(Ang MONOLOGO ni GARY)
nang sumakay na ang kyolbam samin, may i call si gary pina-fly ako sa karu nila. feeling ko may mga last minute adjustments. o baka nagbago isip niya. kaya go naman akez.
ang nadatnan ko e isang nyoklitang hindi ko alam kung naka-ngiti o naiiyak. pero naninigas siya at nanlalamig ata. natural naman yon lalu na kung first time.
hindi pa ako nagsasalita nang bigla na lang siyang nag-monologue. hindi ito ang mga saktong salita niya. pero eto ang natatandaan ko sa mga sinabi niya:
bakla, eto na 'yon. this is it.
alam mo the more i think about it, the more i realize na kung hindi ngayon kailan pa? tama, di ba? i mean, dapat noon pa pero kasi ... noon ayoko ma-devirginize sa taong hindi ko kakilala. sa katulad niya. gusto ko love ko. at gusto ko love niya rin ako. mashado bang idealistic? dont answer that, please.
pero ngayon hindi na dapat ganoon, di ba? kahit ngayong gabi lang. just for tonight, at least. birthday ko naman di ba? privilege ko yon.
ngayon ive decided na hindi na muna love. laman na muna. laman. sex. pure, casual sex. sweat and all. syeeeet!!! i cant believe im saying this. do you think im making a mistake here? dont answer that.
kilala mo naman ako. hopeless romantic ako. kahit pelikula ni juday pinapatos ko. gusto ko ma-in love with somebody na maakap ko, yung maki-kiss ko, yung maka-cuddle ko. someone who would see me for who i am.
mula pa noong mga highschool tayo ganun na hinahanap ko. ideal ba? mali bang mangarap ako ng ganon? is there no such thinsg as that?? na ta-tratuhin niya akong parang babae ... na parang ang ganda-ganda ko?? .
kasi sa iba, nangyayari yon. bakit naman sa akin hindi? dont answer that.
mabait naman ako. binibigay ko naman lahat sa kapwa ko. wala naman akong taong tinatapakan. ano bang ginagawa kong mali at parang kina-karma ako.
at alam mo, kahit na tumatawa tayo 24/7 ... ang saya-saya natin ... kahit napapa-away na nga tayo sa kakahalakhak natin, nagkukunwari lang ako minsan na enjoy. kasi napapagod din ako.
pagod na akong mag-antay ng taong magla-love sakin at ila-love ako. pagod na akong mag-antay na isang araw mag-i-smile ako at hindi lang basta tatawa. pagod na akong mag-isip tungkol sa love. sa mga bagay na dapat ginawa ko. at sa mga hindi ko dapat ginawa.
eto na yon. im sure of it. i guess. THIS is my protest against love.
dahil ngayon ipa-prioritize ko ang laman. karne. nota. meaningless sex.
i wanna be like you guys. nakiki-pag sex kung kani-kanino kahit walang feelings. walang emotions. and its ok for you. it works for you. it'll work for me too. parang that didnt sound right ... im sorry.
oh my gawd, i cant believe im hearing myself say these things.
can i still back out? naka-sakay na siya sa kabila, di ba??
cute ba siya? gwapo ba siya??
paano kung ma-in love ako sa kanya??! im emotionally vulnerable. you think this is a good idea?
WAIT!?!
libra ba siya? ... libra ba siya?
hoy! sagutin mo ko ....
Saturday, February 18, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment