iteklavu ang pito sa pinaka-mahahalagang eksena sa buhay ni Kuya. yung iba purong kababawan.
pero iteklavu yung mga yugtong humubog sa kaseksihan ng lola. AY FEELING NA NAMAN ANG BAKLA!!!
7. dont write me off
pinag-submit kami ng reaction paper dati para sa humanities ng porpesora naming laging nangangarap na ma-dissolve kami tapos yung tawag niya samin ng mga juklase ko e "smart ass."
tinawag niya kong "smart ass" nung magmaka-awa akong wichelles ma-drop sa klase niya na nag-iisang klase ko tuwing biyernes at alas singko pa itech ng hapon. kamustahin naman, davah?? katamad talaga.
e yung reaksyon paper daw dapat e hindi kinopya sa internet tapos dapat kakaiba. yung nobela e "of mice and men." unang chapter pa lang sinabi ko na sa sarili kong ipaglalaban ko ng patayan na yung mga karakter sa nobela e mga bakla. ewan ko ba. lahat na lang hinanapan ko ng konek sa kabaklaan.
nung pasahan na, havs kunwari ng mini-defense. nung nataon sakin, kung anek-anek yung inisplukara ni atashi. basta lumabas sa bibig ko yung mga salitang homosexuality, repressed, theory tsaka freud ... mga bagay na hindi ko naman ginagamit sa ordinaryong pamumuhay.
sabi niya sakin wichelles daw aketchi mag-expect ng mataas na grado kasi wala daw akong basehan sa mga pinagsasabi ko. siguro kasi hindi ako gumamit ng manila paper o cartolina o magazine cut outs o kung aneklavung visual aids. say pa niya na kung feeling ko daw e dinggabels si atashi o closetta wag na daw akong mandamay ng iba. bet ko sanang mag-walk out para eksena talaga. pero dama ko lang na wa yun epekto bukod sa tuluyan akong mada-drop tapos tatawagin pa niya akong "smart ass."
nung binalik yung papel, say ng propesora na sa kauna-unahang pagkakataon e nag-giblab siya ng uno sa isang estudiyante. (HUMAHANGIN ATA, ANOVEH???) pag tingin ko sa papel ko, na-realize ko na nakumbinsi ko ang propesora sa kabadingan nung nobela.
simula non naging close-closan kami. sabi niya iwanan ko daw yung kurso ko kasi hindi daw ako bagay don. mas bagay daw akong mag sulat. hindi raw ako pinanganak para hanapan ng kahulugan yung mga numero (kasi nga naka-ilang ulit ako ng math) kundi maka-apekto ng iba sa pamamagitan salita.
sabi ko, "salita gaya ng smart ass?"
sabi niya, "dont be a smart ass with me ..." aba, shala!
hindi ko na siya mahagilap ngayon. marami sana akong gustong sabihin sa kanya gaya ng: "teacher! teacher! may parlor na po ako! ahihihihi"
6. boom tarat
di ba pag nakapag-enrol ka saka lang nasasabi na estudiyante ka na. kahit hindi mo naman pinapasukan.
pag na-tuli ka saka lang sinasabing lalaki ka na. kahit yung iba hindi naman talaga.
nung makapagpa-rehistro si atashi para makaboto saka ko lang nasabi na nag-eexist ang lola mo. isa na kong mamamayan. zitizen, kumbaga.
iba yung high nung malaman kong makakaboto na si atashi. di ko alam kung vahkit. kasabay kasi non yung katotohanang magkaka-lisensiya na ko kahit hindi ako nagda-drive. makakapanood na ko ng mga R sa sinehan. makakabili na ko ng beer nang hindi inu-usisa. kabog!
ka-join non yung feeling na may say na akiz sa kung sinong magiging mayor samin.
at kasama diyan yung tatanungin ka ng kung sinu-sino ng "sino buboto mo?"
nitong huling eleksyon pag may i ask sila kung sineklavu iboboto ni atashi, sinasagot ko sila na boboto ako depende sa linabas nilang komersyal sa tv o jingle gaya ng "ANGARA ng buhay ko ..." o kaya depende sa caricature o sa logo o sa catchphrase gaya ng "KORECTO!" o kaya "PAG BAD KA, LAGOT KA!"
di ko talaga sinisiryoso yung tanong. kasi feeling ko yung "sino ibuboto mo?" eh ka-level ng tanong na "san ka nag gradweyt?" o "san ka nagta-trabaho?" o kaya "magkano kinikita mo?"
kasi pag kinarir mo yung "sino ibuboto mo?" malamang lang e kinikilatis ka ng kachukaran mez kung matalino ka ba o kritikal ka mag-isip o kung may pakialam ka ba sa lipunan chenelyn sibuyas. kikilatisn na niyan kung maka-GO ka ba o TU, kung administration ka ba o oposisyon, elitista o maka-masa, GMA o ERAP, GMA o ABS, ASAP o SOP, rounin o engkantadia, da buzz o star talk, wowowee o eat bulaga, boom tarat o i-taktak. basta ganon.
sinisiryoso ko boto ko kasi wit man siya a-appear sa statement op assets en liabilities (meron talagang ganon??) ni atashi, knowsline china-town ko na akin yon. kaya pati pag sinabi nilang bantayan ko boto ko, bantay-sarado talaga pati sa mga nagtatanong na iba. wahahahaha SIKRETO!!!
5. o holy night
sa murang edad na nursery, di ko maalala yung edad e. basta nursery si atashi non nung ma-intro akez sa mundo ng showbiz at entablado.
nung una nahumaling ako. gusto ko yung kinang. yung mga fans. tapos nang maka-sight akechi ng episode ng eye to eye ni ate ludz, na nung panahong itech e see true-see true pa, nasabi kong ayoko niyan. sabi ko kay mudangchiwa magulo ang showbiz. gusto ko ng pribadong buhay. pero say niya subukan ko lang daw. mahalaga yung role. importante sa kwento.
kung yung iba e gumaganap na bato o puno o tupa, ang lola mo e pinalad na maging si jose, ang ama ni baby jesus sa isang krismas-krismasan presentation.
hindi ko maalala kung ano ginawa ko non o kung may ginawa ba ko non bukod sa umupo at ngumiti sa manika sa sabsaban. basta naaalala ko yung costume ko non e kulay yellow. kung may puta yellow man e yun na yon. kurtina namin yon na tinahe ni mudra magampanan ko lang yung role ni jose na kung pagbabasehan nga yung costume e mukhang never naging karpintero kundi sastre.
don akeiwa nag simulang maging komportable sa entablado. simula non naging uhaw ako sa palakpak ng tao pati na sa kodakan.
don din nagkaroon ng ilusyon si mudra na i-ambush make-over ang unico hijo niya tapos bibihisan ng kung anek-anek na matitingkad ang kulay, may padding at ginagamitan ng suspenders.
oo, maaga akong naging fashion victim. pero hindi yun yung punto kung bakit greatest hit ko to.
4. that's entertainment
nung hayskul si atashi e gumawa kami ng isang fabulosang play. pero hindi kami nakuntento sa isa, hindi rin sa dalawa, kundi tatlong maiikling play. trilogy itu, parang shake rattle en roll. hindi nakakatakot tapos nakakatawa pa. at dahil sentenyal yon e sadyang makabayan ang tema. sinamahan namin ng danz number para bodabil ang drama, kung anuman yun.
baby project namin yon. bet namin ng bessie kez na ga-gradweyt kami ng hayskul na may iniiwang alaala. kurek, tatanda at lilipas rin ako ang eksena. na-inspire ang mga lola mo ni herber bartolome.
nakakaloka. kasi ma-isyu yung pagbubuo ng palabas na itu. azz in star drama presents talaga ng over to da highest power. muntik pa hindi matuloy. tapos hanggang sa ituloy na lang natin to matapos lang.
pero nung narinig namin yung tawanan nung mga nanunood pati yung palakpakan nila hanggang sa mga pagbati parang gusto pa namin mag feeling at mag extend.
kakaiba feeling ni atashi non. may mga estudiyante na tatlong beses naming na-sight na nanood sa tatlong araw na tinakbo nung palabas. tapos pag may lumalapit tapos nangko-congratz chuchu-alavou, winnona ryder talaga.
may bata pang lumapit samin. sabi niya, "nakakatuwa naman po! sobrang naka-relate ako sa kwento niyo."
wichelles ko lang ma-recall kung bangag ba yung bagets o kami yung bangag kasi wirit namin ma-getching kung sanchiwang kwento siya naka-relate: dun sa seaman, sa yaya o dun sa nagma-mime na bakla.
sabi pa niya, "bukas po uli manonood ako. kitakits po ... congratz uli."
bangag nga ata yung grade 6 kasi last day namin yon. adikk.
3. kembot
nung mamana ko yung kyorlor mula kina manay cindy tinanong nila ko kung handa na daw ba si atashi. sabi ko, "OO naman! bakit hindi?" ipinasa sakin ang korona pati sash at scepter. akechi na ang bagong village parlorista. woohoo!!! wag ka, kasama sa parlor showcase ang mahaderang guraming bakla na si frida.
ang kaloka don kasi pati si frida tini-terrorize si atashi. kesyo kulang sa gamit, kulang sa supplies, mapurol yung gunting, bungi na yung labaha. talakera ampotah!
sabi ni manay cindy, "ganyan talaga yan. palibhasa matanda na." sabay tawa.
matagal na kasi si frida kina manay cindy. eh tong si manay e nagbago ng bokasyon. may mga konsepto nang pang home ekananay ala desperate hauswives. nag ampon siya ng baby tapos nagsama sila ng boylet niyang nangangarap mag-hosto sa bansa ng mga sushi at anime.
dead malaysia pakistan na lang ang lola mo kay frida. sabi ko non e magdusa siya, empleyado ko siya. kung ayaw niya sakin, pwes lumayas siya. pero ibang level pala talaga pag na-murder ka ng mga hindi inaasahan.
sabi ng mga friendship ni atashi, "siryoso ka?"
sabi ko, "oo naman, bakit hindi?"
sabi nila, "parang napaka-stereotype mo naman mashado. parlor, siryoso ka talaga?"
itechu pala yung tinutukoy nina manay cindy kung handa na ko.
sabi ni manay cindy, "parang bagong hairstyle yan, bakla. hindi lang sila sanay."
sabi ko, "anong gagawin ko?"
sabi ni manay, "hindi mo naman obligasyon na ipaintindi sa kanila yung choyz mez na mag parlor noh? kaya dead ma ka lang, bakla. at least, kumikita ka."
sabi ko, "eh madali yon para sayo kasi hindi mo sila frenz."
sabi ni manay, "madali lang yan, bakla. idaan mo sa libreng hot oil."
nung jumuwetiks si mudangchiwa nung magkasakit yung sisteraka ni atashi, wa ko choice kundi ipasyal siya sa dati naming tirahan. para beso-beso at chikka-chikka wit da pormer amigas tsaka para magpa-mudmod ng tobleron sa mga shopetbahay. eh nadama ko lang na bet niyang mag-eskandalo nung ma-sight niya na bahagi ng balay-tsina namin e parlor na.
handa na akiz sa pagtatatalak ni mudra. pero naloka lola mo nung humirit siya na magpapa-hot oil siya, rebond at kung anek-anek pang ikasusunog ng split ends niya.
sabi ni mudra, "baka naman singilin mo pa ko, anak, ha! nung iniri kita, siningil ba kita dun sa ginastos namin sa ospital? hindi. baka naman singilin mo pa ko dito. eh kung singilin kaya kita sa upa mo dito sa bahay bwahahahaha!!!"
tawa rin sina roxy tsaka frida na busy sa pagha-hot oil kay mudangchiwa. akala ni atashi e ibubukelya akiz ng mga bakla pero nag chikkahan lang sila tungkol kina piolo, juday, ryan, echo, kristin, jolina at kung sinu-sino pa na akala mo e kapit bahay lang nila.
2. passenger seat
di pa kami mag-on nitech pero on da way kami pa-batangas ni dennis sa kariret niyang mainit, tapos ka-join namin si donna na sobrang maikli atensyon span tsaka maliit yung pantog. ang trulijanz diyan e naki-hitch lang akeiwa sa bakasyon nila mag frenship. akez yung sampid. pero infuhrnezz, inimbita ako.
ang blocking e asa jolikuran si donna nung biglang humirit si dennis. sabi niya, "donna, tingin ka sa kanan. may dagat na."
excited naman yung hitad nung maka-sight ng tubig. si dennis naman kahit nagda-drayb e inabot yung kamay ni atashi sabay hawak tsaka pisil. yung kanta non sa radyo e, "and i got all that i need, right here in the passenger seat ..." asa passenger seat nga ako non, kalong ko yung mga baon naming chicha sa biyahe. yeiz, i got ebriting we nid. si dennis, ismayl-ismaylan ang eksena.
si donna, "wow, dagat! malayo pa ba tayo? naiihi na ko e."
siyam na buwan lang tinagal namin ni dennis. pero swear, yung monument na iyonchi, yung mga monument na ganooners, mafi-feel mez na mahal ka talaga nung tao, walang halong pagdududa at pag-iimbot. kasi parang kape, purong-puro pa itu.
yung mga ganung monument winiwish mo na kerri mo lang ibulsa o itiklop tapos i-josok sa wallet na parang picturraka na pwedeng silip-silipin kung kelan mo bet. kasi hindi mo ma-getching kung bakit yung isang bagay na pagka-simple simple e punung-puno ng kahulugan. yun yung mga monument na gustung-gusto mo sanang patagalin.
pero hindi rin. gano man ka-sweet ang titigan namin, na-realize ko mas dapat atang sa kalsada siya nakatingin.
1. hawak kamay
notoryus yung skulilet namin nung hayskul sa herlaletz. kelangan two by tri, waing labis waing kulang. at pag yung bangs lumampas sa kilay uukaan talaga yung buhokstra mez. kaya buong araw kang hindi pantay ang bangs. trahedya itu!
nung grade 6, simula ng pagmamantika ng fez tsaka pakikipagsapalaran sa pimpols, habang asa pila ng asembli, e naukaan ang herlaletz ni atashi.
"samahan kita, sabay tayo pagupit, para maka-libre ka," sabi ni marcus, na nung mga panahong iteklavu e kinukuyog na ng mga bakla sa nag iisang parlor samin.
donchiwa nakilala ng lola mo yung pinaka-fabulosang parlorista sa village nung mga panahong itetch, si manay cindy na havs ng japeyks na nunal ala cindy crawford.
"alam ko na," sabi ni marcus. "pa-kalbo tayo." havs ng ideya na naman ang gwapo. kesyo papakalbo raw kaming lahat sa barkada.
"may toklat ako eh ..." sabi ko.
"ako din e," sabi niya. "wag ka mag-alala. pareho tayo."
"sigurado ka na ba sa desisyon mo?" islpukara sakin ni manay cindy. malamang napansin ng juklaers na asiwa akiz sa ideya at malamang lang e naamoy niya na lansa ng lola mo.
"papakalbo tayong lahat," say ni marcus habang pinupudpod yung anit niya."tapos tropang bokal tayo. astig!" ganyan siya. lagi siyang may ideya. pasimuno talaga. pero yung totoo niyan e akiz lang yung na-uto niya magpatapyas ng tuluyan.
"hindi nga, sigurado ka?" final question ni manay cindy bago yung anit ko naman yung kayurin. dama niyang ayoko.
pero tumango ako.
48 years later, nung hawak na ng lola mo yung kyorlor, say ni manay cindy, nung minsan dumalaw siya, na dun pa lang sa eksenang baby ama e nadama na ni bakla na pag naging lady na yung baby e hahayaan ko raw madiktahan ako ng mga lulurki ko. waing sariling disposisyon pagdating sa mga boyletz kumbaga.
sabi ko, "manay cindy, naman. mahal ko naman kasi yung tao kaya ayos lang na diktahan niya ko." wichelles ko knows kung sineklavu yung tinutukoy ni atashi sa "tao." baka kahit sinu na lang.
sagot ni manay cindy, "di ba mas maganda yung diktahan ka ng taong alam mong mahal ka?"
natahimik si atashi.
sabi ko na lang, "WEH GUDLAK BAKLA!"
Tuesday, May 29, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
16 comments:
Bakit na teary-eyed ako sa passenger seat moment na yun?
SINO SI DENNIS? SINO SIYAAA?!! Ang kulay ng life mo in fernez! Kwento ka naman about him, paano kayo nagkita and so on and so forth. Naantig ako dun ha! So may mga ganoong moments ka talaga? Ganda mong two ninety 5!!!
di ko kinaya. panyo na naman katapat
- makati hilton
aba bagong karakter ba c dennis?
haha oo nga wanda, nakaka-intriga 'tong si dennis.
mabuhay ka wanda!
ay lavs ko ang propesora mo!
naka relate ako,
kamusta naman ito, ha?! may bagong karakter na aabangan? hmmm... as usual, super natawa ako at natuto sa entry mo! keep it up! woohooo!
Hit ka talaga, Wanda, walang kang katapat!!!!
Da who ang Dennis huh?? Weee sweeettt... Wish ko lang talaga sa mga ganoong monument, keri ang ilakio sa wallet at sight na lang kung bet.. as in my dear!!!
Childhood friendaluluchi pala ang Marcus... no wonderbra...
Lipad, Wanda, Lipppppaaaaadddd!!!!
gusto kong maluha, pramis...
Ay si Dennis na ba ang papalit kay wagas na pag ibig prospect na si Marcus? Noooo! This cant be! ahihihi
sana sama mo sa book ang comments ng mga readers/fans... kakaaliw din kasi....
aabangan ko book mo...
mabuhay ka wanda
love you...
bagong fan mo ako wanda. matagal tagal na, actually. a few days. hehehe. I am interested with Dennis!!! hehehe
kalurki ang passenger seat. nakakabagabag.
kaaliw talaga dis wanda...
ankulit. katouch yung no.1 hala. antaray!
hehehe karelate ako bigla sa passenger seat.......
more of wanda blogs!
-seraphim
WANDA:
napansin ko lang sa #1:
if highschool ka nakatkatan ng bangs, at si marcus 'yung sumamang magpakalbo sa 'yo, ibig sabihin nag-uusap pa kayo even after nu'ng *gusto mo ng juice* incident.
kasi 'di ba grade 6 ka nu'n, at 2nd year s'ya?
nangungulit lang. eheheh. kita mo naman, talagang may notes ako sa lahat ng entries mo.
- BERNARD
Post a Comment