"im the character actor in Hollywood movies,
the girl who has to be annoying
so the guy can go to the other girl."
-- parker posey
"i dont get the guy,
i just make him better for someone else."
-anonimus
the girl who has to be annoying
so the guy can go to the other girl."
-- parker posey
"i dont get the guy,
i just make him better for someone else."
-anonimus
itu e isang pagpupugay kay dominic ochoa. at sa iba pang tulad niya.
lilinawin ko lang ha, mga bektas. hindi kami close ni domeng. at lalung wit akiz nagmama-close sa kanya. HALLER!?! wit ko siya kilala. wa ko rin knows kung kilala niya si atashi (nagfi-feeling ang vehykla!?!?!) AH BASTA! bet ko lang magpugay kay dominic ochoa.
OO! si domeng na walang malay. si domeng na api. lagi na lang si domeng! si domeng! si domeng! (sabay laglag sa hagdanan ... waaaaaaaaah!! PANALO! cinematic ampotah!!!)
si domeng. lagi na lang siyang third party. laging nakikisali kina rico at clau-clau, rico at marvin, marvin at jolina, kina dorina at lavinia. talagang never bida-bidahan. lagi siyang mali. laging may sablay. laging wala sa hulog. laging naiiwan.
parang si bea bianca na halos ma-lukaret sa kaka-waiting for forever kay angelo.
parang si camille na super eksena kina poknat tsaka bokbok.
kung bet mo ng farang, kilala mo si james marsden? naku, tumatabo sa takilya ang lulur na itu. pero laing wa sa kanya ang eksena. sumikat siya sa x-men. siya nga yung supla-supladitong cyclops, davah?! lider-lideran. pero ligwak naman. yung jean grey mas bet yung wolverine-evermae (ako man din e). at kung mamamalasin ka nga naman, aba, nashuktay pa yung lulurki, wa pa sa kalahati nung part 3.
sa superman returns jowa-jowaan siya ni lois lane. ligwak din siya don. kasi nga nag-return na si superman na ni minsan hindi man lang na-baktong.
sa the notebook, ligwak din beauty ng boylet. at wichelles man lang siya na-gibsungan ng notebook. kahit yung mga taga-thats entertainment lang yung cover-tsina gaya nina isabelle granada, chucky dreyfus at rudolph yaptingchay na wit ko sure kung nag thats nga ba.
sa disturbing behavior na-getlak naman niya si katie holmes. in fuhrview. hapi ending itu kahit horror-horroran. pero loss yung jolikula. as in yung level na wa kinita.
at sa linya ng mga eksenadora, sa kadulu-duluhan ng pila, nagre-retouch ng muk-up si wanda.
may i ask si atashi kay gabo minsan kung anong problema samin. lahat kasi ng friendship namin may jowa. kami wai.
sabi ni gabo, "wala namang mali satin e. gwapo ako. may itsura ka naman ..." bet ko talaga mag-basag ng baso't pinggan, pero wit ko bet ma-loss yung moment. "... pero siguro kasi mashado tayong mabait. to a fault. mashado tayong nakakatawa. ang sarap nating kasama. parang barkada. ganon. hanggang sa ganon na lang tayo. ganon na tingin nila satin. barkada."
nung isang araw tumawag sakin si alpha. sabi niya asa bahay lang daw siya. nakaligtaan ata niya na na-imbento na yung caller id at knows ko na wai siya sa balay-chorbalou niya. nanette imbentor ang haliparot. kainis. eh andon kasi siya sa balay nung bagong wetpaks sa buhay niya.
rodrigo yung nyongalan nung wetpaks. at balita ko matipuno ang wetpaks na itu. nanghihigup ng nota yung parehong pwerta ahihihihi quality raw talaga. katrabaho siya ni alpha na mashugal niya nang nadadaan-daanan. at malakas pa bumenta. performer itu sa trabaho. at san ka pa? performance level din trumabaho ang botomesa. yun yon e.
tumawag siya habang lumalapang akiz ng kwek-kwek. tapos si alpha parang deadma lang. may evaluation pa itu. sa hada skills nung bakla, pati sa lunok factor at giling rate per second. super chikka pa siya tungkol sa boylet, kesyo inlab-inlaban na sa kanya apter one byongkangan session. eh ayaw ni alpha ng mga jowa-jowa, pero natutuwa siya kay boy-wetpaks.
sa kauna-unahang pagkakataon, nakalunok ako ng buong kwek-kwek. siyempre, hindi ko pinahalata kay alpha. nadaan naman sa sago't gulaman e.
kakajiritate lang. kasi naisip ko lang, lahat ng lulurki, e wetpaks para kay alpha. at lahat ng lulurki bet ni alpha. pwera kay wanda. bakit ganon? nakaka-demonyo.
e pag may problema siya, run siya kay wanda.
pag may bagong chikka, run siya kay wanda.
pag wa siya makasama lumafang o mag-watch ng apocalypto, run siya kay wanda.
pag di niya bet yung nakikipag-date sa kanya, papasama siya kay wanda. para may rason um-exit sa eksena.
e kerri-kerri ko lang yon. pumapayag naman din kasi si atashi. kasi shushonga-shonga nga akiz. wa naman kontrata, pero wang duda't pag-iimbot akong pumipirma.
pero sawa na kong maging friend lang.
nakakasawa na ring maging taga-pakinig lang. yung hingahan ng sama ng loob. feeling ko tuloy inidoro si atashi. na nakukuha sa tissue at flush. minsan nga, hindi pa fina-flush. kaloka!
nakakasawa ring maging parang ama o kuya o nanay-nanayan lang. o kung anu-anufaflung kamag-anakan na pinagtutuunan ng respeto at wang bahid ng pambabastos, kahit bet ko rin mabastos paminsan-minsan.
ABA! nakakasawa ring maging special friend lang ha. o kung anupamang klaseng friend yan. LECHE!
gusto ko naman maging special. (HINDI SPECIAL CHILD HA?!! BAKA PAGSASAPUKIN KO KAYO DIYAN!?!)
ayoko nang maging excuse lang o alibi lang ng iba.
ayoko nang maging "lang" lang.
ayokong maging si dominic ochoa sa mga pelikula niya. en im sure hindi niya rin gusto yon.
paminsan-minsan gusto ko rin namang maging bida. hindi yung bida-bidahan lang. yun talagang may sariling iskrip, sariling monolog, sariling grand entranda at slow-motion sequence. samahan na rin ng theme song, para kumpleto.
gusto ko rin namang ma-experience yung "you complete me" tsaka "you jump, i jump" o kaya "i wanna grow old with you" o kahit "mahal kita, poknat" pwede na yon.
kaya sinabi ko kay alpha yung nabasa ko sa text. eh magsalita 'ka ko siya (bitter-bitteran ba o slight lang?). na kung hindi naman niya makuhang mahalin si rodrigo, at least wag naman niyang saktan. wag niyang paasahin yung botomesa.
kasi alam ko yung feeling na ganon e. yung nag-aantay ka. yung may halong drama na sige ipapakita ko sayo lahat ng kabaitan sa mundo, lahat ng atensiyon na meron ako, lahat ng pag-iintindi ko sa mga pagkukulang mo, kasi umaasa ako na darating yung panahon na mauuntog ka at mare-realize mo na ako na pala yon. na nakumpleto kita. na tatalon ka pag tinopak rin akong tumalon. maalala mo lahat ng nakakalimutan ko pag nag-ulyanin na ko. na sasabihan mo ko na mahal mo poknat ko.
siguro handa rin akong mag-antay. o pag nagsawa na ko maghintay, i-uuntog na lang kita ng kusa. baka sakali lang ahihihi
sagot lang sakin ni alpha non, "pakyu ka, wanda. sige na, magdo-do na uli kami." hindi pa ko nagbabye-bye e binabaan niya na lola mo.
alam ko sasabihin niyo: nagma-maasim na naman si bakla. siguro nga. pero hindi lahat kasi natutulak ng sago't gulaman. hindi lahat napapamanhid ng red horse o ng empi. o nakikiliti ng mga kwentong parlor.
may mga sugat na masarap kinakalikot kahit masakit, para lang hindi mo makalimutan na may pakiramdam ka pala at hindi mo lang hinahayaan mangyari sayo lahat yon. para alam mo lang na nasasaktan ka rin pala.
na baka hindi ka talaga pang-love team. pang flor de luna ka pala.
PASOK MANAY SHERYN!!!
CUE THEME SONG: maria-HA-flo-HOR-de-lu-HU-na-HA ...
26 comments:
ganito kasi yon ... hindi lahat pede maging bida no ... kasi nga kung B-rated aktorakesh ka eh hanggang don ka na lang! kasi wala ka raw hakot factor according to the produ! ahihihihi .. ang gagah ko no! yun lang chinabelles!
"may mga sugat na masarap kinakalikot kahit masakit, para lang hindi mo makalimutan na may pakiramdam ka pala at hindi mo lang hinahayaan mangyari sayo lahat yon. para alam mo lang na nasasaktan ka rin pala"
twisted yes... but so true.... :)
prendship mo,
Brooke...
eksenadora ung unang nagcomment!wahahaha....
ako parin toh...,
Brooke
to Brooke,
siyempre .. may dugong produ yata ang lahi namin ... kaya yung mga b-grade b-grade na yan .. hanggang doon na lang sila! ang tarush di ba!
ikaw na ang bago kong favorite. such a winner!
ikaw ang dark horse sa mundo ng mga mounts at stallions. pag sumigaw na si adora ng "karangalan ng greyskull! magiging maganda ka rin. well, maganda ka naman ata na.
ikaw ang filipino version ng manchu lead sa swan lake ni matthew bourne.
"lang" lang?
kay marcus, tiyak ko hindi.
paksyet ka wanda! parang gusto ko umiyak..
sobrang na-sad naman ako sa kwento mo. kung may maibabahagi man akong advise sa taong laging nakakapagpasaya sa akin, ang masasabi ko lang eh huwag ka laging magiging available sa taong gusto mong mahalin o pahalagahan ka.
hayaan mo namang ma-miss ka ni alpha. parang hangin yan eh, deadma lang siya sa presence mo as long as andyan ka. pero kung hindi ka na niya mahagilap eh siya ang maloloka sa paghahanap sayo.
pero paano kung hindi ka niya hanapin? eh di move on. mahirap gawin sa una but you owe that to yourself. unless masokista ka. tandaan mo, ang love eh parang sugal. you can bet all you want, risk all you want but just remember na if you want to stop and go home eh may pamasahe ka pauwi.
i wish you all the best in love. i feel for you.
hehehe! kaaliw na nakakasad, medyo naka-relate ako diyan. cguro nga kc there's a dominic ochoa in every one of us.
i love that "sugal" thing indichrome, lagay ko yan sa shoutout ko. :)
Naalala ko tuloy yung movie na "The Holiday" nina Kate Winslet & Cameron Diaz.
Alala ko yung part na sabi nung matanda something like "you are the lead actress. you just chose to be the sidekick" something to that effect.
I highly recommend na panoorin mo yan, para-complete ang drama-dramahan mo. Charing! But I do reallly loooooove this movie! Tumpak sa mga hopeless romantic na katulad natin.
dyusko wanda...kahit na-eexcite ako dahil practically inamin mo ang pagtangi ke alpha...di ko maitatangi...TAGOS!!! TAGOS ang bawat salita, ang bawat kataga...
nangangarap lang ba tayong magiging sharon+aga ang eksena natin (kakapalabas lang kasi nang "kung ako na lang sana" nung holy week sa ch2)in the future?
eto ang sayo wanda...kanta...from fiona apple..
I KNOW
So be it, I'm your crowbar
If thats what I am so far
Until you get out of this mess
And I will pretend
That I dont know of your sins
Until you are ready to confess
But all the time, all the time
I'll know, I'll know
And you can use my skin
To bury your secrets in
And I will settle you down
And at my own suggestion,
I will ask no questions
While I do my thing in the background
But all the time, all the time
i'll know, I'll know
Baby-I can't help you out, while she's still around
So for the time being, I'm being patient
And amidst this bitterness
If you'll consider this-even if it dont make sense
All the time-give it time
And when the crowd becomes your burden
And you've early closed your curtains,
I'll wait by the backstage door
While you try to find the lines to speak your mind
And pry it open, hoping for an encore
And if it gets too late, for me to wait
For you to find you love me, and tell me so
It's ok, dont need to say it
- - - makati hilton
bakit di mo kasi ligawan? e kung ayaw, di ayaw. at least you tried. huwag mong sabihing 'sayang ang friendship' dahil di ka naman pala kuntento sa friendship-friendship lang. teka, uso ba ang ligawan sa mga bakla?
ewan. ako nafru-frustrate sa iyo, e.
hi wanda,
lagi akong nakikiread dito sa blog mo, ngayon lang ako na lungkot ng ganito..
pero anyways, kaya mo yan ~
wanda, bakla ka talaga. hindi ka ba natutuwa na kahit pokpok ka, nirerespeto ka ni alpha?
wala naman nangangarap na maging thank you girl lang, pero gusto mo rin bang maging miss one-night-stand ni alpha. after ng short reign mo sa pwet nya at sa pwet mo, what's next? or as alpha would say, who's next?
ok na na naging dominic ochoa ka at least hindi rico yan, deds na. SLN.
"may mga sugat na masarap kinakalikot kahit masakit, para lang hindi mo makalimutan na may pakiramdam ka pala at hindi mo lang hinahayaan mangyari sayo lahat yon. para alam mo lang na nasasaktan ka rin pala."
shyet ang sakit! sana hindi ganito pero...haayyy. exchange links?
nakakarelate ako... minsan na rin akong napunta sa ganitong kalagayan. pero shit sugal talaga. nagkataon lang nanalo ako...
nagbalik na ang parlorista ng bayan...
nakakalungkot naman yan. nakakarelate tlga ako...
wow, man...you really do tell it like it is.
you are a no-holds barred, super-fun person...and you inspired me to make my own blog!
you are God's gift to the Philippine blogging world, he he he.
mas mataray ka pa kay Marya, Annabelle Rama at Braguda combined!
sinasamba kita! ;)
syet. may alpha din ako sa buhay ko. ang hirap nga.
waaaaah! nakakarelate ako..
love this.............
i feel you wanda, im in thesame predicament, but im ok with being a friend i guess its better than not seeing him (tanga ko no?), but i agree also with the better to say it than never trying... ah well hope you do tell him at least he knows
,S
this entry made me feel sad. haaay. reeking of truth.
i so feel the same lolah...
bat ganurn sila???
hindi ko rin maintindihan.
nakakainis!!!
pinaiyak mo na naman ako...huhuhu...
Bkt si dominic?! tsk!
Post a Comment