EUREKA! propesora, natagpuan ko na ang tunay na CHAKKA DOLL!?!
tenkyu tenkyu sa pirated dvd ng jowang isda ni roxy na si lee boy. oh wat a night, talagang wiz akechi naka-borlogs sa tili-an at tawanan nina frida at roxy. kala ko havs sila ng orgy kasama mga constru at pa-toda sa kanto, kaya lumabas ako dala ang bidyo cam.
pero wa ko na-sight bukod sa nakaka-orkot pero slightly cutee-pie na si CHAKKA DOLL!?!
si CHAKKA DOLL ang anak ni CHUCKY (mula sa pelikulang child's play na nakikipag-paramihan ng sequel sa shake, rattle and roll) at ni TIFFANY na unang lumitaw sa bride of chucky. kaloka ang pamilyang itech. pamilyang bayolente. pero si chakka doll nagmamaganda lang. talented at marunung mag hapon, "chin chin taberu, otokosan."
wala talaga akong intensiyon manood kasi patapos na nung lumitaw ako sa sala. natawa lang ako sa mga binitawang salita ni chakka doll sa isang unforgettable na eksena.
ganito kasi yung kwento ayon sa pagkakaintindi ni roxy.
si chakka doll, ang pangalan niya talaga e glen.
"mali-mali ka naman mag kwento. glenda ang pangalan e!" singit ni lee boy.
nagtatalo daw kasi sina chucky at tiffany kung si chakka doll ay gelay o otokiz. kasi may pagka-trans nga naman ang fez niya. at may i debate sina mare't pare kung anek ang name-sung ng junakiz nila.
gusto ni chucky "glen" ang unico hijo niya. bet naman ni tiffany e "glenda" ang dalaga niya. hanggang sa uminit ang chikkahan ng mag-josawa na muntik pang ma-uwi sa sapakan.
itech ay nagaganap habang havs sila ng hostage.
ang ending, nag moments si chakka doll. baklang-bakla talaga, eksenadora. at ang say ng lola mo, "vahkit puro kayez na lang nang kayez ang nasusunod? paano naman akez? paano ang gusto kez?"
"anech ba ang gusto mez, jonakiz?" phone in question ng mujai niyang naka-damit pangkasal pa din.
"bet kong maging otokoiz." hapi-hapi si chucky.
"pero minsan ... bet ko din maging gelay." naloka si tiffany. at ako. "minsan feelingash ko na boylet akez. minsan naman feel ko na gurlalu akechiwara. inay, wit ba pwede maging pareho?"
taruzh ang coming out story ni chakka doll noh? siyempre nag-wala ang paderaka niya, to the rescue naman ang mujai.
parang gusto ko rin ng ganitong kwento. confused pa kunwari. pero wit ako paniniwalaan ng mujai at pujai kez.
"ANO? Hindi ka pa sigurado sa lagay na yan e nagtayo ka na nga ng parlor e!" say ni papa.
"anak, kami na mismo ang magsasabi sayo ... bakla ka." say ni mama.
ang ending ng pelikula e nag shoktayan silang lahat. pero may naka-survive, wit ko na iku-kwento ang iba kasi nakaka-jiritasyon iyonchi para sa mga sho-obelles na wit pa nakaka-watch ng seed of chucky.
gaya nitong si lee boy. napuyat na nga akez, kinukulit pa akeiwa sa gitna ng panonood. "abangan mo yan ... tignan mo yan o ... ganito kasi nangyari dyan kanina ... naku, mamamatay yang lalaking yan."
"i-kwento mo na lang kaya!?!" sa sobrang irita ko.
humarap sakin si lee boy at sinimulan niya sa umpisa ang pagkwento. as in child's play part 1.
nagkunwari na lang akong nakikinig.
"bakla, ba't naka-ngiti ka?" tanong ni roxy.
ini-imagine kez kasi na pinagtutulungan si lee boy ng pamilyang chakka doll.
Sunday, February 26, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
gusto ka naming maging friend. mwah!
fabulous!
www.marktwinkabalos.livejournal.com
www.earvinfeliciano.i.ph
how did you know about live aids? nood ka ha? baka naman bet mong i-advertise din ung show namin! haha.. copyahin mo lang ung jpeg file na show. kermi? :)
by the way, sooper love ko lang ung site mo.. haha.. ill link you up! fabulous ka jan! :)
Post a Comment