Monday, June 04, 2007

Wanda da Dreamer

adik ako sa panaginip. sobra.

azz in yung level na kung yung ibang sho-o-belles e yung unang ginagawa nila pag wuk-up sa umaga e magkamot o mag-unat o mag bayonic to death, akiz, niri-replay talaga ni atashi-belles yung napanaginipan ko nung gabi.

ilan sa mga wit ko ma-forget na panaginip e yung paghahabulin akez ng mga gigantic na gagambalacious (bokot akiz sa gagamba eh) tsaka yung kuyugin akeiwa sabay gang-bang sakin ng mga smurfs. tsaka yung ako daw si narda, hindi angel locsin na narda, vilma santos itu. azz in nardang pilay. naloka ko don. kasi nung naging darna daw akeiwa pilay pa rin aku, azz in fly away wit da saklay ever.

pero meron din yung eksenang basta lumilipad lang daw si atashi.

frida: tapos babagsak ka. yung may gulat factor bago ka mag wuk-up? havs din ako niyan.

roxy: sabi nila pag ganon daw tatangkad ka pa.

wanda: hindi ganon. yung lipad na parang superman.

roxy: KABUGERA!

wanda: pero yung catch e limang ruler lang mula sa lupa yung taas nung lipad ko.

roxy: nyahahahaha literal na mababa lipad mo, kuya!

meron pa ...

wanda: nanaginig ako ng tae, mga bakla. (isplukara ng lola kahit wai pang pagtu-toothbrush na naganap)

roxy: malambot o matigas?

wanda: may pagkakaiba ba yon?

frida: pera yan, kuya. magkakapera ka.
tinatarantado lang tayo nitong baklang to.

roxy: hoy, gurang, hindi basta-basta ganon yon. kuya, natapakan mo ba yung erna o tinitigan mo lang?

wanda: kelangan ba tapakan?

roxy: hindi naman. dinampot mo ba itu?

wanda: oo, yata. pera ba yon pag dinampot?

roxy: hindi naman NYAHAHAHAHA ... nakakadiri ka, kuya. nakakawalang gana mag-almusal NYAHAHAHAHA

at itu pa, napanaginipan ni atashi bago magkasakit ang sisterakka.

wanda: nanaginip ako, mga bakla. nabungi raw ako. literal. naglaglagan daw yung mga ipin ko. kalurki.

frida: kelangan mo na daw bumisita sa dentista, kuya.

roxy: sushunga-shonga ka na naman, baklang tanders. kuya, masama ibig sabihin niyan. dapat hindi mo samin kinuwento.

frida: nagmamarunong ang ulikba. bakit naman, ABER? ABER? ABER!?!?!?

roxy: may mashushuktay daw pag ganon.

wanda: siryoso? (may ka-join na kaba)

frida: WEH!! kasuhan ka man ng perjuri!?!?!?

roxy: flang!

frida: ng pandaramong?

roxy: plangak! at wirit mo dapat i-chikka kahit kaninechi, kuya. para daw hindi magkatotoo, ibulong mo daw sa halaman.

frida: sa halaman?

wanda: sa halaman?

roxy: tumpak palakpak! sa halaman.

frida: kalokohan yan, estapadora!

wanda: magmu-mukha naman akong lukaret non, vahkluzh.

roxy: e yun lang sabi ng lola ko, noh? eh di wag kayo maniwala kung ayaw niyo. problema ba yon?

frida: sinu itung lola na itu? lola na bakla o lola mo talaga?

CHARING! pero binulong ko talaga sa orchids ko yung panaginip. eh yung orchids ko naman yung na-shuktay apter one wik.

eh nung jisang araw na-shonaginipan ni atashi na ka-join daw akiz sa bagong soap opera nina gerald anderson tsaka kim chiu. Special Memory yung title (nanette imbentor lang itiz ng jutak ng lola mo) tapos yung eksena asa mga ubasan. taruzh, davah? may production value yung dream sequence.

tapos bessie-bessie daw kami, azz in yung level na may harutan, nina gerald tsaka yung kaklase ko nung hayskul na si patrick na gwapitong version ni ralph recto. KORECTO! nagsayaw pa daw kami nung noodle-noodle danz step ni gerald.

tapos sumunod na eksena binebentahan na akiz nina gerald ng avon tsaka natasha, mula panti't bra hanggang eye liner churvah. e may i giblab pa daw ng recruitment form, para sakin tsaka sa iba kong kakilala.

frida: baka nasa avon yung future mo, kuya. di mo ba naisip yon? nakatadhana kang maging isang avon lady.

roxy: o kaya natasha lady.

frida: o kaya first quadrant ... lady. baka yayaman ka na, kuya! nakadampot ka ba uli ng sho-e?

eh hindi lang diyan natapos ang konek.

kasi kani-kaninechi, kalurki ang dream sequence ng lola. akiz daw yung long forgotten en missing in action na junakiz ni ate vi. hindi ko alam kung kay papa edu ba o kay bobot mortiz ahihihihi basta andoonchi daw akiz sa balur nila mayor turned governor.

weirdo-weirdohan ang drama ni madrasta vi. hindi siya tulad dun sa mga madrastang madalas ganapan nina odette khan tsaka dexter doria na hobby mangngudngod ng fez sa labada. basta ka-level niya si ate showie, minus da "sakay na!"

kasi standing ovation lang si gob sa isang gilid with the puting panyo tapos ismayl sabay kaway, ismayl sabay kaway, ismayl sabay kaway, hihinto tapos ismayl sabay kaway uli ... paulit-ulit lang, parang yung mga linigwak na robotiks na tinitingala sa C.O.D. tuwing pasko.


eh deadma lang daw akiz kasi bonding moments kaming duwachi ng shupatembang kong si vj luis "lucky" manzano. KORECTO! waing pagkakahawig pero totoo ... sa sequence na itich, shupatembang ko siya at waing umaapila. AAPILA KA? ahihihihi

wit ko knows bakit. pero basta, saya-sayahan ko daw.

sabi ko, "ang saya-saya ko, kuya."

sabi niya, "stop calling me kuya. just call me vj luis." sabay ismayl. may pinagmanahan kasi.

sabi ko, "vj?"

sabi niya, "KORECTO! may request ka?"

tapos ginising na aketchi agbayani ni roxy para humingi ng pambili ng puto't kutsinta. LECHE!

roxy: taray ni kuya, nananaginip ng artista.

frida: wag ka, ako nanaginip na artista daw ako.

roxy: napanaginipan mo ikaw si cita astals hahaha

frida: cita astals?

wanda: cita astals ... hehehe in fuhrnezz ... (sabay timpla ng kape)

roxy: ang balakang, balakang pa lang yan ha, cita astals! nyahahahaha ang herlalet, kulut-kulutan ... cita astals nga!

frida: PUNYETA! napanaginipan din kita. ikaw si bomber moran nyahahahaha!!!

roxy: insekyoray ka na naman, inggitera! ako ang nawawalang kapatid ni hart evangelista.

frida: kurek! nawawalang kapatid ni hart bago siya manghiram ng mukha nyahahaha ha

roxy: LECHE TO! (sabay dampot ng puto para pambato)

wanda: hahahaha hoy, wag idamay ang lapang ... (sabay kamot sa pwet)

roxy: sorry ka, hindi ako nananaginip ...

wanda: di nga ...

roxy: hindi talaga ako nananaginip, kuya. eh, robot siguro ako.

frida: tuwing gising ka kasi nananaginip. ambisyosang paniki to!

wanda: eh ako, pag nananaginip ako parang sirang tv. minsan kulay green lahat o kaya orange.

roxy: yuck! orenj. kalawangin.

wanda: minsan black and white.

roxy: kabog! sampagita pictures itu!

frida: san ka pa? panaginip ko naka-sepya ..

wanda: sozhal!!!

BWAHAHAHAHA!?!

10 comments:

Anonymous said...

panalo na naman ang kwento ni mama! hehehe

Anonymous said...

bakit yata ang daming koneksyon ng mga panaginip mo sa mga recto? ibinoto mo ba si ralph recto? nag-aral ka ba sa bandang recto? may kahulugan daw lahat ng iyan, ayon kay jung at freud.

Anonymous said...

wanda, sana ako managinip ng monochromatic lang ang shades in full color ako managinip, pati dugo, at libag libag bakit iba iba kulay sa panaginip?

Anonymous said...

totoo kaya yung sa ngipin at halaman. many times an ko nanaginip ng ganun, at kung d ko nabubulong sa halaman o kaya nakakagat sa corner ng unan (may ganon din un!) may nashoshoktay talaga after.. scary...

Ryan said...

yung sabi naman sa akin about the may mashoshoktay kapag nanaginip ka ng nalalagas na ipin.. eh ipagkwento mo raw para di magkatotoo.. tas dapat daw kumagat ka ng isang matigas na bagay, yari sa kahoy daw as much as possible... anuver .. lols.. kaloka freakish and scary!

Dagger Deeds said...

Alam ko nga sa kahoy daw or sa bato ka dapat kumagat pag nanaginip ka ng natanggalan ng ipin... mas maganda raw nga sa pader eh, dun daw sa mga biga ng bahay ka kumagat.

Anonymous said...

nakwento mo na minsan na umattend ka ng kasal ni marcus at nakatapak ka ng tae...interpretation ko diyan is lagi kang nalalagay sa kahihiyan kaya rin cguro natuto kang magpatawa as defense mechanism sa mga kahiya hiyang moments na madalas mong ma-experience. The monochromatic TV....minsan nakwento mong noong bata ka pa ang TV niyo puro green lang ang kulay...pag nananaginip tayo, parang nag re rewind and replay ang mga bagay bagay, walang now and yesterday. Namimiss lang cguro ng brain mo ang TV nyo, memorable yata kaya nakatatak sa mind mo. The pilay Darna, cguro when you dreamt this, may dinaramdam ka or may gusto kang gawin na although na e-express mo o nagagawa mo pero di mo nagagawa ng full. Gusto mo si Luis Manzano at siguro kung naging straight ka pareho kayo ng personality.

Anonymous said...

mama wanda, totoo yata ang mga dreamlicious mo.. may friendship bracelet ako na nakapag-say na yung feeling mo after mo magising sa dreamscape mo, yun ang basis na kung totoo o wez totoo ang mga dreams mo.. share ko lang..

Anonymous said...

Ate Wanda punta ka sa Skyscrapercity.com tapos sign up ka,then punta ka sa Philippine forum,so society thread..naku pinaguusapan ka dun! haha! grabeh Hanggang LA,New York,at London ang Fan base mo lola! To the highest ka level ang kabaklaan mo sister! gagawin pa yatang feature sa isang thesis sa Yale yung blog mo!

Anonymous said...

wow si lucky! naku wanda, dati papapunta akong mcdo for breakfast nadaan ko yang si lucky. student pa sya sa csb nun at ako naman ay 1st year pa lang. tapos narinig ko naglolokohan ung mga kaibigan niya *boses gay* "aayyy! si lucky!" at ang sabi ni vj ay "lucky-t*t*! hahaha napasmirk ako nun. berde talaga ang kulay ng dugo. malokong bata.