Tuesday, July 31, 2007

Usapang Lalaki To

banjo: hindi niyo ba naisip mag-pamilya?

ganyanchi si banjo, nagpapaka-deep ampotah, sa eksenang nomohan namin nina erlinda marikit nung linggo sa isang bar-baran sa may araneta. kurek. linggo itu. dey-op ni inday.

akswally, karir ni erlinda si banjo. hindi alam ni banjo yon. si banjo kinakarir yung frenship ni erlinda na si vanessa. si vanessa amoy shampoo, si erlinda madalas amuy white flower (pero todo deny si bakla). si vanessa e lamang kay erlinda ng tatlong paligo, isang pares ng boobelya tsaka kipay. kaya si erlinda sinusumpa si vanessa. pero frenz pa din sila, yun yung alam ni vanessa.

at si vanessa, anlakas mamulutan. gravah!?!?! order pa nang order. sabi ni erlinda sakin, parang sanggol. laging gutom.

wa naman talaga akiz konek sa mga ka-nongga ni atashi. wichelles ko nga knows kung vahkit ako napa-joinsung sa mga vahgetz na itu.

banjo: hindi nga. ayaw mo ba magka-asawa tsaka anak? yung totoong pamilya talaga, yung may nanay tsaka tatay.

sa kakulitan nung boylet napa-flashback nang di oras yung lola mo dun sa chikahan namin ni rome dati-dati pa. ang mga vehkla kasi, madalas tanungin ng "kelan mo nalaman na bading ka?"

madalas sagot diyan namin ni rome e, "ewan ko. makalilimutin ako e. sorry ha." sabay change topic para jumiwas sa sandamakmak na follow-up questions gaya ng "pano mo nalaman na bading ka?" tsaka "alam ba ng magulang mo?" tsaka "may nakaka-alam ba sa pamilya niyo?" tsaka "nagka-shota ka na ba?" tsaka "ano nauna, itlog ba o manok?" tsaka "bakit walang shorts si donald duck pero pagkatapos maligo naka-tapis siya?" tsaka "totoo bang bading si piolo?" hanggang mauwi itu sa "hindi niyo ba naisip mag-pamilya?"

kung tutuusin wa dapat inis factor. kababawan, davah?? pero kung 48 thousand times ka nang natanungan niyan, kahit iba-ibang sho-o-belles pa yan, yung inis talagang nagiging imbiyernuh na.

ka-imbei pa kasi sabi ni banjo "niyo," as in "hindi NIYO ba naisip magpamilya?" pero tong si erlinda patay malisya kuno. naka-sight lang kay atashi, waiting sa sagot kez. kala mo si atashi lang yung wan en onli judinggabels donchiwa.

wanda: uhm ... ayoko isipin. masama sakin nag-iisip e. nako-coma ako.

banjo: hahaha e ayaw mo ba magka-anak?

wanda: siyempre gusto ko din. in da future siguro.

banjo: eh di mag-aasawa ka?

wanda: hindi rin.

banjo: eh pano ka magkaka-anak?

erlinda: kelangan ba mag-asawa para magka-anak? ikaw nga may ...

biglang kumalabog sa jilalim nung lamesa.

erlinda: aray naman!

tapos may pagpapalitan ng tingin sina erlinda tsaka si banjo na bukod sa malagkit e malaman. ah alam ko na. di ko lang ka-sure kung na-getching din ni vanessa.

pero mukhang hindi kasi umorder pa yun ng sizzling sisig tsaka hilaw na mangga. OO, mga frenships. beeranga tsaka hilaw na mangga. kamustahin natin ang sikmura, davah!?!

banjo: hindi. ibig ko sabihin, malamang may babaeng involved diyan kasi kayo, wala naman kayong ... alam mo na.

erlinda: eh di babymaker. uso naman yon e.

banjo: ulul! korny yon pag babymaker. dapat yung may kangkangan.

kalurki tong si banjo. yung pag-gawa ng junakis e napagkasya sa isa sa pinaka-majontot na salitang kanto: kangkangan.

erlinda: yuck naman, banjo! stop dat! (may kiri yung delivery, parang may sili sa singit ang vehykla) mahiya ka naman sa bisita.

banjo: anong yuck? kala ko ba gusto niyo din magka-anak?

wanda: oo nga. sabi ko, in da future, davah!?!?! sa future. siguro naman sa mga panahong yon naimbento na yung detachable matres na de-baterya o kaya china-charge pag gabi. parang nyelponella, ganon. o kaya matres transplant para don sa mga galit sa matres nila. naku, instant pwerta!!! papakabit talaga ko ng duwa.

banjo: eh ayaw mo ba tumikim ng babae? sa normal na paraan? (tumayo yung mga balahibo ko sa ilong hahaha) e sayang kayong dalawa. andaming magagandang babae diyan.

kami yung tinutukoy ni banjo na "magagandang babae diyan. " yung dalawa na titikim, deadma na. basta hindi kami yon.

banjo: marami kang nami-miss, kala mo. kalahati ng buhay mo, pag hindi ka nakatikim ng babae.

wanda: weh ano bang meron yang si vanessa na hindi ko pa nakita sa tahong at talaba?

banjo: gago, iba naman yon. sige eto, usapang lalaki to. bibigyan ko kayo tig-isang babae ni (erlinda). para kahit minsan makatikim naman kayo ng babae.

wanda: charity ba itu?

pero si erlinda naglalaway na. wichelles ko knows kung natutukso siya sa offer ni banker o naglalaway siya dun sa manggang linalapokstra ni vanessa.

erlinda: eh basta ako ...

yun naman pala, nag-iisip lang.

wanda: erlinda, wag, wag mo ituloy.

masama din nag-iisip kay erlinda minsan e.

erlinda: ayokong magsalita ng tapos ...

wanda: mag hunusdili ka, erlinda!!!

erlinda: parang ayoko umayaw kung hindi ko pa naman siya nasusubukan, di ba?

banjo: oo nga naman. ba't ka aayaw sa isang bagay na hindi mo pa nasusubukan? aayaw ka sa babae e hindi mo pa naman natitikman ... tama ka.

wanda: weh, ganon ba yon? eh gusto mo ba mamatay?

banjo: ako? ayoko ... (napa-isip) e iba naman yon. buhay ko na yon e. tsaka wala nang balikan yon hehehe

wanda: fayn! eh gusto mo ba makipagsex sa lalaki?

saylenz.

tinitigan lang akiz ni banjo. tapos ngumiti.

banjo: iniiba mo usapan e nyahahahaha!!! ano na? trip niyo? ite-text ko na. may kilala ako mga chicas, tipo niya yung mga tipo niyong lalaki.

erlinda: mga humahada ng kapwa?

banjo: gago!

wanda: haaay naku! usapang lasing na to.

banjo: hindi. siryoso ako. game tong babaeng to.

naloloka ako sa mga konsepto sa buhay nitong banjo na itech. bet ko lang naman nomongga ng matiwasay tapos maha-harass ka ng ganitembang. sarap basagan ng sanmig light sa fez.

wanda: ay sige na nga! nang manahimik ka. sino ba yan, titikman ko yan. hindi ko lang siya titikman. kakainin ko pa

banjo: astig! e hardcore pala tong tropa mo, (erlinda).

wanda: oo, hardcore to, doooood! hindi ko lang sila titikman, iluluto ko pa tsaka pakukuluan, parang yung mga iron chef. lalagyan ko pa ng sinabawang gulay, para makulay, tapos kakainin ko yang mga babae mo. gagawin ko silang bopis, dinuguan, papaitan tsaka sisig nyahahahaha!!!

sabay lapag ng sisig. pasok sa timing si manong waiter. si vanessa napalunok.

wanda: marami kang kilalang babae, doooood??? pakilala mo lahat sakin yan. game ako. madami akong alam na putahe ahihihihi tapos papatikim ko din sayo nyahahahaha!!!

Friday, July 27, 2007

Si Juan, Pedro tsaka si Jose

noong unang panahonchi, havs ng shotlong lulurki. si juan, pedro tsaka si jose. shotlong lulurki na simula noong dekada ochenta e wala nang ibang ginawa kundi magpagalingan tsaka pumanch-line.

ka-level sila nung joke joke joke na sinong singer ang bali-bale yung buto? sino pala? eh di si gary bali-balensyano. NYEH!

eh sinong artista yung mahilig sa banyo? sino pala? eh di si sharon cubeta. NYEH!

korni, pero nung prep si atashi, habang asa serbis kami, bentang-benta itu.

at gawa nung globalisasyon (may ganung eksena talaga), kinabog ng over sina juan, pedro tsaka jose kaya pinaubaya na nila yung pagpapatawa dun sa pilipino, amerikano tsaka hapon. na wai ding ginawa kundi magpayabangan.

dito sa chikka ng lola mo, nakasakay ni wanda sa tamaraw px tong mga duduki na itembang: si juan, pedro tsaka jose. siyempre, waing nagbago. nagpapagalingan pa rin sila.

siyempers, si juan yung laging pasimuno.

juan: wala ka, pre. si bruce willis hindi namamatay sa die hard 4. immortal siya, pre. immortal.

pedro: ulul! di nga. si bruce willis, dude, e bugbog sarado lang yan kay chuck norris. mukha lang lasing yan si chuck norris pero astig sa bakbakan, dude. pati tatay mo, whapak yan kay chuck norris.

juan: woeh!!!

pedro: oo nga. whapak! whapak! whapak ka!

juan: imbento ka. eh yang chuck norris mo bading naman yan e.

pedro: hala ka! ayaw maniwala neto.

juan: immortal kaya si bruce willis.

pedro: eh sa sixth sense, pare, umpisa pa lang patay na yan e. ano ka ngayon? immortal mo mukha mo.

jose: mga tungaks kayo pareho! walang binatbat yang mga yan kay optimus prime, pare. tatapakan lang yang mga yan ni optimus prime.

natahimik ng slight. pinag-isipan talaga.

juan: woeh!!! eh yang optimus prime mo bading naman yan e.

buong biyahe talaga, mula cubao hanggang samin, e nagpapataasan ng ihi ng iba tong mga boylets na itu. kaka-imbernadette, parang mina-migraine pa si atashi. e wit ko man sila bet pakinggan, wa ko choice kasi kaming kyopat yung asa jolikuran nung jef-x.

dagdagan pa nung biglang mag-aparisyon yung numero unong kinatatakutan ng mga closetta at pamhin sa fx, gaya ng lola mo.

pedro: kadiri, dude, pare, iniipis ka. (kay juan)

lumitaw sa may gilid yung jisang ipis. jisang malaki tsaka amoy lumang aparador na crawling ipis.

sabi ko sa sarili ko, pag naging flying ipis to, deadma na sa baranggay, ititili ko talaga baga ko. iskandalo kung iskandalo labanan dito.

napuno ng tensyon yung jef-x. lahat nung pasahero panay lingon samin, orkot din sila madapuan nung ipis. yung isang gurlilet sa may gitna, pumara na sa tabi. hindi kinaya.

leche naman kasi!!! fx na lang iniipis pa. wirit na jinisip nung drayber sweetlover na mag dobol check kung havs ng jipis na nakiki-skwat sa kariret niya. e jujuwetiks ka na nga lang, pagod sa kakarampa, shogod sa jopisina mez, tapos may i ride ka ng jef-x tapos iipisin ka, kamustahin naman davah? ka-level na nga lang ng abanikong butas yung ercon-erkonan kuno, e iipisin ka pa. leche talaga, davah?!?!? asan ang konsiderasyon don???

juan: akin na notebook mo, pre, patayin natin yung ipis.

pedro: boplaks ka ba? mangangamoy ipis naman notebook ko, dude.

shotabe ko tong si pedro. at talaga namang sinisiksik niya pa ko hanggang sa pang-limang piso na lang upo ni atashi.

juan: patayin mo na, pre. nakasalalay sayo buhay nating lahat nyahahaha

pedro: ikaw, patayin mo. ikaw nakaisip e.

juan: arte mo.

pedro: madumi kaya yan, 'kala mo.

juan: tungaks!!! nandidiri ka pa eh inuulam niyo nga yan sa probinsya niyo.

pedro: ulul! hindi ipis yon. iba yon. balang yon. boplaks ka pala e.

bet ko sanang pagkoko-konyatan tong sina juan tsaka pedro. nag-aasaran pa e papalapit na samin yung jipis. kung mamalasin ka nga naman.

hanggang sa buong tapang na humirit si jose.

jose: manong drayber, baka may pamalo ka naman diyan. iniipis na tong fx mo.

juan: baygon, manong, baka meron kayo? hehehe

pedro: tanong mo, dude, baka moth balls meron nyahahaha ...

sumilip lang sa mirror yung drayber. may inis. may nagaganap na pagbubuntung-hininga. tapos may kasamang tsk tsk. kala naman niya ginusto namin to.

hindi kaya!!! HINDI KAYA!!! wirishima nga akiz nagwa-watch ng fear factor e. kakalokah!

drayber: (may poot ang delivery) wala. wala akong pamalo. eh ipis lang naman yan. tapakan niyo na lang! tsk. tsk. (tapos may bulung-bulong pang karugtong)

si juan tsaka si pedro tsaka si jose, pati na rin si wanda, e napatingala sa kisame nung fx kunsaan walang kahihiyan at buong tapang na rumarampa yung ipis.

OO, asa kisame na siya.

juan: hoy, tapakan mo daw.

natawa na lang kaming kyopat, ini-imagine kung pano tatapakan ni jose yung ipis sa kisame. oo, pati ako nakitawa. nagfi-feeling close lola mo e.

Wednesday, July 25, 2007

Pangarap kong Coloring Book

yung callboy (por short por call center boy) kong frenship na si jepoy, hindi pa nabubuo yung pers draft tsaka sinusulat ko pa lang yung mga pa-tenkyu ko, e kinukulit na ko kesyo ang shugal daw ng libro ni atashi. 48 years.

well, kahit naman akiz e inugat na, namunga na, natuyot pa sa pag-aantay. weh ganon talaga.

wag ka, nung araw na lumabas yung harry potter sa mga bukstor e talagang go si jepoy sa isang shala-shalahang mall para huntingin yung pink na libro. san ka pa, sarado pa yung mall, andon na siya. may i help pa nga ata siya sa mga GARDan angels dooners sa pagbubukas.

tapos nag-text yan habang kumu-kyombay at nagkakape-kape. meron na daw siyang kopya. at sori, yung kopya niya may lalaki daw na kasama. hindi lang yan, at nag jerjer pa daw sila. LECHE! umagang-umaga.

eh sa mga eksenang ganitech e nagtetext yan agad: "nagkasala na naman ako. malandi ba ko, friend?"

sasagutin ko naman siya ng: "hindi ka malandi, sadyang maganda ka lang talaga ..."

yan si jepoy, ang living patunay na ang biyaya nakakamit pag dinaan sa paghihintay.

(disclaimer: pasensiya po. hindi lahat ng kopya may kasamang lalaki. yun lang pong may kalakip na tansan ng pepsi na may numerong 349 ahihihihi)

eh yung friendship ko namang si kat, sinuyod ang makati para maka-discovery channel ng kopya. hanggang um-arrive siya sa jisang suking tindahan ng mga magazine tsaka mga pinaglumaang libro na kaamoy ng lola ko na wirishima fan ng mga mothballs. at pag sinabi kong lola ko e yung lola ko talaga. hindi yung baklang tinatawag ko lang talagang lola.

kat: may kopya pa ba kayo nito?

sabay turo sa pink na libro. kasi may balak siyang bumayla ng shotlo. para daw sa mga prenship niyang vahklush.

(iteklavu e adapted bersyon ng chikka ni kat)

tindero: ay! meron pa po ... sandali lang po ... eto po ...

kat: salamat.

tindero: eh, ba't niyo po gusto yan?

kung ako si kat e nakrumpal ko na tong tagabantay. nangingialam ka e, bibilhan ka na nga.

tindero: ba't niyo po gusto yan? hindi ko nga binabasa yan e. hindi ko kasi maintindihan.

kat: ah ... kasi friend ko yung nagsulat nito e.

tindero: talaga? (may excitement daw bigla) friend niyo po saan?

dahil malupit yung training ni kat sa pamamalengke, nakakadetek siya ng nga lulurking mapupula ang hasang. gaya nung tindero.

kat: sa college.

tindero: sang college? ano kors niya? talaga? kwento ka pa ...

at pinaliwanag ni kat yung konek naming duwa.

tindero: talaga? eh totoo ba yung nakipag-meet siya sa SM Bacoor tapos naka-puting t-sert siya e tapos andami-daming naka-puting t-sert don? pero hindi ko talaga naintindihan kaya hindi ko na binasa.

ASUSUSUSUS!!! natatawa-tawa na lang daw si kat.

tindero: tapos may sinabi pa diyan tungkol sa mga ostrich tsaka giraffee. ewan ko ba. hindi ko binasa e.

hahahaha sa loob-loob daw ni kat e sabihin mo na lang kung bakla ka nang tapos ang usapan.

eto ka pa. nung magsawa lola mo sa pagrampage sa timezone sa gateway dahil hindi ko ma-getching yung luntiang oso sa akwaryum e napag-desisyunan kong silipin kunghavs pang tira-tirang kopya nung pink na libro.

so go akeiwa sa national umbukstora. sinugod ni atashi yung sulok ng mga jokebook pati yung family album ng mga gigantik shugadbaboy.

naloka aketch dahil sa escalatoration pa lang e nasa-sight ko na yung namamagang nguso (in putah red) sa cover.

madali na siyang makita ng mga vehykla. fabulosa!!!

ANG MGA KWENTONG PARLOR NI WANDA ILUSYUNADA ... haaaaay!

eh parang kelan lang e sumisilip-silip akiz tsaka palihim na nakikibasa sa mga librong natanggalan ng plastik (HOY! hindi ako nagtatanggal ng mga plastik ha, kala mo!!!).

eh bago pa akiz noon masita nung mga manong GARDo versoza e may eksenang pang-monolog pa lola mo: "itaga mo sa lipstick na peach, magkakaroon din akiz ng pwesto ditei." tapos napagtanto kong asa tapat pala akeiwa ng mga coloring book.

FLASHFORWARD.

tinitigan kong maigi yung ambisyosang anime bersyon ng nguso ni frida na madalas mag-aparisyon tuwing linggo, bago siya magsimba tsaka mag-nobena kay st jude.

tinitigan ko yung libro na naglulumandi sa gilid nung shelf, nakaharap sa mga kostomer na nakikibasa at naghahanap ng librong wala nang plastik.

eto na yon e, sabi ko. nag-antay kasi ko. eto na yung coloring book ko e.

sinight ko uli yung shelf.

sinight ko uli yung pink na libro.

sinight ko yung label nung shelf kung asan nakatambay yung libro. at yung label e: PETS AND ANIMAL CARE.

BWAHAHAHAHAHA!!! EKSENA TALAGA!!!! feeling ko yung nguso yon e. kala nila siguro janitor pish.

Monday, July 23, 2007

Ober Eksposyur

ang chismaks ba, pag na-eye witness ng iba, chismaks pa din ba siya?

kung yung kaganapan e trulala at chinikka mo sa madla, chismaks pa din ba siya?

eh kung ang balitang nasaksihan sa saksi chinikka mo sa sambayanan, walang labis walang kulang, chismaks pa rin ba siya?

well anyhoo, chismaks man o anufaflu e ichi-chikka ko pa rin itu.

kasi nung isang-isang araw havs ng komosyon sa village namin. kakagulantang na kaganapan. dun sa may basketbol kort, dun sa malayong gilid kung san may playground kuno na kinakalawang na at inuunti-unti ng mga bakal boys ibenta.

"KUYA!!! martial law na!!! andaming mga tanod tsaka kapulisan mega-invade dun sa basketbolan!!!" ganyan si roxina pag buong araw lumaklak ng rc cola.

ka-join sa news adbaysori na itu si inez, ang unica iha ni mildred utangera na ginu-groom mag reyna elena sa parada ng mga vahklush. kasi itechuwang si inez e babaeng bakla. literal na babaeng bakla. may suso at kipay nga pero kahit ilang coating ng eskinol o maxipel o barnis o kontra-anay ang ipahid sa fez e mukha talaga siyang bakla. parang long-haired na bruce quebral. sabay-sabay tayong lahat: awwww ... kawawa naman.

e nung tinanong namin tong si inez kung aneklavu yung nangyayari sa labas e nagbida-bidahan talaga tong si roxy. lagi naman agaw-eksena e.

ROXY, PASOK!!!

roxy: yung anak ni mrs. ricafort, kuya, yung jake ba yon (hindi tunay na pangalan, pero yung apelyido yun na yon), dinakip sa may playground. kinuyog ng pulisya tapos dinakip. pinosasan yung bagetz saka dinakip.

inez: bakla, walang posas. inakbayan lang nung tanod. dagdag-bawas naman to.

wanda: bakit? ano kaso daw?

roxy: malaysia pakistan!!!! abugasya ba kurso ko, kuya? malay ko ba naman sa mga kaso-kasong ganyan.

wanda: anubayan!?! makiki-chismis ka na nga lang, kulang-kulang pa.

roxy: hoy! hoy! hoy! hindi lang chismis ang dala ko. kinaladkad ko pati isa sa mga, azz in MGA, witness.

ayon sa sinumpaang salaysay ni inez e ruma-rampage daw siya at nagpapa-cute sa mga bakal boys na mega-siesta sa basketbolan nang namataan tong si jake na naka-kyombay sa isa sa mga simentadong bench dooners. duda nung bilat nakabatak na naman daw si boylet. kasi maraming tuyong dahon ng acacia sa paligid-ligid.

eh nung napadaan siya sa harapan mismo ni jake e nagulantang daw yung bangs niya sa makalaglag pustisong eksena: (may demo itembang nung chinikka ni inez) si jake nakabukaka, nakalabas ang nota para masilayan ng madla, at itu e nagbabayengga. (nagbabayengga? anu po kaya yon?) bionic. bayo. nagbayo. nagbabayo, present tense. kurek! talagang kaka-tense. si jake sa mini-plaza, oh my gohlay, nakipaglaro kay kelly kamay.

wanda: nakakahiya.

frida: anlaswang bata.

wanda: kakasira ng puri. (woohoo!!! may iba-blog na naman aku)

frida: may saltik siya talaga.

roxy: kurek! buti na lang may conzernd zitezenz na tumawag sa bantay bata tapos ini-report si jake. kaya ayun, julie yap ang bagetz.

wanda: conzernd zitizenz talaga? e bat sa bantay bata?

roxy: kyems lang yon, kuya. wit ko knows kung sineklavu dinial nila.

frida: e sana sa bahay muna sila tumawag para na-bidyuhan naman natin tapos padala natin sa eks eks eks.

roxy: o kaya lagay sa youtyubebang.

wanda: kaya pala parang gusto kong rumampa sa basketbolan kanina. parang ... alam mo yon? parang yung may feeling ka na bet mo magbringalu ng payong ever tapos hindi ka nagdala tapos bumagyo bigla. yung parang ganon.

inez: ano ka, kuya? nakaka-degrade kaya yung eksena.

roxy: ay potah!!! may degrade-degrade ka pang nalalaman diyan.

inez: oo, naman noh?? ganito lang itsura ko pero nade-degrade din pagka-babae ko noh?

roxy: oo, naman. walang duda. nade-degrade ka. balak nga kitang talian ng green na pisi nang mapasama ka sa mga bio-degradabol bwahahahahaha!!!

wanda: virgin-virginan naman drama neto. pechay na pechay. ansarap mong gawing sahog.

roxy: hindi nga? hindi ka man lang tumingin o sumilip ng slight?

frida: chikka naman diyan. malaki yung ano ni jake?

inez: anong "ano" ni jake?

frida: ay! nagpapatay-malisya ampotah!

roxy: matigas?

inez: pano ko naman malalaman kung matigas?

roxy: eh di hahawakan, sasalatin, pipisilin. pano mo ba nalalaman kung hinog na ang saging?

inez: sa kulay.

roxy: ay! pwede rin noh??? ahihihihi

inez: o kaya sa amoy ...

roxy: mas bet ko yon.

wanda: so malaki ba o matigas?

inez: parang malaki ... (may alangan si inez kainis pero ngiting aso tsaka may pamimilipit na kala mo naglalanding pusa sa bubungan) tsaka parang ma-ugat siya .. yuuuuuuuuuuck!!!

roxy: waaaaaaah!!! bastus ka!!! asahan mo, bukas makalawa may pigsa ka na sa mata.

frida: tanga ka, nena? anong pigsa, kuliti! hahaha mamaru (nagmamarunong) ka na naman!!!

roxy: gagah, e maugat daw e. hindi kuliti labas niyan. pigsa yan. PIGSA!!!

inez: anoveh, bakla! ilabas ba naman niya sa gitna ng parke. sino ba namang hindi makakakita non?

wanda en frida: WEH KAMI!!! SHET KAYO, HINDI KASI KAYO NAGSASABI!!!

wanda: eh ano eksena nung mudra, siyempre gumawa ng eksena yon?

roxy: kurek!!! idinawit lahat ng pulitikong kilala niya. nag litaniya pa ng konsehal mula marikina hanggang quezon city hanggang camanava. kesyo marami siyang koneksyon pati kay lord. pati human rights nasali.

wanda: anong rights? karapatang magpakita ng nota?

frida: BWAHAHAHA!!! huli man daw at magaling, karma pa rin.

kumu-kowtabol kowts si bakla. pero wag ka, may history kasi yan.

halos ka-edaran namin nina marcus yang si jake. pero bukod kasi sa napariwara at na-nyorkada sa mga adiktus pekinesis e may sama kami ng loob diyan.

dati kasi may puno ng mangga yan sila na puro bunga talaga tsaka antik na pula. eh mga bagets pa kami neto. ako tsaka sina ricky tsaka marcus tsaka si ngongo e binabato namin ng sirang tsinelas o kaya graba o kaya tumigas na echas ng aso yung mangga na hindi naman namin linalapokstra. at dahil wirishima knowings ng lola mo umasinta, tagahawak lang akechi nung mga nade-dekwat na bunga.

nun pa lang e anti-sosyal na yan si jake. antipatikong sumbungero pa pag nagliliparan na yung mga tsinelas pati echas: "mommy, namamato na naman yung mga kids sa labas!!!" siyempre lalabas yung mudra tapos tatalak. kami naman sisibat. eh dahil sa ako yung taga-bitbit ng na-harvest ako yung madalas naiiwan tapos natatalakan.

susumbong kami niyan sa mga maderaka namin kesyo may drama na basta humingi lang daw kami ng mangga e gigibsungan naman daw kami. di naman daw sila madamot. saka magpapadala yan ng supot-supot na mga manggang hilaw na may kalakip na payo sa pagpapalaki ng wasto sa mga bata.

tapos mako-kornihan sina marcus kasi hindi naman talaga namin betsung lumapang ng mangga. trip lang talaga naming mamato. kaya gagamitin na lang namin yung mangga para mamato ng santol kina mrs abellardo na mga kabatak ni mary walters kaya wirit na kami hinahabol ng itak. takot ma-hart attack.

eh yang si mrs ricafort e diktador din ng homeowners samin yan, hindi talaga bumababa sa pwesto. taas-taasan talaga. sintaas ng grills ng balay-tsina nila. e nung mga panahong naglalampaso pa ng sahig si j-lo e puno na yan ng bling-bling na gawa sa chinese gold tsaka mga tinubog na ginto galing saudi. ricah talaga siya, in fuhrview.

at wag ka uli, hindi ume-exit ng balur yan nang walang padding sa balikat. kulang na lang helmet e footbol player na itu.

nung kapanahunang itech e si manay cindy tsaka si frida tsaka isa pang vahklush yung CEO ng kyorlor incorporated. eh naabisuhan silachi ng mga shopetbahay na matatabil ang dila na may panukala daw yung lola ricah na itaboy sa kalayuan ang mga vehkla. kesyo masamang impluwensiya. kesyo malaswa daw. kesyo salot. walang permit. at overpricing.

eh nadiscovery channel nung mga desperadang maderaka na may balak magtayo ng komersyal area na mala-da fort si si mrs ricafort. eh hobby pa nung mga yan, bukod sa pagluluto at paglalaba at walang patumanggang pagpapalinis ng kuko, e yung kumontra sa presidente hindi dahil sa pagtatanggol kina manay cindy pero dahil sa bet lang talaga nilang kontrahin si binibining padding. pang asar davah???

END FLASHBACK.

kinagabihan non, pina-drawing nina roxy kay inez yung mismong nakita niya sa basketbolan. ayaw talaga nilang tigilan yung bilat. tsaka dapat daw e lifesize yung drawing, kamusta naman? si bilat, may i draw naman. utu-uto ampotah! may shading tsaka kung anek-anek na lighting epek pang nalalaman.

si frida naman bumalandra sa bukana ng kyorlor.

wanda: gawa mo, bakla?

frida: binabantayan ko sina ricafort, vahket? (may poot yung pag-fronounce nung namesung)

wanda: bakla, dagdagan pa daw ba yung mga ugat mo sa binti? wala nang espasyo, ateh.

frida: lokah. pag na-sight ko yang jake na yan, pagdidilatan ko talaga siya mula ulo hanggang puson hanggang paa.

wanda: ay! may stop over talaga sa puson.

frida: tapos yung maderaka naman niya. tatarayan ko mula ulo hanggang padding hanggang bling-bling hanggang sa kadulu-duluhang kuko niya sa paa. LECHE SIYA!!!!
wanda: inday, sabi ng kura paroko love thy kapitbahay.

frida: siyempre, hindi naman dito nakatira yang si father. hindi niya shopetbahay si mrs ricafort. kung tagarito yan si father malamang love thy kapitbahay yan maliban kay ... may ganon. maliban kay.

saylenz.

frida: HMPF! sampalin ko siya ng nota nung anak niya. tapos ako pa daw ngayon ang salot. AKO? AMPOTAH!

Thursday, July 19, 2007

ANG PATOTOO (Charot!)

mula sa namumukod-tanging recipient ng ...

2005 Gawad Heny Sison (na may kalakip na recipe ng paggawa ng nata de coco)


Top 78 sa listahan ng mga nagfi-feeling sikat sa Forbes' Anonimus 100 (kasama sina aling aning na mananahe, manay rosie sa gotohan, aling baby na nagbebenta ng umang, si kuber na taga-paypay sa isawan, kuya roger na taga-deliver ng mineral, etcetara echuveria achuchurva)

Pang-onse sa Ten OUT na OUT Young Menchu nung hayskul.

2006 Bernard Palanca Award for Literature at Ka-ek-ekan



"bonggah ... ferfek!!!"
-- nel, pbb season 2

"this connection between me and wanda,
what if the reason for it is that I’m becoming
more like him. i just feel so gay, all the time.
and what if after everything i’ve been through,
something’s gone pink inside me. What if I’m becoming wanda ..."

-- harry potter

"OK naman. tamang pantawid
gutom habang nag-aantay sa book 7."

-- manay jeekee rowling

"i LUUUUUURVE it!!!
and everyone in the audience
GETS TO BRING HOME A COOOOOOOPY!!!!"

-- ateng oprah

"waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah"
-- audience ni ateng oprah
(kahit wa nila knows kung sineklavu
si wanda. basta libre. mga adik ampotah!!!)

"sana magkaroon din kami ng kopya niyan dito ..."
-- bin ladden

"padalhan mo naman ako ng kopya
niyan dito. tapos bilhan mo na rin
ako ng butong pakwan tsaka kornik.
kung meron, pati alamang na din."

-- email ni jimboy, estetside kong prenship

"psicom? eh di ba gumagawa ng mga horror stories yon?"
-- gary

"nakakatakot naman yung cover na yan.
horror nga ata yan."

-- erlinda marikit

"taenang nguso yan. kapatid ba kita?"
-- diego, ang pambansang bading

"ang saya-saya mo naman,
para kang sinabawang gulay lang ... bwahahaha"
-- vivohra

"pano ko to iu-uwi?
baka ma-sight ng sisterraka,
sabihin bakla ako ... nyahahahahaha"

-- rome

"bakit hindi sakin naka-dedicate to?"
-- alpha

"parlor? kwentong parlor? wala ho kami non e.
meron ba tayo nung kwentong parlor daw?
wala daw ho. kwentong barbero meron.
kwentong parlor wala hahahaha may ganon ba?"

-- saleslady sa bookstore

sa wakas, yung parlor naging papel na, isinupot pa. tapos linalako sa halagang hapi meal na wirishima na go big time.


GO NA! FLY at mag-BUY!!! pahirapan nga lang talaga kopya. hindi dahil mabenta pero kasi nakatago siya. hanapin sa humor seksyon ng mga bukstore, don siya nagmamaganda. iwasan magtanong sa tindera hangga't kaya kung wit mo bet makulot yung herlalet mo bigla.

at, mga nini, dodong at ineng, taliwas sa naunang napabalita, ang pink na aklat e wai namang sumpa. hindi lahat ng dumadampot neto e nagiging bakla.

salamat ulet sa PSICOM (pwedeng umorder sa kanila ng kopya, mas mura) para sa pagkakataong sumubok. tsaka sa starbux gateway kung san ko lahat sinulat to, pati na dun sa pakialamerang barista na panay tanong kung vahket ako laging nakatambay don.

SALAMAT DIN SA MGA BUMILI AT BIBILI NG KOPYA, PATI NA RIN SA MGA WALANG BALAK!!!

Thursday, July 12, 2007

C'mon, Dude ...

hindi lahat ng kwento nagsisimula sa once upon a time.

minsan, nagsisimula yan sa isang karindi-rinding KURIIIIIIIIIIIIIIIING!!! KURIIIIIIIIIIIIIIIING!!! KURIRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!!!

wanda: magandang hapon. inyo pong naabot ang parlor ni kuya, kung saan lahat ng nagpupunta e umuuwing maganda. pangalan niyo po at pakay sa pagtawag? ... haller??

jayzee: wanda, kelangan ko tulong mo ...

si jayzee yung close-closettang taga ortigas na mahilig mag-picturize. kurek. picturize talaga. ka-level yan ng HARDBARD street daw sa cubao. san yon? di ko ma-picturize bwahahahaha

jayzee: pakinggan mo tong kausap ko. ang yabang e. hindi ko alam gagawin ko. wag ka magsasalita ha?

bago pa naka-apila lola mo e nasali na si atashi sa three-way calling. at gaya ng threesome, magulo to tsaka nakakalito.

raymond: so where were we?

naka-chat lang daw di umano ni raymond si jayzee, pero tong jayzee wa ma-remember na giniblaban ng number sa chat. at wag ka, ayon sa sinumpaan niyang salaysay sa baranggay e mashogal na siyang hindi nagcha-chat.

iteklavu, mga friendship, e pinaikling transcript (sa lagay na to, pinaikli na to) ng chikkahan nung duwachi. 48 years tong kemehan na to. azz in. naka-lapang na akiz, naka-shower, nag-kwenta, nag-trim ng buhok sa ilong (kasi may i silip na sila sa butas), juminggle at kung anek-anek pa pero wirishima pa rin sila natapos.

jayzee: c'mon, dude. sino nga nagbigay ng number ko sayo?

raymond: ikaw nga. you gave it to me nung nag-chat tayo.

jayzee: c'mon, dude.

yung "c'mon, dude" na yan e defense mechanism ni jayzee yan. pag wala na siyang masabi. o kaya pag feelingash niya e napapahiya siya.

raymond: so are you gay, bi or straight?

jayzee: (saylenz) ... may girlfriend ako, dude. c'mon.

sa loob-loob ko, defensive ampotah. wrong answer naman to. nahalata niyo yung "c'mon, dude," binaliktad lang.

raymond: pero you do chat? coz otherwise i dunno how else i'd gotten your number. i hope you're not insinuating that I'm making this all up. coz thats just craaaaazeeeee!!! nyahahahaha

si baklang raymunda e boses ilong. ingliserang hitad na boses ilong tapos parang jontok na jontok sa buhay niya. dinudugo ilong ko sa pagka-imbei sa haliparot.

jayzee: dude, hindi ako nagbibigay ng landline ko sa chat. cell pwede pa. pero landline? c'mon, dude.

raymond: so you DO chat.

jayzee: er ... c'mon, dude.

kitams ... hehehehe

raymond: its a simple yes or no. ba't di mo pa masagot?

saylenz. may takot si jayzee.

jayzee: ah ... ah ... yeah. sometimes.

raymond: anong room?

at nag name-drop si jayzee ng room, hindi rooms, room lang, isang chatroom na pinuputakti ng mga gays, bis, trippers na naghahanap ng jerjer at kung anek-anek pang ka-kemehan sa buhay.

raymond: you're well aware that that room is for gays and bis, right?

jayzee: ah ... ah ... yeah.

raymond: so kung straight ka, ba't ka pumupunta sa room na yon?

jayzee: c'mon, dude. curious lang ako. (TOINK!)

potah! narinig ko na yan. wrong answer na naman. tinext ko talaga si jayzee: TANGA KA!!! katumbas ng "yeiz, niloloko ko sarili kong straight ako" yung sagot mo.

raymond: ahkei. eh ok lang ba sayo na nag-uusap tayo kahit, you know, im of a different sexual orientation, so to speak ahehehehe ...

wichelles nakasagot agad si jayzee. wit ko sure kung naintindihan niya ba yung inisplukara nung bektas o pina-process pa lang niya yung nangyayari.

tinext ko uli si jayzee: hoy! angasan mo. tanungin mo kung ano nga gusto niyang mangyari. sabihin mo may ginagawa ka. busy ka cheverlou! kemehin mo.

jayzee: err ... ok lang. ayoko namang isipin mong ... you know, dude ... na im rude or some'ing.

tinext ko si jayzee: hindi ka rude. baka "or some'ing" lang ... hehehe

raymond: ahkei ... so kwento ka naman.

jayzee: ikaw, kwento ka.

raymond: ikaw, tanong ka.

jayzee: c'mon, dude. (kairita yung "c'mon dude" davah?? vehklang vehkla yung dating, dooooood!) eh, anong gusto mong kwento?

raymond: ikaw, kahit ano. kumain ka na ba? baka nagugutom ka? ano ulam niyo?

punyeta, san naman nanggaling yon?? mukhang makikikain pa ata ampotah.

jayzee: (tapos biglang nag-tunog kompident si friendship) so ano bang gusto mong mangyari? may ginagawa kasi ako eh.

ayun naman pala. delayed lang yung mensahe.

raymond: i dunno. are you willing to do with me what i wanna do with you?

jayzee: HA? (napalunook ata) ba't di mo na lang ako diretsahin ...

raymond: you know what im talking about.

jayzee: (saylenz tapos hikab) diretsahin mo ko. sino ba kasi nagbigay ng number ko sayo?

raymond: if you dont wanna talk to me, just say so. kung ayaw mo maniwalang ikaw mismo nagbigay sakin sa chat, thats your problem. i mean, what would i gain from this? di ba? di ba?

ay loss ka raymunda. pinakita mong isekyoray ka at humihingi ng approval sa iba, davah? davah?? davah?!?!? nyahahaha!!!

jayzee: (saylenz) ok ... (tunog nalugi ang pamhin)

raymond: so kwento ka naman.

jayzee: ha? wala e. ala naman. ok lang ... ah ... eto, pagod, galing sa trabaho ...

ay loss! na-loss si jayzee! kelangan ng training. super-text ko siya na balikan akiz sa kabilang linya.

jayzee: wait lang. may call waiting ako.

raymond: wala naman e. wala akong narinig.

jayzee: meron kaya.

raymond: wag mo nang sagutin.

jayzee: c'mon, dude.

plunger.

jayzee: wands!?!?! ano gagawin ko???

raymond: wands!?!?!

jayzee: ay sori. wait lang ..

plunger.

jayzee: wands?!?!?

wanda: tanga mo! baka andiyan pa yan ... antanga-tanga mo.

jayzee: wala na ... anong gagawin ko, wands?

wanda: nasisira respeto ko sayo. olats ka pala sa bakla e. hawak ka niya sa leeg kaya!

jayzee: anong hawak sa leeg? di kaya.

wanda: oo kaya. ikaw lang yung kilala kong bossy na madaling masindak sa bakla.

jayzee: eh anong gagawin ko?

wanda: sino ba tumawag? siya o ikaw?

jayzee: c'mon, dude. bat ko naman siya tatawagan?

wanda: pinatawag mo?

jayzee: c'mon, dude!!!

wanda: tigilan mo nga yang kaka-c'mon dude mo. susugurin kita diyan sasabihin ko sa nanay mo naglalandi ka pag gabi. (natahimik si ka-prenster) anyhoo, rules of engagement, jayzee, kung siya tumawag derfor siya may kelangan sayo. kaya asayo dapat ang kontrol. hindi ka naman kostomer serbis, davah?

jayzee: may ganon?

wanda: kurek. tapos wag mong sasabihin na ayaw mong maging rude.

jayzee: eh ayoko naman talaga e.

wanda: tanga ka. siyempre hindi ka naman magiging bastos kung hindi mo siya babastusin, davah?? pero wag mo nang sabihin naman. e nanggaling pa sa bibig mo mismo kaya alam tuloy nung baklang yan na gagawin mo lahat para hindi lang lumabas na ... (ginagaya yung kaartehan ng pagsasalita ni jayzee) rude ka or some'ing ... KIYEMBOT!!! hahahaha

jayzee: leche! o siya siya. baka magtaka na to. babalikan ko muna.

plunger.

raymond: talagang pinag-antay daw ba ako!?!?!?!

taena mo, wag ka magso-sori.

jayzee: ah ... ok. (WINNER!!!)

raymond: so ok lang ba mag-meet tayo sometime? nakikipag-eyebol ka ba?

jayzee: hindi e.

raymond: so hindi ka nakikipag-seb?

jayzee: ANO? c'mon, dude. hindi. straight nga ko, di ba?

SHET!

raymond: iba sinabi sakin nung huli mong naka-one night stand e.

jayzee: (saylenz) ANO??? dude, sino nga to? sino nga nagbigay sayo ng number ko? kilala mo ko eh. kilala mo ko.

raymond: are we still on that? hindi nga tayo magkakilala e (sabay tawa, yung slight nakakalurki) kulit mo!!! nyahahahaha

jayzee: sandali nga. may incoming ako uli (may inis factor na itu).

raymond: pag-aantayin mo na naman ako?

jayzee: wait lang nga. saglit lang to ...

plunger.

jayzee: taena, ginagago ako nito, wands!?!?!

wanda: tapatin mo nga ako. marami ka na bang naka-sex sa chat?

jayzee: c'mon, dude. fishing ka!!!

wanda: leche! sagutin ang tanong. may inagrabyado ka ba sa chat? o naka-one night stand na ninakawan mo ng cellphone? o baklang pinangakuan ng kasal tapos hindi sinipot sa altar?

jayzee: wands, siryoso. maloko ako pero hindi ako nanggagago.

wanda: so nagpa-power trip lang iteklang raymunda na itetch ...

jayzee: anong gagawin ko? gusto ko na siyang ibaba.

wanda: eh kanina tinanong ka na kung bet mo ibaba, sagot mo kesyo ayaw mo maging rude. or some'ing ... ahihihihi

jayzee: LECHE! siyempre. eh kung gumanti. tawag-tawagan ako niyan dito.

wanda: pag pinalalabas niya na bading ka, deadma ka lang. kunwari hindi big deal sayo yung pinagsasasabi niya. kunwari hindi ka interesado. kunwari di apektado.

jayzee: ahkei ... tapos?

wanda: ayaw niya na sinasagot mo yung mga incoming mo. gusto niya asa kanya lang atensyon mo. weakness niya yon. dun mo siya tirahin.

jayzee: pano?

wanda: yung hikab mo, totoo ba yon?

jayzee: oo. kagigising ko lang e.

wanda: ok. so hikab ka lang. kunwari inaantok ka sa kanya.

jayzee: hindi naman ako inaantok e.

wanda: weh hano ngayon??? basta hikab ka lang.

jayzee: eh kagigising ko nga lang e.

wanda: tanga ka o sinasadya mo tong shunga-shungahang drama mo?

jayzee: oo na. hihikab na.

wanda: yun naman pala e. basta humikab ka. lalabas kang hindi interesado sa kanya o sa mga tae-tae niyang konsepto sa buhay. tignan mo, a-amo yan sayo.

jayzee: ah sige. subukan ko yan.

wanda: wait lang. pag sinabi niya kwento ka naman, sabihin mo siya magkwento kasi siya tumawag sayo. tapos pag sinabi niya na ibababa niyo na yung phone kung gusto mo e wag ka magpaka-polite kung tinatarantado ka naman niyang kausap mo.

jayzee: so babastusin ko?

wanda: hindi naman. basta pumayag ka lang na ibaba. tandaan mo, siya nga may kelangan sayo. hindi ikaw. siya dapat mag-adjust sayo. tignan mo, makakarinyo mo ego niyan.

jayzee: pano mo nalalaman yang mga yan? epektib ba yan?

wanda: GAGI!!! tesis ko yan e hahahaha tsaka ginagawa ko kaya sayo yan.

jayzee: talaga? taena mo.

plunger.

raymond: antagal naman talaga. nakakainip mag-antay, kamusta naman ...

jayzee: ah ok.

raymond: kwento ka.

jayzee: ikaw, kwento ka (hikab, yung obvious na pekeng pekeng hikab), ikaw tumawag eh.

raymond: ganon? inaantok ka na ata eh. are you sleepy?

naiinis ako sa mga ganitembang na inglisera. yung sasabihin sa tagalog tapos i-inglisen pa. redandant. ka-imbei.

jayzee: may sasabihin ka pa ba?

may tinext ako kay frenship. may naisip ako biglang bagong iskrip. SENT!

raymond: gusto mo na ba ibaba?

jayzee: wala naman tayong pinag-uusapang matino e.

raymond: eh pinagdududahan mo kasi ako e.

jayzee: c'mon, dude. inaantok na ko.

raymond: kwento ka kasi.

jayzee: kung gusto ko magkwento tatawagan kita. (ganda ng delivery!!! pang famas!!! wohoo!!!)

raymond: pano mo ko tatawagan? you dont even know my number.

jayzee: hinihingi ko ba?

raymond: so gusto mo na talaga ibaba?

jayzee: tinatamad ako sa usapan natin, dude.

raymond: OK. thanks for accomodating me kahit "straight" ka.

jayzee: sige, salamat na lang sa tawag, dude.

raymond: ok ... (saylenz) ... mamaya na natin ibaba ... hehehe ... ayun naman pala, ako pala yung ayaw magbaba bwahahahaha

jayzee: hindi. siryoso ako. ba-bye na.

BINGO!!!! at nung wai na yung baklang raymunda.

jayzee: shet, wands. bastos ba ko?

wanda: oo kaya. grabe yung mga sinabi mo. ang rude ... or some'ing bwahahahahaha

jayzee: ulul! sige na, magcha-chat pa ko.

wanda: taenang to. sa susunod ilalaglag na kita sa ere.

jayzee: hehehe ... joke lang. sa susunod uli, i-three way kita.

wanda: oo ba .. hahahaha ... ansaya pala.

moral lesson ... ingat sa mga may three-way na yan. baka si kuya asa kabila lang ahihihihi ...

Tuesday, July 10, 2007

Dennis da Chenes: ACT 1

"... but once in a while i get caught
unaware by the thought
that you
cared once and then
memories resurface once again ..."
-- forever and a day

pag nakarami ka na ng beerangga at sesenglot-senglot ka na at naka-shombay kayo sa isang parking lot sa baguio at OA na utong mo sa pagka-baktong at yung bibig mo e umuusok kahit wichelles ka namang nagsusubarachi at si sunshine cruz e nagbabanta nang sumilip any monument, kahit aneklavu pa i-isplukatsina nung ka-chikka mong boylet e super deadma ka na.

kasi bet mo nang umeklipany-mae (matulog). tapos yung naririnig mo na lang e puro ka-eklatan.

take it away, ida. TIME SPACE WARP, NGAYON DIN!!!

college. kunu-kunuhang shala na hotel na wa namang heater yung shower. 3 days-2 nyts na field trip. ambaduy nung field trip. kahit baguio pa itu.

sabi ni dennis sakin, "ang ganda ng mga stars, no? eklat - eklat - eklat ... special tong gabi na to ... eklat - eklat - eklat ... parang pakiramdam ko lahat masasabi ko sayo ... eklat - eklat - eklat ... i dunno why im telling you all these ... eklat - eklat - eklat ... i like you ... (walang eklat tong part na itech) ... you know what, i like you ... eklat - eklat - eklat ... potah, anlamig. diyan ka lang, naiihi ako ..."

tapos chinikka pa niya kay atashi yung buong medical history nung pamilya niya. pati yung jinsan niyang jortista tsaka basketball player e paki ko naman, davah?? pati yung dis-abantejes ng pagkakaroon ng matangos na ilong (gaya nung tumatama yung ilong pag umiinom sa baso), pangto-two time ng dati niyang gufra-mae (gf), pati yung pagiging alcoholic ng pamilya niya na may i wonder ng O si atashi kung bakit niya ko pinapahirapan ng ganitembang.

at sa isang biglaang moment of saylenz e hinalikan niya yung lola mo. liptolelang galore. lipchukan to da max. siyempre polite-politan si atashi kaya naki-kiss na rin akiz ahihihihi at dahil may gulat factor ang kissing scene, may ka-join itung pangingilo ng iping nagkatamaan. ARAY!

aksyon spiks louder than words, mga bektas. sa aksyon na to, nabingi talaga ko. nag-disappearing act yung mga ka-eklatan, en por da pers taym in history e na-heardsung ko siya at yung gusto niyang sabihin.

AT PARANG UMINIT BIGLA SA BAGUIO, SAN KA PA???? (sabay kindat ang bakla hehehe)

pero may dramang pasabik yung lola mo. sabi ko, wag ngayon. wag dito. igalang mo pagka-babae ko. kasi na-sight ni atashi yung plashlight ni edGARDo angara. e bukas na yung polo ko at nashonggal ko na belt niya. lecheng mga sekyu to, may pagpapatrol pang nalalaman.

"akyat na tayo ..." sabi ni dennis. feeling ko na-offend siya na akechi yung unang lumayo sa eksenang lovapalooza.

"eh gusto kita ..." sabi ko. bumabawi si bakla.

"i know ..." sagot ni dennis. confident itech! nagfi-feeling na ampotah!!!

"anong you know?"

"hindi ko na nga namalayang wala na pala akong belt eh."

hehehehe skill yan. may lahing ninja yata tong badidang na to. wag ka mag-alala, papa-seminar ako.

tapos itinulog na lang namin yon. kinutuban akeiwang may second serving ng ka-eklatan eh. kamustahin naman natin ang puson, godivah?

nung sumunod na gabi, patulog na lahat. tumambay ako sa parking. sa mismong sulok kung san kami nag-lapchukan ni dennis. loner-loneran kunwari. hoping and wishing ang bakla na havs ng repeat performanz.

"may problema ka, bakla?" phone in question ni donita, ang bessie kong babaeng nyoklita, na kala mo siningaw ng lupa at may i apir itu bigla.

"umakyat ka na ..." sabi ko. "past your bed time na."

"as if naman tatangkad pa ko." kasi pinaglihi sa hobbit si donita. di ko lang ka-sure kung mabuhok rin yung paa niya. pero may duda ako hahahaha ..

"umakyat ka na sabi e!"

"uy! may poot ang delivery," side comment ni donita. "may booking ka, no?"

"wala," sagot ko.

"umamin ka, bakla. kilala kita. hindi ka bababa ng baguio nang wala kang ginagawa."

kureksyon, donita. nagawa. past tenz itu

"kala mo naman sakin, pokpok ..." depensa ni atashi.

"hindi. tamang makati lang ... mag caladryl ka nga." at nagsimula siyang magtuturo ng kung sinu-sino, "siguro yun yung booking mo ... ANG KATI MO TALAGA!!!"

"AY! sumpa ka, impakta!"

tama namang dumaan non sina dennis pati yung tropa niyang adik sa ragnarok na kung bet mong jumoin sa clan-clanan nila e kelangan may dsl ka sa balur mez, nagra-ragna ka tsaka kelangang pagtuunin ng karampatang pag galang ang lahat ng klase ng beerlalei at alkohol sa 7-11.

literal na dinaanan lang akiz non ni dennis. wa pabati. wa chikka factor. wa haller at kung anufaflu. wa man lang kiss, kahit hindi french. kahit yung flying lang.

bitter-bitteran ang bakla na bumuntot sa hobbit pabalik sa hotel. asa ka pa. wala ka nang kiss chenes-chenes.

tapos tumunog yung nyelpons ni atashi. si dennis. nagpadala ng smiley hehehehe (punyeta, ba't kinikilig pa rin ako???? ambabaw ampotah!!!)


sa 9 months na tinagal namin, maraming moments na sumagi sa isip ni atashing kumalas na. parang naging habit ko na nga siya non. wit ko lang ka-sure kung talagang hurt-hurtan akechi o betsung ko lang mag power trip at mag feeling na pipigilan niya ko. aminin, bin der bin dat babaeng bundat ka na sa mga eksenang ganito.

pero say nga ni dennis nung unang attempt kong makipag-break, "nobody said this was easy." awwwww ... LECHE! planado na sana yung kilig episode ni atashi kaya lang na-discovery channel ng lola mo na pinirata sa songhits yung linya. KABOG!

pero simula nung moment na yon, tuwing sinusumpong ako ng mannerism kong makipag-quits na lang at break na, bumabalik ako dun sa umpisa. kung saan lahat nagsimula. hindi ako literal na umaakyat sa bagyo. kumbaga sa negosyete tsaka sineskwela, magbalik aral tayo ...

sa ka-eklatan. sa smiley. sa kauna-unahang lovapalooza. at sa malamig at mahamog na parking lot sa baguio.

kasi, at eto tandaan mo tuwing nalulubak yung relasyon mo, "nobody said this was easy ..."

pero yung sagot ko don, "no one ever said it would be this hard ... oh take me back to the start ..."

kamusta naman, davah? sa na-unsiyameng relasyon namin ni dennis, na mala-cheapipay na hayskul musical ang drama, gamit na gamit yung songhits talaga. san ka pa!?!

Friday, July 06, 2007

Ibong Adonis, Kabanata IV

shift na tayo sa serious mode, mga nini.

ano ibig sabihin neto?

eh simula na nang gera ito.

dahil napuno ng ingay ng kumakalansing na mga bakal, kinakasang baril, halinghing -- ay! hingal pala -- ng mga nage-espadahan, alingawngaw ng mga sundalong nagma-marcha at kung anu-ano pa sa kaharian ni big brother. siryoso ang bawat kawal kahit mukhang naga-ROTC lang sila sa pamumuno ng platoon lider na si wendy na nagsusumigaw ng, "nagpapakatotoo lang ako, hindi ako safe!!! sa inyo na yung taenang isang milyon na yan pero please vote for me ... DI BA, BRUCE??? WAAAAAAAAAAAAT??"

sagot ni cadet bruce, "actually ... actally, oo e ... actually ... actually, ganito yon ... actually, magtatanggal na lang ako ng shirt ..." akswally, buti pa. puro ka akswally e.

e kahit saan ka lumingon, may kaguluhan talagang nakakawindang gaya ng bruce at wendy tandem.

ito e yung umagang kinagisnan ni prinsipe maximo na walang kaalam-alam sa pandaigdigang kaganapan. taray. natural lang na kabahan ka. pero kung pantasya mo naman yung mga militar o kaya basta men in uniporms e aabutin ka talaga ng kati.

sa gitna ng sandamakmak na muta, say ni prinsipe maximo: "POTAH!! ANG IINGAY NIYO!!! ANO BANG EKSENA TO???"

hinarap agad siya ni kapitan, "paumanhin, mahal na prinsipe. may mga kalaban tayong sasakop mula sa kanluran. tulutan niyo pong salubungin namin sila ng aking pulutong."

"pulutong? ano yon, some sorta kinda kakanin?" tanong ni maximo. at bago pa umapila si kapitan, "eh ba't ako kinakausap niyo? wala akong alam diyan. tanungin mo sina kuya."

"hindi po namin makita sina prinsipe maverick at ariel."

"eh di hanapin niyo, kesa yung nag-iingay kayo diyan sa labas!!! istorbo sa tulog, shet!"

"wala na pong panahon. paparating na yung lupon ng 300 ..." siyempre, pakana to ni la chorvah na siya talagang bossing ni kapitan. pero hindi niya pa rin matago yung kaba niya tsaka takot sa 300.

"sinong 300? yung mga taga-sparta?" lumiwanag yung mga mata ni maximo. lumiwanag tsaka lumaki. yung laking may malisya.

"opo ..." ani ni kapitan, may tinatagong garalgal ang boses. dapat mag cough syrup.
"eh yung 300 lang pala e, hayaan mo na. papuntahin mo na rito. i-welcome natin silang lahat. mag handa tayo ng piging, WHY NOT!!! lasingin natin sila. GO!!"

at bago pa makapag-react si kapitan sa paglalandi ni maximo eh biglang tumahimik yung paligid. as in biglaan. walang pasabi.

wala na yung mga kalansing tsaka yung mga alingawngaw. wala ring gumagalaw. parang huminto ang oras. literal. kala mo e may pumindot ng pause at nag-freeze lahat. maliban kay maximo.

naisip ni maximo, in love ba ko at humihinto ang oras ko? ahihihihi LANDI!

nang lumingon siya sa likuran niya e may na-sight siyang lalaking papalapit sa kanya. naka-itim ito. chubby-chubbihan ang drama. at japanese ito. goth-gothan na chubby-chubbihang hapon. may nakasabit pang samurai sa likod niya.

dahil grasyosa ang babaitang babaylan, "ARIGATO GOZAIMASU!!! moshi-moshi kodasai-kodasai achuchu-alavou chenelyn kiyembot!!!" salamat yan sa panunod ng oh! tokyo tsaka takeshi's castle.

pero wa react ang bisita.

say ni maximo, "nakakaintindi ka ba ng tagalog?"

sagot ng bisita, "konn-ti ran ..." sosyal ang hapones, nagtatagalog ng slight.

"like wat? like wat? sige nga ..."

"err ... konn-ti ran, rike mapuhay! seramat ... sera-amat ... saramat ... eh? makanda umaka sayo ..." tsaka yung pinaka-kabisado ng lahat ng forenjer, "mahar kita ... tsaka ... ak-ko am bikaten ng japon!!!! wowoweee!!!"

"WOW! TF-SEE subscribers (kurek, plural) pala itu ... kamusta naman diyan ..."

"are you petah petrerri?" tanong ng hapon.

"petah petrerri?" windang si bakla sa foreign language. "ano yon?"

"are you petah petrerri?" inulit ng bisita yung tanong. obvious na hindi sila nagkakaintindihan.

"hindi kita maintindihan ..." kasasabi ko nga lang e.

"konn-ti ran ..." wala nang kwentang usapan to.

"sino ka ba? hu u? hu u?!?!?!"

"i am hiro ..." yung biskwit?

"hero? hero bautista? UY! kamusta ka na. ang chubby-chubby mo! ano bang ginagawa mo? kamusta na si harlene tsaka si herbert? wala na kong balita sa kanila."

"konn-ti ran ..." yung sagot sa kanya ni hiro. "i am hiro nakamura ..." hmmmm ... san ko ba narinig tong pangalan na to?

"ako naman si maximo mumurahinkita ... heh? heh?" pangiti-ngiti pa si bakla, kala mo nakakagoyo.

"konn-ti ran ... rike KORNI IKAW ..." bara ni hiro. "are you petah petrerri?"

"ako nga maximo. hindi peter. MAK-SI-MO. sure ka ba tagarito yang hinahanap mo?"

"i haf a message from da fyucha for petah petrerri."

"oo nga!! eh wala ngang petah petrerri dito e. kulit-kulit mu!!!" sabay kurot sa pisngi ni hiro. "KULIT KA, alam mo ba yon!?!?!?! pwera usog ahihihihi ..."

"ak-ko am bikaten ng japon!!!! WOWOWEEE!!!"

"LECHE! eh, sino ba yang peter na yan? sikat ba yan? eh katulong ba yan dito ... hindi ko siya kilala. ako si prinsipe maximo ng kaharian ni big brother."

"bik brotha? mak-si-mo? ba-dting?"

"kurek. ako mak-si-mo. geisha."

"keisha?"

"uu, gay ako."

"gkay ako? gkay-siya?"

"gay tayong lahat, naknampotah! ewan ko sayo!!! basta ako mak-si-mo nga ... no petah petrerri ... mak-si-mo!!!"

"ahhh ... mak-si-mo, i haf a dif-ren message from da fyucha ...jaz for yu."

"wow! telegrama ... may ganito pa pala ..."

siyempre sinabi ni hiro nakamura, kung sinuman siyang galing sa kunsaan, yung dapat niyang sabihin. tapos parang magic, nawala na lang siya. si hiro. nawalang parang bula. plok! parang yung karir nung isa pang hero sa dos na napunta sa siete na ngayon wala na ... plok! sayang, i crazzness ko pa naman yon.

at siyempre, mabalik tayo kasi bumalik na yung ingay at alingawngaw pati yung pagngangangawa ni kapitan na parang ala lang nangyari. parang alang hiro na dumating ...

pero, in fuhrnezz, nabalisa si bakla. natunaw ang muta sa mga mata niya habang iniisip ang mensahe galing sa fyucha ... mga katagang iniwan sa kanya ng isang hiro nakamura: save da queer-leader, save da world ...

eh ano ibig sabihin neto ...