hindi lahat ng kwento nagsisimula sa once upon a time.
minsan, nagsisimula yan sa isang karindi-rinding KURIIIIIIIIIIIIIIIING!!! KURIIIIIIIIIIIIIIIING!!! KURIRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!!
wanda: magandang hapon. inyo pong naabot ang parlor ni kuya, kung saan lahat ng nagpupunta e umuuwing maganda. pangalan niyo po at pakay sa pagtawag? ... haller??
jayzee: wanda, kelangan ko tulong mo ...
si jayzee yung close-closettang taga ortigas na mahilig mag-picturize. kurek. picturize talaga. ka-level yan ng HARDBARD street daw sa cubao. san yon? di ko ma-picturize bwahahahaha
jayzee: pakinggan mo tong kausap ko. ang yabang e. hindi ko alam gagawin ko. wag ka magsasalita ha?
bago pa naka-apila lola mo e nasali na si atashi sa three-way calling. at gaya ng threesome, magulo to tsaka nakakalito.
raymond: so where were we?
naka-chat lang daw di umano ni raymond si jayzee, pero tong jayzee wa ma-remember na giniblaban ng number sa chat. at wag ka, ayon sa sinumpaan niyang salaysay sa baranggay e mashogal na siyang hindi nagcha-chat.
iteklavu, mga friendship, e pinaikling transcript (sa lagay na to, pinaikli na to) ng chikkahan nung duwachi. 48 years tong kemehan na to. azz in. naka-lapang na akiz, naka-shower, nag-kwenta, nag-trim ng buhok sa ilong (kasi may i silip na sila sa butas), juminggle at kung anek-anek pa pero wirishima pa rin sila natapos.
jayzee: c'mon, dude. sino nga nagbigay ng number ko sayo?
raymond: ikaw nga. you gave it to me nung nag-chat tayo.
jayzee: c'mon, dude.
yung "c'mon, dude" na yan e defense mechanism ni jayzee yan. pag wala na siyang masabi. o kaya pag feelingash niya e napapahiya siya.
raymond: so are you gay, bi or straight?
jayzee: (saylenz) ... may girlfriend ako, dude. c'mon.
sa loob-loob ko, defensive ampotah. wrong answer naman to. nahalata niyo yung "c'mon, dude," binaliktad lang.
raymond: pero you do chat? coz otherwise i dunno how else i'd gotten your number. i hope you're not insinuating that I'm making this all up. coz thats just craaaaazeeeee!!! nyahahahaha
si baklang raymunda e boses ilong. ingliserang hitad na boses ilong tapos parang jontok na jontok sa buhay niya. dinudugo ilong ko sa pagka-imbei sa haliparot.
jayzee: dude, hindi ako nagbibigay ng landline ko sa chat. cell pwede pa. pero landline? c'mon, dude.
raymond: so you DO chat.
jayzee: er ... c'mon, dude.
kitams ... hehehehe
raymond: its a simple yes or no. ba't di mo pa masagot?
saylenz. may takot si jayzee.
jayzee: ah ... ah ... yeah. sometimes.
raymond: anong room?
at nag name-drop si jayzee ng room, hindi rooms, room lang, isang chatroom na pinuputakti ng mga gays, bis, trippers na naghahanap ng jerjer at kung anek-anek pang ka-kemehan sa buhay.
raymond: you're well aware that that room is for gays and bis, right?
jayzee: ah ... ah ... yeah.
raymond: so kung straight ka, ba't ka pumupunta sa room na yon?
jayzee: c'mon, dude. curious lang ako. (TOINK!)
potah! narinig ko na yan. wrong answer na naman. tinext ko talaga si jayzee: TANGA KA!!! katumbas ng "yeiz, niloloko ko sarili kong straight ako" yung sagot mo.
raymond: ahkei. eh ok lang ba sayo na nag-uusap tayo kahit, you know, im of a different sexual orientation, so to speak ahehehehe ...
wichelles nakasagot agad si jayzee. wit ko sure kung naintindihan niya ba yung inisplukara nung bektas o pina-process pa lang niya yung nangyayari.
tinext ko uli si jayzee: hoy! angasan mo. tanungin mo kung ano nga gusto niyang mangyari. sabihin mo may ginagawa ka. busy ka cheverlou! kemehin mo.
jayzee: err ... ok lang. ayoko namang isipin mong ... you know, dude ... na im rude or some'ing.
tinext ko si jayzee: hindi ka rude. baka "or some'ing" lang ... hehehe
raymond: ahkei ... so kwento ka naman.
jayzee: ikaw, kwento ka.
raymond: ikaw, tanong ka.
jayzee: c'mon, dude. (kairita yung "c'mon dude" davah?? vehklang vehkla yung dating, dooooood!) eh, anong gusto mong kwento?
raymond: ikaw, kahit ano. kumain ka na ba? baka nagugutom ka? ano ulam niyo?
punyeta, san naman nanggaling yon?? mukhang makikikain pa ata ampotah.
jayzee: (tapos biglang nag-tunog kompident si friendship) so ano bang gusto mong mangyari? may ginagawa kasi ako eh.
ayun naman pala. delayed lang yung mensahe.
raymond: i dunno. are you willing to do with me what i wanna do with you?
jayzee: HA? (napalunook ata) ba't di mo na lang ako diretsahin ...
raymond: you know what im talking about.
jayzee: (saylenz tapos hikab) diretsahin mo ko. sino ba kasi nagbigay ng number ko sayo?
raymond: if you dont wanna talk to me, just say so. kung ayaw mo maniwalang ikaw mismo nagbigay sakin sa chat, thats your problem. i mean, what would i gain from this? di ba? di ba?
ay loss ka raymunda. pinakita mong isekyoray ka at humihingi ng approval sa iba, davah? davah?? davah?!?!? nyahahaha!!!
jayzee: (saylenz) ok ... (tunog nalugi ang pamhin)
raymond: so kwento ka naman.
jayzee: ha? wala e. ala naman. ok lang ... ah ... eto, pagod, galing sa trabaho ...
ay loss! na-loss si jayzee! kelangan ng training. super-text ko siya na balikan akiz sa kabilang linya.
jayzee: wait lang. may call waiting ako.
raymond: wala naman e. wala akong narinig.
jayzee: meron kaya.
raymond: wag mo nang sagutin.
jayzee: c'mon, dude.
plunger.
jayzee: wands!?!?! ano gagawin ko???
raymond: wands!?!?!
jayzee: ay sori. wait lang ..
plunger.
jayzee: wands?!?!?
wanda: tanga mo! baka andiyan pa yan ... antanga-tanga mo.
jayzee: wala na ... anong gagawin ko, wands?
wanda: nasisira respeto ko sayo. olats ka pala sa bakla e. hawak ka niya sa leeg kaya!
jayzee: anong hawak sa leeg? di kaya.
wanda: oo kaya. ikaw lang yung kilala kong bossy na madaling masindak sa bakla.
jayzee: eh anong gagawin ko?
wanda: sino ba tumawag? siya o ikaw?
jayzee: c'mon, dude. bat ko naman siya tatawagan?
wanda: pinatawag mo?
jayzee: c'mon, dude!!!
wanda: tigilan mo nga yang kaka-c'mon dude mo. susugurin kita diyan sasabihin ko sa nanay mo naglalandi ka pag gabi. (natahimik si ka-prenster) anyhoo, rules of engagement, jayzee, kung siya tumawag derfor siya may kelangan sayo. kaya asayo dapat ang kontrol. hindi ka naman kostomer serbis, davah?
jayzee: may ganon?
wanda: kurek. tapos wag mong sasabihin na ayaw mong maging rude.
jayzee: eh ayoko naman talaga e.
wanda: tanga ka. siyempre hindi ka naman magiging bastos kung hindi mo siya babastusin, davah?? pero wag mo nang sabihin naman. e nanggaling pa sa bibig mo mismo kaya alam tuloy nung baklang yan na gagawin mo lahat para hindi lang lumabas na ... (ginagaya yung kaartehan ng pagsasalita ni jayzee) rude ka or some'ing ... KIYEMBOT!!! hahahaha
jayzee: leche! o siya siya. baka magtaka na to. babalikan ko muna.
plunger.
raymond: talagang pinag-antay daw ba ako!?!?!?!
taena mo, wag ka magso-sori.
jayzee: ah ... ok. (WINNER!!!)
raymond: so ok lang ba mag-meet tayo sometime? nakikipag-eyebol ka ba?
jayzee: hindi e.
raymond: so hindi ka nakikipag-seb?
jayzee: ANO? c'mon, dude. hindi. straight nga ko, di ba?
SHET!
raymond: iba sinabi sakin nung huli mong naka-one night stand e.
jayzee: (saylenz) ANO??? dude, sino nga to? sino nga nagbigay sayo ng number ko? kilala mo ko eh. kilala mo ko.
raymond: are we still on that? hindi nga tayo magkakilala e (sabay tawa, yung slight nakakalurki) kulit mo!!! nyahahahaha
jayzee: sandali nga. may incoming ako uli (may inis factor na itu).
raymond: pag-aantayin mo na naman ako?
jayzee: wait lang nga. saglit lang to ...
plunger.
jayzee: taena, ginagago ako nito, wands!?!?!
wanda: tapatin mo nga ako. marami ka na bang naka-sex sa chat?
jayzee: c'mon, dude. fishing ka!!!
wanda: leche! sagutin ang tanong. may inagrabyado ka ba sa chat? o naka-one night stand na ninakawan mo ng cellphone? o baklang pinangakuan ng kasal tapos hindi sinipot sa altar?
jayzee: wands, siryoso. maloko ako pero hindi ako nanggagago.
wanda: so nagpa-power trip lang iteklang raymunda na itetch ...
jayzee: anong gagawin ko? gusto ko na siyang ibaba.
wanda: eh kanina tinanong ka na kung bet mo ibaba, sagot mo kesyo ayaw mo maging rude. or some'ing ... ahihihihi
jayzee: LECHE! siyempre. eh kung gumanti. tawag-tawagan ako niyan dito.
wanda: pag pinalalabas niya na bading ka, deadma ka lang. kunwari hindi big deal sayo yung pinagsasasabi niya. kunwari hindi ka interesado. kunwari di apektado.
jayzee: ahkei ... tapos?
wanda: ayaw niya na sinasagot mo yung mga incoming mo. gusto niya asa kanya lang atensyon mo. weakness niya yon. dun mo siya tirahin.
jayzee: pano?
wanda: yung hikab mo, totoo ba yon?
jayzee: oo. kagigising ko lang e.
wanda: ok. so hikab ka lang. kunwari inaantok ka sa kanya.
jayzee: hindi naman ako inaantok e.
wanda: weh hano ngayon??? basta hikab ka lang.
jayzee: eh kagigising ko nga lang e.
wanda: tanga ka o sinasadya mo tong shunga-shungahang drama mo?
jayzee: oo na. hihikab na.
wanda: yun naman pala e. basta humikab ka. lalabas kang hindi interesado sa kanya o sa mga tae-tae niyang konsepto sa buhay. tignan mo, a-amo yan sayo.
jayzee: ah sige. subukan ko yan.
wanda: wait lang. pag sinabi niya kwento ka naman, sabihin mo siya magkwento kasi siya tumawag sayo. tapos pag sinabi niya na ibababa niyo na yung phone kung gusto mo e wag ka magpaka-polite kung tinatarantado ka naman niyang kausap mo.
jayzee: so babastusin ko?
wanda: hindi naman. basta pumayag ka lang na ibaba. tandaan mo, siya nga may kelangan sayo. hindi ikaw. siya dapat mag-adjust sayo. tignan mo, makakarinyo mo ego niyan.
jayzee: pano mo nalalaman yang mga yan? epektib ba yan?
wanda: GAGI!!! tesis ko yan e hahahaha tsaka ginagawa ko kaya sayo yan.
jayzee: talaga? taena mo.
plunger.
raymond: antagal naman talaga. nakakainip mag-antay, kamusta naman ...
jayzee: ah ok.
raymond: kwento ka.
jayzee: ikaw, kwento ka (hikab, yung obvious na pekeng pekeng hikab), ikaw tumawag eh.
raymond: ganon? inaantok ka na ata eh. are you sleepy?
naiinis ako sa mga ganitembang na inglisera. yung sasabihin sa tagalog tapos i-inglisen pa. redandant. ka-imbei.
jayzee: may sasabihin ka pa ba?
may tinext ako kay frenship. may naisip ako biglang bagong iskrip. SENT!
raymond: gusto mo na ba ibaba?
jayzee: wala naman tayong pinag-uusapang matino e.
raymond: eh pinagdududahan mo kasi ako e.
jayzee: c'mon, dude. inaantok na ko.
raymond: kwento ka kasi.
jayzee: kung gusto ko magkwento tatawagan kita. (ganda ng delivery!!! pang famas!!! wohoo!!!)
raymond: pano mo ko tatawagan? you dont even know my number.
jayzee: hinihingi ko ba?
raymond: so gusto mo na talaga ibaba?
jayzee: tinatamad ako sa usapan natin, dude.
raymond: OK. thanks for accomodating me kahit "straight" ka.
jayzee: sige, salamat na lang sa tawag, dude.
raymond: ok ... (saylenz) ... mamaya na natin ibaba ... hehehe ... ayun naman pala, ako pala yung ayaw magbaba bwahahahaha
jayzee: hindi. siryoso ako. ba-bye na.
BINGO!!!! at nung wai na yung baklang raymunda.
jayzee: shet, wands. bastos ba ko?
wanda: oo kaya. grabe yung mga sinabi mo. ang rude ... or some'ing bwahahahahaha
jayzee: ulul! sige na, magcha-chat pa ko.
wanda: taenang to. sa susunod ilalaglag na kita sa ere.
jayzee: hehehe ... joke lang. sa susunod uli, i-three way kita.
wanda: oo ba .. hahahaha ... ansaya pala.
moral lesson ... ingat sa mga may three-way na yan. baka si kuya asa kabila lang ahihihihi ...
Thursday, July 12, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
9 comments:
ahaha. panalo panalo ang eksenang ito! kalurky nga lang ang c'mon dude!!! very paminta! napapa-achoo ako sa tuwing nababasa ko!!! puhlease.. haha..
katawa talaga!
Dami kong natutunan dito ah. Hehehe
Astig ka talaga wands.
cmon dude hahaha kairita paulit ulit hahahahaha tagal na qng di nakakatry ng 3-way ah!!
di ko kinaya ang C'MON DUDE!!! napa tae ako after...leche
nyahaha!
wands ano number mo? 3-way din kita. c'mon dude give it to me!!!! whahahahahaha kakalorki ka tlaga wands.........
ahahaha c'mon dude!!!
natawa ako ampota!!!
C'mon dude! I love your posts. Super wagi ka Manay Wanda!
kumplikado naman ng power politics ng mga bakla! pa-machohan ini!
senti ako today.
do you believe in soul mates?
maki senti at maki comment sa aking latest post.
Post a Comment