iteklavu e para sa mga hayok sa byukon, na sa sobrang ka-hayukan e nag-iilusyong sumali pa.
tara sali tayo ahihihihi ... eto, ilan sa mga tips na na-getching ng lola mo sa pakiki-usyoso sa mga pageant at pakiki-chikka sa mga ambisyosang paniki na minsan e nagbalak din jumoin.
7. handa na ba kayo?
payo ng masho-shondang vheykla, daig ng chakkang maagap ang chakkang masipag. kasi anupamang pageant-pageantan iyaners e kelangan talagang pinaghahandaan. mula muk-up hanggang sapatos hanggang hair-do e pinagpa-planuhan dapat. kelangan match yung mga kulay nang wichelles ka naman magmukhang sapin-sapin.
kung miss international yung sasalihan mo, kerri-kerri lang yan. wai naman mashadong nanunuod ata non e nyahahahaha kakaloka naman kasi prodaksyon balyu nung miss international. prodaksyon lang, waing balyu. parang pam-baryong pageant lang tuwing piyesta itu.
pero kung miss yu tsaka miss world yung sasalihan mo, talaga namang mag-effort ka na at magprepara. kung kinakailangang ngayonchi pa lang e lumalaklak ka na ng pinaghalong lakas ng glutathione tsaka metathione e gawin mo na. kung kinakailangan mag-fly ka sa venezuela at mag-train kasama ng mga higanteng byukonera na anlalapad ng bunganga at banat na banat ang fez, aba bakla, di kita pipigilan. lipad na!!!
wag tularan yung friendship ni manay cindy dati na inisponsoran niya ng super-mega-over sa plunging na gown. wa talagang prepara-preparasyon itu. parang ilang oras bago yung kontes saka lang nagdesisyon na sasali.
madalian itu. isa siyang chakkang masipag na tarantatious at aligagang bakeshop (bakla).
kaya nung dinala namin yung gown sa mismong kontes para gamitin sa parade op nations nung byukonera, azz in unang fitting niya itu, nagwala talaga si manay cindy.
isplukara ni manay, "bakla, sana mag-ahit naman tayo ng chest hairs bago mag plunging, HA!?!?!"
NYAHAHAHAHA!!! kalurki ...
6. attitude, ampotah!?!
dapat attitude pa lang e winner ka na. hindi ibig sabihin magiinar-ar herrera ka ha??? wa ka pa karapatan mag diva-divahan. umarte ka nang tama kundi aakyatin kita sa stage at kokonyatan kita nang malakas.
yung tamang attitude kasi nagiging kompidenz yan, tandaan mo.
wirit paniwalaan lahat ng binibida nung host. lalu na pag napangalanan na yung top 15 o kaya top 10 tapos sasabihin niya, "thank you, girls, you are all winners just being here on stage ..." KYEMBOT! winner ka diyan, LECHE! tsinelasin ko pagmumukha mo e.
keme-keme patatas lang yon, noh??? pagpalubag loob lang ampotah kasi nga mga loss kayo. mga ligwakers. tinawag pa kayong "thank you girl." sarap sapakin, davah???
e isipin mo lagi na win ka. at sayo ang korona pati yung scepter tsaka yung sash na lumamon ng ilang supot glitters. ipaglalaban mo ng patayan na winnona ryder ka.
isplukara nga ng friendship ni atashi na yung byuti daw e nagsisimula sa sarili. kelangan maniwala ka mismo na ikawchiwa e byondaciousness at bonggaciousness combind. kung wit ka pa kuntento don, ipagkalat mo. sabihin mo sa sarili mo, tapos ipasa mo sa makakatabi mo sa jeep. o kaya i-text mo sa lahat. send to all. parang kowt.
siyempre sa una iisipin nila, "ambisyosang higad naman to." pero di kalaunan (anlalim non, di kalaunan hehehe) pagbibigyan ka na nila, "sige na nga, maganda ka na." kahit plastikada, at least di ba ... hehehe ... yun lang, at least ... hehehe
so kahit may peklat ka ng pinagbakunahan sa kaliwang pisngi ng wetpaks mo o puro tig-mamiso man yung binti mo, tapos swimsuit kompetisyon pa itu, isipin mo na mananalo ka at ikaw yung pinaka-fabulosa at pinaka-flawless sa lahat at witchikels ka papayag na uuwi kang thank you girl.
ganyan talaga. dahil walang hindi nadadaan sa kumbinsing powers ng sariling ambisyon at ilang pahid ng concealer at foundation hehehe
moral lesson, laging mag-baon ng concealer at foundation na ka-match ng skin color. lalabas kang katawa-tawa pag hindi.
5. impaktita ka
para mapaniwala yung taumbayan sa powers mong magmaganda, kelangan may hatak ka na sisigaw at titili at magwawala pag umeeksena ka na. kahit mali-mali ka na e puro lang sila sigaw at tili at walang pakundangang pagwawala. yun ang silbi nila sa pageant.
kung duda ka sa hatak power mo, deadma ka lang. may remedyo yan, gurl. kung may nababayaran nga para mag-rally, ka-sure si atashi na may mahahatak ka ring magchi-cheer para sayo.
strategy yan e. pampalakas ng audience impak.
kaya pag nakalusot ka sa miss yu, ipagkalat mo agad sa friendster tsaka myspace tsaka multiply, o kahit sa mga shopetbahay mo na lang, na naghahanap ka ng audience mo. chikka mo lang na libre cotton candy at stork at kornik at kung anek-anek pang ginang give-aways tsaka pangkabuhayan showcase, na may kasama pa itung chippy at chiz curls na may kalakip na picture ni nora aunor prom da flor contemplacion story.
sabihin mo ring wit na nila kerri mag bringalu ng banner, streamer at plakard cheverlyn kasi gawa na itu at gigiblaban mo na lang sila. yan ang prepared ahihihihi!!!
kung yung ms photogenic award e dinadaan sa text votes, magagamit mo rin yung audience impak mo diyan. pangakuan mo lang ng pasa-load para sa lahat ng smart, globe, sun at tm subscribers ... pati na rin yung sa islacom, kung meron pang tira-tira.
4. aksident prone area
remember me dis way mo yung alamat ng "kaya niyo yon"?
yun yung may byondaciousness na gurlilet na rumarampage kunsaan tapos nadulas tapos sabi niya, "O HA, kaya niyo yon?" at nagfiling na waing nangyari yung hitad kahit knowsline chinatown mo namang napahiya siya ng over.
e akalain mo may pinanggalingan pala yung chikkang yon.
si miriam quiambao nga nadulas daw sa stage nung pre-pageant pero muntik nang maging miss yu.
si melanie marquez e tumalsik daw yung high heels nung may kontes sa rampahan pero super model ang drama niya ngayinz. (wag lang talagang isabak sa quizz bee itu)
at si miss usa nadulas sa sariling gown pero runner up pa din ang drama ng american pechay.
kaya sinu ka ba naman, divah, para hindi magpadulas???
kung kinakailangang peke-in yung kamalasan mo sa stage, gawin mo. tisurin ang sarili. magpakalaglag sa entablado. kunchabahin yung floor direktor at utusang mag-improbays sa rampahan ng isang buong obstacle cors ng naglalaglagang ilaw at mwebles tsaka natutumbang poste tsaka nagbibitak-bitak na flooring. pero siguraduhin mo lang na matumba-tumba ka man e pu-projek ka pagtayo mez para kunwari bawing-bawi yung effort.
kahit bali na yung buto mez, kahit duguan ka na, tayo ka lang uli. grasyosa ka e. hayaan mo sila mag-alala para sayo, maganda ka naman.
hindi ka man manalo, at least mari-realize mong may karir ka pala as stunt woman.
3. projek runway
mahalaga yung pagpo-projek na yan, kala mo.
importante na umaangat talaga yang look mo sa iba. kasi kung hindi e sana hindi ka na lang sumali ng pageant. sana nag wowowee ka na lang at naki-boom tarat sa madlang pipol, baka naging bigaten ka pa.
siyempre may opening danz number yan, dapat rehearsal pa lang projek na projek ka na. yung level na maribeth bitchessa na may pabuka-buka pa ng bibig tsaka pouching-pouching ng lips kahit step-step-kick lang ginagawa niyo. projek lalu pag may jazz kick nang kasama. para naman mapansin ka ng prodyuser at ilagay ka sa harap. pag nagkataon, projek ka lalu para isipin ng taumbayan na ikaw nag-koryo nung buong sayaw ahihihihi
eh yung iba kasi natural na havs nitech. yung iba kelangan pagtrabahuan ng over. nagagawa yan sa pamamagitan ng pagharap sa salamin at pagpa-praktis mag-projek. pag nagulantang ka sa sarili mong fez, yun na yon. pero pag witchikels pa, try ka na lang uli later. kung may sakit sa puso, iwasang gawin sa madaling araw.
dapat kasi nangungusap yung look mo. tingin mo pa lang, sentence na. chikka nga ng guro, may kumplit tot itu. para ma-test mo, mag-projek ka kung kani-kanino.
pag tinanong ka kung OK ka lang, PROJEK.
pag tinanong kung anong oras na, PROJEK.
pag tinanong kung aneklavu order mo, PROJEK.
pag tinanong kung dine in o take out, PROJEK.
pag hinold-ap ka, PROJEK.
pag tinanong kung lukaret ka, PROJEK.
projek lang nang projek. pag may nagreact, gano man itu ka-bayolente, kerri yon. ibig sabihin lang non kuha mo na ang pagpu-projek ahihihihi
2. kostyum parteee
siyempre pinaka-aabangan ang eksenahan sa best in national kostyum. kasi diyan nanggagaling ang wow-pakshet-nagulantang-ang-bangs-ko factor. yan yung unang chanz mo magpa-bibbo cheverlou.
pero para maiba naman, deadmahin na yung LUZVIMINDA kostyum. gasgas na yan. yung igorota epek na may palayok-palayok sa ulo, ilan beses ko nang na-sight yan noh???
ia-assume ni atashi na pilipinas yung ire-represent mo, davah?! tapos kunwari nabulag mo yung bb. pilipinas at ikaw daw talaga pinadala sa miss yu. so ngayon pa lang e isip ka na ng mga pang national kostyum na talagang pinoy na pinoy.
andiyan yung kostyum ni darna. orig natin yan, kahit mukhang piniratang bersyon ni wonder woman e deadma ka na lang. pag tinanong ka bakit yan, sabihin mo kasi simbolo siya ng strong woman o kung bet mo may sosyal relebanz e sabihin mong representasyon ka ng nakakalokang kahirapan sa pinas na sa sobrang walang makain e lumulunok ng lang tayo ng bato tapos ngumangawa. davah, nahanapan daw ng konek nyahahahaha!!! pag pilian mo din sina inday en da golden bibe, valentina, volta at kahit isa lang sa super amazing twins, kung sino man sila.
kung gusto mo rin na swak sa panlasang pinoy ang kostyum-kostyuman mez e try mo, azz in suggestment ko lang naman itu, try mo lang magpa-construct ng national kostyum na gawa sa adobo. yung may karne, dahon ng laurel, toyo, suka at pamintang buo. ampinoy, davah??? baka matakam sayo ang mga janis hurado.
o kaya suot mo na lang kostyum ni jollibee para at home na at home ka talaga. kakaiba yun, in fuhrnezz. may konse-konsepto kunwari ahihihihi ... eh kung bet mo ng gurlilet, try mo din si hetty spaghetti, yung mascotterang nagkalat ng spaghetti sa sarili niyang buhok. anoveh?? kaya lang baka isipin ng mga hurado na dugyutin kang bilat, so mag-jollibee ka na nga lang. O KAYA SI SCOTT BURGER BWAHAHAHAHA!!! yung obis na batang may dakekang na hamborger sa ulo nyahahahaha PANALO YUNG MASCOT NA YON!!!
pero kung wichelles mo bet mag-effort, come as you are ka na lang. wa pa gumagawa nitech. ever. basta umentra ka na lang sa stage nang naka-pekpek shorts, waing bra tapos naka-t shirt na bigay ng DARE o kaya ng DOH o kahit aneklavung pambahay kahit may punit pa talaga itu o bakas nung nasunog habang super plantsa yung merMAID niyong si kiray. pag linibak ka ng press isplukara mez na ang tunay na kagandahan e lumilitaw kahit naka-daster ka lang nyahahahaha!!! TARUZH PA DIN!!!
1. 'sang tanong, 'sang sagot!
dito nagkaka-alaman tsaka nagkakasubukan kung sineklavu sa mga byukonera yung kabog, yung ligwak at yung nadaan lang sa muk-up. sa monument na itech nagpapawis ang mga kili-kili at mga singit-singit, lalu na kung batuhin ka ng mga tanong na kalalim-laliman ampotah. may ganung factor talaga, kala mo pagandahan lang.
kaya dapat in touch ka sa mga current ebents at nagbabasa ka ng YES magazine (UY, plugging!!!). dapat alam mo yung sagot ni ylmas bektas sa sagot ni anabelle rama sa sagot ni ruffa sa tanong nina tito boy at tita christy sa DA BUZZ!!! dapat nagmamatalino ka tsaka kritikal-kritikalan mag-isip na nahahanapan mo talaga ng konek ang pagkakakulong ni paris hilton sa kaguluhan sa iraq at sa gutom sa aprika kahit wala naman talaga silang kinalaman sa isa't isa. basta ang ending, pag na-getlak mo yung korona tutulong ka sa maysakit nyahahahaha .. wa talagang konek.
kakaloka yung shopetbahay nung friendship ni atashi na sumali daw sa ginoong pilipinas cheverlyn o mr pogi eklat. ewan, di ko ka-sure kung alin alin alin sa kanila. basta yung pageant na naga-outsource ng byukonero sa mr world, yun na yon. eh yung boylet na yon e bata pa ata e ginu-groom nang byukonero. todo gym, todo facial, todo vitamins, todo ebrithing. yan yung tinatawag na karir moves. nakaligtaan lang nila na may quiz pala.
sa question en answer portion daw e tinanong yung boyletz, "nakakasama ba o hindi nakakasama ang gera sa pilipinas?"
sabi nung boyletz, "nakakasama po ..." tapos monument of saylenz. dead air itu. antagal daw. tapos lumapit uli siya sa mic. "Opo, nakakasama po ... (pause) ... ang gera sa pilipinas." yun lang.
eh hindi ata na-getz nung judge o nung emcee na wala nang kadugtong yung sagot nung boyletz kaya yung ending daw e nag-antayan silang tatlo kung sineklavu unang magsasalita hehehe
pero siyempers andiyan din yung mga pa-cute tsaka patawang tanong ng mga nagpapa-cute tsaka nagpapatawang judge. dun sa isang miss gay na napuntahan ko (wit ako sumali ha, mega-watch lang akiz) phone in question nung jisang judge, "kung bibigyan ka ng pagkakataong tanungin ang sarili mo, anong tanong yon?"
napalunok si bakla. im sure iniisip niya na tinatarantado siya o di kaya sinasabotahe ni judge. hiyawan yung taumbayan kasi wa ma-ispluk si bakla. napapahiya na siya.
napalunok uli siya. nagtaas ng kilay. humingang malalim tapos lumapit sa mikropono. sagot niya, azz in sa tonong nagtataray talaga, "... bakit ako?"
nasagot talaga yung tanong ng isa pang tanong, davah??? e ayaw paawat nung judge. humirit pa itu ng, "bakit ... bakit yon??"
e sky-rocketing high na yung buhay na buhay na kilay ni bakla. gusto nang tumalon mula sa noo niya. nagtataray na talaga itu. sagot ng byukonera, "at bakit naman hindi?" sabay projek tapos talikod tapos balik sa pwesto.
palakpakan ang madla. winner si bakla.
Sunday, June 10, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
15 comments:
Scott Burger! Hahahahaha! Winner na costume nga hahahahaha!
miss you.
kmsta naman un?hahahaha..bakit ako ampft! mga sagot e.hahaha..
ahahahaha! iba ka?! bakit nga naman hindi, diba? hehehe
oo nga. bakit nga naman?
ang taray, di ba?
hahahahahahahahah! natawa talaga ako dun.....
salamat, wanda. you're the man!!!
Hahaha, natawa naman ako sa last entry mo, ninang (ninang daw, oh!). naalala ko tuloy yung "less talk, less mistakes" churvanescence. at in furness, nasa boarder line sya ng wisdom at kamangmangan, hehehe...
waaaah!! lokang loka q...gawin daw bang costume ang adobo? agaw atensyon talaga haha!! wanda iba kaaaa wohooo
OMAYGAHD! gawin bang costume ang adobo? May sala-salabat kang karne at datu puting suka, divetch! Kering-keri!
You made my week WANDA! A friend just sent me the link to your now infamous blog spot! hahaha!
Isa kang heaven sent! More blogs pls...
olefangga
OMAYGAD! gawin bang kostyum ang adobo....! hahaha...pinoy na pinoy nga naman....keri ko kaya yun?!!! as in...may nakasalabay na karne at datu puti na suka...
love u Wanda...you made my week. a friend just forwarded me the link to your blogspot!
ang aking tanong...BAKIT NGAYON KA LANG?!!! hahahaa!
Winner si bakla, request ko pa din sanan maka attend ka ng lamay o libing, ano kaya nag take mo dun
waiting ....
Hahahaha... oo nga naman... bakit nga naman hindi...
Da best ka talaga Wanda.... my idol
winner tlga tong blog mo ka wanda! antaray talaga! u never let me down.. hala! gumaganun?
winner ka wanda. At ang haba ng post na itu. nakakalokah.
bakit nga naman daw cia? at bakit hindi? lolz
winner. kung ako judge, standing ovation agad c bakla. ahahha
pootah....pootah ka talaga Yilmaz (bektas...gagah!!!)...nalukring naman aketchiwara sa once upon story line mo ditse....impressive ang mga kathang isip na hinango pa sa bangang pinaglabasan ni Matet. Pasok na pasok talaga....Wanda for Senator!!!!!!Choz!!!!!!!!!!
punyemas, ang funny nitong post na ito, hagikgik-to-the-max
Post a Comment