Sunday, April 30, 2006

Aldred Who Ba 'Kamo?

kurrriiiiiiriiiiiiiing!!!! kurrriiiiiiriiiiiiiing!!!!

12:04 ng umaga. gabi ba o umaga. basta madilim pa. patulog na ako.

kurrriiiiiiriiiiiiiing!!!! kurrriiiiiiriiiiiiiing!!!!

siyempre sinagot ko kundi hindi ako titigilan niyan. masama feelingazh ng lola mo sa caller na itech. malamang jowawiz itez ni roxy at magyayayang mag SOP na naman sila bwahahaha!!!

para maiba, sinagot ko yung tawag nang isang baklang-baklang, "MABUHAY!?!"

"errr ... hello? kuya, ikaw ba yan?"

sabi ko na e. utol ko. o kristin, vahket na naman?!

"nanonood ka ba ulit ng big brother?"

sayang sa kuryente.

"crush ko yung aldred. kilala mo ba siya?"

taga marikina ba siya? hindi? e di hindi.

"nag voluntary exit siya. kanina lang. wala na tuloy akong dahilan para manood ng big brother."

e di wag ka manood. so tumawag ka lang para sabihin sakin yan?

"nakita mo na ba yung aldred?"

yayaman ba ako pag nakita ko siya?

"ala ka bang 24/7 ngayon? andami kayang cute na bagetz. gusto mo bagetz, di ba?"

bakit siya nag voluntary exit?

"nalulungkot daw siya. iyak nga ng iyak sa confession room. ang cute cute niya talaga. sarap i-hug."

bakit siya pumasok sa bahay ni kuya kung lalabas din lang naman pala siya?

"malay ko. ako ba siya? may regla ka ba ngayon, kuya?"

last day ko. ang lakas nga e hehehehe wait lang.

so nag butingting na akez sa pc at nag internet ang lola mo. go sa pbb web site at sa iba pang blog na devoted na devoted sa pang-araw araw na pamumuhay ng mga squatteric sa balay-tsina ni kuya.

WHADDAPAK!?! bakit nag voluntary exit ang bagetz na itez!!??!! oh gosh, may dimples siya!!!

"sabi sayo magugustuhan mo siya e ..."

aldrin ...

"mali ka."

adrian ...

"aldred."

aldred ...

tumahimik ka. mahal ko na siya. may pang-college na ba tong batang to?

"hulaan mo kung sino ang pinili niyang gaganap na tatay niya kunwari pag pinilikula buhay niya?"

wa ko care. sino? si piolo?

"may tama ka!"

as in? hmmmm ... wait a minute kapeng mainit.

"tahimik siya, kuya. hindi siya nakikihalubilo mashado sa mga taong hindi niya gaanong kilala. para siyang autistic. matalino pa. parang laging may iniisip, kahit umiinom ng tubig. para siyang ..."

... ako.

"may tama ka uli!"

so gusto mong sabihing autistic ako?

"wag na i-deny. sayang hindi mo na siya makikita ... pero
baka maging artista siya. ang cute e."

dimples pa lang, ulam na. ngiti pa niya, empacho na. kahit walang mang tomas, solb solb na ko.

bakit siya nag exit? dapat hindi siya nag exit.

ano man ang desisyon niya, nirerespeto ko.

"o bakit protective ka bigla? kanina winawarla mo siya."

ang gwapo pala niya e ...

"discriminating ka, kuya. ang sama mo.'

ewan ko sayo. ako binulahaw mo, kaya moment ko to.

bading din kaya siya?

"sana wag. sori, kuya, ha. pwede yung iba bading, pero spare him. please."

ang cute cute niya. im sure, nice din siya.

"ang bait, kuya. talaga. bait siya, para ngang ikaw. uuuy!! bait si kuya. kaya lang magaling siyang magluto."

hmpf! anong gusto mong sabihin? panget ako magluto? natikman mo na ba yung sweet and sour pork ko?

"ah yun ... sabi ni roxy, kung hindi daw sweet e sour LANG siya. hindi sweet AND sour. just one or the other lang daw."

amfotah yun!?! sabi niya masarap daw. kaya pala nangingisay yung talukap ng mga mata niya.

super titig ang lola mo kay aldred. feeling ko may konek kami (asus! narinig ko na yan!?!). nai-imagine ko na yung mga bagay na pag-uusapan namin. yung unang away namin. kung saan kami magde-date. haaaay ... hawig hawig pa sila ni marcus ...

naibaba ko ata yung phonilet nang hindi ko namamalayan. kasi nag-ring siya uli ...

siyempre sinagot ko uli.

OH GOSH KRISTIN, MAHAL KO NA SIYA!?!

"... hello ... anak?"

ma?

"anak, ikaw ba yung naka-sagot?"

ehem ehem ehem ...

"may gelpren ka na?"

(bulong) pakshet ... mag-iimbento na naman ako ...

opo, ma. al--dana po pangalan niya. (bulong) pakshet talaga.

Saturday, April 29, 2006

Sodom and Galera: EXPOSED

nawindangerz ata ang bading community kagabi nang may i show si tito boy sa mga tunay na nagaganap sa galera beach sa show niyang kontrobersyal. ako man din naloka ... (asus! naloka daw!)

naging kontrobersyal nga ang show at si tito boy (tito boy talaga?!) mismo kasi halos lahat ng bading forums na napasukan ko e tumatawag ng malakihang boycott. kakaloka!! isasabay ata sa rally sa mayo uno!

"ijogsak si tito boy! ijogsak si tito boy!!" wiz ko ata keri yun, maka-da buzz ang lola mo ever.

siyempre, mega-watch si atashi ng kontro. baka may ma-sight akez na kakilala.

pero ganoon nga talaga don. common knowledge naman sa mga katuklaan na havs ng ganitech sa galera. lalu na pag senakulo moments sa maynila. fly talaga ang mga nena sa galera.

and im sure knows-line chinatown din itez ng mga taga-galera, mula sa mga taga-masahe hanggang sa mga bangkero. kung iisipin mo, ang mga bakla ata ang nagjojosok ng biggie-a na anda por da tourism ek-ek ng galera-kemerlou. kasi nga ... di ba?? ebribody say it: madilim na batuhan!

in fairness, maganda naman ang treatment ni tito boy. wit lang naman din yon ang focus ng show.

mas nagtaka nga akez kung bakit ngayinz lang itechi nafeature-feature, e ang shogal-shogal na ng jurassic sa galera. as in jurassic period pah, echohz! kung nabubuhay nga ang lahat ng semilyang nawawaldas sa batuhan, malamang dumoble na populasyon ng bansa. kabog-ever!

akez, wiz ko pa na-experience ang literal na sex on the beach. lalo na sa galera. kaya mejo sad-sad ang lola mo na baka in da future e havs na ng mga tanod na rarampage sa batuhan. sana lang mga gwapo sila at matitipuno at havs ng mga batuta ahihihihi ...

nang minsang gumora akez don, se-senglot senglot na ang lola mo kaya lublob ever akez sa beach. pan-tanggal amats lang. pa-madaling araw na ata non. e nai-ihi na akez, say ng mga josama ko wiz daw akechi juminggle sa water kasi nga naman super synchronized swimming pa ang mga tukla.

so run ever akez sa dalampasigan sabay jupo-ever sa madilim na gilid. pasimpleng jumijihi.

sabay may lumapit sakin.

"hi. dont you remember me? we danced kanina?"

hindi. wala akong kasayaw kanina. ngumiti na lang ako.

"nanginginig ka pa ata ... giniginaw ka ba?"

umiihi ako potah!!! gusto ko siyang sabuyan ng buhangin.

"alam mo ba kung saan yung batuhan?"

ang ngiti ko nag transform sa ngisi.

humiyaw na yung mga baklang kasama ko.

"ay may mga kasama ka pala ... sige, see you around ... maliit lang naman ang galera e."

walk out na ang dilimgenic. habang waiting for tonight akez na matapos ang ihi ko. naririnig ko yung mala-gripong pag agos.

wiz ko knows kung natuloy ba sana sa batuhan iyonchi o kung anupaman. pero sabi nga, maliit lang ang galera. maraming posibilidad. (ay! nagfi-feeling deep)

madaling palitan.

marami pang galerang lilitaw. hangga't may mga makakating tulad ni dilimgenic.

Thursday, April 27, 2006

Lights! Camera! Wanda!

ang hirap pala maging jortista!?!

haggardness ka sa lahat ng take -- mula take 1 hanggang take forever. tapos mga re-touch, re-take at re-shoot cheverlou ... kaka-windangers to da maxipeel!!!!

at shempre, itiz ang dahilan kung bakit bisi-bisihan ang lola wanda and friends. nakigulo kami sa isang indie film in da making. showbuzzzzzzzz!!!

"indie film? yun ba yung mga pelikulang ginagawa sa india?" roxy. question mark.

"tonta ka, nena?" sabat ni frida. "independent film, shonga! davah kuya?"

hahahaha ka-level yon ng "ang judaism ba ay kultong sumasamba kay juday?"

so wiz ko na ispluk ang titulo ng jolikula. basta tungkol ito sa mga dalaga.

ang mga lola roxy at frida e sa muk-up napunta. dead ma sila kung majina ang paysung, ang care nila e ang maka-sight ng mga jortista.

nakakawindang kasi lahat ng location namin sa mga depressed area. (bakit nga ba depressed area tawag don? gabi-gabi nga may inuman. ang saya ...) so mga maji-giraffee ang ginogorahan namin, pero wag ka. lahat ng mga sho-o-belles e may digicam. kabog!!! go kami sa mga squatteric eskenitas ng mandaluyong at quezon city, havs din sila ng pichur-pichur.

"pang friendster ko to ..." say ng jisang sho-shombay shombay doonchi.

nang ma-ubusan kami ng fundasyon, may i run samson run ang lola mo sa pinakamalapit na suking tindahan. at nang mag come back akez, lumapit ang jisang jodingers sa akechiwara.

"eto! pwede to!" say ng bading, sabay turo kay atashi.

linapitan na akez nina frida at minuk-apan at binihisan. at havs ng P.A. na lumapit sa lola mo.

"...kuya, kunin po namin kayong artista ..."

lumiwanag ang mga mata ni atashi. na-heardsung kez ang mga koro ng anghel from da heavens. nasa-sight ko na ang famas, urian, filmfest. si boy abunda, si dra. calayan, si lolit solis. si viveca babaji (naaalala mo pa ba siya?).

artista na ako, bulong ko sa sarili ko.

"extra lang po kayo," say ng P.A.

napalakas pala ang bulong ko. so mega-explain ang batang propesora sa role na gagampanan ko. pero "take it, take it ..." lang ni mareng viveca babaji ang naririnig kez.

"may linya po kayo."

inaayos na nina frida ang herlalu kez. "naku, mahina ako mag memorya, paano yan. hindi naman ako artista talaga ..."

may plastikadang ngiti yung P.A. na kung ita-translate mo e, "DUH!" ang ibig sabihin.

shopatid ng isa sa mga bida ang gagampanan ni atashi. malaking karangalan. talagang pinag isipan kong mabuti ang role at pinaghandaan. kumplikado maging shupatembang ng jisang bagetz na nagpakamatay. maraming layers of meaning dapat. mata pa lang nangungusap na.

buti na lang may experience na ako ng konti sa acting. hindi naman sa pagmamayabang, pero never akong naging puno sa mga plays sa skul. small time yon. ang lola mo lang naman e naging joseph sa nativity scene noong kinder at naging isa sa mga three kings noong highschool, mga kumplikadong role na wiz kailangan ng dialogue.

"kuya, rehearse po tayo ng eksena niyo."

so rehearse naman kami.

"take na tayo!!" sigaw ni direk. naalala ko tuloy si irma daldal.

itinuro sakin ang blockings at kung saan ako titingin. tinitigan ko yung shupatid ko kuno. ang gwapo niya. ang layo ng mukha namin. kung trulalang shupatembang ko siya, malamang nagkasalang mortal na akez.

"rolling ... AKSYON!"

linya ... linya ... linya uli na hindi akin. lakad lakad na hindi ako ... sumenyas si direk sa akin para umentra.

"CUT! palitan ng damit yan." ulit kami uli.

"CUT! kuya, wag po tayo titingin sa camera."

"CUT! kuya, wag ka mashadong excited."

"CUT! kuya, wag nakakunot ang noo. hindi ka galit dito."

"CUT! kuya, wag mashadong tumitig kay josh. parang may pagnanasa ka sa kanya ..."

"CUT! grrrr ... kuhanan na lang natin yung linya ni kuya."

lights! camera! AKSYON!

lakad lakad lakad ... "uy, Hi!"

"CUT! good take! pack-up!"

kelan kaya ako magpro-promote sa star talk at sa da buzz??

Thursday, April 06, 2006

NOW SHOWING: Macaroni II

sabi mo ...

ang mito ay maaaring may basehan. at ang realidad ay maaaring baluktutin. mahahanap at maghaharap din tayo, kups ...

at sabi mo pa nag magsulat ako tungkol dito. pero hindi ko mabigyan ng kahulugan ang iyong salita kahanay ng kahulugang nais mong ipahatid ... (bawakanang ... ang tayog!!)

hahayaan ko na lang siya ang magbigay saysay sa sinabi mo ...



una fave song mo ... ngayon, moment ko naman to ...

antayin mo uli mag-load lahat bago mo i-play ... para sayo to, kapatid.


tatapatin na kita, hanggang ngayon hindi ko alam kung ano ibig sabihin ng macaroni ... hehehehe

parang alam ko pero hindi ko kayang i-explain, kung sakaling nagkaroon ng quiz na essay. sigurado jojogsak ako.

yngat ka lagi diyan, kung nasaan ka man. ayaw mo lang aminin na papasok ka sa bahay ni big brother e ... hehehehehe

... macaroni

... mahahanap at maghaharap din tayo, kups ...

(gaya don sa vid) nang hindi natin nalalaman.

Da Justice League Scandal (R-18)

salamat sa isang anonymous sender, jumogsak sa makikinis kong kamay ang mga revealing na picturakkang itech. pasintabi lang po sa mga kumakaing tukla, at baka lalung mapa-bilis ang subo sa nagbabagang expose ngayong gabi ...

DAHIL HINDI PO NAMIN KAYO TATANTANAN. KAMI ANG ...

CHIKKADOR ... dohr ... dohr ... dohr ...

ako ang inyong lingkod ... wanda ilusyunada.

sino nga ba si bruce wayne a.k.a. vhatman?? gaano natin siya kakilala?? at bakit lagi na lang lahat sa kanya inaasa ... bakit laging "bahala na lang si batman?"

mula sa masusing pananaliksik ng PINK MAFIA, napag-alaman ng CHIKKADOR ... dohr ... dohr ... dohr ... na si vhatman ay may lihim na pamumuhay. ang mga sumusunod ang aming nakalap na impormasyon.

1. kurik! mahilig sa madidilim na lugar itech si vhatman. at ang choice of HQ pa ng lola mo e kwebang madilim. sabi pa nga ni rey pumaloy sa pelikulang bath house, "sa dilim, ako ang reyna ..." kayo na'ng gumawa ng konek.

2. at public knowledge naman na playboy ang lolo mo. hindi makapag-commit sa iisang pechay. kaya ang daming pabling na laging nachi-chismax na tukla. anjan na si rico yan, si piolo pascual, si marvin agustin, keannu reeves ... o bakit tumataas ang kilay mo? lahat naman ng gwapings, na playboy, nababalitang bakla kahit wiz naman talaga. bakit ba tumataas ang kilay mo???

3. at sa duwaching lulurki lang siya talagang naging close. una, kay alfred, ang effeminista niyang yaya. siya ang naging father fiugre niya from da moment na ma-shoktay ang mudra at pudra niya. at ang ika-duwa, si robin na hindi naman niya kaanu-ano pero sobrang close silang dalawa. malay nga naman natin kung anek-anek ang nagaganap sa loob ng madilim na bahay ni kuya batman.


4. isa pa, say ng lesbiannang ticherakka ko dati sa filipino, si batman daw ay talagang bading kaya sobrang may issue siya kay joker. kasi ang lola joker mo ang manipestasyon ng kabadingan ni batman. si joker e tatlong coating ang muk-up na super-red o blue ang eye shadow (parang yung mga sales lady sa sm, bat nga ba lahat sila ganon?) at kukurio jade na white ang foundation day. ang choice of wardrobe pati niya e purple na sabing pambansang kulay nating mag tukla (alalahanin mo si tink winky). at ang kiri-kiri nitong si joker, loud at effem na effem. siyempre, may issue ang lola batman mo kasi si joker nakakalandi, siya wichelles hehehe kaya super warla silang dalawa.

ka-level itech ng mga chikkang si jose rizal daw e badinger z. dahil wiz din siya makapag-commit sa iisang gelay (sabi sa inyo e) at havs daw silachi ng relasyon ng pen pal niyang si blumentritt.

wiz lang natin alam pero nakaligtaan ng mga straight na sumulat ng mga history books na ang past natin e puno rin mga lulurking naghahanap ng kapwa lulurki, at ang mga prince charming e on da look out din for deyr knight in shining armor. kaloka davah?! napanood mo na ba ang alexander? ganon talaga ata noon. may mga sikat pang mga painter at mga pilosopo na pwedeng naging bahagi ng sinaunang PINK MAFIA. sabi nga na si mona lisa ni leonardo da vinci ay hindi totoong chabelitang pechay kundi ang female version ni da vinci. ay kabog yon to the highest level!!?!! hindi ata nasama yan sa da vinci code.

anyweiz, hindi intensyon ng CHIKKADOR ... dohr ... dohr ... dohr ... ang babuyin ang imahe ng mga bayaning itech. ang punto ko lang e, e ano ngayon kung bakla sila ... si batman man, si alexander, si da vinci o si joe rizal? may pagbabago ba sa mga naging contribution nila? mag-iiba ba ang tingin natin sa kanila?

ang tanong: mababago ba yung impact ng mga nagawa nilachi kung ma-knowsline chinatown ng madlang pilipinas na tukla-tuklaan talaga sila?

wag mo aketch sasagutin ng "bahala na si batman ..." kung wiz mo bet masaktan. joke lang!!??!!

hanggang sa muli, kami ang CHIKKADOR ... dohr ... dohr ... dohr ...

Ang Pagbabalik ni Wanda

ako ay nagbaliiiihik ... at muli kang nasilayan ...

sa wakas. im vhak, vhakla, ang lola mo sa kanyang puta pink na kyorlor!!! ahihihi kurek, nagbabalik na ang lelang mo, sing tining ng boses ni L.A. Lopez, also known as ... LAH LOHPEZ. ka-level niya na si LAH OHROPEYZA .... ahihihihi

at isa lang ang masasabi ko: kahit kelan super imbei talaga ang mga family reunion na yan.

update lang. kasi fresh from cebu ang lola mo. siyempre ang dami kong dalang otap at dried manggo na ilalako ko sa mga malls, sa mga sho-ong wang malay na lumalafang ... lalapitan ko sila at bibigyan ng card na ang gusto lang naman sabihin e "isa po itong legal na pangingikil, wag lang po sana kayong maingay, at humihingi akez ng donasyon para sa mga proyekto ng PINK MAFIA, kapalit ang isang balot ng matatamis na dried manggoes."

anyweiz, umattend akez ng libing ng na-shoktay kong tiyuhin, na never kong naging close kasi ang tawag niya sakin ay, "bai!" akala ko nun, knowsline niya na ang lihim na pagbo-boy hunting ni atashi. kala kez tinatawag niya akong "bi" as in bisexual o bayot ahehehehe wiz pala, paranoid android lang ang lola mo.

at siyempers, dahil wa na sa pinas ang buong familia zaragoza, si atashi na lang representante sa nasabing event.

sabi ko nga nakakairitang mga reyu-reunion na yan kasi anjan yung mga ...

"ang tangkad mo na ah. sigurado e nagbabasketbol ka ..." galing sa ibang tiyuhing walang pang-amoy. "ano bang posisyon mo?"

award-winning davah!? e ang alam ko lang na basketbol e "i-shoot mo, i-shoot mo, i-shoot mo na ang ball, i-shoot mo na ang ball, ang sarap mag basketbol!" go viva hot babes!!!

pati yung mga posisyon? nakow! kung sinagot ko yun baka windangers silachi sa mga posisyong alam ketch. co-author yata to ng kama-sutra, m2m edition.

at siyempre wiz nakaligtas ang beauty ko sa pinaki-iiwasan kong tanong, "so kelan ka naman mag-aasawa? hindi ba naghahanap ng apo ang mommy at daddy mo?"

usually may follow-up question yan na, "kamusta na nga ba sina mommy at daddy mo?"

pero dahil mahadera ang mga tiyahin kong walang magawa sa buhay, super interrogation ang naganap. lecheng reunion to.

smile and wave lang ang lola mo sabay sagot na, "wala pa po sa isip ko yan ..." dati kasi nung estudiyante pa si atashi havs pa ng dahilan na, "studies po muna." pero ngayins, patay na, may scarcity na ng excuse letter.

at going vhak, sinundan ko iyonchi ng pagtayo at pag-project, "coz i believe, that the world is not ready for my little wandas. baka po ma-windang silang lahat." at wawakasan ng mala-beauty queen na, "i thank you."

"wala ka pa bang balak mag-asawa? tumatanda ka na ..." gusto kong hatawin ng kawali ang ever taklesa kong tiyahin na yan. palibhasa, yung anak niyang effem at umaalingasaw sa pagka-bakla e ikakasal na next year. ang sagwa!!!!

siya rin yung tiyahin na nagsabing, "ka-gwapa mo na uy!" ok na sana, pero dinugtungan pa ng, "kay ugly duckling man kini siya."

hindi ko kailangan i-translate para ma-getching mo ang message sent. inisplukara niya yan sa mga panahong tinatanong ko sa sarili ko, "maganda ba ako?"

im sure, may tiyahin ka ring tulad niya.

pero ang totoo niyan, ang nasabi ko lang e "ewan ko nga po e. pero wala talaga ... (smile and wave) sige po, kain po muna ako ..."

for sure, pag walk out ko non e nagbulungan ang mga hitad at nag-aagree na, "kasi bakla yan ... dama ko."

lecheng reunion 'to. e ano ngayon?!?!?!?!