Thursday, February 22, 2007

Trial and Error

pag havs akitch ng boylet e madalas phone in question niyan kay atashi e kung ilang lalaki na daw yung dumaan sakin. sabi ko, kureksyon lang noh!?! ako ang dumadaan sa kanila, sabay lugay ng hurr.

e kasi naman wichikels akeiwa nagbibilang ng lulurki. pero natatandaan ko yung ilan sa kanila.

si julian yung una kong naging jowawiz-evermae. jinsaners siya ng insekyoray na gufra ng crazz ni atashi. nung una, nanligaw yung lulurki, bet lang daw niya subukan kung mai-inlababo si atashi sa kanya. sinabi niya yon nung sagutin ko siya. aba siyempre, galit-galitan ang lola. tapos na-realize daw niyang mahal niya na ako. nagpaligaw ako uli. nung sinagot ko sabi ko sinusubukan ko lang din kung hanggang kailan siya manliligaw. friendster ko pa din siya hanggang ngayon pero wit na kami friends.

si evan e crazzness ko nung college. binubuntut-buntutan ko pa yan sa campus. gwapo to. fabulous to da highest level. ngiti pa lang tunaw ka na. pero malaki ilong. at siyempers knowings mo na yung sabi nila pag dakekang yung ilong. dami nagkaka-crazz diyan kay evan so plentiousnezz ang kompitenzha. tapos may naka-chat ako bet din si evan. nick niya e buffy_me. sabi ni buffy_me crazz na crazz din daw niya si evan pero bet niya din akiz i-mit. madami daw siyang alam kay evan. so sked ang lola mo ng EB. after 48 years na pag-aantay, wiz sumipot si buffy_me. nung gabi nalaman ko sa friend ko na may i ask daw si evan kung judinggabels ang lola mo. kinilig ako. nalaman ko din na si buffy_me at si evan e i-isa pala. so i lernd da trut at sebentin, dat lab was ment por byuti kwins. daisy siete akiz nitembang.

nakilala ko si cocoy sa bus biyaheng alabang papuntang fairvew. mahilig manood ng tv si cocoy tsaka balak niyang maging mtv vj. gudlak! magaling mandemonyo tong si cocoy. iisipin mo mahal ka na niya. hanggang sa binitiwan niya yung pinaka-di malilimutang pick-up line sa tanang buhay ni atashi. sabi niya, "pasensiya na ha, wag ka sanang maingay. hold-ap to." mahigit isang oras lang kami nagkakilala.

tumabi sakin si manoy habang super watch akiz ng jolikula ni pops tsaka ni bojo molina tsaka ni alison 7. yung "gusto ko nang lumigaya." hindi ko alam liligaya pala ako nung gabing yon. dinala ko sa apartment ko si manoy. hindi ko pa nasasara yung pinto e lets get it on na ang lulur. nung magsimula akong pumusisyon e sabi ni manoy, "anong ginagawa mo? hindi ganyan, ganito." at tinuruan niya ko kung papano. hindi ako nakapag-pasalamat sa kanya sa dunong na pinagkaloob niya sakin. kerri ko nang gumawa ng kamasutra 2. pero quits lang kami, nawasak niya yung suot kong polo non. nawalan pa ng kyopat na butones.

si wency e bagong kasal. sa kanya ako unang naging kerida. ka-fez niya si wency cornejo. tinanong ko pa nga siya kung siya si wency cornejo. sabi niya, "sino yon?" trenta anyos si wency pero mukhang bagetz. laging mainit. lalu na pag jumujosok ng opisina. nung unang magkita kami e performance level agad ang lola mo sa kari-karu niya habang naka-park sa mga madidilim na parkingan sa ortigas. sa isip ko, may i sing-along akiz ng "habang may buhay" ni wency cornejo kasi buhay na buhay siya, ip yu know wat i min. panay pa bulong na, "mas magaling ka pa asawa ko." naulit yon, pero nag-motmot na kami. at ganon pa din linya niya, "mas magaling ka pa sa asawa ko." nung ikatlong beses magho-hotel na kami. tinext ko siya, wit reply. tinext ko uli, wit pa din. miniscol ko na, tinawagan ko pa. tapos ring kung ring ang nyelponella ng lola mo. sinagot ko. sabi ko, tuloy ba tayo? e babae yung nasa kabilang linya. minura-mura ako. magaling at malutong pala mag mura yung asawa niya.

si santos e nakilala ko din sa chat kung san ko naka-inkwentro si wency. nung magkita kami inikot-ikot niya pa ko sa makati para hindi ko makabisado daan papunta sa condo niya. as ip naman, divah?!! fotographer siya na mahilig mag-fiture ng mga fiture na pang fostcard. may asawa rin itu. naka-tatlong round kami non. at bawat round super ispluk siya na, "hindi pa nagagawa sakin yan ng asawa ko!" pagka-shopos, giniblab niya kay atashi yung number niya. tawagan ko daw siya o kaya i-text. ayoko nga. na-trauma na ko.

si jon jon e may ka-live in na gurlilet na jinowa ko. kerida na naman si atashi. pinapadalhan pa ko niyan ng load pag hindi ako nagte-textbak tapos tatawag kung natanggap ko na. hindi ko alam kung bakit pero feeling ko non mahal niya talaga ko. ang date namin e panunuod lang ng sine tsaka pagkain ng mane sa sakayan. tapos sabi niya panahon na daw para may mangyari samin. minamadali niya lola mo, ganun ba ko ka-hot?! hahaha in demand. e nagkataon naman na bugbog ako sa exam kaya waing time. ewan ko ba kung ano naisip ng mga propesor ko non at nagsabay-sabay sila. naglasing si jon jon at sinabi niya nagtatampo siya sakin. pagkatapos niyang sumuka, sinabi niya na jontis na yung ka-live in niya at magpapakasal na sila. nakipag-break na ko. sabi niya, "kung naging babae ka lang e ..." naglasing din ako. ayoko talaga yung linya na yon.

sabi ko, kailangan ko ng walang asawa. siya namang entra ni von. ingglisero to, magdudugo talaga ilong mo tsaka tenga. puro "yes" tsaka "oh really" lang sinasabi ko. ma-kwento siya. sabi ko magtagalog ka naman. sabi niya balak daw niyang pumunta ng states tapos tumaya sa lotto don kasi na-figure out niya na yung formula ng mga lumalabas na numero sa lotto. sabi ko ba't di ka na lang dito tumaya, may lotto din naman sa pinas. sabi niya mas malaki panalo sa states. tapos naglipchukan kami at inuwi ko siya sa apartment. kinabukasan nagising mga hausmeyts ni atashi at naki-tsismis kung sineklavu yung hapi meal na na-take out ko. sabi ko si von. sabi nung isa kong kasama, "eh yon? weirdo yon e. nagsasalita yon mag-isa." sabi naman nung isa pa, "e kaklase ko din yon e. sabi non nakakakita siya ng mga kaluluwa." hindi akiz nainsulto sa mga hanashi ng hausmeyts ni kuya. hindi man sila supportive, honest naman sila, in fairview.

si toti e friendship ng friendship ng friendship ko na wit ko na ma-trace kung sineklavu. nung akala ko na ang fubu e brand lang ng damit e meron na pala akong constant fubu. si toti. isang gabi total performer lola mo. binigay ko talaga lahat. siyempre wit mo naman knows kung kelan yung last, davah?! tapos narinig ko siyang naghihilik. tinulugan ako ng hitad. sa gitna ng bujei, naborlogs ang hitad. naborlogs na lang din akeiwa. kinabukasan ginising ako ni toti. sabi niya, "ang galing-galing mo kagabi." pero hindi pa rin yon yung last. yung sumunod yung last.

nagba-banda banda tong si ruel. go siya sa balay pag wa tao. tapos buong magdamag kami magji-jerjer. pag-wuk up sa umaga, bago pa mag-almusal, isang round uli. hindi kami nag-uusap ni ruel tungkol sa paborito niyang kulay o kung anong paa una niyang pinapasok pag nagsusuot siya ng pantalon o kung alam ba niya kumilatis kung alin ang kaliwa o kanang medyas. puro jerjer lang kami. minsan nagising ako kasi hinila niya akiz papalapit sa kanya. nakasiksik lola mo sa kili-kili ng lulurki. wala siyang sinabi, hindi nga ako sigurado kung nakakapagsalita siya e. pero kumanta siya ng "this i promis you" ng n'sync. hindi pa ko nakantahan ever ng lulurki. kahit gano man ka-korni.

si christopher e mayabang na naka-chat ko. may angas sa chatrum yan. chest, 42, biceps, 29, juwetra, 14. vital stats daw. sabi niya top daw siya. at magaling siya bumiyongkang. malaki kargada tapos maganda daw katawan niya, mula braso hanggang hinlalaki sa paa. naghahanap siya ng kapareho niya. at wag ka, taga marikina pa itu. so sabi ko, mit tayo. wang takot si bakla kasi semana santa non. sabi ng friend ko kinakabahan daw siya, wag na lang daw ako pumunta at baka makarma akiz. sabi ko sandali lang ako, pagdating ng linggo magkukumpisal naman ako. nagkita kami ni christopher. agaw atensyon yung kilay niya na hugis fly-over sa edsa. at waing bakas ng ganda, mula ulo hanggang panga. bungad niya sakin, gulat ka no? tapos sabi niya ginagawa daw niya yon kasi sa chatrum lahat obssess sa itsura. totoo naman. pero sabi ko, ano bang ginawa mo? sabi niya nagsinunangling daw siya tungkol sa itsura niya. tapos sabay tanong kung ano daw ba trip ko. sabi ko trip ko yung nagsasabi ng totoo. at gaya ng napag-usapan namin ni friend e tinawagan niya ako sa nyelpon, kunwari tatay ko siya, at pinapajuwetiks niya na akiz. tawa ng tawa si friend. so say ni atashi mauna na ko. na-karma ko ng semana santa. simula non namanata na ko magbibisita iglesia ever. kinabukasan, lumabas sa balita na shuktay na si rico yan.

si anton e dati kong textmate na mineet ko lang. sabi niya nagetlak daw niya number ko sa sampung piso. nagalit ako kasi bakit sa sampung piso lang sinulat number ko. cheappangga. minsan lang kami nag-init nitong si anton. sa loob pa ng sasakyan niya sa tapat lang ng balay nila. dahil matao sa loob, sa kariret na lang kami umeksena. tapos habang pa-intense nang pa-intense ang energy level naming duwachi e kinatok kami ng tanod na bigla na lang sumulpot nang walang kaabi-abiso. sabi samin ng tanod, "may problema ho ba?" mahirap i-deny o hanapan ng eksplenasyon yung nakita niya. na-areglo yung tanod sa halagang dalawang libo.

si jhong e bagetz ng dalawang taon sa lola mo. mapusok pero magaling sa math. kaya niyang mag-taymis at debay-debay sa jutak niya. ganun kami mag-foreplay. yung motto ni jhong e "carpe diem" tsaka "its now or never" at yung pinaka-paborito niya sa lahat e yung "right here, right now." nung mapadaan kami sa isang madilim na na basketbol kort sabi niya, "right here, right now." yung kort e shutabe lang ng baranggay hall. kabado ako kasi wa ko dalawang libo non. engkaso kailanganin.

si banjo e nakapalitan ko lang ng numero sa isang bar. feeling ko kasi non mahahanapan niya ko ng trabaho. sabi niya iti-text niya daw ako pag kailangan niya na ko. pinapunta niya ko sa balay nila one day isang araw tapos nag-jerjer kami nang walang humpay. sa gitna ng jerjer e humirit siya ng, "gusto ko akin ka lang ... sabihin mo akin ka lang." sabi ko, "oo, sayo lang ako." pagkatapos non pinagbihis niya ko agad kasi baka any monument daw e dumating yung boypren niya.

si lester e naging jowa ko dahil sa dare. kapapasok niya lang sa trabaho. nung maging kami e nag-resign siya. para mas marami daw siyang panahon sakin. marami nga. once a week lang kami nagkikita. never kami nag-jerjer ni lester. say niya e nire-respeto niya daw akiz. sabi ko, i-kiss mo na lang ako. sagot niya e kailangan daw ba yon sa isang relasyon. sabi ko hindi, pero sana lang bastusin niya naman ako minsan. nakipag-brake ako sa kanya nung sumunod na linggong nagkita kami. dare lang din sakin.

si dennis e upper classman na sobrang na-aliw nung mag stand-up comedy ako nung college. sabi niya, habang naglalakad kami sa ilalim ng mga starlets, "ang galing galing mong magbakla-baklaan." akala niya duduki si atashi. pero nag lipchukan kami. siya nag-simula, sumunod lang ako. peer pressure itu. jinowa ko siya kasi na-two time siya ng gurlet, kaya confident akiz na wichikels niya ko gagaguhin. pag gumo-gora kami sa resthaus nila sa batanggas e nanghuhuli pa kami ng mga alitaptap tapos linalagay namin sa loobstra ng kulambo namin para mabu-borlogs kami kunwari kasama ng mga starlets. apter 9 months, para kong nagbuntis, e nag i shall return kami sa resthaus nila jusama ng iba pang friendships. nahuli ko silang naglilipchukan nung isang friendship ni atashi sa ilalam din ng mga starlets. naglasing ako. pinigilan niya ko. sabi niya mag-usap daw kami. sabi ko ayaw ko. sabi niya madami daw alitaptap sa banda ron. sabi ko wala akong panahong manghuli ng alitaptap. at minura ko lahat ng alitaptap sa kaparangan. nag-break kami pag-uwi namin ng maynila.

si doc e nursing student na nakilala ko sa chat. wa pa daw siyang experience sa mga badessa at bet daw niya ako yung maka-una. feeling honored si vehykla kaya fly agad sa dormitoryo ni doc. wa daw tao tsaka wai yung land lady nila. bawal daw kasi mga bisitor. go go go. e don ko nalaman na si doc pala yung tinatawag ng mga baklang pantinga. napagod lang ako. sa kanya tsaka sa paghahanap nung dormitoryo niya. far away LA talaga. sabi niya isa pa daw. sabi ko wa na kong tinga. uuwi na ko. at sadyang mapag-biro ang tadhana dahil dumami yung mga utaw sa dorm pati yung land lady naisipang mag bidyoke sa labasan. nakulong ako sa kwarto niya ng mahigit apat na oras. sabi niya isa pa daw. sabi ko inaantok na ako. pa-idlip lang sandali.

si migo e nakilala ko sa chat. mukha siyang anime, mula buhok, pananamit tsaka mata. nare-remember me this way ko siya pag nasa-sighttsina ko si naruto. mahilig siya sa pusa kasi mahahaba daw mga legs. parang mga model. tsaka nakaka-hipnotayz daw yung mga mata nila. nung gumora akiz sa balay nilang puro tao wai man lang nakapansin na dumating akeiwa. kinabahan akiz baka kaluluwa na lang si atashi. nag-jerjer kami ni migo. tapos jumuwetiks na ko. wa man lang nakapansin sakin nung umalis akechie agbayani kahit natisod pa ko nung tiyuhin niya ata.

si arlan e addik. gusto niya bago kami mag-jerjer e magi-ishi caramba muna si atashi. sabi ko hindi ako gumagamit niyan. sabi niya umalis na daw ako. "take it or leave it" naman yung motto nito. sabi ko wala bang mas mababang klase. yung hindi nakaka-addik. tapos may binigay siya sakin. parang sigarilyo lang. tapos nag-jerjer kami. don ko na-realize na hindi to yung buhay na gusto ko. para akong nakipag-jerjer sa diablo. masarap umariba pero parang may mali.

bunsong anak si alfred. pag may hiningi siya sayo hindi ka pwedeng sumagot ng "hindi" o kaya "wag ngayon" o kaya "pag sweldo ko na lang." nung magkita kami say niya maglipchukan daw kami. aba, go! sabi niya mag-jerjer daw kami. go! sabi niya mag-boracay daw kami. sabi ko pag sweldo ko na lang. nag tantrums. kala niya aamuin ko siya. leche!

nag-click kami ni gabriel nung una kaming nagkita. mahilig ako manuod ng sine. mahilig siya manuod ng porn. may i ask akez kung bakit hindi siya nagsasawa sa porn. sabi niya kasi wala naman daw kwento. anything goes daw. ganon mga trip niya. e crazz na crazz ko tong si gabriel. kaya tini-text ko lagi, tinatawagan pa. nangungumusta lang, sabi ko. pero puro kowts lang pinapadala kay atashi. hanggang sa may shota na siya bigla at hindi na kami uli pwede magkita. sabi ni alpha, mashado daw kasi akeiwang naging interesado. nawala daw yung misteryo. sana nagpa-hard to get daw muna ko. ligwakers.

si yoyi e kakaiba sa mga naka-chat ko kasi ang bungad niya sakin hindi "nasl and stats" o kaya "ano trip mo?" hanggang sa nag-uusap na kami sa phoniletz. napag-desisyunanan namin na gusto namin yung isa't isa. sa phone. at bago pa lumalim e magkita na kami. sabi niya parang naka-tadhana daw na magkakilala kami. sabi ko, ah ok. sabi niya pag nakilala mo yung taong makakasama mo forever e mafi-feel mo. may mga signs daw chenes chumenelyn. nagkita kami sa mcdo sa munoz. asa balay akiz ng friendship non. kwento-kwento, chikka-chikka. pero steady lang. tapos sabi ko parang nalulula ako. sabi niya, lumilindol kasi at nalulula na rin daw siya. dalawang beses lumindol non. tapos nagkasundo kami na wag na muna magkita uli baka magkaroon ng sakuna.

si marvin e fayattola khumeni pero maganda mata. tawag niya sakin e tol. para siyang bata. pero bata pa nga siya. inimbitahan niya ko sumama sa isang miting. support group daw para sa mga PLU o pipol like us. yun pala e magjowa lang na naghahanap ng katuwaan. so nagkatuwaan sila, dinamay pa ko. pagka-shopos jumuwetiks na kami. sabi ko niloko niya ko. sana wala namang gulatan. sori siya nang sori. tapos sabi niya interasado daw talaga kasi siya sakin. punyeta. kinilig ako don. kaya lang naalala ko sinabi ni alpha. kaya pag tinitext akeiwa ni marvin hindi ko agad sinasagot. pag nag-yayaya siya lumabas, sinasabi ko bisi-bisihan lola mo. tapos na-miss ko siya bigla. tinext ko na magkita kami uli. sabi niya, "hu u?"

pwede mong sabihing nagmamaganda na naman si bakla. o kaya nagyayabang. pwede mo rin akong tawaging pokpok. wag mo lang mashadong lakasan. promis, hindi ako masasaktan.

trial and error ang ginagawa ko sa mga lulurki ko. hindi ako yung collect and select. o yung all together now.

trial and error si wanda. trial nang trial, error naman nang error.

siguro kasi yung punto e hindi yung makahanap ng tamang sagot. kundi yung makita kung saan nagkakamali.

18 comments:

Anonymous said...

taena ka wanda, POKPOK ka!!! teka, bawal nga pala isigaw. *pokpok ka, wanda*. pero in fairview, natawa ako sa mga kwento mo ha. pero bakit MIA si alpha???

Riker said...

ang pwede ko la ng masabi e ang HABA.. maganda sana ang mahaba pero nakakahilo!! hahaha.. (WTF?!.. psst..demure ako ha)

error talaga ang buhay wanda.. error 1,2,3,4 etcetera, I thank you..

wanda, ilusyunada said...

sensha. napahaba hahaha nadala lang lola mo.

burrito, si alpha kasi wit naman kinakarir ni atashi. nang may effort. tamang kilig factor lang siguro siya.

chino, pasensha. iba dapat babagsakan nitembang. e di din pala pwede don. basta mahabang kwento. e nanghinayang lola mo kaya linagay ko na lang diteiwa.

Anonymous said...

.ang haba ng hurr ng ateh.

MiRa said...

"siguro kasi yung punto e hindi yung makahanap ng tamang sagot. kundi yung makita kung saan nagkakamali."
syet!? ang lupet nun nena!? at ang haba ng hair, ang daming boyz!!!

Anonymous said...

kahit idenay pa nang lola na me pagtangi sya ke alpha kaya di nya nilista - bukayo pa rin sya....bakit nabanggit pa rin si alpha sa chika?

AT...kung si marcus nga e di nalagay sa listahan...di katakatakang i omit nga si alpha dyan sa list.

dahil ba ibang level sila?

Unsugarcoated Reviews said...

grabe ang haba hehe

pero bilib ako ha, naalala mo pa lahat ng pangalan saka details nila :D

Anonymous said...

pagkatapos nyang kurutin ang pwet mo, tamang kilig factor lang?! *pokpok ka, wanda*.

ang gusto ko talaga malaman e kailangan mo naisipang mag-parlor, at paano napasok sa buhay mo si roxy and frida. simulan na! pero sana gawin mong chapters like ginawa ni mandaya, para di uli mahilo si chino sa haba...

Anonymous said...

mali ang na-type ko. dapat: "KAILAN mo naisipang mag-parlor".

Anonymous said...

eh bakit ka pa hihintay ng sweldo?

pwede ka namang makapunta sa Boracay nang libre! (kahit magsama ka pa ng tatlong kaibigan)

pati accommodations, libre. :-)

(yung mga contest deadlines: March 4 and March 16)

wanda, ilusyunada said...

tungkol sa pinagmulan:
sige, burrito, tatandaan ko yan.

tungkol sa haba:
pero kasi may mga kwento na masisira yung meaning pag pinutol-putol ko. gaya nitong trial and error.

tungkol sa boracay:
sige anonimus, ita-try try ko yan. feel na feel ko mga farang sa bora-bora.

Anonymous said...

uhmm pero siguro bago tayo mag hanap ng sagot sa tanong eh isipin muna natin kung tama ba ang tanong. Para ang pag kakamali sa pag hahanap ng tanong eh maiwasan at makita agad ang hinahanap na sagot sa hinahanap na katanungan.

wala lang naisip ko langpo

wanda, ilusyunada said...

ang lalim naman ni anonimus. parang bangin.

well, feeling ko lang naman tama yung tanong ko. siguro kasi tanong ko yon. hindi ako nagmamaganda.

mali lang siguro yun kung mali yung maghanap ng tamang magmamahal sayo.

o kaya, iba yung tanong ko sa tanong na iniisip mo ...

Anonymous said...

anlupet. nung una nagbabasa lang ako dahil naaliw ako, nung patapos na, kahit papano naiintindihan ko na ngayon ang mga pinagdaraanan mo.. hmm.. drama?! joke lang. ^_^

Dabo said...

ha ha ah..

si cocoy..pede ko ba syang hingin, at ibibigay ko sa mga galit sa akin..

kurama minamino said...

exacto perfecto!

isa kang dyosa, wanda!

mabuhay ka!

(di va, farang may-i-sound-of-music to the ears?)

mwaaaah!

Anonymous said...

Love ko na u! kelan ang podcast? love to hear your voice and all that gay lingo! keep it up badaf!

incognito said...

plangercheruchares!!!! nahilo lang ako sa tanong sagot sagot tanong!!!!