nawindangerz ata ang bading community kagabi nang may i show si tito boy sa mga tunay na nagaganap sa galera beach sa show niyang kontrobersyal. ako man din naloka ... (asus! naloka daw!)
naging kontrobersyal nga ang show at si tito boy (tito boy talaga?!) mismo kasi halos lahat ng bading forums na napasukan ko e tumatawag ng malakihang boycott. kakaloka!! isasabay ata sa rally sa mayo uno!
"ijogsak si tito boy! ijogsak si tito boy!!" wiz ko ata keri yun, maka-da buzz ang lola mo ever.
siyempre, mega-watch si atashi ng kontro. baka may ma-sight akez na kakilala.
pero ganoon nga talaga don. common knowledge naman sa mga katuklaan na havs ng ganitech sa galera. lalu na pag senakulo moments sa maynila. fly talaga ang mga nena sa galera.
and im sure knows-line chinatown din itez ng mga taga-galera, mula sa mga taga-masahe hanggang sa mga bangkero. kung iisipin mo, ang mga bakla ata ang nagjojosok ng biggie-a na anda por da tourism ek-ek ng galera-kemerlou. kasi nga ... di ba?? ebribody say it: madilim na batuhan!
in fairness, maganda naman ang treatment ni tito boy. wit lang naman din yon ang focus ng show.
mas nagtaka nga akez kung bakit ngayinz lang itechi nafeature-feature, e ang shogal-shogal na ng jurassic sa galera. as in jurassic period pah, echohz! kung nabubuhay nga ang lahat ng semilyang nawawaldas sa batuhan, malamang dumoble na populasyon ng bansa. kabog-ever!
akez, wiz ko pa na-experience ang literal na sex on the beach. lalo na sa galera. kaya mejo sad-sad ang lola mo na baka in da future e havs na ng mga tanod na rarampage sa batuhan. sana lang mga gwapo sila at matitipuno at havs ng mga batuta ahihihihi ...
nang minsang gumora akez don, se-senglot senglot na ang lola mo kaya lublob ever akez sa beach. pan-tanggal amats lang. pa-madaling araw na ata non. e nai-ihi na akez, say ng mga josama ko wiz daw akechi juminggle sa water kasi nga naman super synchronized swimming pa ang mga tukla.
so run ever akez sa dalampasigan sabay jupo-ever sa madilim na gilid. pasimpleng jumijihi.
sabay may lumapit sakin.
"hi. dont you remember me? we danced kanina?"
hindi. wala akong kasayaw kanina. ngumiti na lang ako.
"nanginginig ka pa ata ... giniginaw ka ba?"
umiihi ako potah!!! gusto ko siyang sabuyan ng buhangin.
"alam mo ba kung saan yung batuhan?"
ang ngiti ko nag transform sa ngisi.
humiyaw na yung mga baklang kasama ko.
"ay may mga kasama ka pala ... sige, see you around ... maliit lang naman ang galera e."
walk out na ang dilimgenic. habang waiting for tonight akez na matapos ang ihi ko. naririnig ko yung mala-gripong pag agos.
wiz ko knows kung natuloy ba sana sa batuhan iyonchi o kung anupaman. pero sabi nga, maliit lang ang galera. maraming posibilidad. (ay! nagfi-feeling deep)
madaling palitan.
marami pang galerang lilitaw. hangga't may mga makakating tulad ni dilimgenic.
Saturday, April 29, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment