... according to packaging.
haaaaay buhay, parang lyf ... halatang wai na namang magawa sa sobrang dami ng gagawin. at hindi pa ko talaga naglalaba.
kasi havs ng mga lulurki na tinatawag kong pang-kama lang. siyempre, knows mo na kung aneklavu iyoners. yan yung anlakas ng seks appeal. minsan nga puro seks appeal lang, pero eh ano ngayon, divah?! kerri naman nila. sabi nina frida, yan yung tipong unang tingin pa lang sayo wai nang angking paggalang. parang may binabalak agad na kabalahuraan. NGARAPEI!!! pero in general, pang-kama yung mga pasarap ang drama o kaya yung mga guma-gwapo lang pag may katabing kama ahihihi ...
meron din namang pang-rampa lang. o yung mga trophy jowa. waing duda na yung mga pang-rampage e biniyayaan ng kakaibang ganda, pero karamihan sa mga yan e ligwak sa question and answer portion . sadyang ganda lang (pero rin naman hindi lahat). repeat chorus: weh ano ngayon?! yung tanging magagawa mo e i-rampa siya sa kabukiran o kaya sa mall o sa divisoria tsaka quiapo. o basta kahit saang ma-tao. kasi alam mong kaiinggitan ka ng ilan tapos yung iba halos sabuyan ka ng asido sa fez. bitter ocampo, ikaw ba yan?
siyempre nakikigulo diyan yung mga genic boys.
gaya ng mga dilimgenic na sadyang may angking ka-gwapuhan sa dilim. wichelles talaga ma-getz ni atashi kung san nahuhugot yung ganda ng mga yan. maliban na lang siguro kung yung mga adik sa mga dilimgenic e may sayad sa mata, maysa-pusa, mahilig mangapa o kaya sadyang pinaglihi sa brownout.
andiyan din yung mga tagilidgenic o yung mga guma-gwapo pag naka-tagilid. swerte mo kung yung boylet mo e pinaglihi sa talangka at tagilid talaga siya kung rumampa ahihihihi madalas diyan yung mga lulurking fabulous sa biglang tingin. kaya panay na lang biglang tingin mo, kahit nakakahilo.
hindi mawawala yung mga talikodgenic o yung gwapo mula sa likod. sila yung mga matatambok yung wetpaks o kaya bonggacious yung jupit ng herlalet o kaya yung mga masipag magkuskos ng batok. BONGGA davah!
at speaking of genics, nakiki-join diyan yung mga tinatawag kong boolag. kasi nakakabulag sila. yan yung mga boylets na mukhang mucho gwapito sa picturraka pero mamarkahan mo ng isang malaking question mark sa personal. nakakaloko. salamat sa mga camera phones, kumalat yung iba-ibang style ng pagpi-fiture taking ng mga boolag. gaya ng bunbunan shot, yung kuha mula sa taas tapos titingala yung lulur. may pa-cute factor. o kaya yung nota shot na kuha mula sa ibaba, para kunwari ma-shongkad. yung horizontal shot o yung nakahiga, madalas walang t-shirt, tapos click, pasarap na agad ang profile. kasama din diyan yung "kunwari hindi ako nakatingin sa kamera" shot para pa-misteryoso epek. yung ngumangarat shot para kunwari may pa-attitude, kaya may pak-yu. kili-kili shot yung mga kuhang ume-eksena ang kili na, in fuhrnezz sa mga na-sight ko, e wai namang ma-jitim. meron ding beach shot na pwedeng nagpapasabik ng katawan o kaya nagyayabang lang kesyo naka-gora na ang otokiz sa bora. ilan lang yan, napapagod na ko.
prezent en accounted for din yung mga fantasia barino ng mga vehykla.
nangunguna diyan yung mga constructicons o konstru por short, na bentang-benta kina roxy at frida. lalaking-lalaki daw kasi. tila papalahin ka at ta-tratuhin kang parang graba hahaha
andiyan din yung mga ermingard o gardo versosa o yung mga sekyu na tinatawag. mga men in uniporms. ECHOZ! sabi nung friend ko minsan na sa edad niyang trenta e gusto niya na ng siryosong jowa. yung pang LTR. sabi ko, ano? gusto mo ng jowang tren. sabi niya, tanga, hindi LRT, LTR, long term relationship-chorbah. AWARD! bet niya daw yung stable at makakagib-lab sa kanya ng security. sabi nung isang friendship namin, "eh security pala hanap mo eh di mag-jowa ka ng gard."
yung mga pa-toda e yung mga traysikel drayber sa mga kanto-kanto. pleeeez lang wag akong ismiran. kasi kung tutuusin may mga gwapo talagang pa-toda na gustung-gusto mong sakyan kahit wai ka namang pupuntahan at kahit 48 years kang super wait habang asa dulu-duluhan siya ng pila. minsan ko lang ginawa to. effort naman kasi.
kelan ko lang na-discovery channel yung mga tinatawag na island bois. silachi yung kulay tsokolate yung balat. talagang exotic ang fez, parang alfred vargas (PASOK!!). yung iba, angat lang ng konti sa mga bayawak at sawa. slight syanong-syano ang quality. pero ganda-gandahan yung katawan. hindi dahil gym-gyman ang drama nung lulurki, basta nahubog na lang sa pagbubuhat. madalas yan matatagpuan sa aplaya, nagha-harvest ng niyog, o sa mga pier o pantalan, nag-aangkat ng isda at kung anek-anek pa. nakakakilig lang isipin na kaya ka niyang buhatin.
meron ding tinatawag na da-dedi-dodu. yan yung mga dadi-dadihan na kutob mo nung kabataan nila e humahakot ng pogi-points. at hanggang ngayon may bakas pa ng ganda nila, lalu na pagnasa-sight mo sa grocery kasama yung asawa't anak. parang gusto mo biglang kumabit hahaha kabilang diyan sina goma tsaka albert martinez.
yung mga paminta, yan yung mga palalaki epek. pwede siyang pamintang durog o pamintang buo, depende siguro sa level ng pagpapaminta ng lulurki. kunganupahman siya e nakaka-haching pa rin. HACHOO!! yung mga effeminista naman e yung mga feel na feel ang pagka-vehykla. meron akong kakilalang mag-jowa, parehong paminta. nung katagalan e naging kumportable na sa isa't isa at lumabas na pareho pala silang effeminista. saya-sayahan kasi para kang nanunod ng show ni pokwang tsaka ni simang pag magkasama sila. panalo sa punchline. pero dahil nagpapa-bonggahan, nagkaligwakan. di na sila friends ngayon.
meron din yung tinatawag na mangga. hindi iteklavu yung mukhang manggang hilaw ha, sa isip, sa hugis at sa asim. yung mangga e por short por mangga mangga hinog ka na ba? na pinahabang bersyon naman ng manggagamit. yung mga lulurking parang linta, dumudikit kung san may ugat. mga user-friendly at yung lalim ng pagmamahal niya sayo e sing lalim ng bulsa mez. kung small time lang yung lulurki, pwede mo rin siyang tawaging use in a sentence. pero pag malakihan na yung dugaan, e use in a paragraph na yan.
nangingibabaw din yung mga hipon. yung mga lulurking panalo naman talaga yung katawan pero ligwak ang fez. parang yung mga hipon na binabalatan, linalapokstra yung katawan pero tapon-ever na yung ulo. pero may iba na kumakain pala ng ulo. andon daw kasi yung sarap. AY! sori, nini, shotawan lang linalafang ko. madalas yan tambay ng gym at talaga namang nage-effort magpa-ganda ng boodeh. at kung may friendster yan, asahan mo, karamihan sa mga yan e havs ng picturakka na kita mula leeg pababa hanggang bewang. talagang ip yu hav it, flaunt it. ip you dont hav it. crop it. PANALO!!!
haaaay ... so meni men, so meni women. shet na kumpitensiya yan!!!
maglalaba na nga lang ako.
Saturday, March 24, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
'ip yu hav it, flaunt it. ip you dont hav it. crop it"
SAYA! ;)
he he..nice ate wanda
pang ISO
cheers!
bow ako sa nag-iisang reyna!
gumagamit ka ba ng washing machine?
Post a Comment