Thursday, February 23, 2006

Ang Hipon at ang Boxi Driver

UPDATE #2

"tignan mo, kid, yung t-back nung bebot ... itim o."

humaba kunwari leeg ko at super sight sa gelay na tinuturo nung boxi driver.

may gulat factor kahapon nang sumakay akechi-agbayani sa boxi-lu niya kasi wit pa ko naka-getching ng drive-sung na makati pa sa gabi. usually naman ang mga boxi driver bet pag-chikkahan ang politika at buhay pinoy. pero itech, kaka-iba. hindi ko talaga kinakaya.

"kanina ko pa sinusundan yan e. sa ayala station pa."

as if naman interesado akez kaya puro "talaga?!" na lang nasabi ko ... at susundan ng "aaah!" wa knows ng driver na ang ka-chikkahan niya e tukla.

"ganyan talaga, kaya nag puting pantalon yan e, para mapansin yung t-back niya. para kahit don man lang mapansin siya. tignan mo naman kasi, kid, yung mukha niyan ..."

may halong yabang tong sho-eng itech.

at huminto talaga siya mapa-sight niya lang sakin ang fezlak ng bilat. pasok sa banga!?! isang naglalakad na hipon sa makati ang na-sightsung kez. maganda ang shotawan pero itatapon mo ang ulo.

"taga saan ka ba, kid?"

ba't ba niya ako tinatawag na "kid"? kaka-irita. "marikina ho, manong ..."

"ay p***** i**, may hinatid ako banda diyan nung new year. babae, dalawa. sexy, kid! tapos niyaya akong uminom. ang lupet!?!"

"aaah, talaga?!" minsan kino-combo ko sila para may variation.

"easy mga babae sa marikina, kid. konting kiliti mo lang dito, konting hipo doon, nagpapa-kana na. baka naman may mga kakilala kang pwedeng kana-in jan?"

"easy" ... "kana-in" ... dekeda '70 pa ata yang salitang yan. wala nang gumagamit niyan, di ba?

"aaah, talaga?!"

"bakit, may kakilala ka nga?" parang bigla siyang tinigasan.

"wala po, manong. hindi naman ako pala-labas." chakka ng dahilan ko. wa na ako maisip e.

"ikaw pa? sa ganda mong lalaking yan, maraming papa-kana sayo, kid ..." sabay tawa.

naiirita talaga ako sa salitang "kana." wish ko na sanang bumaba.

hindi ko alam kung pinagtawanan niya ako o natawa rin siya sa salitang "kana."

"sama ka sakin, kid, minsan. nakow! pipilahan ka ng mga bebot samin, sigurado yan."

pwes! puputulin ko na agad ang pila. ngayon pa lang.

"baka naman ibang pila yan, manong." wit ko rin knows kung anong ibig kong sabihin don.

"nakow, kid! pati bading pipilahan ka!?!" tawa uli.

ay ... naging interesante ang usapan nang near, far wherever you are na akeiwa sa makati.

"wag niyong sabihing namamakla rin kayo, manong?"

"nakow, kid! bibig ng lalaki, bibig ng babae, pare-pareho lang bibig yan. minsan lang naman, pag walang-wala rin ako. masarap na nga, may pang lugaw ka pa." narinig ko na yang excuse na yan.

at nag-kwento siya tungkol sa mga "easy"ng baklang na-"kana" niya sa kanila o iba sa mga pasahero niya. proud na proud siya at akala niya nai-isahan niya yung mga bakla.

pero kasi kung iisipin mo talaga, siya 'tong nalamangan ng mga tukla. kaya nang bumaba ako sa boxi niya kahapon, feeling empowered ang lola mo.

No comments: