Wednesday, May 09, 2007

One Ride Stand

hindi ko pinaniwalaan. azz in labis pang pinagdudahan. eh totoo pala. kaloka! may kasamang gulat factor na ka-level ng "HUWAAAAAT!!! SI DENNIS TRILLO MAY ALBUM!?!?! LAHAT NA LANG!!!"

eh pag rush hour na pala sa MRT, free por all na itu. todo tulakan tsaka siksikan. hawaan ng amoy at kanya-kanya pa nang hipuan.

marami akong na-realize sa gitna ng ampot at anghit na masasagap mo, umapila ka man sa baranggay.

una, anoveh!?! gabi na, amoy araw pa din yung iba. ika-duwachi, galing-galingan naman ni Lord. super-plentious ng utaw sa trenship pero waing magkaka-fez. iba-iba talaga ng postura pati ng itch, azzin itchura. eh sa sims, ganu mo man iba-ibahin yung featuraka ng fezlak, ang ending eh magkakamukha pa din yung mga chuvahness, iba-iba lang ng herlalet.

eh naisip ko din na kung yung mga adiktus na scientist e naniniwala na sa dinami-dami ng planets tsaka stars sa kalangitan e malamang havs ng jisa don o duwachi o 10 kiyaw na planetang may nabubuhay na tao, e malamang-lamang lang, sa dinami-dami ng lulurki dito sa MRT e havs naman siguro kahit jisaers na nakatadhana para gawin kong boytoy ahihihihi pwede rin 10 kiyaw, di naman akiz gano ka-choozy.

kung yung iba, na-realize nila na yung hinahanap nila e nasa harapan na nila, yung akin asa likuran ko lang pala.

hindi ko na makuhang lumingon sa kanya. hindi ko na nga makuhang mag-isip. pano ba naman? lahat ng dugo ni atashi, wit na makaabot sa utak-chenelyn. na stuck na sa pagitan ng mga hita kez ahihhihihihi comatose ang bakla mula bewang pababa. eksenang water-water. kakaloka! nag moist talaga! ahihihihi!!!

super kiskis naman kasi yung otoko sa wetpaks ni atashi. swear. sumpa man itu. kung huminto yung tren tapos silent night lahat, maririnig mo kong humalinghing na parang haponessa sa porno. kung nakapanood ka non, alam mo yung tinutukoy ko.

para tuloy akong pussycat doll non na nakahawak sa posteng bakal habang yung otoko-san eh humihinga sa batok ni atashi-wa. wit naman siya bad breath. wa naman tong jinjee, in fairview. malamig yung hinga niya. tsaka amoy stork pa.

mula ayala station hanggang ortigas, damang-dama ni atashi, e pumuputok yung shontolon niya, pumuputok na rin shontolon ko habang pinu-putok yung mga nakapaligid samin. kadiri na to!?!?! pero parang mawi-wili ako hehehe

bumaba yung ohmbalu sa ortigas station at yung tanging nagawa ko e yung sundan na lang siya ng tingin. haaaaay ... lagi na lang ganito. lagi na lang naiiwan kasama ng mga pawisan.

wit na akiz nag-follow da lider sa lulurki. deadma na lang siguro. kung meant por each oder kami, magkikita't magkikita kami uli. sana sa bus naman.

pinanuod ko siya maglakad papalayo. aba, may itsura nga. may ngiti pa konti, na feeling ko lang e gawa-gawa ko na lang. naka-sight din siya sa lola mo e. naglalakad pa paatras. don akiz nagsimulang magduda na lumalaklak siya ng arthro, nakakapagpalakas ng tuhod pero paatras na lakad mo nyahahahaha

pagdating ko ng gateway, gaya ng nakagawian ko pag depress-depressan lola mo ...

wanda: miss, isang chickenjoy nga with spaghetti, yung meal. pa-large ng diet coke. extra rice. extra fries. tsaka sundae.

crew: would you like to add peach mango pie for dessert?

wanda: ano kamo? (may pagtataas ng kilay. hindi ba dessert ang sundae? LECHE!) so gusto mong palabasin na malakas akong kumain, ganon??

crew: hindi naman po ... (ngiti, ngiti, plastikadang ngiti)

wanda: sige, dagdag mo na lang sa order ko yan.

at kinuwenta na niya yung total. deadma. mayaman ako nyahahahah kaya inilabas ko yung mga andalei kez. sabi ko ...

wanda: SHET! yung wallet ko!!!

...

...

ganyan talaga buhay e. parang MRT. yung mga tao sumasakay tapos bumababa. yung iba nakikilala mo tsaka tumatatak sa buhay mo. yung iba naman dudukutan ka. PAKENSHET TALAGA!

parting words nung crew ...

crew: MA'AM, PA-VOID PO!!! (may pagtataas ng kilay at pang-iismid, nag-attitude talaga.)

14 comments:

C5 said...

Moral of the story:

Kung may wapong dumidiket,
Mag-isip ka agad kung baket;
Ano'ng meron ang tulad mong joklet?
Kapain mo ang iyong wallet!

wawa ka naman...

Simon said...

panalo ang poem mo C5... ok lang wanda, ang reyna de la karma di natutulog, dahil ang karma, alerto, beinte kwatro.!!!!

aries said...

sana sinundan mo xa, bka nahada mo pa... charing

Anonymous said...

how sad! =(

Naisip ko na kaagad simula pa lang kwento mo. Masyado ka naman yatang nakalimot sa sarili...hehehe! Anyway, buti na lang di yun saksak kutsilyo davah!? Thanks God di naman ganoon kalala nangyari. Ingat next time! Pati ba beauty card natangay?

kisses said...

kalokah! :D

ilang jolly hotdog kaya ang nabili mo sa laman ng wallet mo? heheheh

Anonymous said...

Wow! I just discovered this blog! HILARIOUS! You're a very good comic writer. I am so impressed! I suggest you compile your blogs into a book. The public deserves to discover you.:-) Keep it up!

nicci said...

sus! tawa na ko ng tawa eh sad pala ending mo :(


di bale ganda ka pa din naman :)

Dagger Deeds said...

Grabe. Naalala ko tuloy nung nanakawan ako dati. Wala namang ganyang experience. Tyenempuhan lang talaga ako.

Dark Knight said...

Ang Reyna na Ilusyunada nadukutan?? Who they? Who they? Loko un ah! Di bale pussycat ok lang yan. Meron pa next time hehehe

Anonymous said...

niyahahahaha! asan na si frida? pede ka umutang sa kaniya! sabihan mo lang siya na magpakulay ng buhok - yung burgundy para ma-highlight ang cheekbone niya! tapos ibaon mo na sa limot yung utang mo! niyahahahahah!

Anonymous said...

wanda i'm a fan and i love reading your posts, keep it up. congrats pala sa book deal in advance.

daniel palma tayona said...

hahahahaha... matae-tae ako sa katatawa. kwela ka tol wanda. i salute your kabadingan. kahit nadukutan na't lahat eh reyna pa rin ang hirit.
hahaha

boy said...

nakakaloka ang kwento mo,hahaha...rotflmao!nice blog!

Manilenyang_Praning said...

natawa talaga ko dun sa arthro!

i confess im an addict.
addicted to wanda.