Monday, July 23, 2007

Ober Eksposyur

ang chismaks ba, pag na-eye witness ng iba, chismaks pa din ba siya?

kung yung kaganapan e trulala at chinikka mo sa madla, chismaks pa din ba siya?

eh kung ang balitang nasaksihan sa saksi chinikka mo sa sambayanan, walang labis walang kulang, chismaks pa rin ba siya?

well anyhoo, chismaks man o anufaflu e ichi-chikka ko pa rin itu.

kasi nung isang-isang araw havs ng komosyon sa village namin. kakagulantang na kaganapan. dun sa may basketbol kort, dun sa malayong gilid kung san may playground kuno na kinakalawang na at inuunti-unti ng mga bakal boys ibenta.

"KUYA!!! martial law na!!! andaming mga tanod tsaka kapulisan mega-invade dun sa basketbolan!!!" ganyan si roxina pag buong araw lumaklak ng rc cola.

ka-join sa news adbaysori na itu si inez, ang unica iha ni mildred utangera na ginu-groom mag reyna elena sa parada ng mga vahklush. kasi itechuwang si inez e babaeng bakla. literal na babaeng bakla. may suso at kipay nga pero kahit ilang coating ng eskinol o maxipel o barnis o kontra-anay ang ipahid sa fez e mukha talaga siyang bakla. parang long-haired na bruce quebral. sabay-sabay tayong lahat: awwww ... kawawa naman.

e nung tinanong namin tong si inez kung aneklavu yung nangyayari sa labas e nagbida-bidahan talaga tong si roxy. lagi naman agaw-eksena e.

ROXY, PASOK!!!

roxy: yung anak ni mrs. ricafort, kuya, yung jake ba yon (hindi tunay na pangalan, pero yung apelyido yun na yon), dinakip sa may playground. kinuyog ng pulisya tapos dinakip. pinosasan yung bagetz saka dinakip.

inez: bakla, walang posas. inakbayan lang nung tanod. dagdag-bawas naman to.

wanda: bakit? ano kaso daw?

roxy: malaysia pakistan!!!! abugasya ba kurso ko, kuya? malay ko ba naman sa mga kaso-kasong ganyan.

wanda: anubayan!?! makiki-chismis ka na nga lang, kulang-kulang pa.

roxy: hoy! hoy! hoy! hindi lang chismis ang dala ko. kinaladkad ko pati isa sa mga, azz in MGA, witness.

ayon sa sinumpaang salaysay ni inez e ruma-rampage daw siya at nagpapa-cute sa mga bakal boys na mega-siesta sa basketbolan nang namataan tong si jake na naka-kyombay sa isa sa mga simentadong bench dooners. duda nung bilat nakabatak na naman daw si boylet. kasi maraming tuyong dahon ng acacia sa paligid-ligid.

eh nung napadaan siya sa harapan mismo ni jake e nagulantang daw yung bangs niya sa makalaglag pustisong eksena: (may demo itembang nung chinikka ni inez) si jake nakabukaka, nakalabas ang nota para masilayan ng madla, at itu e nagbabayengga. (nagbabayengga? anu po kaya yon?) bionic. bayo. nagbayo. nagbabayo, present tense. kurek! talagang kaka-tense. si jake sa mini-plaza, oh my gohlay, nakipaglaro kay kelly kamay.

wanda: nakakahiya.

frida: anlaswang bata.

wanda: kakasira ng puri. (woohoo!!! may iba-blog na naman aku)

frida: may saltik siya talaga.

roxy: kurek! buti na lang may conzernd zitezenz na tumawag sa bantay bata tapos ini-report si jake. kaya ayun, julie yap ang bagetz.

wanda: conzernd zitizenz talaga? e bat sa bantay bata?

roxy: kyems lang yon, kuya. wit ko knows kung sineklavu dinial nila.

frida: e sana sa bahay muna sila tumawag para na-bidyuhan naman natin tapos padala natin sa eks eks eks.

roxy: o kaya lagay sa youtyubebang.

wanda: kaya pala parang gusto kong rumampa sa basketbolan kanina. parang ... alam mo yon? parang yung may feeling ka na bet mo magbringalu ng payong ever tapos hindi ka nagdala tapos bumagyo bigla. yung parang ganon.

inez: ano ka, kuya? nakaka-degrade kaya yung eksena.

roxy: ay potah!!! may degrade-degrade ka pang nalalaman diyan.

inez: oo, naman noh?? ganito lang itsura ko pero nade-degrade din pagka-babae ko noh?

roxy: oo, naman. walang duda. nade-degrade ka. balak nga kitang talian ng green na pisi nang mapasama ka sa mga bio-degradabol bwahahahahaha!!!

wanda: virgin-virginan naman drama neto. pechay na pechay. ansarap mong gawing sahog.

roxy: hindi nga? hindi ka man lang tumingin o sumilip ng slight?

frida: chikka naman diyan. malaki yung ano ni jake?

inez: anong "ano" ni jake?

frida: ay! nagpapatay-malisya ampotah!

roxy: matigas?

inez: pano ko naman malalaman kung matigas?

roxy: eh di hahawakan, sasalatin, pipisilin. pano mo ba nalalaman kung hinog na ang saging?

inez: sa kulay.

roxy: ay! pwede rin noh??? ahihihihi

inez: o kaya sa amoy ...

roxy: mas bet ko yon.

wanda: so malaki ba o matigas?

inez: parang malaki ... (may alangan si inez kainis pero ngiting aso tsaka may pamimilipit na kala mo naglalanding pusa sa bubungan) tsaka parang ma-ugat siya .. yuuuuuuuuuuck!!!

roxy: waaaaaaah!!! bastus ka!!! asahan mo, bukas makalawa may pigsa ka na sa mata.

frida: tanga ka, nena? anong pigsa, kuliti! hahaha mamaru (nagmamarunong) ka na naman!!!

roxy: gagah, e maugat daw e. hindi kuliti labas niyan. pigsa yan. PIGSA!!!

inez: anoveh, bakla! ilabas ba naman niya sa gitna ng parke. sino ba namang hindi makakakita non?

wanda en frida: WEH KAMI!!! SHET KAYO, HINDI KASI KAYO NAGSASABI!!!

wanda: eh ano eksena nung mudra, siyempre gumawa ng eksena yon?

roxy: kurek!!! idinawit lahat ng pulitikong kilala niya. nag litaniya pa ng konsehal mula marikina hanggang quezon city hanggang camanava. kesyo marami siyang koneksyon pati kay lord. pati human rights nasali.

wanda: anong rights? karapatang magpakita ng nota?

frida: BWAHAHAHA!!! huli man daw at magaling, karma pa rin.

kumu-kowtabol kowts si bakla. pero wag ka, may history kasi yan.

halos ka-edaran namin nina marcus yang si jake. pero bukod kasi sa napariwara at na-nyorkada sa mga adiktus pekinesis e may sama kami ng loob diyan.

dati kasi may puno ng mangga yan sila na puro bunga talaga tsaka antik na pula. eh mga bagets pa kami neto. ako tsaka sina ricky tsaka marcus tsaka si ngongo e binabato namin ng sirang tsinelas o kaya graba o kaya tumigas na echas ng aso yung mangga na hindi naman namin linalapokstra. at dahil wirishima knowings ng lola mo umasinta, tagahawak lang akechi nung mga nade-dekwat na bunga.

nun pa lang e anti-sosyal na yan si jake. antipatikong sumbungero pa pag nagliliparan na yung mga tsinelas pati echas: "mommy, namamato na naman yung mga kids sa labas!!!" siyempre lalabas yung mudra tapos tatalak. kami naman sisibat. eh dahil sa ako yung taga-bitbit ng na-harvest ako yung madalas naiiwan tapos natatalakan.

susumbong kami niyan sa mga maderaka namin kesyo may drama na basta humingi lang daw kami ng mangga e gigibsungan naman daw kami. di naman daw sila madamot. saka magpapadala yan ng supot-supot na mga manggang hilaw na may kalakip na payo sa pagpapalaki ng wasto sa mga bata.

tapos mako-kornihan sina marcus kasi hindi naman talaga namin betsung lumapang ng mangga. trip lang talaga naming mamato. kaya gagamitin na lang namin yung mangga para mamato ng santol kina mrs abellardo na mga kabatak ni mary walters kaya wirit na kami hinahabol ng itak. takot ma-hart attack.

eh yang si mrs ricafort e diktador din ng homeowners samin yan, hindi talaga bumababa sa pwesto. taas-taasan talaga. sintaas ng grills ng balay-tsina nila. e nung mga panahong naglalampaso pa ng sahig si j-lo e puno na yan ng bling-bling na gawa sa chinese gold tsaka mga tinubog na ginto galing saudi. ricah talaga siya, in fuhrview.

at wag ka uli, hindi ume-exit ng balur yan nang walang padding sa balikat. kulang na lang helmet e footbol player na itu.

nung kapanahunang itech e si manay cindy tsaka si frida tsaka isa pang vahklush yung CEO ng kyorlor incorporated. eh naabisuhan silachi ng mga shopetbahay na matatabil ang dila na may panukala daw yung lola ricah na itaboy sa kalayuan ang mga vehkla. kesyo masamang impluwensiya. kesyo malaswa daw. kesyo salot. walang permit. at overpricing.

eh nadiscovery channel nung mga desperadang maderaka na may balak magtayo ng komersyal area na mala-da fort si si mrs ricafort. eh hobby pa nung mga yan, bukod sa pagluluto at paglalaba at walang patumanggang pagpapalinis ng kuko, e yung kumontra sa presidente hindi dahil sa pagtatanggol kina manay cindy pero dahil sa bet lang talaga nilang kontrahin si binibining padding. pang asar davah???

END FLASHBACK.

kinagabihan non, pina-drawing nina roxy kay inez yung mismong nakita niya sa basketbolan. ayaw talaga nilang tigilan yung bilat. tsaka dapat daw e lifesize yung drawing, kamusta naman? si bilat, may i draw naman. utu-uto ampotah! may shading tsaka kung anek-anek na lighting epek pang nalalaman.

si frida naman bumalandra sa bukana ng kyorlor.

wanda: gawa mo, bakla?

frida: binabantayan ko sina ricafort, vahket? (may poot yung pag-fronounce nung namesung)

wanda: bakla, dagdagan pa daw ba yung mga ugat mo sa binti? wala nang espasyo, ateh.

frida: lokah. pag na-sight ko yang jake na yan, pagdidilatan ko talaga siya mula ulo hanggang puson hanggang paa.

wanda: ay! may stop over talaga sa puson.

frida: tapos yung maderaka naman niya. tatarayan ko mula ulo hanggang padding hanggang bling-bling hanggang sa kadulu-duluhang kuko niya sa paa. LECHE SIYA!!!!
wanda: inday, sabi ng kura paroko love thy kapitbahay.

frida: siyempre, hindi naman dito nakatira yang si father. hindi niya shopetbahay si mrs ricafort. kung tagarito yan si father malamang love thy kapitbahay yan maliban kay ... may ganon. maliban kay.

saylenz.

frida: HMPF! sampalin ko siya ng nota nung anak niya. tapos ako pa daw ngayon ang salot. AKO? AMPOTAH!

8 comments:

Anonymous said...

wanda.... dabest ka talaga... wish ko lang add mo ko sa blogroll mo ate.. www.dilan.co.nr (kulet ko noh) eniweiz... he he he ako ang nagcomment dito dahil maya-maya eh nirerefresh ko ang browser ko at ang blog mo ang homepage ko. bwa ha ha... so first time ever eh ako ang una... naku naman he he he... well well well. tnx sa lahat. la pa pala yung book mo sa National Bookstore Recto.... kakabanas. san mo ba alam na out na ang book mo dadayuhin ko he he he... okei sige na po ate... aalis na ako at baka mabatukan na ako ng boss ko... he he he.

Anonymous said...

taray ng entry na ituh! lufet u talaga magsulat...

Anonymous said...

musta na nga pala kayo ni marcus???

Anonymous said...

Bading, hindi kaya mabasa ni Marcus 'yung libro mo? This time baka mabuking ka niya. Lagot ka kay Alicia!

Anonymous said...

sobrang pasok yung blog mo
magaling ang pagkagawa
:D

Anonymous said...

i-scan ang artistic image na ginuhit ni inez. at ipost dito. Kelangan masuri ng matitinik na mata ang nakita ni Inez. Bakit ba walang gnyan sa amin? nyahaha

Anonymous said...

dapat balikan nyo nga uli si jake! at mag-astang ninja at subaybayan! at siguraduhing baon nyo na rin ang cellphone para may video pang youtube na rin. hehehehe

Anonymous said...

ask ko lang po dahil may balak ako bumili ng legendary na pink na libro kung pareho ba ang laman nun sa blogsite na ito(malamang hindi) pero ask ko pa rin.

thinks.mwah.