Thursday, April 27, 2006

Lights! Camera! Wanda!

ang hirap pala maging jortista!?!

haggardness ka sa lahat ng take -- mula take 1 hanggang take forever. tapos mga re-touch, re-take at re-shoot cheverlou ... kaka-windangers to da maxipeel!!!!

at shempre, itiz ang dahilan kung bakit bisi-bisihan ang lola wanda and friends. nakigulo kami sa isang indie film in da making. showbuzzzzzzzz!!!

"indie film? yun ba yung mga pelikulang ginagawa sa india?" roxy. question mark.

"tonta ka, nena?" sabat ni frida. "independent film, shonga! davah kuya?"

hahahaha ka-level yon ng "ang judaism ba ay kultong sumasamba kay juday?"

so wiz ko na ispluk ang titulo ng jolikula. basta tungkol ito sa mga dalaga.

ang mga lola roxy at frida e sa muk-up napunta. dead ma sila kung majina ang paysung, ang care nila e ang maka-sight ng mga jortista.

nakakawindang kasi lahat ng location namin sa mga depressed area. (bakit nga ba depressed area tawag don? gabi-gabi nga may inuman. ang saya ...) so mga maji-giraffee ang ginogorahan namin, pero wag ka. lahat ng mga sho-o-belles e may digicam. kabog!!! go kami sa mga squatteric eskenitas ng mandaluyong at quezon city, havs din sila ng pichur-pichur.

"pang friendster ko to ..." say ng jisang sho-shombay shombay doonchi.

nang ma-ubusan kami ng fundasyon, may i run samson run ang lola mo sa pinakamalapit na suking tindahan. at nang mag come back akez, lumapit ang jisang jodingers sa akechiwara.

"eto! pwede to!" say ng bading, sabay turo kay atashi.

linapitan na akez nina frida at minuk-apan at binihisan. at havs ng P.A. na lumapit sa lola mo.

"...kuya, kunin po namin kayong artista ..."

lumiwanag ang mga mata ni atashi. na-heardsung kez ang mga koro ng anghel from da heavens. nasa-sight ko na ang famas, urian, filmfest. si boy abunda, si dra. calayan, si lolit solis. si viveca babaji (naaalala mo pa ba siya?).

artista na ako, bulong ko sa sarili ko.

"extra lang po kayo," say ng P.A.

napalakas pala ang bulong ko. so mega-explain ang batang propesora sa role na gagampanan ko. pero "take it, take it ..." lang ni mareng viveca babaji ang naririnig kez.

"may linya po kayo."

inaayos na nina frida ang herlalu kez. "naku, mahina ako mag memorya, paano yan. hindi naman ako artista talaga ..."

may plastikadang ngiti yung P.A. na kung ita-translate mo e, "DUH!" ang ibig sabihin.

shopatid ng isa sa mga bida ang gagampanan ni atashi. malaking karangalan. talagang pinag isipan kong mabuti ang role at pinaghandaan. kumplikado maging shupatembang ng jisang bagetz na nagpakamatay. maraming layers of meaning dapat. mata pa lang nangungusap na.

buti na lang may experience na ako ng konti sa acting. hindi naman sa pagmamayabang, pero never akong naging puno sa mga plays sa skul. small time yon. ang lola mo lang naman e naging joseph sa nativity scene noong kinder at naging isa sa mga three kings noong highschool, mga kumplikadong role na wiz kailangan ng dialogue.

"kuya, rehearse po tayo ng eksena niyo."

so rehearse naman kami.

"take na tayo!!" sigaw ni direk. naalala ko tuloy si irma daldal.

itinuro sakin ang blockings at kung saan ako titingin. tinitigan ko yung shupatid ko kuno. ang gwapo niya. ang layo ng mukha namin. kung trulalang shupatembang ko siya, malamang nagkasalang mortal na akez.

"rolling ... AKSYON!"

linya ... linya ... linya uli na hindi akin. lakad lakad na hindi ako ... sumenyas si direk sa akin para umentra.

"CUT! palitan ng damit yan." ulit kami uli.

"CUT! kuya, wag po tayo titingin sa camera."

"CUT! kuya, wag ka mashadong excited."

"CUT! kuya, wag nakakunot ang noo. hindi ka galit dito."

"CUT! kuya, wag mashadong tumitig kay josh. parang may pagnanasa ka sa kanya ..."

"CUT! grrrr ... kuhanan na lang natin yung linya ni kuya."

lights! camera! AKSYON!

lakad lakad lakad ... "uy, Hi!"

"CUT! good take! pack-up!"

kelan kaya ako magpro-promote sa star talk at sa da buzz??

2 comments:

Anonymous said...

the best ka talaga....tawa ako ng tawa dito parang gago...."bakit depressed area ang tawag dun kung parati namang may inuman gabi-gabi...and saya" hehehe
ur the only person i know who can make every sentence sound perfectly constructed and hilarious...u know where to strategically place ur words and ur "seemingly" intelligent questions. kulit mo!!! keep it up...
check mo nga pala si bryanboy.com and post a comment about it... id like to hear what u have to say about him...

nagmamahal,
taga titan

Anonymous said...

i like ur blog sobrang naaaliw ako

hehehe


babalik balikan ko na to