogs na. respeto naman daw. ay! dead ma ang mga chatters at nagpatugtog pa ng "IM HORNY ... IM HORNEEE, HORNEEE, HORNEEE ..." na over sa lakas.
so ilang beses pa gumora si bespren peter para warningan ang mga chatterz e dead ma pa rin ang mga itech.
at dahil super imbiyernuh na si lulurki, ginetlak niya ang espada ng panday at chinop-chop lady ang mga utaw sa kabilang room. as in dunuguan party ever. kung buhay na si carlo j caparas noon e ginawan niya na yon ng pelikula at bida si kris aquino o kaya si vilma santos. taruzh!
so hapi-hapi na bespren peter, may i go back siya sa room nilachi para mag-shower.
gising na pala si papa jesus, at super imbei naman siya kay bespren. AZZ IN!?! bakit mo sila shinoktay?!! tanong kay peter.
at nag star drama presents peter pa, "ginawa ko lang naman ang lahat para sayo ..." with matching luha sa kaliwang mata. nagdadahilan pa si bespren peter, pero wa epek. kumanta na lang siya ng please forgive me.
sabi ni papa jesus, fine fine fine. gumora ka sa kabilang room at pagkabit-kabitin mo ang mga katawan nila. after which, aketch na ang bahala.
so krumayola si bespren peter at may i ask ng confession. gumora siya sa kabilang room at mr obedient ang lolo mo. pero sa sobrang kawalan ng blocking ng massacre na ginawa niya, wiz niya na knows kung alin alin alin ang naiba at alin alin alin ang magkakasama.
in the end, nalagay niya e ulo ng gelay sa shotawan ng ohmbash at ulo ng otokiz sa shotawan ng mga bilat. na-confooz sha. at nang mabuhay ang mga chatters, shempre sa powers ni papa jezuz, ay na confooosed na din sila. as in ibang level.
"bakit may boobz si atashi?"
"ano itong naka-lawit sakin?"
"oooh, i like it ..."
dead ma na si bespren peter at walk out ang drama niya. mukhang masaya naman sila. nag shower na lang siya at naborlogs kasama ang image sa kanyang jutak ng mga sinaunang bakla at kyomboy.
kinabukasan, may mga bagong chatrooms na nabuo. depende sa kung anong trip mo.
Tuesday, February 14, 2006
Wanda Cant Skip Balentimes
at balentimes ngayenchi. sobrang tahimik sa labas. mas tahimik sa loob. nakakabaliw.
guess mo kung sinechuwara ang nasa isip kez ngayenchi ... yeizterday. kurekted by. isang malaking check.
SABEL, DIS MUST BE LOVE!?!
si marcus. dati tawag namin sa kanya e mac mac. cute noh?!
wiz ko knowings kung bakit wichikels ko siya ma-forget. wiz ko mapigilan ang lola mez na umasa. AZZ IN!?!
na-feel mo na ba iyonchi? yung love mo siya pero wishing mo maintindihan kung bakit.
miss ko siya ... AZZ IN!!! ... ewan ... siguro, miss ko lang yung friendship namin noong mga bata pa kami. noong simple pa ang mga kulay -- itim at puti at pink.
sana nababasa mo itech, marcus ...
etong nafi-feel kez, minsan wiz ko na ma-control. parang bet ko nang ipagtapat sayiz kasi hoping and wishing akez na sana ma-feel mo din yun para kay atashi.
ewan. etong feeling kez ... hindi naman ito mali, pero hindi rin naman maari.
at eto lang ang kaya kong gawin, ang magsulat tungkol sayo.
Nyama nya Yan, Inyuman Na!?!
galing akong nomohan kagabi. sunday. sa balay nina marcus. kumpleto ang barkadahan na dati e may i debate with mare at pare kung anechi ang mas kool ... kung gimik ba o tgis. kami ang mga long forgotten bagetz na jumingi ng fashion tips kina bobby andrews, jao mapa at g toengi, na pare-parehong wa nang karir ngayenz.
nakakadiri mang magbalik-aral pero iyonchi ang kahindik-hindik na katotohanan.
shemps present and accounted for si allen, straight in a balikbayan box from chicago. tumangkad siya, in fairness, at gumanda shotawan. bumili siya ng gigantic yellow cab picha pie (ay shala!) na kering magpa-lapoks ng 15 bata sa ilalim ng tulay.
si byron andon din. pero say niya e myron daw namesung niyachi. ganon talaga, ispluk niya: mangalan ngo e myron, maka naman nangalimunan mo na ango. minaygraine ako sa pag-intindi sa kanya. som tings change, som tings dont while some tings jaz cant.
doonchi rin si sheila at si ricky, ang mag-jowa, na dati e mudra at pudra sa mala-gulong ng palad naming bahay-bahayan. akez lagi si judy ann, ang ampon at api-apihan.
si alex, silent pero deadly. bihira lang chumika, pero pag nagsalita, better kumapit ka na at baka ilipad ka. ibang level 'to. intensity 10. ka-kompitensiya ko siya sa chinese garter kasi magaling mag cart wheel. tuwing hapon akala mo e my olympics sa kalsada. may angking lansa siya, pero wa pa pa-press con.
andon din si rica, na ricah talaga, at alive alive forever more ang bangs niya. kinabog si imang, ang kampanerang kuba. kung si marcus ang crush ng bayan, si imang .. .este si rica ... crush niya ang bayan. nag dala rin siya ng picha pie. maraming picha pie. di pa ko ngumunguya, na-uyam agad akez.
at siyempre, si marcus at ang jowa niyang si alicia (ganda siya!) ... siya ang bilat sa buhay niya, ang sumpa sa buhay ko, ang lason sa kabaklaan, ang kumpitensiya ng sangkabaklaang may pagnanasa kay marcus. pero ganda talaga siya. at mabait pa. kaya lalong kairita.
sa gitna ng tequila, tanduay (wa kuminom nitez na dala ni byron), san mig light at ilang bandehado ng picha pie e lumabas din ang pinaka-iiwasan naming pag-chikahan. o iniiwasan kong pag chikahan.
"taena, kelan lang namin nalaman na bading ka pala ..." hirit ni ricky. bading ba o jokla ang ginamit niya. ay ma! sorry, na-forget na ng lola mo.
at dahil havs akez ng parlor sa village, wa na ko excuse. nagpa-press con na ang lola mo. dizzizit!!! dis is d moment, go kuya erik santos! so may i explain ang propesora kung paano ako naging jokla. at dahil plentious na aking na-nomo, instant inglesera na ang lola mo. ish like dish kasi, you know ... like dish e ... you know, i em a paygot ...
"ngrabe! naena mo!?! mangit ngayon mo lang nyinape? e nangita mo na mga enits namin ..." kailangan ko pa bang sabihin kung kaninong linya yan?
saka lumabas na crushness din pala aketch noonchi ni ricah. leche siya!
halakhakan na parang walang bukas. time space warp, ngayon din. napag-usapan yung panahon na mga bagetz pa kami at nagpapakitaan kami ng tuli. noong pinag-aaralan namin ang tamang pagkang-kang na hindi ko naman nagagamit ngayon. noong nagkukwentuhan kami ng mga fantasies namin, na iniimbento ko lang. noong naka-kulimbat ng porno si marcus at sabay-sabay kaming nagba-bionic sa kwarto niya, nagpapaunahan at nagpapataasan ng talsik. i miss d old days ... haaaaay ...
yuck! may i react ng mga gurls. leche! inggit lang kayo.
"ewe! honey you really did that?? for real??" inarte ni alicia. nag-kiss sila ni marcus. naghiyawan. muntik ko na silang mabato ng bote. moment ko 'to e.
"oy! maka nyaman may na-nyupa ka na nyamin? nyamihin mo lang ..." leche! bakit ba si byron ang bumabangka?
tumawa na lang ako. medyo nainsulto. pero gaya ng isang beauty queen, smile and wave ang drama ko. "hindi naman ako tumatalo ng barkada ... gago!"
"ngago ka nin! makla ka naman"
"ngo-ngo ka ... uy! joke lang ..." siyempre super laffin kamikachi. kahit sight-china ng jisa't-jisa ang mga nginuyang picha pie sa ngala-ngala ng bawat jisaers, go lang.
tapos, napag-usapan yung big announcement. ano yun? na si marcus at si alicia ay engaged na. pakshet!! bakit hindi yan alam ni roxy? may nakalagpas na chismax sa walking tabloid ng marikina. siyempre, nagka-ally mcbeal moment ako bigla kung saan binuhusan ko ng muriatic acid sa fez si alicia habang humahalkhak akong parang si celia rodriguez. ikakasal na sila bandang september or october. may panahon pa para bumili ng pulang dress.
"ongranyulanyons nyong!! we're ol api mor you!?!! ahmir nayo nyan!" bet kong hatawin ng lapad sa fezlak si ngo-ngo. at bakit nagpe-press con siya para sa lahat? wala man lang konsultasyong naganap.
nag-propose ng toast si ricky. mahaba yung speech niya e. forte niya yan, magbigay ng religious na payo, bible reading at mga speeches na kinakabog ang mga speech ng mga principal pag graduation. may nasabi siyang barkadahan, growing up, stepping stones, if we hold on together at libro ni kung sinuman, kapitulo at bersikulo.
pero ang ending ... "at para sayo, tanggap ka namin kung ano ka at nirerespeto namin kung sino ka. barkada ka pa din namin."
taruzh! talaga lang ha ... feelingash ko usapang lasing lang itech.
medyo madaling araw na, nagyayang bumili ng goto sina ricky, ihahatid na rin niya si shiela. borlogs na yung iba pati yung jowa ni marcus. at kaming dalawa ang last men standing. moment ko na ba 'to uli? shet!! walang boy bawang, pa'no itech ...
"di ka pala tumatalo ng barkada ha? ... ulol!" bulong ni marcus.
ngumiti lang ako.
"bakit? gusto mo ikwento ko sa kanila?"
silence ... "kwento alin?"
ngumisi lang si marcus. pilyong ngisi. yung ngising may sinasabi. uy! nilalagyan ng meaning.
"Oy makla, hawakan mo naman enits ngo ... ni mo ma ango ngrush?" sabay tawa. pati tawa niya ngongo!
binato ko na siya ng bote. sabay tawa rin.