Friday, June 01, 2007

Baryus Artis

sabi regine en various artists, ang pagdamay sa kapwa'y nandyan sa palad mo. hindi itu tungkol sa hand job ha?!?!?! laswa mo ahihihihi

kasi gumora akechi pa-cubao kanina. may i watch sana si atashi nung "paano kita iibigin" kahit pikang-pika lola mo kay regine. pano ba naman, mag-inarte daw ba nung pumutok yung isyu kasabay nung pag putok ng labi ni papa piolorific kesyo nakagat nung babaeng biritera nung mag lipchukkan sila sa karagatan.

drama pa nung bilat, "nakagat kita? hindi nga? hindi nga? hindi nga? hindi nga? hindi nga? hindi nga? hindi nga? hindi nga? nakagat kita? hindi nga? hindi nga? ..."

hindi ako nata-typo. kung na-watch mez yung interview nila, ganon talaga epek ni bakla. parang ngumangawang piniratang cd'ng chararat ampotah.

ka-level iyaners nung commercial ng Touch Mobile na ka-imbei imbei naman talaga. Nagpapaka-lito lapid sa aksyon with matching quarrying site na eksena on the petrang kabayo talaga sabay, "te - te - te - te - te - te - te - te - te - text!!! te - te - te - te - te - te - te - te - te - text!!!"

deadma. wai naman akechi magagawa. well, eniwhere, hehehehe ... hindi yun yung chikka ni atashi.

may i ride nga akiz ng jeepelya. tapos doonchiwa sa jeepelya, may i ride din yung manang na pajuwetiks ata ng probinsiya. panalo sa baggelya ang tanders. mukhang binagahe buong ka-marikinahan. at wag ka, sa bungad itu umupo tapos naka-salansang talaga sa gitna yung mga kagamitan niya.

pag akyat ko ng jeep, buntung hininga talaga akiz at pinaramdam ko sa kanyang jiritation to da highest level si atashi sa malalaking hadlang sa buhay ko. si regine at yung bagahe nung muherlalei.

message sent naman yung buntung hininga kaya inurong nung bilat yung bag niya. nung humakbang ako ng malaki para iwasan yung hadlang e inurong nung bilat yung bag niya. sumabit talaga yung gala-paa ni atashi. tapos parang out op body experience, na-sight ko talaga yung katawan kong slow motion na puma-plakda sa sahig nung jeepelya.

simple lang yung nasabi ko, "EEEEEEEEKKK!!!!" hindi nga siya salita eh. tunog lang siya. wai nang time para mag-isip ng dialogue. buti na lang naka-pentium 2 si atashi at nakuha ko pang kumapit sa unang kapitan na na-sightchina ni ateshi.

kumapit ako sa kamay nung lulurki. kung ako si claudine o si bea, malamang cue na yon para tumugtog ng theme song ng jolikula ko. kahit aneklavung theme song. kahit baryus artis lang. inlab-inlaban moment itu.

tinignan akiz nung lulur. slow motion pa din itu. simple lang yung nasabi ng duduki, "POTAH! ARAAAAAAAAY!!!!"

kinapitan ko yung kamay niyang naka-benda at pinakaiingat-ingatan niyang wag masagi ng ibang pasahero. mukhang pilay yung kamay niya o na-dislocate eklat-eklat chenelyn repolyo.

hiyang-hiya talaga si atashi nyahahahaha sa dinami-dami ng kakapitan ko yung kamay niya talaga pinili ko. at wichikels ako basta napa-hawak lang. kumapit ako. naririnig ko pa rin talaga yung "POTAH! ARAAAAAAAAY!!!!" hehehehe

umupo na ko. buong pag-aakala ko maglalaho na lang basta yung lulurki. pero naisip ko para bumawi, inalok ko siya ng tulong ko. sabi ko, "sorry po, sorry po ..." hindi ako pinapansin nung lulur.

"sorry po talaga ..." isplukara ni atashi. hindi ako expert sa mga eksenang ganitech. kaya inalok ko siya ng pampalubag loob sa paraang alam ko, "sorry po, kuya. uhm ... nagbayad na po ba kayo?"

nung na-kwento ko kina roxy, sabi ni bakla, "wala kang awa, kuya. sinaktan mo na nga siya, pinalabas mo pang wai siyang pambayad ng jomasahe hahahaha"

napagtanto kong shunga-shonga nga yung hirit ni atashi hehehehe

5 comments:

bumbastik said...

lola post ka naman ng thoughts mo on gays in the military... galing mo grabe keep it up!

rhonzkie said...

funny! luv it..

Anonymous said...

galeng mo baklush.

Anonymous said...

hahahaha panalo! another bright day ahead ngayong nabasa ko na blog mo

Anonymous said...

sad ako today... pero now na nabasa ko yung blog mo... hehe, i just can't help but laugh... ang kulit mo... luffeet mo wanda!