Wednesday, June 06, 2007

Desi Ocho

ladies en gentlemen, DA DEBUT!!!

up next, da parent of DA DEBUT!!!

bwahahahaha ... na-heardsung iyan ng lola mong ini-isplukara nung emcee sa debut. anu daw??? naloka kami sa pag-iisip kung aneklavu o sineklavu ba yung DA DEBUT!!! hehehe

wit talaga akiz fan ng mga debut-debut na yan. maliban na lang siguro kung debut ko nyahahahaha

pero kelan lang, may inayusan kami nina frida na shupetbahay na magde-debut. mura lang singil. kaya siguro pinalapang kami nung parental guidance, pampalubag loob.

pero kakaloka din to.

sabi ni frida, "ipa-baranggay na natin tong mga to, kuya ..."

sabi ni roxy, "modus operandi ampotah!"

sabi ni frida, "isang pangingikil itu, kuya. sumbong natin kay tulfo."

eh pano ba naman, ayaw paawat sa 18. lahat ng maisipan, gaya ng gifts, rosas, repolyo, sibuyas, patatas at kung anek-anek pa, basta na lang dinugtungan ng desi-ocho saka inimprenta sa imbitasyon, kinalat, tapos go-go-go na itu.

yung 18 roses, kerri lang e . at in fuhrnezz, may mga cutie naman sa kanila. kaso sina rosas number 3, 4, 7, 9, 10 at 15 e sadyang may angking lansa factor kaya bininyagan namin ng mga new en improb palayaw -- sina rosa mistika, la vida rosa, kadenang rosas (kasi naman mukhang junk shop), ka-rosa (sinlaki ng carosa kasi nyahahahaha), si roSANAlangMAGEFFORTsumayaw, at ang pinaka-anemic sa lahat, si rosa rosal.

tapos may 18 dances din na parang 18 roses lang na walang kasamang roses.

wichelles pa diyan nagtapos ang pasakit. sinundan pa ng 18 gifts tapos 18 symbolic gifts na halos wai ring pinagkaiba. yung una pwedeng batian portion lang pero yung isa required na may pagkahaba-habang explenasyon tungkol sa mga simbo-simbolismo na yan.

yung 18 treasures e 18 gifts din. para lang siguro legal na masabi nung DA DEBUT na "gusto ko pa ng maraming regalo!!!"

may 18 songs din. desi-ocho itu!!! album, gagawa ka ng album??? SHETNESS!!! nalukring kami kasi akala namin kakantahin pa itung mga itu. kinabahan si atashi kasi baka masali yung "its all coming back to me now" tsaka "total eclipse of da hart" tsaka "bohemian rhapsody" na pare-parehong tigsa-sampung minuto ata ang haba.
e eksplayn-eksplayn lang pala ng ka-kemehan ampotah. pero bukod sa song, required din na may gift kang dala.

sinundan iteklavu ng 18 wishes na puro naman chikka na ka-level ng "shet! hindi ako prepared!!!" tsaka "ano ba? nate-tense daw ako?" tsaka "you got everything na e .. ano pa bang iwi-wish ko for you?" LECHE! kelangan niya kaya ng wish mo, noh? kaya nga pinilit talagang desi-ocho itu. at kelangan may gift din.

sa gitna ng lahat ng itu e nabundat kami sa pagpapabalik-balik sa buffet table, pagpapa-cute sa mga waiter, pagre-retouch ng muk-up, panlalait sa mga guest tsaka sa pagbibilang ng maiu-uwing regalo nung DA DEBUT.

sabi ni frida, "bakla, regalo pa lang bawing-bawi na sila sa ginastos."

sabi ko, "bakla, mahal din tong venue tsaka yung catering. in fairview, ngarapei naman yung catering."

sabi ni roxy, "ga-gwapo pa nung mga waiter."

sabi ni frida, "bading siguro may ari ..."

"anufaflu!" sabi ko.

sabi ni roxy, "magandang racket to ..."

at naisip ng lola mo, pag tungtong ko ng golden age at talagang lola na ko, maghahanda ako ng ganito ka-engrande. may 50 gifts at 50 roses at 50 treasures at 50 boyletz na ia-alay sa lola at kung anek-anek pang eksena. kahit prutas at gulay dadagdagan ko ng singkwenta, may regalo ka na. sisimulan ko itech ng madaling araw tapos overnight nyahahahaha gudlak na lang!!!

sabi ni roxy, "kuya, sige try mo yon. wala pang gumagawa non. kaya lang baka kung singkwenta ka na non, uugod-ugod na si frida ahihihihi di na makaka-attend ..."

sabi ni frida, "ewan ko sayo, kakain na lang ako uli."

pagbalik ni bakla na may ga-bundok na lechon ...

sabi ni roxy, "try din natin, kuya, umakyat ng mt. everest ... kasi may mga unang pinoy nang naka-akyat, tapos sinundan nung mga pechay, try din natin ... ikaw, ako, si frida, unang bakla sa everest. PASOK SA BANGA!"

sabi ni frida, "sige ikaw. ikaw naka-isip e."

sabi ko, "busy ako ngayong linggo e. sa ibang araw na lang, nena ... ahehehehe"

saka umentra yung emcee kesyo sisimulan na daw ang 18 poems.

sabi ni frida, "LECHE!!! tusukin niyo na lang ako ng kutsara sa mata!!!"

9 comments:

Ate Sienna said...

baklaaaaahhhh... alam mo, matagal na kitang binabasa at nilagay na kita sa links ko para madali kitang mahanap.

sobrang aliw ako sa blog mo. at lagi mo akong pinapatawa at inaabangan kita lagi kahit na hindi ako nagko-comment. pero this time around, feel kitang bigyan ng masigabong palakpakan with matching standing ovation. ang galing ng entry mong ito. sobrang tawa ako.

ang masasabi ko lang, may talino ka, bakla. hindi madaling magpatawa at ikaw, ang galing ng punchline mo, ang galing ng timing mo. kaya i know, for sure-manicure, may angking dyutak ka. (uy, flattering, davah?)

harinawang lagi ka pa ring magsusulat... at lagi kitang babasahin.

Anonymous said...

ikaw ang nagbibigay sa akin ng saya sa malulungkot na gabi dito sa ibang bansa...

ako'y humahanga sa iyong talino at ganda (ng pagsusulat). sana ma-meet kita nang personal...

Anonymous said...

madaling araw...d2 sa opisina.

hahaha! aliw! ikaw ang kape ko sa oras na ganito, wanda.

mabuhay ka.

Anonymous said...

anoder great day dahil nabasakita at napatawa mo na naman ako ng todo,

panalo talaga ang critical eye mo, gaya ng sabi ni atesienna, may wit and sarcasm ang iyon pagpapatawa, hindi basta basta magagawa ng wes gray matter between the ears...

kaya mong ibalanse na hindi nagiging crass and sulat mo.

im curious paano ang take mo sa mga lamay, at reception/ceremony sa kasal.... im waiting for it...

sana mapublish na bilanglibro ang mga pinagsusulat mo...

Querida said...

Hindi kinaya ng powers ko ang "da debut" at ang kanyang 18 whatever. Magandang raket nga yan.

Super aliw! More posts please!! Galing galing ni Wanda!

Ryan said...

pambungad pa lang napatumbling na ako.. the payrents of da debut talga roffl

Anonymous said...

vaklush! sumakit tyan ko kakatawa sa Desi Ocho na to!! bkt nung debut ko hindi ko naisip to? ahehehe.

Anonymous said...

ahihihi..naalala ko tuloy ung debut ko..pro lng d ako abusada gaya ng da debut dito sa post mez.kakauso p lng nun ng 18 symbolic gifts so wit p gaanong knowsline china ng mga baklang nlagay ko dun kung anetch b un.isplukara ng tita ko halimbawa daw bibigyan aketch ng relo kc lgi akong late..yan linya yo ebribody n mgtanong.aba aba aba nung ngang da debut ko na puro relo nga ginibsung sa kin as in diff sizes & shapes,azz if nmn..e mgsisilver haba berday n nga ako lagi p rin akong late..

Anonymous said...

he he he..... winner ka baklaaaaahhhhhh!!!! natawa ako sa desi ocho mo. At least di na me nabored d2 sa office namin na sobrang tahimik kc wala kaming boss nag outing daw sa subic......SAna marami pa kong mabasa sa mga blogs mo.....Baboosh!!