ako ay nagbaliiiihik ... at muli kang nasilayan ...
sa wakas. im vhak, vhakla, ang lola mo sa kanyang puta pink na kyorlor!!! ahihihi kurek, nagbabalik na ang lelang mo, sing tining ng boses ni L.A. Lopez, also known as ... LAH LOHPEZ. ka-level niya na si LAH OHROPEYZA .... ahihihihi
at isa lang ang masasabi ko: kahit kelan super imbei talaga ang mga family reunion na yan.
update lang. kasi fresh from cebu ang lola mo. siyempre ang dami kong dalang otap at dried manggo na ilalako ko sa mga malls, sa mga sho-ong wang malay na lumalafang ... lalapitan ko sila at bibigyan ng card na ang gusto lang naman sabihin e "isa po itong legal na pangingikil, wag lang po sana kayong maingay, at humihingi akez ng donasyon para sa mga proyekto ng PINK MAFIA, kapalit ang isang balot ng matatamis na dried manggoes."
anyweiz, umattend akez ng libing ng na-shoktay kong tiyuhin, na never kong naging close kasi ang tawag niya sakin ay, "bai!" akala ko nun, knowsline niya na ang lihim na pagbo-boy hunting ni atashi. kala kez tinatawag niya akong "bi" as in bisexual o bayot ahehehehe wiz pala, paranoid android lang ang lola mo.
at siyempers, dahil wa na sa pinas ang buong familia zaragoza, si atashi na lang representante sa nasabing event.
sabi ko nga nakakairitang mga reyu-reunion na yan kasi anjan yung mga ...
"ang tangkad mo na ah. sigurado e nagbabasketbol ka ..." galing sa ibang tiyuhing walang pang-amoy. "ano bang posisyon mo?"
award-winning davah!? e ang alam ko lang na basketbol e "i-shoot mo, i-shoot mo, i-shoot mo na ang ball, i-shoot mo na ang ball, ang sarap mag basketbol!" go viva hot babes!!!
pati yung mga posisyon? nakow! kung sinagot ko yun baka windangers silachi sa mga posisyong alam ketch. co-author yata to ng kama-sutra, m2m edition.
at siyempre wiz nakaligtas ang beauty ko sa pinaki-iiwasan kong tanong, "so kelan ka naman mag-aasawa? hindi ba naghahanap ng apo ang mommy at daddy mo?"
usually may follow-up question yan na, "kamusta na nga ba sina mommy at daddy mo?"
pero dahil mahadera ang mga tiyahin kong walang magawa sa buhay, super interrogation ang naganap. lecheng reunion to.
smile and wave lang ang lola mo sabay sagot na, "wala pa po sa isip ko yan ..." dati kasi nung estudiyante pa si atashi havs pa ng dahilan na, "studies po muna." pero ngayins, patay na, may scarcity na ng excuse letter.
at going vhak, sinundan ko iyonchi ng pagtayo at pag-project, "coz i believe, that the world is not ready for my little wandas. baka po ma-windang silang lahat." at wawakasan ng mala-beauty queen na, "i thank you."
"wala ka pa bang balak mag-asawa? tumatanda ka na ..." gusto kong hatawin ng kawali ang ever taklesa kong tiyahin na yan. palibhasa, yung anak niyang effem at umaalingasaw sa pagka-bakla e ikakasal na next year. ang sagwa!!!!
siya rin yung tiyahin na nagsabing, "ka-gwapa mo na uy!" ok na sana, pero dinugtungan pa ng, "kay ugly duckling man kini siya."
hindi ko kailangan i-translate para ma-getching mo ang message sent. inisplukara niya yan sa mga panahong tinatanong ko sa sarili ko, "maganda ba ako?"
im sure, may tiyahin ka ring tulad niya.
pero ang totoo niyan, ang nasabi ko lang e "ewan ko nga po e. pero wala talaga ... (smile and wave) sige po, kain po muna ako ..."
for sure, pag walk out ko non e nagbulungan ang mga hitad at nag-aagree na, "kasi bakla yan ... dama ko."
lecheng reunion 'to. e ano ngayon?!?!?!?!
Thursday, April 06, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
i hate these family reunions myself
kakalokah talaga ang reunion...imagine to that?!! 48 year old na ako, tinatanong pa ko kung kelan ako magaasawa? eh yun nga imaginin ko na katabi ko gelya...naiisekola tralala ang mga spermetitis ko eh....at saka imaginin mo kaya ang puting linang ng isang malapit ng maging lola. trulili, relate na relate akech....
sana na invite kita dito sa matulaing lalawigan ng kabite para magkakilala tau...isama mo na rin ang dalawang sugo mo...seriousness as in icu itech...may open invitation ka sa kaharian ko...isheshare ko lahat ng mga lulurki ditech..type magkipagsagpangan sa lahat ng klaseng vaklahh.... mag drop ka lang ng line and ill give you my email addy...dun na tayu magpatuloy ng chuvahan....ang the executive lowlahhh
Post a Comment