Thursday, July 19, 2007

ANG PATOTOO (Charot!)

mula sa namumukod-tanging recipient ng ...

2005 Gawad Heny Sison (na may kalakip na recipe ng paggawa ng nata de coco)


Top 78 sa listahan ng mga nagfi-feeling sikat sa Forbes' Anonimus 100 (kasama sina aling aning na mananahe, manay rosie sa gotohan, aling baby na nagbebenta ng umang, si kuber na taga-paypay sa isawan, kuya roger na taga-deliver ng mineral, etcetara echuveria achuchurva)

Pang-onse sa Ten OUT na OUT Young Menchu nung hayskul.

2006 Bernard Palanca Award for Literature at Ka-ek-ekan



"bonggah ... ferfek!!!"
-- nel, pbb season 2

"this connection between me and wanda,
what if the reason for it is that I’m becoming
more like him. i just feel so gay, all the time.
and what if after everything i’ve been through,
something’s gone pink inside me. What if I’m becoming wanda ..."

-- harry potter

"OK naman. tamang pantawid
gutom habang nag-aantay sa book 7."

-- manay jeekee rowling

"i LUUUUUURVE it!!!
and everyone in the audience
GETS TO BRING HOME A COOOOOOOPY!!!!"

-- ateng oprah

"waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah"
-- audience ni ateng oprah
(kahit wa nila knows kung sineklavu
si wanda. basta libre. mga adik ampotah!!!)

"sana magkaroon din kami ng kopya niyan dito ..."
-- bin ladden

"padalhan mo naman ako ng kopya
niyan dito. tapos bilhan mo na rin
ako ng butong pakwan tsaka kornik.
kung meron, pati alamang na din."

-- email ni jimboy, estetside kong prenship

"psicom? eh di ba gumagawa ng mga horror stories yon?"
-- gary

"nakakatakot naman yung cover na yan.
horror nga ata yan."

-- erlinda marikit

"taenang nguso yan. kapatid ba kita?"
-- diego, ang pambansang bading

"ang saya-saya mo naman,
para kang sinabawang gulay lang ... bwahahaha"
-- vivohra

"pano ko to iu-uwi?
baka ma-sight ng sisterraka,
sabihin bakla ako ... nyahahahahaha"

-- rome

"bakit hindi sakin naka-dedicate to?"
-- alpha

"parlor? kwentong parlor? wala ho kami non e.
meron ba tayo nung kwentong parlor daw?
wala daw ho. kwentong barbero meron.
kwentong parlor wala hahahaha may ganon ba?"

-- saleslady sa bookstore

sa wakas, yung parlor naging papel na, isinupot pa. tapos linalako sa halagang hapi meal na wirishima na go big time.


GO NA! FLY at mag-BUY!!! pahirapan nga lang talaga kopya. hindi dahil mabenta pero kasi nakatago siya. hanapin sa humor seksyon ng mga bukstore, don siya nagmamaganda. iwasan magtanong sa tindera hangga't kaya kung wit mo bet makulot yung herlalet mo bigla.

at, mga nini, dodong at ineng, taliwas sa naunang napabalita, ang pink na aklat e wai namang sumpa. hindi lahat ng dumadampot neto e nagiging bakla.

salamat ulet sa PSICOM (pwedeng umorder sa kanila ng kopya, mas mura) para sa pagkakataong sumubok. tsaka sa starbux gateway kung san ko lahat sinulat to, pati na dun sa pakialamerang barista na panay tanong kung vahket ako laging nakatambay don.

SALAMAT DIN SA MGA BUMILI AT BIBILI NG KOPYA, PATI NA RIN SA MGA WALANG BALAK!!!

72 comments:

khitee said...

Walang biro libro mo ba talaga yan? Cencia na ha. Pero bilig ako sau magsulat! The best ka Wanda! Pampatanggal ka ng antok d2 sa office namin! ΓΌ

Ibyang said...

i'll definitely ask my mom to buy your book so she can send it to me.

mabuhay ka wanda! :)

ibyang :)

Anonymous said...

omg, bibili ako niyan! tyet

Querida said...

ganda-ganda!

E.R. said...

wish ko lang nasa mga national bookstore na yan ha..at betsung ko na gumora dun at bumili!

Anonymous said...

pwedeng pang-regalo...makabili na nga pang christmas gift.....

Anonymous said...

ganda, may book na ako pde ko ba pa sign syo ? thnx.

fan e2... bwahahaha

rigel said...

so alam pala ni alpha yung tungkol sa book! nyahaha. meron bang kwentong alpha dun?

congrats!!!

Anonymous said...

How much po?

Anonymous said...

sang bookstore meron?

Anonymous said...

let us know where can we buy your book...

i'm excited na wanda!!!!

KALOKAH!!!!

Anonymous said...

ei ei ei... wow eto na ang pinakahihintay ko! wow na wow talaga. pinost ko na rin sa blog ko... bukas ng umaga bibili na talaga ako niyang book mo na yan! syet naman! post ko sa blog ko add mo naman ako www.dilan.co.nr

tnx tnx tnx...

Maru said...

pramis bibili ako neto!

Anonymous said...

pag wla po sa mga national bookstore.. try nyo sa BOOKSALE..:)

Anonymous said...

ako din hahahaha bibili pramis!!! =)

Anonymous said...

hellloooooooo!!!!! is it available outside the philippines? where can i get may hands on one? please.........................................please......................................................please......................................................................Mico (The Netherlands)

Anonymous said...

congatulations wanda! ikaw na talaga ang pinakamaganda! pwede ba akong magpasign sa iyo? wag ka mag-alala gurl ako at hindi ako stalker ahihihihi

Anonymous said...

antaray! really meron tlga?
kamusta naman.. malay natin baka isa sa eksena sa librerette na yan gawing musicality then eventually maging movie itichiwa!
manay wanda.. wammmsooo praaawwwdd ob yahhh!!!

mwaaahhh!

kalansaycollector said...

ay tarayera! magkano naman itey?

ansaaayaaa!

tin-tin said...

hindi ka na maeach!!!! pero syempre bibili ako. at mag-iinvite ako na bumili din ang iba. tapos next time na libre mo saken. hehehehe ;p

Anonymous said...

wanda, super happy ko for you. promise, papakyawin ko ang books mo. i hope maraming kwento about roxy and frida!

f i l l i b u s t e r o said...

bibili ko netu, iuuwi ko sa bahay at ipapabasa ko sa tatlo kong kapatid na lalake.

Anonymous said...

baka mabasa na nyan ni Marcus tas makita nya ang wagas na pag ibig ay nasa iyo :D

Anonymous said...

hay wanda, ano ba yun baklush, naghanap ang sisteraka ko sa pambansang bukstore sa ever-monumento, wala pa sila ng book mo, nakakalokah! sabi ng tagahanap ano? wanday? sabi ni sisteraka, wanda po wanda. ano? spel mo? say ni sister w-a-n-d-a wanda. say ng dakilang tagahanap ay wala!baka meron nyan mam sa greenbelt, at sa makati area. sosyal ang libro ng lola wanda!nauna pa sa mga shalah.

Anonymous said...

shala, in fairness kummoment tong sina harry at jk. international. hahahaha! wala ka bang book signing chorva? kahit sa mga Book Sale outlet lang! :P pabili isa!!!

Anonymous said...

heheheh panalo ka talaga wanda, biruin no yung partner ko inikot ang makati, paranaque, las pinas at manila national at powerbooks para bumili ng book mo. Wala syang pakialam magtanong sa saleslady ng ganito

BF Ko: miss may book kayo ni wanda?

SAleslady: Wanda po name nung author? Ano po last name?

BF Ko: errr.. Ilusyonada..

Saleslady: Sir sure kayo ilusyonada yung last name.

BF Ko: Ano kasi yung title nung book, Mga Kwentong Parlor ni Wanda

Saleslady: Ah kwentong parlor teka lang sir ha. Wanda ang author (sumasama na ang tingin sa maton kong bf hehehe)

BF KO: yes miss PSICOM ang publisher

Saleslady: (sinisipat pa rin ang computer di ko alam kung naghahanap o bumubuo na ng jugment sa utak ahgehehehe) eh sir wala pa po kami nun. Try nyo sa iba.

BF Ko: Miss try nyo hanapin, yung cover ay pink tapos may piktyur ng bading sa harap.

Saleslady: (lalakas ang boses) ah sir kulay PIINK tapos KWENTONG PARLOR (gusto ko sanang sabihin miss masyadong mahina pakilakas pa ahehehe)

matapos ang ilang ganitong eksena nakita namin na may kopya sa Robinson's Place Ermita. Proud ako sa bf ko at pati na rin kay Wanda. Selos na nga ako eh, ngayon ko lang nakitang sumakay at nakipagsiksikan sa LRT ang loko para lang makabili ng kopya ng book mo! Pero galit na galit kapag nagpapasundo ako sa Fort Bonifacio, hmp! ahehehehehe!

Kudos sayo Wanda!

Charmed One said...

bibili ako niyan kapatid pag uwi ko. promise. i always check out your blog whenever i get the chance so ill be sure to buy your book.

Anonymous said...

wanda, may i finderz keeperz ketch ang book mo sa national bookstore..pero wa ko ma-sighting..andun yung sa bubble gang pero witchels dun yung sa iyo..

sold out na ba lolah?

tarush ang front cover! vheykang-vheykla!

Anonymous said...

bakla, nakabili na ako ng 2 copies sa national sa sta. lucia. nagpunta ako kagabi sa powerbooks makati (kung saan may harry potter party - kaluka), national cubao and booksale metroeast, WALA! panalo sa sta. lucia, and papakyawin ko talaga lahat, kaso may iba na yatang pumakyaw at 2 copies na lang natira. makakarating ng states ang books mo!

Brendz said...

i'll be buying your book kapag nabasa ko na lahat ng blog mo. haha. nakakaaliw. bibigay ko sa mga bading kong friendships. nakakaaliw ka!!

travelphilippines said...

ang taray..... hindi nga wands available na ba? kc bka gomora akis sa bukstore later on feel ko sana bumysung.

f i l l i b u s t e r o said...

nakakalokah, i spent at least 30 minutes kakahanap sa national bookstore sa galleria, witchiemelles ko naman na sight, wala naman ako powers mag-shunong sa clerks, uber-pamhinta ako eh... charot!

Anonymous said...

i have your book na! yey! nakabili ako sa booksale. in fairness, hindi ako nahirapan makahanap. 3 kopya na lang meron. sa sm bicutan ito. hahahahaha :)

Anonymous said...

i'll buy this book at ipababasa ko sa kanila [mga kasama sa boarding haus] so they would not ask me why the hell i am so hooked with the PINK blog of wanda ganda ^_^


-Seraphim™® -g4m

Anonymous said...

.i bought mine last night, at natapos ko na rin bago mag-12 AM. ang saya-saya nung libro mo! 3 copies na lang yung nasa national bookstore.

Anonymous said...

bels bels lang kayo, murang mura itecccch. Php 85. Chenes na pechay.

-Sadblueness-

Simply Roselle said...

wanda wanda! nakakatuwa ka!
pinasaya mo ako ng sobra.
ang sabi mo isa kang ilusyunada
pero sa tingin ko isa kang
baklang kay ganda =)

khitee said...

Wanda! Nakabili na ako ng book mo. Guys, 75 pesos lang xa. Sa BookSale na store meron. Super ka Wanda ha! Talagang bungad na bungad ang book ever mo! Panalo ka talaga! ΓΌ

Anonymous said...

ateh wanda, after 48 thousand years of searching sa mga branches ng national bookstore e na-sight ko na book mo sa sm manila..

kalokah..nagji-jisa na lang siya kaya may i hablot ko iyoners hahaha!

galing-galing mez! isa kang alamat..natapos ko siyang basahin ng 48 minutez!

book 2 pleeeeaaaaaazzzzzzzzzzzeee!

Anonymous said...

panalo ka wanda! nakabili nko!

-=kristel=- said...

winner corned beef ang libro mo lola wanda! naghanap kami sa national bookstore sa glorietta at 2 n lang ang natitirang copies (at nakatago sa likod ng ibang libro). binayla na namin baka getlask pa ng iba. tapos ko na din basahin. winner talaga! sana may book 2. hehehe.

Anonymous said...

I got the one lone copy at Mall of Asia National Bookstore! I stumbled on it while looking for an old Calvin and Hobbes. I tried looking for more but there was none. Congratulations! It's a fun and great read!

Anonymous said...

un un eh!!!hahha

Anonymous said...

i just wanna ask where can i buy this book...please i-pangreregalo ko lang s friend ko...please!!!!

kjiamsie said...

haha... ang layu ng national bookstore d2 smin, di aq makabili... tsk tsk...

Anonymous said...

oh c'mon... hanggaleng mo... isa kang sertipayd kabogera! bwahaha

kakabili ko lang ng libro... wiz ko knowing na meron palang ganon libro, sinabi lang ng hitak kong prenship... in fairview, naaliw mo ko... as in... san na yung book 2, ilabas na agad... weeeee

Anonymous said...

i bought mine in a filbar store... ang cool kasi imbis na magbasa ng libro sa pagdodoctor eh ito ang binabasa ko hehehe..

nixda said...

kailangan ko ng sampu wanda! panregalo ko sa Pasko sa mga frendship kong kcing ganda mo ;)

babae_sa_sidewalk said...

Ako'y WAGI!!!! Na Lost n Found ko na ang Fenk Book sa NATIONAL BOOKSTORE SHANGRI-LA.. kaya mga Bakla, run fast baka maubusan kayo. i saw 5 copies remaining.

Leah said...

Love the book! I was able to buy at the book fair last weekend.

Apple Lopez said...

Naku wandalicious! I soooo love ur bookelya! Grabeh! Nde ko mapigilan tumawa kahit nasa gitna aq ng bc-bchang mga corporate giveaways at nagpapaka-shalang mga coffee addicts Kuno sa starbucks! Congrats sau lolah! I even made a review on it sa multiply page q..magaling!

Bakla sa Breakwater said...

winona ryder! haynaku... bibili talaga aku niyan, pagkatanggal ng cast ko.. pramis! ateh wanda, keep up the good work, pramis sisikat yan libro mo! pwd pa sign pag nakabili ako? tapos with matching pikchur (hahaha! demanding ang pilay)

Anonymous said...

Daig ang Deathly Hallows ah!! ATE WANDA ang Hirap hanapin ng Book mo?!

Anonymous said...

Cool!cool!!sakit tyan ko sa kakatawa kahit nosebleed lang kunti sa mga wordings mo ate..hahhaa..

Anonymous said...

may nagpa-plug ng buk mo, baka gusto mong i-sight... ahihihi... http://www.tristancafe.com/forum/124942... fyi lang po... :P

Anonymous said...

lola wanda,

nakabili ako ng book mo nitong last trip ko to manila. isa pinasalubong ko na sa friendship kong vaklush, at yung akin naman hiniram na nung friendita ko sa opis. funny kah! enjoy kaming lahat!

Unknown said...

nabasa ko lang kanina yung book mo at talaga naman ning...Winner!
salamat sa ate ko at bumili sya ng book mo...humalakhak ako mag-isa sa bahay habang nanonod ng eat bulaga...(akshuli nagbabasa talaga ako hindi ko alam kung bakit bukas yung tv...)
so so love it!
peborits ko dun yung monologue na ginawa mo...panalo talaga yun teh..

Anonymous said...

HI I think this book rocks.. Meron ba sa lahat ng national? and pede ba pa sign? pa add sa friendster wanda leehsantos@yahoo.com

Anonymous said...

weiner shofatid! may-i-accidentally-stumble (literal na stumble ateng) akey sa book mez sa makapangyarihang bookstore for that...i more vehykkla today than yeysterday, but of courseness not as much as tomorrow.

may is uggest the book pa as supplementary reading para sa mga visitng friends nating kababayan ni sandara park at kim jhong il!
say ko "make read the book oky? tomorrow we have long quiz"

Anonymous said...

i already have that book november last year and i bought it when i move-in into my new office...

it became my tool para maging close sa mga bago ko'ng kaupisina kc indi cla makakonek sa akin at di din ako makakonek sa kanila.

everyday i'm sending them an email, a word for the day that i get on the glossary. sobrang ganda ng book at nkaka aliw

ngaun po bading n din lhat ng office mate ko

Anonymous said...

bektas, ma-hunting ka nga sa starbx gayway! hahaha...

Anonymous said...

nung nasa cashier na ko, hindi makita ni saleslady sa database nila ang title ng libro, hinahanap nya sa titles na nagsisimula sa 'mga ku...' or 'ku/kwentong...'
sabi ko 'i-try mo kaya sa wanda, sa W' yun kasi yung in big bold text sa cover ng book davah, baka yun ang nailista nila, yun din pala nakalagay sa gilid na title. ang tange2x ng mga saleslady na yan hehe they don't know what they're missing.

babalik ako sa branch na yun, ibibili ko ng ganito yung friends kong nakakaintindi ng ganiteching salita :D

Anonymous said...

tip for those who are looking for the book
it's a bit smaller than the other psicom books, 5"x7" sya

what to look for :D
http://img186.imageshack.us/img186/8260/dsc01304ot1.jpg

Anonymous said...

I really had a fun time reading your book... when are you publishing the next one? Masaya talaga...

Buratchador said...

Bruha ka!!! Kung saan saan ako nag-ikot para lang makabili ng book mo! Wala sa National BookSeller sa Robinsons Galleria, Wala rin sa powerbooks. Infairness, nagpa-reserve pa ako sa Powerbooks Greenbelt. Buti na lang ang National Bookstore sa SM MEgamall meron pang dalawang kopya (Iyong isa gula-gulanit na LOL!!!) Kahit gaano ka-stress ang trabaho ko, magbasa lang ako ng book mo, nawawala na ang pagod ko! KUDOS sa iyo WANDA ILUSYUNADA!!! Fhuke mo!!! LOL!

Anonymous said...

Ala pa pong kasunod yung book mo Ate Wanda?
sana magkaroon na, aliw na aliw akong paulit-ulit basahin ung book saka blogs mo..
ehehehehe

Mirage said...

yah!

i have na d book!

and finished na sha!

as in nung isang month pa!!!

ipasa bigla sa babaeng baklang roommate na busy sa internet!

more pawah!!!!!

avegirl said...

Ay...lagi ko to nakikita sa National bookstore sa Glorietta. Ikaw pala writer nun!haha..pag may pera na ko, I'll go and check out your book.=)

Unknown said...

wow. cover pa lang panalo na..
hehe .. nakita ko to sa powerbooks (nagcomercial pa ang bakla.. haha .. sya na!) bongga ung cover tas binasa ko ng konte, mag isa akong nakaupo tas ung mga tao sa paligid sama ng tingin skin! (kasalanan mo to wanda! tawa kc ako ng tawa!) tas pinilit ko ung boypren kong macho na bilin iteiwa.. say ba naman nya.. "BADING KA BA?!) w/ matching taas ng kilay! tarush! aun nga.. waley xang nawork.. binili nea din! hehe... aarte pa kc eh.. aun .. ngaun and2 na xa sa tahanan.. pasa pasahan ng aking mga sisteraka.. all i can say is.... I SOOOOOOOO LOOOOVE it MUUUUUUCH! muah!

iwagayway ang bandera mong bakla ka.. :)) charot!!

michaeldannmira said...

meron na ako!!! gometchos na akez ng kopyakels!!! salamat manay wanda!!

Anonymous said...

ganda ng mga story mo teh!kavog cla!;) hahaha. niwey lhat ng pipolets dto e naread n tong book mu,kaso ung frend q, nyeta,hiniram taz d n sinauli..huhu

Anonymous said...

I just bought my 2nd copy. The first one nangarag na sa dami ng humiram pati ata mga classmates ng anak ng labandera namin nakibasa at amoy downy na siya. I really wish you'll go back to blogging or kahit part 2 nitong book mo