Thursday, April 12, 2007

Limang Chikkahan Tungkol sa Wala Lang

"if you want to be understood, listen ..."
-- babel

may na-resib akeiwang text kaninechi. number lang. umagang-umaga, nambu-bwisit na.

textmate: san n u? hir na me hehe

wanda: hu u?

textmate: hu u?

wanda: u tex me 1st. hu u?

textmate: hu u?

wanda: ewan q sau. rong snd k ata

textmate: nyahaha mali spelng mu.

wanda: wa q paki. smali k kya quiz b. bka mnalo k

textmate: aga aga splada

wanda: hu u b?

textmate: eh hu u dn b?

wanda: kinang ina, bhala ka

textmate: sex tau

wanda: eh hu u muna? ;)

textmate: landi mu. si (alpha) to. save m bgo ko #. tnx

AMPOTAH!

dahil sa puyatan ni alpha tsaka nung bagong wetpaks sa buhay niya e minsan wit na daw niya maasikaso yung mga cliyente niya. isa na dito si ms. conda. hindi itu joke. meron talagang muherlalei na ang nyongalan e ms. conda.

tinext ni alpha yung prenship na asikasuhin si ms. conda kasi magha-half day lang siya. ang mali ni alpha, hindi niya nasabi ang pers name ni ms. conda. si prenship, nag-assume na lang.

prenship: hi! thank you for stopping by sa office namin. sorry nag call in sick kasi si (alpha), kaya ako na po muna aasikaso sa account ninyo miss ... er ... miss .... anna?

anna conda bwahahaha!

hindi nga itu joke. naganap talaga itu. at havs ng taong ganon talaga apelyido pero in-assume kasi ni prenship na anna pers name niya. wit mashadong bright si prenship e.

na-imagination ng lola mo na may bahid ng yamot at pagtataray yung isplukara ng muher. kasi kung conda ka nga naman, malamang kulit na kulit ka na sa anna tsaka asar-talo ka pa lagi.

ms. conda: NO!! (TARUZH!) its jinky.

prenship: oh, yeah, right, ms. jinky. JINKY ODA?!

ms. conda: babalik na lang ako. SALAMAT na lang.

SHUNGA-SHUNGA!

nakasakay ko kanina sa fx, byaheng pauwi mula cubao-cheverlyn, duwaching vehyklavich na bagets, na yung outfit pam-balay lang. slight gusgusin yung epek. at ayon sa mga bali-balita, gugora silachiwa ng riverbenks para magsanla ng nyelpons.

tulug-tulugan kunwa ang lola mo pero nakiki-chorbah na sa chikkahan.

bakla1: kamusta naman kayo ng jowa mo? antagal niyo na rin.

bakla2: 2 weeks. eh nagkakalabuan nga kami.

bakla1: aba bakit naman?

bakla2: bisi-bisihan kasi siya lagi. kainis.

bakla1: intindihin mo na lang. nagtatrabaho yung tao.

bakla2: ako nga, araw-araw hanggang sabado may pasok pero nage-efort ako na ma-"gud am na u" tsaka "kumain na ba u?" ko siya. siya tong deadma. parang ayoko na, frend.

bakla1: swerte mo nga sa jowa mo e, yung akin crew na nga sa wendys, sagutin ko pa pang-uniporme. ayan, gudbye cellpown (8250 itu, nasipat ni atashi). magkano kaya halaga neto?

bakla2: ewan. may isan-libo din siguro yan.

bakla1: morayta (mura) naman. eh asan ba jowa mo?

bakla2: ewan, may rampa daw sila ngayong summer.

bakla1: ganda! saan?

bakla2: sa boracay daw. ewan ko sa kanya! nung huli naming text nanghihingi pa ng 300 load. minsan na lang mag-text nanghihingi pa. MODEL PERO WALANG PAMBILI NG LOAD!?! ano kaya yun?

bakla1: model ba siya ng ano?

bakla2: ng bench. tsaka kung anu-ano pa. ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA!!! NAPIPIKON AKO, BAKLA!!!

bakla1: mag hunusdili ka, yung blush-on mo. Yung blush on mo.

bakla2: eh naawa naman ako. kaya pinasahan ko ng singkwenta. sabi ko, yan lang muna.

bakla1: model ba talaga yang jowa mo?

bakla2: OO. yun yung sabi niya eh.

bakla1: nagkita na ba kayo niyan ever?

bakla2: sa personal? never pa. pagbalik na lang daw niya galing boracay.

bakla1: AH OK! (yung "ah ok" nung isang bakla e kala mo kumpirmasyon ng isang malupit na pagdududa na yung prenship niya, gaya ng lola mo, e may tatak ilusyunada)

ANTAYOG!!!

kwento ng friendship ko, yung isa nilang ahente pumwesto sa isang shala-shalahang espasyo sa market-market para gumetching-getching ng cliyenteng mau-utong bumayla ng condo.

may i lapit daw yung ahente dun sa matronix na nagmamabagal kasi nga nagte-text.

ahente: hi, ma'am, ang ganda-ganda naman ho ng cellphone niyo.

napatingin lang daw yung matronix sa ahente, sabay bulsa ng nyelpons.

matronix: GARD!!! GARD!!! THERE'S A SNATCHER!!!

nataranta si ahente. wit na nga nakabenta, makukulong ever pa.

BAGANSIYA!!!

may i call kanina sa balay si adrian, hindi tunay na pangalan pero katunog din. at gaya ng ibang vehykla na dumadanas ng semana santa sa sodom at galera, na-humaling si adrian sa isang lulurking pang isang linggong pag-ibig lang pala drama.

yung take ko diyan e nirampa lang siya ng lulurki sa aplaya at pinagparausan sa batuhan ng jurassic park. kasi naman pagdating ng maynila, gudbye aray na yung island boi kay adrian.

wanda: gurl naman, di ka pa nasanay.

adrian: eh OK-OK naman kasi kami nung andon eh. sabi nga niya baka ako pa daw hindi makipag-mit sa kanya pagdating sa manila.

wanda: ganda mo, ning.

adrian: tapos ngayon tinatawagan ko siya sa cell, laging kinakansel. hindi pa sumasagot sa text. bakit ganon? pero sa galera gustung-gusto niya ko.

wanda: baka sa galera ka lang maganda. subukan mong humilata sa kalsada. parang nagsa-sun bathing, ganon. baka biglang mag-call wait satin ngayun yon.

adrian: siryoso ako.

wanda: bektas, akiz pa kinajusap mo. wa ko siryosong sagot sa mga ganyang chikka.

adrian: wala lang. nakakapag-taka lang kasi.

wanda: nena, (sabay ratsada ng bunganga sa isang hingahan) sa panahon kasi ngayon parang ambilis lahat. kelangan mabilis ka mag-isip. pag nagbago panahon, Flang! Flang! Flang! kelangan mabilis ka din mag-adjust.

adrian: ambilis mo magsalita.

wanda: pagkain ngayon, mabilis na din. fastfood yung in. kaya nga may mcrice burger davah?! para dun sa mga wit na keri lumapang ng pak-lunch. ang gwapo nung model non. yung kalbo, sinu nga ba yon?

adrian: hindi ko kilala. OH tapos?

wanda: eniwei gokongwei, basta ngayon lahat instant. instant noodles, instant miryenda, instant derma, instant wart removal, instant whitening, instant renewal ng NBI clearance.

adrian: parang instant gratification?

wanda: parang ganon. kitams, ambilis mo mag-isip. may tama ka! tapos andami mo pang options. parang cellphone. ilang buwan lang may bago na namang lalabas. andaming pagpipilian. may camera o wala. may radyo o wala. may tv o wala. may ref tsaka aircon o yung tipo bang pambigay sa hold-apper. feeling ko darating yung panahon na yung cellphone pag binuksan mo nagiging bahay o kaya trak. PANALO! pero syempre kunganufamanyan mas gusto mo yung bagong labas, davah?!?! so exchange ka ng phone. ibebenta mo sa iba o trade in o kaya isasanla mo o kaya itatago mo para havs ka ng extra pag na-matus. basta ganon. eh tini-train tayo na maghanap ng mas bago. ng mas mataas na model. yung mentalidad na wag makontento kasi may lalabas at lalabas na bago. PUNYETA!

adrian: so iniwan ako ng boylet ko dahil sa ...

wanda: nokia. kurek!

saylenz.

adrian: tanghaling tapat, bakla, lasing ka ba?

Sunday, April 08, 2007

Ilabas Niyo si Dominic Ochoa!!!

"im the character actor in Hollywood movies,
the girl who has to be annoying
so the guy can go to the other girl."
-- parker posey

"i dont get the guy,
i just make him better for someone else."
-anonimus

itu e isang pagpupugay kay dominic ochoa. at sa iba pang tulad niya.

lilinawin ko lang ha, mga bektas. hindi kami close ni domeng. at lalung wit akiz nagmama-close sa kanya. HALLER!?! wit ko siya kilala. wa ko rin knows kung kilala niya si atashi (nagfi-feeling ang vehykla!?!?!) AH BASTA! bet ko lang magpugay kay dominic ochoa.

OO! si domeng na walang malay. si domeng na api. lagi na lang si domeng! si domeng! si domeng! (sabay laglag sa hagdanan ... waaaaaaaaah!! PANALO! cinematic ampotah!!!)

si domeng. lagi na lang siyang third party. laging nakikisali kina rico at clau-clau, rico at marvin, marvin at jolina, kina dorina at lavinia. talagang never bida-bidahan. lagi siyang mali. laging may sablay. laging wala sa hulog. laging naiiwan.

parang si bea bianca na halos ma-lukaret sa kaka-waiting for forever kay angelo.

parang si camille na super eksena kina poknat tsaka bokbok.

kung bet mo ng farang, kilala mo si james marsden? naku, tumatabo sa takilya ang lulur na itu. pero laing wa sa kanya ang eksena. sumikat siya sa x-men. siya nga yung supla-supladitong cyclops, davah?! lider-lideran. pero ligwak naman. yung jean grey mas bet yung wolverine-evermae (ako man din e). at kung mamamalasin ka nga naman, aba, nashuktay pa yung lulurki, wa pa sa kalahati nung part 3.

sa superman returns jowa-jowaan siya ni lois lane. ligwak din siya don. kasi nga nag-return na si superman na ni minsan hindi man lang na-baktong.

sa the notebook, ligwak din beauty ng boylet. at wichelles man lang siya na-gibsungan ng notebook. kahit yung mga taga-thats entertainment lang yung cover-tsina gaya nina isabelle granada, chucky dreyfus at rudolph yaptingchay na wit ko sure kung nag thats nga ba.

sa disturbing behavior na-getlak naman niya si katie holmes. in fuhrview. hapi ending itu kahit horror-horroran. pero loss yung jolikula. as in yung level na wa kinita.

at sa linya ng mga eksenadora, sa kadulu-duluhan ng pila, nagre-retouch ng muk-up si wanda.

may i ask si atashi kay gabo minsan kung anong problema samin. lahat kasi ng friendship namin may jowa. kami wai.

sabi ni gabo, "wala namang mali satin e. gwapo ako. may itsura ka naman ..." bet ko talaga mag-basag ng baso't pinggan, pero wit ko bet ma-loss yung moment. "... pero siguro kasi mashado tayong mabait. to a fault. mashado tayong nakakatawa. ang sarap nating kasama. parang barkada. ganon. hanggang sa ganon na lang tayo. ganon na tingin nila satin. barkada."

nung isang araw tumawag sakin si alpha. sabi niya asa bahay lang daw siya. nakaligtaan ata niya na na-imbento na yung caller id at knows ko na wai siya sa balay-chorbalou niya. nanette imbentor ang haliparot. kainis. eh andon kasi siya sa balay nung bagong wetpaks sa buhay niya.

rodrigo yung nyongalan nung wetpaks. at balita ko matipuno ang wetpaks na itu. nanghihigup ng nota yung parehong pwerta ahihihihi quality raw talaga. katrabaho siya ni alpha na mashugal niya nang nadadaan-daanan. at malakas pa bumenta. performer itu sa trabaho. at san ka pa? performance level din trumabaho ang botomesa. yun yon e.

tumawag siya habang lumalapang akiz ng kwek-kwek. tapos si alpha parang deadma lang. may evaluation pa itu. sa hada skills nung bakla, pati sa lunok factor at giling rate per second. super chikka pa siya tungkol sa boylet, kesyo inlab-inlaban na sa kanya apter one byongkangan session. eh ayaw ni alpha ng mga jowa-jowa, pero natutuwa siya kay boy-wetpaks.

sa kauna-unahang pagkakataon, nakalunok ako ng buong kwek-kwek. siyempre, hindi ko pinahalata kay alpha. nadaan naman sa sago't gulaman e.

kakajiritate lang. kasi naisip ko lang, lahat ng lulurki, e wetpaks para kay alpha. at lahat ng lulurki bet ni alpha. pwera kay wanda. bakit ganon? nakaka-demonyo.

e pag may problema siya, run siya kay wanda.

pag may bagong chikka, run siya kay wanda.

pag wa siya makasama lumafang o mag-watch ng apocalypto, run siya kay wanda.

pag di niya bet yung nakikipag-date sa kanya, papasama siya kay wanda. para may rason um-exit sa eksena.

e kerri-kerri ko lang yon. pumapayag naman din kasi si atashi. kasi shushonga-shonga nga akiz. wa naman kontrata, pero wang duda't pag-iimbot akong pumipirma.

pero sawa na kong maging friend lang.

nakakasawa na ring maging taga-pakinig lang. yung hingahan ng sama ng loob. feeling ko tuloy inidoro si atashi. na nakukuha sa tissue at flush. minsan nga, hindi pa fina-flush. kaloka!

nakakasawa ring maging parang ama o kuya o nanay-nanayan lang. o kung anu-anufaflung kamag-anakan na pinagtutuunan ng respeto at wang bahid ng pambabastos, kahit bet ko rin mabastos paminsan-minsan.

ABA! nakakasawa ring maging special friend lang ha. o kung anupamang klaseng friend yan. LECHE!

gusto ko naman maging special. (HINDI SPECIAL CHILD HA?!! BAKA PAGSASAPUKIN KO KAYO DIYAN!?!)

ayoko nang maging excuse lang o alibi lang ng iba.

ayoko nang maging "lang" lang.

ayokong maging si dominic ochoa sa mga pelikula niya. en im sure hindi niya rin gusto yon.

paminsan-minsan gusto ko rin namang maging bida. hindi yung bida-bidahan lang. yun talagang may sariling iskrip, sariling monolog, sariling grand entranda at slow-motion sequence. samahan na rin ng theme song, para kumpleto.

gusto ko rin namang ma-experience yung "you complete me" tsaka "you jump, i jump" o kaya "i wanna grow old with you" o kahit "mahal kita, poknat" pwede na yon.

kaya sinabi ko kay alpha yung nabasa ko sa text. eh magsalita 'ka ko siya (bitter-bitteran ba o slight lang?). na kung hindi naman niya makuhang mahalin si rodrigo, at least wag naman niyang saktan. wag niyang paasahin yung botomesa.

kasi alam ko yung feeling na ganon e. yung nag-aantay ka. yung may halong drama na sige ipapakita ko sayo lahat ng kabaitan sa mundo, lahat ng atensiyon na meron ako, lahat ng pag-iintindi ko sa mga pagkukulang mo, kasi umaasa ako na darating yung panahon na mauuntog ka at mare-realize mo na ako na pala yon. na nakumpleto kita. na tatalon ka pag tinopak rin akong tumalon. maalala mo lahat ng nakakalimutan ko pag nag-ulyanin na ko. na sasabihan mo ko na mahal mo poknat ko.

siguro handa rin akong mag-antay. o pag nagsawa na ko maghintay, i-uuntog na lang kita ng kusa. baka sakali lang ahihihi

sagot lang sakin ni alpha non, "pakyu ka, wanda. sige na, magdo-do na uli kami." hindi pa ko nagbabye-bye e binabaan niya na lola mo.

alam ko sasabihin niyo: nagma-maasim na naman si bakla. siguro nga. pero hindi lahat kasi natutulak ng sago't gulaman. hindi lahat napapamanhid ng red horse o ng empi. o nakikiliti ng mga kwentong parlor.

may mga sugat na masarap kinakalikot kahit masakit, para lang hindi mo makalimutan na may pakiramdam ka pala at hindi mo lang hinahayaan mangyari sayo lahat yon. para alam mo lang na nasasaktan ka rin pala.

na baka hindi ka talaga pang-love team. pang flor de luna ka pala.

PASOK MANAY SHERYN!!!

CUE THEME SONG: maria-HA-flo-HOR-de-lu-HU-na-HA ...

Saturday, March 24, 2007

Boys Classifyd ...

... according to packaging.

haaaaay buhay, parang lyf ... halatang wai na namang magawa sa sobrang dami ng gagawin. at hindi pa ko talaga naglalaba.

kasi havs ng mga lulurki na tinatawag kong pang-kama lang. siyempre, knows mo na kung aneklavu iyoners. yan yung anlakas ng seks appeal. minsan nga puro seks appeal lang, pero eh ano ngayon, divah?! kerri naman nila. sabi nina frida, yan yung tipong unang tingin pa lang sayo wai nang angking paggalang. parang may binabalak agad na kabalahuraan. NGARAPEI!!! pero in general, pang-kama yung mga pasarap ang drama o kaya yung mga guma-gwapo lang pag may katabing kama ahihihi ...

meron din namang pang-rampa lang. o yung mga trophy jowa. waing duda na yung mga pang-rampage e biniyayaan ng kakaibang ganda, pero karamihan sa mga yan e ligwak sa question and answer portion . sadyang ganda lang
(pero rin naman hindi lahat). repeat chorus: weh ano ngayon?! yung tanging magagawa mo e i-rampa siya sa kabukiran o kaya sa mall o sa divisoria tsaka quiapo. o basta kahit saang ma-tao. kasi alam mong kaiinggitan ka ng ilan tapos yung iba halos sabuyan ka ng asido sa fez. bitter ocampo, ikaw ba yan?

siyempre nakikigulo diyan yung mga genic boys.

gaya ng mga dilimgenic na sadyang may angking ka-gwapuhan sa dilim. wichelles talaga ma-getz ni atashi kung san nahuhugot yung ganda ng mga yan. maliban na lang siguro kung yung mga adik sa mga dilimgenic e may sayad sa mata, maysa-pusa, mahilig mangapa o kaya sadyang pinaglihi sa brownout.

andiyan din yung mga tagilidgenic o yung mga guma-gwapo pag naka-tagilid. swerte mo kung yung boylet mo e pinaglihi sa talangka at tagilid talaga siya kung rumampa ahihihihi madalas diyan yung mga lulurking fabulous sa biglang tingin. kaya panay na lang biglang tingin mo, kahit nakakahilo.

hindi mawawala yung mga talikodgenic o yung gwapo mula sa likod. sila yung mga matatambok yung wetpaks o kaya bonggacious yung jupit ng herlalet o kaya yung mga masipag magkuskos ng batok. BONGGA davah!

at speaking of genics, nakiki-join diyan yung mga tinatawag kong boolag. kasi nakakabulag sila. yan yung mga boylets na mukhang mucho gwapito sa picturraka pero mamarkahan mo ng isang malaking question mark sa personal. nakakaloko. salamat sa mga camera phones, kumalat yung iba-ibang style ng pagpi-fiture taking ng mga boolag. gaya ng bunbunan shot, yung kuha mula sa taas tapos titingala yung lulur. may pa-cute factor. o kaya yung nota shot na kuha mula sa ibaba, para kunwari ma-shongkad. yung horizontal shot o yung nakahiga, madalas walang t-shirt, tapos click, pasarap na agad ang profile. kasama din diyan yung "kunwari hindi ako nakatingin sa kamera" shot para pa-misteryoso epek. yung ngumangarat shot para kunwari may pa-attitude, kaya may pak-yu. kili-kili shot yung mga kuhang ume-eksena ang kili na, in fuhrnezz sa mga na-sight ko, e wai namang ma-jitim. meron ding beach shot na pwedeng nagpapasabik ng katawan o kaya nagyayabang lang kesyo naka-gora na ang otokiz sa bora. ilan lang yan, napapagod na ko.

prezent en accounted for din yung mga fantasia barino ng mga vehykla.

nangunguna diyan yung mga constructicons o konstru por short, na bentang-benta kina roxy at frida. lalaking-lalaki daw kasi. tila papalahin ka at ta-tratuhin kang parang graba hahaha

andiyan din yung mga ermingard o gardo versosa o yung mga sekyu na tinatawag. mga men in uniporms. ECHOZ! sabi nung friend ko minsan na sa edad niyang trenta e gusto niya na ng siryosong jowa. yung pang LTR. sabi ko, ano? gusto mo ng jowang tren. sabi niya, tanga, hindi LRT, LTR, long term relationship-chorbah. AWARD! bet niya daw yung stable at makakagib-lab sa kanya ng security. sabi nung isang friendship namin, "eh security pala hanap mo eh di mag-jowa ka ng gard."

yung mga pa-toda e yung mga traysikel drayber sa mga kanto-kanto. pleeeez lang wag akong ismiran. kasi kung tutuusin may mga gwapo talagang pa-toda na gustung-gusto mong sakyan kahit wai ka namang pupuntahan at kahit 48 years kang super wait habang asa dulu-duluhan siya ng pila. minsan ko lang ginawa to. effort naman kasi.

kelan ko lang na-discovery channel yung mga tinatawag na island bois. silachi yung kulay tsokolate yung balat. talagang exotic ang fez, parang alfred vargas (PASOK!!). yung iba, angat lang ng konti sa mga bayawak at sawa. slight syanong-syano ang quality. pero ganda-gandahan yung katawan. hindi dahil gym-gyman ang drama nung lulurki, basta nahubog na lang sa pagbubuhat. madalas yan matatagpuan sa aplaya, nagha-harvest ng niyog, o sa mga pier o pantalan, nag-aangkat ng isda at kung anek-anek pa. nakakakilig lang isipin na kaya ka niyang buhatin.

meron ding tinatawag na da-dedi-dodu. yan yung mga dadi-dadihan na kutob mo nung kabataan nila e humahakot ng pogi-points. at hanggang ngayon may bakas pa ng ganda nila, lalu na pagnasa-sight mo sa grocery kasama yung asawa't anak. parang gusto mo biglang kumabit hahaha kabilang diyan sina goma tsaka albert martinez.

yung mga paminta, yan yung mga palalaki epek. pwede siyang pamintang durog o pamintang buo, depende siguro sa level ng pagpapaminta ng lulurki. kunganupahman siya e nakaka-haching pa rin. HACHOO!! yung mga effeminista naman e yung mga feel na feel ang pagka-vehykla. meron akong kakilalang mag-jowa, parehong paminta. nung katagalan e naging kumportable na sa isa't isa at lumabas na pareho pala silang effeminista. saya-sayahan kasi para kang nanunod ng show ni pokwang tsaka ni simang pag magkasama sila. panalo sa punchline. pero dahil nagpapa-bonggahan, nagkaligwakan. di na sila friends ngayon.

meron din yung tinatawag na mangga. hindi iteklavu yung mukhang manggang hilaw ha, sa isip, sa hugis at sa asim. yung mangga e por short por mangga mangga hinog ka na ba? na pinahabang bersyon naman ng manggagamit. yung mga lulurking parang linta, dumudikit kung san may ugat. mga user-friendly at yung lalim ng pagmamahal niya sayo e sing lalim ng bulsa mez. kung small time lang yung lulurki, pwede mo rin siyang tawaging use in a sentence. pero pag malakihan na yung dugaan, e use in a paragraph na yan.

nangingibabaw din yung mga hipon. yung mga lulurking panalo naman talaga yung katawan pero ligwak ang fez. parang yung mga hipon na binabalatan, linalapokstra yung katawan pero tapon-ever na yung ulo. pero may iba na kumakain pala ng ulo. andon daw kasi yung sarap. AY! sori, nini, shotawan lang linalafang ko. madalas yan tambay ng gym at talaga namang nage-effort magpa-ganda ng boodeh. at kung may friendster yan, asahan mo, karamihan sa mga yan e havs ng picturakka na kita mula leeg pababa hanggang bewang. talagang ip yu hav it, flaunt it. ip you dont hav it. crop it. PANALO!!!

haaaay ... so meni men, so meni women. shet na kumpitensiya yan!!!

maglalaba na nga lang ako.

Wednesday, March 21, 2007

Batu-bato sa Pantog, Ang Tamaan ...

siryoso to. maiiyak ka.

nung isang linggo, feel ko nang may mali sa shotawan ng lola mo. kala ko lang trankaso. o kaya sa edad na 25 e linalagnat laki lang akiz. o kaya binabagangan lang.

nung biyerneiz, slightly nilagnat na akiz.

nung saburdei, nadama ko na sumasakit yung notabelles ni atashi. yung notabelles ni atashi!!! bawal dumapa. bawal tumalon. basta bawal siyang galawin. makirot e. na-orkot na ko. inabangan ko baka umagos ang dugo any monument.

nung linggo, lumalaki siya ng kusa. nagdesisyon na kong hindi na siya nakakatuwa. ayokong tawaging namamaga. basta lumalaki siya ng hindi tama.

nag SOS na lola mo kay alpha. tinawagan niya akiz sa balay.

wanda: masakit nota ko.

alpha: eh ano ngayon?

wanda: feeling ko may sakit ako.

alpha: doktor ba ko?

wanda: may AIDS na ata ako.

alpha: sa wakas maku-kwento na kita sa mga ka-trabaho ko. bihira lang yung may friend na merong AIDS.

wanda: taena mo!!! kaya ko nga sinabi sayo kasi akala ko maiintindihan mo ko.

alpha: bakit naman kita maiintindihan? may AIDS ba ko?

nakalimutan ko non na jinoke time niya lang pala akiz nung chumikka siya na havs siya ng AIDS. LECHUGAS!!!

wanda: magpapa-albularyo na lang ako. ba-bye!

alpha: punta kang riverbanks. susunduin kita don.

usapan namin ni alpha e dadalhin niya akiz sa pinaka-fabulosa pero mumurahing duktor na malayo sa marikina. mahirap nang ma-tsismis.

napadpad kami sa chippy-cheapybam na klinika sa pasig na aircon naman, in fuhrnezz, pero kala mo terminal ng bus sa dami ng pasyente. andaming masakitin sa mundo. de paypay pa yung iba, lamig-lamig naman. tapos yung iba borlogs with goodmorning towel sa fez. last trip siguro silachi. yung iba may lata ng biskwit tapos lumalafang pa ng shingaling.

nung tinanong akez nung receptionist kung may record na ko, sabi ko wala. may i type siya. tinanong niya ko kung ano sakit ko. in-explain ko sa kanya na masakit nota ko. feeling ko may sakit na ako.

sinulyapan niya lola mo nang may paghuhusga. bet ko talagang buhatin yung dakekang niyang typwriter na olympus tapos ihampas ko sa fezlak-ever niya.

naalala ko talaga yung mudra ni atashi nung lagi akong puyat. sabi niya, "anak, nag-aadik ka ba?"

sabi ko, "hindi po. kulang lang po sa tulog."

sabi niya, "hindi, adik ka! adik! waaaah! adik ka!?!"

may paghuhusga talaga. jiritation-ever.

pagkatapos ako kunan ng dugo non tsaka ihi tumabi ako kay alpha. para nga kong bagong tuli kung rumampage. tinatakpan ko pa kasi havs ng dimonyitong bagetz na takbo nang takbo. papuntang bicol ata, naghihintay ng bus. feeling ko lang matatabig niya yung ding-dong ni atashi, masasabunutan ko talaga siya.

alpha: wag mo ko kausapin. baka isipin nila sakin mo nakuha yang sakit mo.

wanda: hindi naman nila alam kung ano sakit ko. eh hindi ko nga alam kung ano sakit ko e.

alpha: may tulo ka. may tulo ka. (sabay tawa)

wanda: taena mo!

nung tinawag na akiz para gumora sa klinika, standing ovation lola mo at nagslide ako papasok. nakabuntot sakin si alpha.

wanda: hep! hep! hep! san ka pupunta?

alpha: sasama sayo.

wanda: sa loob?

alpha: san pa ba?

wanda: bat ka sasama?

alpha: ako magbabayad ng duktor mo, wag ka maarte.

wanda: (pabulong) eh pano kung gusto niya makita nota ko?

alpha: eh di ipakita mo.

wanda: eh di makikita mo rin.

alpha: eh ano ngayon? pareho naman tayong lalaki.

wanda: (pabulong uli) eh patingin nga nota mo.

alpha: hindi ka naman doktor e.

wanda: ku-kwentuhan na lang kita.

alpha: eh pag sinabi ng duktor na may AIDS ka, sinong tatawa? believe me, you need me there.

tapos tinulak niya ko papasok.

isplukara ni dok aga, base daw sa lab test ng PAMET at DTI e nakita nilang may slight dugo yung wee-wee ni atashi. nire-regla na ba ko? nagusot yung fez ni alpha. para kong naluha.

wanda: DOK! wala po akong sinisex, matagal na. SWEAR! hindi ko po talaga alam kung pano ko nagkaroon niyan ... SWEAR TALAGA, DOK!?! malinis ako.

natawa yung doktor. natawa rin si alpha.

sabi nung duktor wa naman daw siyang sinasabing masama. malaki lang duda niya na baka may batu-bato ako sa loob o kaya UTI lang. tapos sabi niya gigibsungan niya akeiwa ng gamot, numomo ng plentious na buko juice, tapos balik daw next week. iu-ultrasound daw lola mo.

na-excite akiz, in fairview. baka buntis lang ako.

nung pauwi na kami ...

alpha: sa susunod mag iingat ka pag nanlalalaki ka.

wanda: wala nga akong tulo. hindi mo ba narinig yung duktor?

alpha: pag kinuwento kita sa mga ka-trabaho ko may tulo ka na nyahahahahaha!!!

wanda: PUNYETA!!!

alpha: eh hindi ka naman nila kilala. ok lang yon.

wanda: kailangan ko yata ng second opinion.

alpha: eh may tulo ka nga!

wanda: hindi opinyon mo! ibang duktor.

alpha: wala lang yan. simpleng kaso ng AIDS lang yan.

wanda: eh pag may AIDS ako, ifi-friend mo pa din ako?

alpha: siyempre. pero pagtatawanan muna kita. eh pag ako?

wanda: ipagkakalat ko muna. pero friend pa din kita.

alpha: eh pag kelangan ko ng sex, tapos may AIDS ako, isi-sex mo ko?

wanda: anu ka ba?!

alpha: AIDS lang pala sisira ng pagkakaibigan natin.

wanda: tungaks! gusto mo ko magka-AIDS?

alpha: ayaw mo?! para pareho tayong may AIDS.

wanda: pag-iisipan ko muna ... ill burn da bridz wen i get der.

alpha: kain na lang tayong jollibee. pero layo ka sakin ha, baka mahawa ako nyahahaha

wanda: PUNYETA KA! ibaba mo na ko dito.

alpha: umaarte ka na naman.

wanda: nakakapikon ka na e. uuwi na ko.

aba! gumilid nga yung hitad tapos huminto talaga sa tabi si alpha. siniryoso ako. punyetang buhay talaga to.

alpha: o, baba na.

wanda: san ako sasakay pauwi?

saylenz

alpha: tatanga-tanga ka talaga kahit kelan. tara na, mag jollibee muna tayo.

at nag jollibee nga kami. siyempre akiz na nagpay, kakapalan ko naman kung siya pa pinag-paysung ng lola mo.

Monday, March 19, 2007

Lulusot Ka Pa Eh

nagte-take home ka ba ng lulurki sa balay mez?

na-julia roberts (huli) ka na ba ever, as in talagang ever na to, na nagte-take home ng lulurki sa balay mez?

etong friendship kong si kel, ang reigning rampadora queen ng san mateo, e walang takot na nagte-take home ng otoks sa balay-china nila. walang takot talaga. deadma sa julie yap daza. sabi nga niya, kung bongga naman ang fez ng ohmbre at dakekang pa ito, ABA, vahkit hindi?!

napa-isip si atashi. in fuhrnezz, kung ako nga yon at may entrance-exit kami sa likodstra, naku, siguro ilang lulurki na naglabas pasok sa balay. e ang isyu ko pa e yung mudra ni atashi, bukod sa talakera at abuso sa kanyang gift of tongue, e biniyayaan din siya ng super hearing. may gumalaw lang sa mga kubyertos sa tukador e wuwuk-up na at tatalak ng walang humpay. madalas daga yung natatalakan niya. pero kung minalas-malas kami at linoob kami ng mga magna cum laude (magnanakaw), malamang tatalakan niya yung mga yon hanggang sa kusa na lang aalis. magso-sori pa yung mga yon.

si kel kasi hinada niya yung boylet sa kwarto niya. tapos nung finish na, may i escort si bakla sa lulurki palabas. wa siya kamalay-malay na yung pudang niya e gising na gising at super shogo-ever sa mga madidilim sa sulok ng kusina. may pinagmanahan si bakla.

yung pudang niya kasi bawal mag yosi. at yung jubis niyang mudang na slight talakera e nag-ban ng yosi sa balay. kaya pag borlogs na daw si dabyana, subahrachi sa kusina ang drama ng paderaka.

nakalabas naman daw ng matiwasay yung lulurki at maboborlogs na si kel nung harangin siya ng paderaka at tinanong siya ng tanong na pinakai-iwasan ng kahit sineklavung vehykla na nagi-smuggle ng mga otoko-san.

say ng paderaka, "sino yon?" di daw matancha ni kel kung may galit yung pudang.

pag ganito, lagi mo i-assume na wala siyang nakita. na bulag siya. o kaya adikk siya tapos marami siyang nakikita.

isplukara ni bading, "sino po, tay?"

depende sa sagot niya yung posibleng palusot mo. pag sinabi niyang lalaking nakaputi e sabihin mo, "sinong lalaking nakaputi? hala, tay, may nakikita kayong hindi nakikita ng iba ..." wag mo gawin to kung may sakit sa puso yung erpat mo. baka ma-stroke.

pero hindi. "yung lalaking kalalabas lang, sino yon?"

sorry bakla. maysa-pusa yung pudang mez. nakakakita sa dilim.

kung estudiyante ka, madaling lusutan to. i-chikka mo lang na klasmeyt mo yung boylet tapos may hiniram lang. e etong si kel e limang taon nang gradweyt. wa din trabaho.

ang payo ko sa mga ganyan e wit ka magpaka-guilty. wag ka mashadong magpaliwanag kasi nga, sabi ko dati, less talk less mistake. halatang lumulusot ka pag mashado kang ma-boka.

ipagdasal mo na lang na showbizz yung tatay mo at nagsisimba siya ng maaga tuwing linggo para makapanood ng daBuzz. gaya ng pudang ni kel. dahil ...

sabi nga ng pudangchi ni kel, "hindi ba si bernard palanca yon?"

natameme daw si kel. natatawa-tawa pa siya pero super pigil ang vehykla na halos nau-utot na nga siya. bet niya ipaliwanag ang misteryo ng lulurki sa dilim. tapos ipakilala yung otoko bilang ang future niyang kabiyak na bumiyak sa kanya hahaha sabi niya understanding naman daw yung pudangchi niya.

kaya sabi niya sa tatay niya e, "opo, tay, si bernard palanca po yon."

say ng pudang ni kel, "akalain mo yon ..."

pumasok na daw si kel sa kwarto para wai nang question and answer portion. pero havs pa din ng kaba na hindi niya wari kung talagang tensiyonado siya o naji-jinggle lang siya o masamang hangin lang.

pero pero pero ayaw paawat ni erpat. humirit pa, "hiwalay na daw ba talaga sila ni meryll?"

sabi na lang ni kel, "hindi po namin pinag-uusapan, tay. tanong ko bukas."

in fairview, LUSOT!

kinabakusan, brinoadcast na sa buong sambahayan ang sikretong pagbisita ni bernard palanca. pati si dabiyana naglululundag daw sa tuwa. nayanig ang san mateo.

nung mapansin daw ng lola tabachingching yung mga upos ng yosi sa kusina, umeksena galore ang pudang at sinisi rin si bernard palanca yung walang pakundangang nag-subah.

yun ang lusot.

kawawang jortista. namamakla na, nagkakalat pa.

Saturday, February 24, 2007

Gusto Mong Kamote?

nung class fiture ng lola mo nung elementarya, sabi e may naaalala daw kay atashi yung mga kaklase ko, na kung hindi nangha-harass ng bakla e nang-aasar naman. pareho lang yun, kung tutuusin, pero yung isa may kilig factor konti. sabi nila may kamukha daw akiz. sabi ko sinetch. sabay pouching lips. sabi nila kartoon karakter daw. sabi ko sinetch nga. si pebbles daw. yung sa flintstones. hindi ko alam kung matutuwa ako.

pagka-gradweyt ko nung hayskul, syempre may gradweyshun fiture itu davah?! na walang awang binalandra ng mudra ni atashi as wallpeper ng wallet niya.

ngiting ngiti pa ko don. kasi yung fotographer non e bungal. tapos pag kukunan ka na niya sasabihin niya, "SMILE!" tapos i-ismayl din siya. hindi pala itu ismayl. ngisi pala. tapos lilitaw yung natitira niyang ipin. yung ismayl ko tuloy, konti na lang, pa-halakhak na.

nung gumora si mundangchi sa bangko at binuksan niya yung wallet niya, eto chikka lang ng mudra ko ha, havs daw ng manang-manangan na may i approach daw sa kanya.

hanashi daw nung matroniks, "anak mo yan?"

say ni mudangchi, "oo, anak ko to?"

matagal na kong duda na anak ako sa labas o kaya iniwan ako ng bumbay. chu-chu ng dati kong yaya yan. junakis daw akeiwa ng mga punjabi. (taray ni vehykla, may yayabelles!?!?!) tapos pinalayas ni mujai yung katol (short port katulong). kinabahan ako. baka totoo nga.

aniwei gokongwei, isplukara nung manang e "pa-autograph naman ako sa anak mo ... sabihin mo lagi kaming nanunuod ng esperanza."

natawa si mudang.

nagulantang ako. magsing-pisngi ba kami ni juday? hindi ko alam kung matutuwa ako.

tapos nung mag gradweyt yung friendship ko nung college, siyempre may parti-partihan itu. sa project 8. na hindi ko naman maintindihan bakit pagkashugal-shogal na e wichelles pa din nagi-gibsungan ng pangalan. at bakit waing project 1 tsaka 5? asan sila? kung may 2 dapat may 1. kung may 6 dapat may 5. kung mmda ka o nasabwat ka sa mga project na itu, pakilinaw naman? pleeez lang.

so sumakay akiz ng boxiness. kasi kyoryo naman talaga ang drama nung parti.

tapos si manong taxi, na ka-fez ni onyok, e panay silip sa rear view mirror. tapos ngingiti. tapos sisilip tsaka ngingiti. babatukan ko sana. nakaka-gago e. pero graciosa lola mo. kaya deadma na lang.

nung bumaba akiz tapos nagpay-sung na si atashi, isplukara ni manong driver, "may kapatid po ba kayong artista?"

nangiti ako. may kilig. naalala ko yung kamanangan sa bangko.

sabi ko, "wala po. bakit po?"

"hindi po ba kayo si marvin agustin?"

"PUNYETA naman manong! STYLE NIYO HA!?!" tapos giniblaban ko siya ng pinaka-dakilang tip na giniblab ni atashi sa tanang buhay ko.

hindi ko talaga alam kung matutuwa ako.

nung dating-dati pa, may i work akeiwang callboy sa makati, at majina pa kita ng kyorlor noonchiwa, nakasalubong ko yung klasmeyt ko nung college, na ayon sa nasusulat sa mga tsismis at pangdudusta ng mga nagmamaganda, e magiging sekyu.

pagbaba ko ng mrt nakasalubong ko siya. nakatayo sa tabi ng 7-11 sa farmers. hindi siya sekyu don. havs pa ng highlights herlalet ko noonchi, parang yung mga bagetz sa piyer na hinahagisan mo ng piso tapos sisisirin, hindi ko rin alam iniisip ko non kung bakit akeiwa nagpakulay. feeling ko bagong taon, bagong hurrstyle. maka-sunog anit talaga. tiis-ganda.

isplukara ni klasmeyt, "syet, wanda! hindi kita nakilala ..."

"ganda ba ng hurr ng lola mo?" sabay lugay gaya don sa mga palatastas ng shampoo, kala mo yung hurlalet e may sariling buhay.

"kala ko si jed madela ka ... kanta ka naman!"

"punyeta ka, magbantay ka na nga sa 7-11!"

at linayasan ko siya. di na ko masaya sa buhay ko. iritable pa ko sa mukha ko.

tapos kagabi, sa wakas, nakilala ko rin yung lulurking tinaguriang kamoteng kahoy. wai naman akong balak hadain yung boylet. sabi ko bet ko lang makita kung aneklavu yung itsura ng kamoteng kahoy.

sabi nina frida, si kamoteng kahoy daw e friendship ni totoy mola tapos mas higher level kesa sa mga ga-maling boys (yung mga notang sintaba ng maling). sabi ni roxy ang itsura daw ng kamoteng kahoy e malaki tapos hindi straight na straight. may bukul-bukol. tsaka maugat. parang kabubunot lang sa lupa, "UY KAMOTENG KAHOY!!!! LAGAIN NATIN!!!!"

sabi ni frida tikman ko daw. dadalhin naman daw nila akiz sa ospital. sabi ko ayoko, mukhang makalaglag panga. literal. sabi niya, hindi daw. nguyain lang daw paglabas casava na ahihihihi

so nung mag one on one kami ni kamoteng kahoy, im sure e super mega over boso-nova sina frida tsaka roxy. asa kyorlor lang kami non.

hindi gumagalaw si kamoteng kahoy. hindi umi-ispluk. na-stroke ata. na-comatose. lahat ng dugo napunta sa nota. pero kahit nota wit mashado matigas. tinouchstone pictures ng lola mo. once lang. joke lang, hawak-hawak ko. hanggang ngayon, hahahahah ... chikka lang. ang pokpok ko nitong mga nakaraang araw.

pero wai ko bet hadain talaga. bet ko lang i-touch and go.

sabi sakin nung lulurki.

"uwi na po ko, kuya ..."

sabi ko, "bakit naman?"

"may kamukha po kasi kayo ..."

sabi ko, "wag mo ko i-po. wala naman akong gagawing masama sayo e." lahat ng mga masasamang tao yan ang sinasabi. lalu na ni george estregan jr sa mga jolikula niya. nakaka-orkot siya. si george estregan jr.

sabi ko pa, "kamukha ko si marvin agustin, no?"

"ok lang po."

"jed madela?"

"sino yon, kuya?"

"wag mo ko tawaging kuya. feeling ko sinusunog na ko sa impiyerno."

"hehehe parang hawig niyo po kasi tatay ko e. nung buhay pa po siya ..."

nag-chikkahan na lang kami tungkol sa pudang niya.

pero hindi ko pa din binibitawan yung kamoteng kahoy. baka mabunot ng iba. balak ko gumawa ng suman sana.

kahit papano natuwa ako.

Thursday, February 22, 2007

Trial and Error

pag havs akitch ng boylet e madalas phone in question niyan kay atashi e kung ilang lalaki na daw yung dumaan sakin. sabi ko, kureksyon lang noh!?! ako ang dumadaan sa kanila, sabay lugay ng hurr.

e kasi naman wichikels akeiwa nagbibilang ng lulurki. pero natatandaan ko yung ilan sa kanila.

si julian yung una kong naging jowawiz-evermae. jinsaners siya ng insekyoray na gufra ng crazz ni atashi. nung una, nanligaw yung lulurki, bet lang daw niya subukan kung mai-inlababo si atashi sa kanya. sinabi niya yon nung sagutin ko siya. aba siyempre, galit-galitan ang lola. tapos na-realize daw niyang mahal niya na ako. nagpaligaw ako uli. nung sinagot ko sabi ko sinusubukan ko lang din kung hanggang kailan siya manliligaw. friendster ko pa din siya hanggang ngayon pero wit na kami friends.

si evan e crazzness ko nung college. binubuntut-buntutan ko pa yan sa campus. gwapo to. fabulous to da highest level. ngiti pa lang tunaw ka na. pero malaki ilong. at siyempers knowings mo na yung sabi nila pag dakekang yung ilong. dami nagkaka-crazz diyan kay evan so plentiousnezz ang kompitenzha. tapos may naka-chat ako bet din si evan. nick niya e buffy_me. sabi ni buffy_me crazz na crazz din daw niya si evan pero bet niya din akiz i-mit. madami daw siyang alam kay evan. so sked ang lola mo ng EB. after 48 years na pag-aantay, wiz sumipot si buffy_me. nung gabi nalaman ko sa friend ko na may i ask daw si evan kung judinggabels ang lola mo. kinilig ako. nalaman ko din na si buffy_me at si evan e i-isa pala. so i lernd da trut at sebentin, dat lab was ment por byuti kwins. daisy siete akiz nitembang.

nakilala ko si cocoy sa bus biyaheng alabang papuntang fairvew. mahilig manood ng tv si cocoy tsaka balak niyang maging mtv vj. gudlak! magaling mandemonyo tong si cocoy. iisipin mo mahal ka na niya. hanggang sa binitiwan niya yung pinaka-di malilimutang pick-up line sa tanang buhay ni atashi. sabi niya, "pasensiya na ha, wag ka sanang maingay. hold-ap to." mahigit isang oras lang kami nagkakilala.

tumabi sakin si manoy habang super watch akiz ng jolikula ni pops tsaka ni bojo molina tsaka ni alison 7. yung "gusto ko nang lumigaya." hindi ko alam liligaya pala ako nung gabing yon. dinala ko sa apartment ko si manoy. hindi ko pa nasasara yung pinto e lets get it on na ang lulur. nung magsimula akong pumusisyon e sabi ni manoy, "anong ginagawa mo? hindi ganyan, ganito." at tinuruan niya ko kung papano. hindi ako nakapag-pasalamat sa kanya sa dunong na pinagkaloob niya sakin. kerri ko nang gumawa ng kamasutra 2. pero quits lang kami, nawasak niya yung suot kong polo non. nawalan pa ng kyopat na butones.

si wency e bagong kasal. sa kanya ako unang naging kerida. ka-fez niya si wency cornejo. tinanong ko pa nga siya kung siya si wency cornejo. sabi niya, "sino yon?" trenta anyos si wency pero mukhang bagetz. laging mainit. lalu na pag jumujosok ng opisina. nung unang magkita kami e performance level agad ang lola mo sa kari-karu niya habang naka-park sa mga madidilim na parkingan sa ortigas. sa isip ko, may i sing-along akiz ng "habang may buhay" ni wency cornejo kasi buhay na buhay siya, ip yu know wat i min. panay pa bulong na, "mas magaling ka pa asawa ko." naulit yon, pero nag-motmot na kami. at ganon pa din linya niya, "mas magaling ka pa sa asawa ko." nung ikatlong beses magho-hotel na kami. tinext ko siya, wit reply. tinext ko uli, wit pa din. miniscol ko na, tinawagan ko pa. tapos ring kung ring ang nyelponella ng lola mo. sinagot ko. sabi ko, tuloy ba tayo? e babae yung nasa kabilang linya. minura-mura ako. magaling at malutong pala mag mura yung asawa niya.

si santos e nakilala ko din sa chat kung san ko naka-inkwentro si wency. nung magkita kami inikot-ikot niya pa ko sa makati para hindi ko makabisado daan papunta sa condo niya. as ip naman, divah?!! fotographer siya na mahilig mag-fiture ng mga fiture na pang fostcard. may asawa rin itu. naka-tatlong round kami non. at bawat round super ispluk siya na, "hindi pa nagagawa sakin yan ng asawa ko!" pagka-shopos, giniblab niya kay atashi yung number niya. tawagan ko daw siya o kaya i-text. ayoko nga. na-trauma na ko.

si jon jon e may ka-live in na gurlilet na jinowa ko. kerida na naman si atashi. pinapadalhan pa ko niyan ng load pag hindi ako nagte-textbak tapos tatawag kung natanggap ko na. hindi ko alam kung bakit pero feeling ko non mahal niya talaga ko. ang date namin e panunuod lang ng sine tsaka pagkain ng mane sa sakayan. tapos sabi niya panahon na daw para may mangyari samin. minamadali niya lola mo, ganun ba ko ka-hot?! hahaha in demand. e nagkataon naman na bugbog ako sa exam kaya waing time. ewan ko ba kung ano naisip ng mga propesor ko non at nagsabay-sabay sila. naglasing si jon jon at sinabi niya nagtatampo siya sakin. pagkatapos niyang sumuka, sinabi niya na jontis na yung ka-live in niya at magpapakasal na sila. nakipag-break na ko. sabi niya, "kung naging babae ka lang e ..." naglasing din ako. ayoko talaga yung linya na yon.

sabi ko, kailangan ko ng walang asawa. siya namang entra ni von. ingglisero to, magdudugo talaga ilong mo tsaka tenga. puro "yes" tsaka "oh really" lang sinasabi ko. ma-kwento siya. sabi ko magtagalog ka naman. sabi niya balak daw niyang pumunta ng states tapos tumaya sa lotto don kasi na-figure out niya na yung formula ng mga lumalabas na numero sa lotto. sabi ko ba't di ka na lang dito tumaya, may lotto din naman sa pinas. sabi niya mas malaki panalo sa states. tapos naglipchukan kami at inuwi ko siya sa apartment. kinabukasan nagising mga hausmeyts ni atashi at naki-tsismis kung sineklavu yung hapi meal na na-take out ko. sabi ko si von. sabi nung isa kong kasama, "eh yon? weirdo yon e. nagsasalita yon mag-isa." sabi naman nung isa pa, "e kaklase ko din yon e. sabi non nakakakita siya ng mga kaluluwa." hindi akiz nainsulto sa mga hanashi ng hausmeyts ni kuya. hindi man sila supportive, honest naman sila, in fairview.

si toti e friendship ng friendship ng friendship ko na wit ko na ma-trace kung sineklavu. nung akala ko na ang fubu e brand lang ng damit e meron na pala akong constant fubu. si toti. isang gabi total performer lola mo. binigay ko talaga lahat. siyempre wit mo naman knows kung kelan yung last, davah?! tapos narinig ko siyang naghihilik. tinulugan ako ng hitad. sa gitna ng bujei, naborlogs ang hitad. naborlogs na lang din akeiwa. kinabukasan ginising ako ni toti. sabi niya, "ang galing-galing mo kagabi." pero hindi pa rin yon yung last. yung sumunod yung last.

nagba-banda banda tong si ruel. go siya sa balay pag wa tao. tapos buong magdamag kami magji-jerjer. pag-wuk up sa umaga, bago pa mag-almusal, isang round uli. hindi kami nag-uusap ni ruel tungkol sa paborito niyang kulay o kung anong paa una niyang pinapasok pag nagsusuot siya ng pantalon o kung alam ba niya kumilatis kung alin ang kaliwa o kanang medyas. puro jerjer lang kami. minsan nagising ako kasi hinila niya akiz papalapit sa kanya. nakasiksik lola mo sa kili-kili ng lulurki. wala siyang sinabi, hindi nga ako sigurado kung nakakapagsalita siya e. pero kumanta siya ng "this i promis you" ng n'sync. hindi pa ko nakantahan ever ng lulurki. kahit gano man ka-korni.

si christopher e mayabang na naka-chat ko. may angas sa chatrum yan. chest, 42, biceps, 29, juwetra, 14. vital stats daw. sabi niya top daw siya. at magaling siya bumiyongkang. malaki kargada tapos maganda daw katawan niya, mula braso hanggang hinlalaki sa paa. naghahanap siya ng kapareho niya. at wag ka, taga marikina pa itu. so sabi ko, mit tayo. wang takot si bakla kasi semana santa non. sabi ng friend ko kinakabahan daw siya, wag na lang daw ako pumunta at baka makarma akiz. sabi ko sandali lang ako, pagdating ng linggo magkukumpisal naman ako. nagkita kami ni christopher. agaw atensyon yung kilay niya na hugis fly-over sa edsa. at waing bakas ng ganda, mula ulo hanggang panga. bungad niya sakin, gulat ka no? tapos sabi niya ginagawa daw niya yon kasi sa chatrum lahat obssess sa itsura. totoo naman. pero sabi ko, ano bang ginawa mo? sabi niya nagsinunangling daw siya tungkol sa itsura niya. tapos sabay tanong kung ano daw ba trip ko. sabi ko trip ko yung nagsasabi ng totoo. at gaya ng napag-usapan namin ni friend e tinawagan niya ako sa nyelpon, kunwari tatay ko siya, at pinapajuwetiks niya na akiz. tawa ng tawa si friend. so say ni atashi mauna na ko. na-karma ko ng semana santa. simula non namanata na ko magbibisita iglesia ever. kinabukasan, lumabas sa balita na shuktay na si rico yan.

si anton e dati kong textmate na mineet ko lang. sabi niya nagetlak daw niya number ko sa sampung piso. nagalit ako kasi bakit sa sampung piso lang sinulat number ko. cheappangga. minsan lang kami nag-init nitong si anton. sa loob pa ng sasakyan niya sa tapat lang ng balay nila. dahil matao sa loob, sa kariret na lang kami umeksena. tapos habang pa-intense nang pa-intense ang energy level naming duwachi e kinatok kami ng tanod na bigla na lang sumulpot nang walang kaabi-abiso. sabi samin ng tanod, "may problema ho ba?" mahirap i-deny o hanapan ng eksplenasyon yung nakita niya. na-areglo yung tanod sa halagang dalawang libo.

si jhong e bagetz ng dalawang taon sa lola mo. mapusok pero magaling sa math. kaya niyang mag-taymis at debay-debay sa jutak niya. ganun kami mag-foreplay. yung motto ni jhong e "carpe diem" tsaka "its now or never" at yung pinaka-paborito niya sa lahat e yung "right here, right now." nung mapadaan kami sa isang madilim na na basketbol kort sabi niya, "right here, right now." yung kort e shutabe lang ng baranggay hall. kabado ako kasi wa ko dalawang libo non. engkaso kailanganin.

si banjo e nakapalitan ko lang ng numero sa isang bar. feeling ko kasi non mahahanapan niya ko ng trabaho. sabi niya iti-text niya daw ako pag kailangan niya na ko. pinapunta niya ko sa balay nila one day isang araw tapos nag-jerjer kami nang walang humpay. sa gitna ng jerjer e humirit siya ng, "gusto ko akin ka lang ... sabihin mo akin ka lang." sabi ko, "oo, sayo lang ako." pagkatapos non pinagbihis niya ko agad kasi baka any monument daw e dumating yung boypren niya.

si lester e naging jowa ko dahil sa dare. kapapasok niya lang sa trabaho. nung maging kami e nag-resign siya. para mas marami daw siyang panahon sakin. marami nga. once a week lang kami nagkikita. never kami nag-jerjer ni lester. say niya e nire-respeto niya daw akiz. sabi ko, i-kiss mo na lang ako. sagot niya e kailangan daw ba yon sa isang relasyon. sabi ko hindi, pero sana lang bastusin niya naman ako minsan. nakipag-brake ako sa kanya nung sumunod na linggong nagkita kami. dare lang din sakin.

si dennis e upper classman na sobrang na-aliw nung mag stand-up comedy ako nung college. sabi niya, habang naglalakad kami sa ilalim ng mga starlets, "ang galing galing mong magbakla-baklaan." akala niya duduki si atashi. pero nag lipchukan kami. siya nag-simula, sumunod lang ako. peer pressure itu. jinowa ko siya kasi na-two time siya ng gurlet, kaya confident akiz na wichikels niya ko gagaguhin. pag gumo-gora kami sa resthaus nila sa batanggas e nanghuhuli pa kami ng mga alitaptap tapos linalagay namin sa loobstra ng kulambo namin para mabu-borlogs kami kunwari kasama ng mga starlets. apter 9 months, para kong nagbuntis, e nag i shall return kami sa resthaus nila jusama ng iba pang friendships. nahuli ko silang naglilipchukan nung isang friendship ni atashi sa ilalam din ng mga starlets. naglasing ako. pinigilan niya ko. sabi niya mag-usap daw kami. sabi ko ayaw ko. sabi niya madami daw alitaptap sa banda ron. sabi ko wala akong panahong manghuli ng alitaptap. at minura ko lahat ng alitaptap sa kaparangan. nag-break kami pag-uwi namin ng maynila.

si doc e nursing student na nakilala ko sa chat. wa pa daw siyang experience sa mga badessa at bet daw niya ako yung maka-una. feeling honored si vehykla kaya fly agad sa dormitoryo ni doc. wa daw tao tsaka wai yung land lady nila. bawal daw kasi mga bisitor. go go go. e don ko nalaman na si doc pala yung tinatawag ng mga baklang pantinga. napagod lang ako. sa kanya tsaka sa paghahanap nung dormitoryo niya. far away LA talaga. sabi niya isa pa daw. sabi ko wa na kong tinga. uuwi na ko. at sadyang mapag-biro ang tadhana dahil dumami yung mga utaw sa dorm pati yung land lady naisipang mag bidyoke sa labasan. nakulong ako sa kwarto niya ng mahigit apat na oras. sabi niya isa pa daw. sabi ko inaantok na ako. pa-idlip lang sandali.

si migo e nakilala ko sa chat. mukha siyang anime, mula buhok, pananamit tsaka mata. nare-remember me this way ko siya pag nasa-sighttsina ko si naruto. mahilig siya sa pusa kasi mahahaba daw mga legs. parang mga model. tsaka nakaka-hipnotayz daw yung mga mata nila. nung gumora akiz sa balay nilang puro tao wai man lang nakapansin na dumating akeiwa. kinabahan akiz baka kaluluwa na lang si atashi. nag-jerjer kami ni migo. tapos jumuwetiks na ko. wa man lang nakapansin sakin nung umalis akechie agbayani kahit natisod pa ko nung tiyuhin niya ata.

si arlan e addik. gusto niya bago kami mag-jerjer e magi-ishi caramba muna si atashi. sabi ko hindi ako gumagamit niyan. sabi niya umalis na daw ako. "take it or leave it" naman yung motto nito. sabi ko wala bang mas mababang klase. yung hindi nakaka-addik. tapos may binigay siya sakin. parang sigarilyo lang. tapos nag-jerjer kami. don ko na-realize na hindi to yung buhay na gusto ko. para akong nakipag-jerjer sa diablo. masarap umariba pero parang may mali.

bunsong anak si alfred. pag may hiningi siya sayo hindi ka pwedeng sumagot ng "hindi" o kaya "wag ngayon" o kaya "pag sweldo ko na lang." nung magkita kami say niya maglipchukan daw kami. aba, go! sabi niya mag-jerjer daw kami. go! sabi niya mag-boracay daw kami. sabi ko pag sweldo ko na lang. nag tantrums. kala niya aamuin ko siya. leche!

nag-click kami ni gabriel nung una kaming nagkita. mahilig ako manuod ng sine. mahilig siya manuod ng porn. may i ask akez kung bakit hindi siya nagsasawa sa porn. sabi niya kasi wala naman daw kwento. anything goes daw. ganon mga trip niya. e crazz na crazz ko tong si gabriel. kaya tini-text ko lagi, tinatawagan pa. nangungumusta lang, sabi ko. pero puro kowts lang pinapadala kay atashi. hanggang sa may shota na siya bigla at hindi na kami uli pwede magkita. sabi ni alpha, mashado daw kasi akeiwang naging interesado. nawala daw yung misteryo. sana nagpa-hard to get daw muna ko. ligwakers.

si yoyi e kakaiba sa mga naka-chat ko kasi ang bungad niya sakin hindi "nasl and stats" o kaya "ano trip mo?" hanggang sa nag-uusap na kami sa phoniletz. napag-desisyunanan namin na gusto namin yung isa't isa. sa phone. at bago pa lumalim e magkita na kami. sabi niya parang naka-tadhana daw na magkakilala kami. sabi ko, ah ok. sabi niya pag nakilala mo yung taong makakasama mo forever e mafi-feel mo. may mga signs daw chenes chumenelyn. nagkita kami sa mcdo sa munoz. asa balay akiz ng friendship non. kwento-kwento, chikka-chikka. pero steady lang. tapos sabi ko parang nalulula ako. sabi niya, lumilindol kasi at nalulula na rin daw siya. dalawang beses lumindol non. tapos nagkasundo kami na wag na muna magkita uli baka magkaroon ng sakuna.

si marvin e fayattola khumeni pero maganda mata. tawag niya sakin e tol. para siyang bata. pero bata pa nga siya. inimbitahan niya ko sumama sa isang miting. support group daw para sa mga PLU o pipol like us. yun pala e magjowa lang na naghahanap ng katuwaan. so nagkatuwaan sila, dinamay pa ko. pagka-shopos jumuwetiks na kami. sabi ko niloko niya ko. sana wala namang gulatan. sori siya nang sori. tapos sabi niya interasado daw talaga kasi siya sakin. punyeta. kinilig ako don. kaya lang naalala ko sinabi ni alpha. kaya pag tinitext akeiwa ni marvin hindi ko agad sinasagot. pag nag-yayaya siya lumabas, sinasabi ko bisi-bisihan lola mo. tapos na-miss ko siya bigla. tinext ko na magkita kami uli. sabi niya, "hu u?"

pwede mong sabihing nagmamaganda na naman si bakla. o kaya nagyayabang. pwede mo rin akong tawaging pokpok. wag mo lang mashadong lakasan. promis, hindi ako masasaktan.

trial and error ang ginagawa ko sa mga lulurki ko. hindi ako yung collect and select. o yung all together now.

trial and error si wanda. trial nang trial, error naman nang error.

siguro kasi yung punto e hindi yung makahanap ng tamang sagot. kundi yung makita kung saan nagkakamali.

Tuesday, February 20, 2007

Music and Lyrics (hindi itu rebyu)

boringgang boringga akiz kanina. kahapon pala. kaya naisip kong i-text si alpha kasi bukod sa ma-anda tong vehyklang itech, kaladkarin pa. nung ise-send ko na, biglang nagtext ang hitad. san daw ako. wit daw siya jumosok sa trabaho. labas daw kami.

um-oo si atashi. nauwi kami sa panunood ng music and lyrics. sa gateway.

pag mini-mit ko siya pa-mhin ang lola mo. ayoko mag-explain.

alpha: bakit nga ba natin pinanunood to?

wanda: kasi depressed ako. at pag pinanuod pa natin uli yung apocalypto ikaw na pupugutan ko ng ulo.

alpha: ayoko kay hugh grant. wala siyang pwet.

wanda: bihira lang tayo manuod ng pelikula na hindi horror, walang subtitle tsaka walang dumadanak na dugo.

alpha: madrama to e. pupusta ako iiyak ka na naman maya-maya.

wanda: hindi ako iyakin. (pabulong) wag ka maingay.

alpha: pustahan. pag umiyak ka, manunood tayo ng apocalypto.

wanda: na naman!?!

alpha: kitams. pati ikaw alam mong maiiyak ka.

wanda: wala kang paki-alam. linibre kita. manood ka.

alpha: pag umiyak ka iisipin ng mga tao mga bakla tayo. tapos iisipin nila mag-shota tayung dalawa.

wanda: utahnamen!?!

siya si alpha, na kahit ilang beses ko nang pangakuan ng libreng hot oil o highlights e wichelles talagang bumisita iglesia sa kyorlor-chenelyn. kesyo pam-bakla daw ang parlor. di naman mazhadu.

tsaka kesyo homophobic daw siya. sabi ko, haller!?! e bakla ka. ano ka, takot sa sarili mo. may saltik. bakla na nga si alpha ang labu-labo pa.

pagpipilitan niya talaga sayong wit siya becky. tripper daw siya at kumakangkang lang ng bakla. pero hindi pa niya ako nabo-byongkang. siyempre, kasal muna ahihihi

alpha: ang taba ko na.

wanda: shhhhh ... manood ka na.

alpha: e ang taba ko na. butete na ko.

wanda: kung butete ka, ano pang tawag mo sa kin?

alpha: uhm ... eh di, palaka? nyahahaha

wanda: tadpole yung baby palaka. yung butete nagiging lamok.

alpha: e ano pala sa tagalog ang tadpole?

wanda: uluulo. kala mo hindi ko alam.

alpha: yan gusto ko sayo e. para kang google. lahat may sagot.

wanda: tumahimik ka na.

alpha: manood na tayo ng apocalypto. bibilhan na lang kita ng dvd niyan.

wanda: bibilhan kita ng dibidi ng apocalypto. para manood ka mag-isa mo.

alpha: e butete na ko e. hawakan mo.

hindi ko hinawakan. pero ginetching niya kamay ng lola mo tapos pinakapa sakin yung taba niya. na wai naman.

wanda: gusto mo lang pahawak sakin abs mo.

alpha: gusto mo rin naman e.

wanda: ang kapal ng mukha mo.

alpha: eh ba't ayaw mo na alisin kamay mo?

sinikmuraan ko siya. tapos sinuntok niya ko sa balikat. anlakas.

buti na lang madilim at witchikels ako nagli-likas papaya o hiyas o heno de pravia, ang sabon ng mga jortista. kundi para akeiwang kamatis na kinulayan pa ng pula.

alpha: matagal pa ba?

wanda: wala pa tayo sa gitna ng pelikula.

alpha: tungaks! disk two na. in fairness hindi ka pa umiiyak.

wanda: kasi ayokong manood ng apocalypto.

alpha: alam mo ginagago lang tayo nitong pinanunuod natin e. para mapabili ka din ng soundtrack. tignan mo. lahat ng kumitang pelikula ni drew barrymore may kasamang kanta. para may marketable na soundtrack. the wedding singer.

wanda: grow old with you.

alpha: 50 first dates.

wanda: forgetful lucy.

alpha: tapos ito. kailangan talaga kumanta sila e hindi naman sila mga singer. nakaka-irita pa pwet ni hugh grant.

wanda: kala ko ba walang pwet.

alpha: yun na nga. tapos kumakanta pa. para lang bumenta yung soundtrack.

wanda: parang mga pelikula ni regine. (sabay kanta ng kailangan ko'y ikaw)

alpha: taena. bumibili ka talaga ng soundtrack ano? ang jologs mo.

wanda: tara na nga. mag-apocalypto na tayo.

alpha: hindi. sige, tatahimik na ko.

wanda: hindi. tara na. hindi ko na rin naman naiintindihan e. mahahabol pa natin yung apocalypto sa kabila.

alpha: hindi. manood na tayo nito. ang ganda. nakakatawa.

tumahimik ang lola mo. jiritationess na akeiwa.

alpha: kung mag inarte ka talaga feeling babae ka, no?

wanda: aminin mo na, kung naging babae ako pinormahan mo ko.

alpha: feeling ka mashado.

wanda: aminin mo na. gusto mo kong laging kasama kasi gusto mo kong tikman gaya ng ibang baklang tinitira mo.

alpha: taena mo. wala na kasi akong choice.

wanda: asus. nung isang linggo sabi mo, ang sarap siguro ng pwet mo. matambok.

alpha: sinabi ko lang yon kasi depress-depressan ka diyan sa shuta-shotaan mong kapitbahay.

wanda: weh! gusto mo kong bongkangin e. ako lang uma-ayaw.

alpha: kapal muks talaga. hoy, ikaw ang huling baklang titirahin ko. tandaan mo yan.

nanood na lang ako ng sine. gumaganda na kwento e.

alpha: tsaka hindi ganon katambok pwet mo. maganda lang bagsak nung pantalon sayo.

deadma lang lola mo. ganyan si alpha. kailangan ang atensiyon asa kanya. pag nalingat ka sa iba, lalakad yan sa bubog o kaya lalapokstra ng apoy hanggang sa sabihin mo, "UY! anjan ka pala."

kaya hindi kami nagsasama sa mga parti-partihan. kasi pareho kaming papansin. parang dos at seven. nagpapataasan ng ratings. pero ligwak ako kasi total package si alpha. kaya nga alpha kasi alpha male. towering height ang confidence level, maganda katawan tsaka gwapo kaya anlakas bumenta ng kondo. fini-flirt niya kostomer niya.

pero say namin baka maliit lang nota niya o kaya tatlo utong niya o kaya majitim singit kasi marunong magbalanse ang panginoon.

nagulat ako nung nag-walk out si alpha. deadma lang. dahil gaya ng ilang katulad ni alpha, pag hindi umipek ang pag-lafang ng apoy e sisilaban niya sarili niya. pag deadma ka pa din saka ka kakalabitin tapos sasabihing, "HOY! pansinin mo naman ako."

dahil lambut-lambutan yung puso ni atashi, parang marshmallow, pasindi pa lang siya ng posporo, may i igib na akiz ng tubig.

tinext ko siya. say ko say ko wallet bumayla na siya ng ticket ng apocalypto. wala pang two minutes, nag return of da come back ang vehykla.

alpha: matagal pa ba yan?

wanda: san ka ba nagpunta?

alpha: ang clingy mo naman. nawala lang ako sandali.

tapos nag-vibrate yung cp niya. sabi ni alpha ang kulit. pero sinagot niya pa rin. pagkatapos ...

wanda: sino yon?

alpha: ewan. number lang. gusto raw makipag-meet. sama ka?

wanda: manonood pa ko ng apocalypto.

alpha: na naman?! hindi ka pa ba nagsasawa sa apocalypto?

wanda: taena mo.

nang ma-shopos yung jolikula, nagyaya agad ako lumabas para hindi kami mahuli don sa susunod naming panonoorin. kahit masakit sa loob ko. pero nag-iba na naman trip ni alpha.

alpha: punta tayong mall of asia.

wanda: ang layo.

alpha: ihahatid kita pauwi.

wanda: oo. ihahatid mo ko sa sakayan. leche ka!?!

alpha: di ba gusto mong mga biglaang lakad. tara na.

wanda: pano yung apocalypto?

alpha: e bibilhan mo naman ako ng dvd non e.

wanda: ano naman gagawin natin sa mall of asia?

minsan trip namin nito ni alpha ang magbilang ng mga koreano sa mga mall o kungsanpaman. hindi pa namin nata-try sa mall of asia e.

kasi sabi ni alpha, balak daw i-take over ng korea ang buong mundo. dahil sa nuclear testing, dahil nagkalat na sila tsaka dahil daw pinipilit nila ma-appreciate natin yung kultura nila sa pamamagitan ng chinovela.

hindi na kami nag-apocalypto. tsaka ayon sa huling tally e naka-sight kami ng 32.5 na koreans. sa laki ng mall of asia, maliit yung 32.5.

kaya may .5 kasi yung jisaers wichikels namin sure kung koreano ba talaga o sadyang minamanas lang.

nung pauwi na, hinatid niya ko sa sakayan. wala yon sa usapan. gusto ko siyang silaban. pero deadma na lang.

pagbaba ko ng cariret niya, pinisil niya wetpaks ng lola mo.

alpha: mmm .. tambok!

wanda: umalis ka na bago ko kiskisan ng tansan yang oto mo.

alpha: matambok nga e ... pero lowered hahaha

pagkalipas ng isang pawisin at ma-ampot na mrt ride at isang mainit na fx, nakajuwetiks din lola mo. pero pansin ko naka-ngiti lang akiz kahit tagtag sa biyahe.

matambok daw pwet ko e.

Thursday, February 15, 2007

Doncha Doncha ...

si polgas e hindi ko friend na naging friend ko na lang di kalaunan. malaki titi niyan. malaki talaga. dakota harrison. singlaki ng harrison, gurl. pero wichikels pa kami nag-sesex ni polgas. baka sabihin niyo pokpok ako. pinakita niya lang. gusto niya lang pinapakita titi niya.

yezterday. minsan nagtataka na ako kung vahket oh vahket fini-friend ko mga taong katulad niya. obvious namang may saltik siya sa utak. o sa titi. o kung san man. ano na ba nangyayari sa mundo ngayon? si pacquiao pa kumakandidato. ewan!

pero sa laki ng kargada non hindi mo pwede hawakan ng isang kamay lang. kasi makakatakbo sa malayo. kaya kailangan dalawa.

e pag may i ask ka nga, "polgas, gano kalaki titi mo?" hindi ka sasagutin in inches. sasabihin niya pulgada. e pareho lang naman yon, davah? sabi niya, parang mas malaki daw pakinggan yung pulgada. parang bangka tsaka barko. o kaya bibig tsaka bunganga, alam mong yung isa naka-tikom halos tapos yung jisaers naman bukaka.

in love ka na sa kanya o sa titi niya? ako muntik na. tapos minsan sinabi niya mag-isa lang daw siya sa bahay nila. bet ko daw bang pumunta. boxers tsaka sando lang daw suot niya. nae-ingganyo ka na ba? punta ka, sige. ask ko kung aneklavu ang ginagawa niya. sabi niya nagsasayaw daw siya ng donchawishyargelprenwashotlaykmedonchadoncha ... hahaha san ka pa? parang nalusaw lahat ng feelings ko sa kanya. doncha-doncha pa lang.

may problema tong si polgas. kasi bukod sa trip niyang nakikita ko yung titi niya e mahilig dumulog sakin yan pag may problema siya. isyung balentayms daw.

dalawang lulurki daw kasi nagyayaya sa kanyang makipag-sex ngayong panahon ng mga puso. yung isa daw, parang mahal na niya. mabait tapos makwento tapos napapatawa pa siya. pero hindi daw magaling sa kama. madalas daw siyang sumigaw. hindi dahil sa masarap, kundi dahil sa ipin. AY! at may braces pa ito. OUCH NGA! at tinanong pa ko kung bet ko daw makita yung mga sugat. sabi ko wag na, sayaw ka na lang ng pussycat dolls.

tapos yung isa naman e hindi mashadong kagandahan yung packaging, hindi naman din daw uglipayan, pero performance level daw talaga itu pag kagat ng dilim. at sweet at thoughtful. at konek daw talaga sila. tsaka galante pag lumalabas. at paborito nila pareho ang doncha.

sabi ko, "pwes, mamili ka. unfair naman na pagsabayin mo sila, davah?"

eh sino nga daw sa duwachi?

sabi ko, "eh hindi ko alam, hindi ko naman sila nakakasama. ba't ako tinatanong mo?"

tapos may i ask siya kung bet ko daw ba makipag-threesome sa kanila. sabi ko isa akong dalagang pilipinang may kahihiyan at dignidad at nalilito sa maramihan hahaha kaya di ako pwede sa mga ganyan. tama nang minsan hehehe

sabi ko, "eh sino bang mas mahal mo?"

mahal na nga daw niya pareho.

sabi ko, "ano ba sabi ng puso mo?"

gusto daw niya yung naka-braces.

sabi ko, naisip ko lang bigla yung tanong, so bago pa lumipas yung moment, aba, tinanong ko na, "eh ano sinasabi ng titi mo?"

parang gusto daw niya yung medyo panget.

wala lang din. kyuryus lang lola mo, "eh yung utak mo ba may sariling opinyon ukol sa isyung itu?"

gusto daw niyang pagsabay-sabayin. yun daw sinasabi ng utak niya o kung ano man yung andon sa tuktok ng ulo niya. exact words ni polgas. at least aware siya, davah?!

sabi ko, "mahirap yan. kailangan mo lang mamili ng isa. unless alam nung dalawa na hindi ka exclusive sa kanila."

tapos kumanta siya ng "sana dalawa ang puso ko." tapos doncha na. shetness.

sabi ko, "hindi ka pa ba nagsasawa sa kantang yan?"

sabi niya hindi pa. tapos nag-sayaw na. binato ko siya ng magazine. sabi ko pumirmi siya kundi babaliin ko mga paa niya. hindi tumigil. sabi ko puputulin ko titi niya. umupo si polgas. MY GASH, POLGASH!?!

tapos sinabi niya nalilito daw talaga siya. mahal daw niya yung naka-braces pero parang slighly chumuchuva-chuchu na rin siya don sa uglipayan.

sabi ko, "eh feeling ko naman naka-pili ka na. hindi ka lang sure kung tama yung napili mo."

tinanong niya ko kung pwede daw ba siya pumili ng isa tapos parang skyflakes na lang yung isa. pantawid gutom lang.

sabi ko, "hindi OK yon."

eh pano daw pag nakapili na siya. yung naka-braces. tapos na-realize niya sa huli na mas love niya yung uglipayan, paano naman daw yon?

sabi ko, "polgas, natural na darating yung panahon na magdu-duda ka sa pinili mo. isipin mo na lagi merong mas higit sa shota mo. may mas gwapo o mas mayaman o mas mas malalim ang pwerta. pero kung inlababo ka talaga sa kanya deadma ka na don sa iba tsaka don sa mga bagay na maluwang sa kanya."

tapos sabi sakin lalo siyang nalilito. magsasayaw na lang daw siya.

e prinangka ko na, "alam mo selfish ka. para kang namimili ng damit e."

nagpasalamat siya. pinaalala ko daw na bibili siya ng damit.

"yung isa fit sayo kaya bet mo siyang bilhin. yung isa gusto mo lang yung kulay pero hindi ka sure kung may pantalon na babagayan. so bibilhin mo yung magandang fit pero itatago mo yung bonggaciousness ang kulay para wa ibang makabili. para pag luma na yung fit babalik ka don sa tiannge tapos bibilhin mo yung isa tapos sasamahan mo na ng pantalon para kabog."

nagalit si polgas. hindi daw siya namimili sa tiangge.

sabi ko, "bahala ka na nga. sasayaw na lang ako ng boom tarat."

pinigilan niya ako. say niya hindi naman daw niya kailangang mamili. dahil may pangatlong lulurki pa. at getting to know each other pa lang sila. pero hindi pwede maka-date ngayong balentayms. next week pa daw.

sabi ko, "weh ano palang problema mo? nagsasayang lang tayo ng oras dito."

tapos sagot niya e nalilibugan daw siya.

sabi ko, "eh di i-text mo yung mga lalaki mo."

sabi niya e matatapos na daw yung balentayms tapos ako naman daw yung andon kasama niya. so ako na lang daw. one time biggie time lang. i-bold letters natin yung biggie tapos gawin nating pula. BIGGIE!!!

nagdalawang isip ang lola mo. parang gusto ko din e ...

ITUTULOY ...

cool ka lang, na-jinggle lang ako.

eh yun nga. sabi ko, "may mas maganda akong idea. magsayaw na lang tayo ng doncha."

na-uto si gago. naubos namin yung cd ng pussycat dolls sa kakasayaw.

pag-uwi ko najisip ko, "SAYANG! SHET NA MALAGKIT! PALAY NA PALA LUMALAPIT!!!"

pero naisip ko din kung ganon lang ka-casual ang balentayms ko, wag na lang.

alam ko sasabihin sakin ni frida, "ang arte mo, kuya. kaya ka walang jowa e."

tapos sasabihin ko, "eh kahit anong araw naman pwede ako makakuha ng kagaya ni polgas e. pero balentayms, sana lang maiba. kahit ngayong taon lang."

sasagot ni frida, "pwede. in fairview, may punto ka diyan, propesora ... pero maarte ka talaga, kuya. tanggapin mo na."

kainis. dumadaan na lang yung balentayms ngayon. nadadaan sa tulog. parang pasko. tapos wala pang regalo.