Wednesday, July 25, 2007

Pangarap kong Coloring Book

yung callboy (por short por call center boy) kong frenship na si jepoy, hindi pa nabubuo yung pers draft tsaka sinusulat ko pa lang yung mga pa-tenkyu ko, e kinukulit na ko kesyo ang shugal daw ng libro ni atashi. 48 years.

well, kahit naman akiz e inugat na, namunga na, natuyot pa sa pag-aantay. weh ganon talaga.

wag ka, nung araw na lumabas yung harry potter sa mga bukstor e talagang go si jepoy sa isang shala-shalahang mall para huntingin yung pink na libro. san ka pa, sarado pa yung mall, andon na siya. may i help pa nga ata siya sa mga GARDan angels dooners sa pagbubukas.

tapos nag-text yan habang kumu-kyombay at nagkakape-kape. meron na daw siyang kopya. at sori, yung kopya niya may lalaki daw na kasama. hindi lang yan, at nag jerjer pa daw sila. LECHE! umagang-umaga.

eh sa mga eksenang ganitech e nagtetext yan agad: "nagkasala na naman ako. malandi ba ko, friend?"

sasagutin ko naman siya ng: "hindi ka malandi, sadyang maganda ka lang talaga ..."

yan si jepoy, ang living patunay na ang biyaya nakakamit pag dinaan sa paghihintay.

(disclaimer: pasensiya po. hindi lahat ng kopya may kasamang lalaki. yun lang pong may kalakip na tansan ng pepsi na may numerong 349 ahihihihi)

eh yung friendship ko namang si kat, sinuyod ang makati para maka-discovery channel ng kopya. hanggang um-arrive siya sa jisang suking tindahan ng mga magazine tsaka mga pinaglumaang libro na kaamoy ng lola ko na wirishima fan ng mga mothballs. at pag sinabi kong lola ko e yung lola ko talaga. hindi yung baklang tinatawag ko lang talagang lola.

kat: may kopya pa ba kayo nito?

sabay turo sa pink na libro. kasi may balak siyang bumayla ng shotlo. para daw sa mga prenship niyang vahklush.

(iteklavu e adapted bersyon ng chikka ni kat)

tindero: ay! meron pa po ... sandali lang po ... eto po ...

kat: salamat.

tindero: eh, ba't niyo po gusto yan?

kung ako si kat e nakrumpal ko na tong tagabantay. nangingialam ka e, bibilhan ka na nga.

tindero: ba't niyo po gusto yan? hindi ko nga binabasa yan e. hindi ko kasi maintindihan.

kat: ah ... kasi friend ko yung nagsulat nito e.

tindero: talaga? (may excitement daw bigla) friend niyo po saan?

dahil malupit yung training ni kat sa pamamalengke, nakakadetek siya ng nga lulurking mapupula ang hasang. gaya nung tindero.

kat: sa college.

tindero: sang college? ano kors niya? talaga? kwento ka pa ...

at pinaliwanag ni kat yung konek naming duwa.

tindero: talaga? eh totoo ba yung nakipag-meet siya sa SM Bacoor tapos naka-puting t-sert siya e tapos andami-daming naka-puting t-sert don? pero hindi ko talaga naintindihan kaya hindi ko na binasa.

ASUSUSUSUS!!! natatawa-tawa na lang daw si kat.

tindero: tapos may sinabi pa diyan tungkol sa mga ostrich tsaka giraffee. ewan ko ba. hindi ko binasa e.

hahahaha sa loob-loob daw ni kat e sabihin mo na lang kung bakla ka nang tapos ang usapan.

eto ka pa. nung magsawa lola mo sa pagrampage sa timezone sa gateway dahil hindi ko ma-getching yung luntiang oso sa akwaryum e napag-desisyunan kong silipin kunghavs pang tira-tirang kopya nung pink na libro.

so go akeiwa sa national umbukstora. sinugod ni atashi yung sulok ng mga jokebook pati yung family album ng mga gigantik shugadbaboy.

naloka aketch dahil sa escalatoration pa lang e nasa-sight ko na yung namamagang nguso (in putah red) sa cover.

madali na siyang makita ng mga vehykla. fabulosa!!!

ANG MGA KWENTONG PARLOR NI WANDA ILUSYUNADA ... haaaaay!

eh parang kelan lang e sumisilip-silip akiz tsaka palihim na nakikibasa sa mga librong natanggalan ng plastik (HOY! hindi ako nagtatanggal ng mga plastik ha, kala mo!!!).

eh bago pa akiz noon masita nung mga manong GARDo versoza e may eksenang pang-monolog pa lola mo: "itaga mo sa lipstick na peach, magkakaroon din akiz ng pwesto ditei." tapos napagtanto kong asa tapat pala akeiwa ng mga coloring book.

FLASHFORWARD.

tinitigan kong maigi yung ambisyosang anime bersyon ng nguso ni frida na madalas mag-aparisyon tuwing linggo, bago siya magsimba tsaka mag-nobena kay st jude.

tinitigan ko yung libro na naglulumandi sa gilid nung shelf, nakaharap sa mga kostomer na nakikibasa at naghahanap ng librong wala nang plastik.

eto na yon e, sabi ko. nag-antay kasi ko. eto na yung coloring book ko e.

sinight ko uli yung shelf.

sinight ko uli yung pink na libro.

sinight ko yung label nung shelf kung asan nakatambay yung libro. at yung label e: PETS AND ANIMAL CARE.

BWAHAHAHAHAHA!!! EKSENA TALAGA!!!! feeling ko yung nguso yon e. kala nila siguro janitor pish.

10 comments:

Anonymous said...

wanda san pwede bumili online?? ung pwede magship d2 sa us...thnx!

TL said...

MERON NA AKO BOOK!!!

Nagpupugay sa aking reyna ilusyunada!!!

Dark Knight.

Anonymous said...

OMG! i was at national bookstore cubao last week pero wai sila nung book mo. powtangnangpakshet. pati rob manila at sm manila din binaybay ko na. pag nagtatanong nga akey sa mga saleslady mega elevator eyes sila sakin eh. nyahahahaha. at hanggang ngayon wai parin akong copy. huhuhuhu.

Anonymous said...

wanda isa kang diyosa... super support ako sa book mo kaya super shoutout ako sa friendster ko... sana makalipad ang book mo dito sa cayman

Anonymous said...

wwwwwwwaaaaaaaah! galing akong booksale kanina to look for your book, pero syetness la pa rin waaaaaaaaah!

'lam ko... HINDI KA TANGA! said...

hi wanda.. i added u sa link ko (sori kung wala ako permiso syo).. kc lagi ako natatawa sa blog mo.. nakakaalis ng lungkot.. THANK YOU! more power 2 u..

Anonymous said...

di bale koya kahet san man mapunta yang libro mo aariba pa rin yan!!! wahaha ang galing moooo nasa papel ka na talagaaaa ^_^

Anonymous said...

ako din meron na ko book mo ateh! :) binayla ko kasabay ng kay harrypotpot! :) sa National bookstore Trinoma akey nakagetching. at ang sabi sa akin ni cashier nung magbabayad akey: "Maganda po ba tlga ito?"


-Char

lukah said...

il buy ur book wanda. natttuwa tlaga ako sau. hehehe. anong title po? mdali lng nmn cguro hnapin kulay pink dba? more power! link din kta but duno how 2. new po ako d2. tnx.

Anonymous said...

bwahahahahaha... ang kuleeeeeetttttttt... kalurki ka, wanda... ang ganda mo...

sana may mabili pa kong kopya ng book mo... bibigay ko lang sa friendship kong broken hearted ang puso mara matawa naman.. hehehe... keep on blogging!